Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo by Rowena Salvacion and Benjie Liwanag (DZBB)


Event Media Interview

ROWENA:  Secretary Panelo magandang hapon.

SEC. PANELO:  Good afternoon.

ROWENA:  Sir, ito lang—siguro first question is nasaan po talaga si Presidente?

BENJIE:  Oo nga eh, kasi picture lang po iyong lumalabas, Secretary.

SEC. PANELO:  Oh di nasa Davao, nasa bahay niya. Alam mo marami siya kasing mga paper works or work undone. Kaya after China ay pahinga siya and then nagtrabaho na ulit. Bukas meron na kaming Cabinet meeting, so trabaho na naman ulit.

ROWENA:  Dadalo po si Presidente doon siyempre.

SEC. PANELO:  Siyempre.

BENJIE:  Pero merong lumalabas na mga haka-haka, eh kayo na rin ang mag-react dito, na sinasabi nila nagpa-ospital daw, nagpa-doktor.

SEC. PANELO:  Ano iyon, nawawala kayo.

BENJIE:  Sir, nagpa-doctor nga po ba totoo si Pangulong Rodrigo Duterte, nagpa-ospital?

SEC. PANELO:  Hindi ko alam iyon. Ang alam ko nagkaroon siya ng migraine nung nasa China siya kaya hindi siya naka-attend ng gala at dinner.

ROWENA:  Tapos, pag-uwi po niya ng Pilipinas, was he treated?

SEC. PANELO:  Hello?

ROWENA:  Noong pong umuwi siya ng Pilipinas from China, was he treated, nag undergo ba siya ng any treatment after?

SEC. PANELO:  Hindi ko alam iyong parting iyan; wala akong balita sa kanya.

ROWENA:  Sir ito, kasi kanina po, mas mabuti na kayo na rin po ang sumagot sa mga – sabi nga ni Benjie haka-haka. Pero si Presidente po, despite iyong sinasabing nararanasan niya na madalas iyong migraine and some pain sa kanyang katawan, is he really physically fit?

SEC. PANELO:  Alam mo he is in good health, otherwise he cannot be taking that kind of punishing schedule. You noticed eh palaging madalas ang kanyang mga speaking engagement, sunod-sunod; apart from that marami siyang mga courtesy calls and private meetings. Talagang masipag, hindi mo talaga mapigilan ganoon talaga ang nature niya.

ROWENA:  Sir, contrary doon sa sinabi ninyo kasi, matapos lumabas iyong picture ni Presidente na nasa bahay nanunuod ng Netflix. May salita si Senator Antonio Trillanes IV eh, na katamaran daw iyong pinapakita ng Presidente; hindi raw po siya binabayaran ng publiko para manuod ng Netflix. Ano po ang reaction n’yo doon?

SEC. PANELO:  Alam mo iyang si Trillanes eh hindi ko na pinapatulan ang kabalbalan niyan, parang hindi na nag-iisip kung magsalita iyan. As if hindi siya nagpapahinga; as if hindi siya natutulog; as if hindi siya nanunuod ng TV. Pinapatulan n’yo kasi, kulang sa pansin iyan pinapatulan ninyo kasi.

BENJIE:  Well, isa po iyon sa statement kaya kumukuha po kami para sa balanseng pamamahayag. Anyway, ito pa, isa pa Secretary, pinag-uusapan natin iyong drug matrix, tapos kayo na mismo ang nagsabi na ito pong drug matrix—ah ouster matrix, I’m sorry ano, ay hindi pa dumaan sa berepikasyon.

SEC. PANELO:  Sino ang nagsabing hindi dumaan sa beripikasyon? Wala akong sinabing hindi; ang sinabi ko wala akong kinalaman diyan. Kaya hindi ako makapagsalita. Pero kung sa berepikasyon, ang sabi ko: si Presidente ay isang may hawak ng kapangyarihan na maraming resources at hindi iyan maglalabas ng isang bagay na hindi niya ­naba-validate. Iyon ang sinabi ko, so ibig sabihin pina-verify niya iyan.

ROWENA:  Iyon po ay categorical na sinasabi n’yo ngayon, Secretary, na verified iyong list na iyan.

SEC. PANELO:  Matagal ko nang sinabi iyon. If you will look at the transcript, nasa transcript ko iyon during my, I think April 22, news briefing.

BENJIE:  Yes, Secretary, kung verified ito, ano po ang susunod na hakbang; sasampahan ho ba ng kaso iyong mga nandoon?

SEC. PANELO:  Alam mo sinagot ko na iyon, paulit-ulit ko na ring sinagot iyan, uulitin ko na naman: Sa ngayon, iyan ang kanilang plano – it is a plan, it’s an idea for as long as they do not perform overt act that will fall within the violation under the Revised Penal Code, hahayaan na lang natin sila.

Ang mahalaga, the reason why that was revealed by the President is, one, he feels that it is his constitutional duty to inform the public. Because the people has the right to information on what is happening in the government and certainly they will be interested doon sa mga taong gustong magpabagsak ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtanggal sa Presidente.

Number two, sinasabi niya rin iyon, pinapaalam sa kanila upang malaman nila, to put them on notice na alam niya ang kanilang plano at ‘wag na nilang ituloy kasi pag tinuloy nila iyan at sila ay gumawa ng mga hakbanging labag sa batas eh talagang they will be prosecuted, iyon ang reason niya.

ROWENA:  Secretary,  kasi para mapabilang doon sa Duterte  ouster matrix, ibig sabihin may nakikita na talagang acts, di po ba na laban sa Presidente o sa administrasyon iyong mga grupo at indibidwal na kasama po doon sa matrix. Ibig sabihin naghahanap pa po ang Malacañang o ang gobyerno ng mas malalim at mas overt na action ng mga ito na direktang magpapatanggal sa Presidente bago kayo kumilos?

SEC. PANELO:  Alam mo Iha, kapag sinabi mong plano, para iyan either magpa-planning tayo, papatayin natin iyang kasama mong nagsasalita ngayon, eh hindi pa krimen iyan. Kung plano lamang, it’s not a crime to plan to kill. Ang crime lamang na plano o conspiracy pag iyang plano mo ay (communication cut).

ROWENA: Naputol si Secretary.

SEC. PANELO:  As I was saying, iyong conspiracy bago maging crime, kailangan crime to commit rebellion, crime to commit sedition, crime to commit coup e’tat. Iyon ang mga planong krimen na kaagad. Pero kung iyang plan to kill, plan to unseat the President, hindi pa crime iyon. Kaya nga sinabi ko from the very start—ano bang gagawin ninyo? Iyon ang tanong ng MPC. Wala!  Ang sabi ko sa kanila eh, we will just do our best, while they are doing their worst, iyon.

ROWENA:  Ibig pong sabihin, sa ngayon, mahigpit silang moni-monitor ng gobyerno?

SEC. PANELO:  Hindi sila mino-monitor, eh alam na eh. Alam na nga iyong kanilang plano, di pabayaan mo na silang gumalaw kung ako ang gusto nilang gawin. Pero alam ninyo, the fact na nalaman na, eh kung—kahit na lima-lima kung nagpa-plano tayo at nalaman na ng pinagpa-planuhan, bakit pa natin itutuloy, di ba. Preemptive iyon ang tawag doon.

BENJIE:  Ano po ang masasabi ninyo dahil kamakailan merong hawak na itong Department of Justice, National Bureau of Investigation ng isang lumutang na umano’y naging source  para sa video ni Bikoy. Ano po ang statement ninyo rito, Secretary?

SEC. PANELO:  Meron na rin akong statement diyan. Ang sabi natin, hahayaan natin iyong mga nag-i-imbestiga, iyong NBI, iyong mga pulis kung meron bang nako-commit na krimen iyan, di dapat tungkulin na nilang maghain ng demanda laban doon sa taong iyon.

BENJIE:  Pero di ba, may sinabi po si Pangulong Rodrigo Duterte – naalala ko po ito – na sinabi niya maghintay kayo – doon sa mga gustong magpabagsak sa kanya – dahil meron din kami na pantapat sa inyo. Ito po ay dokumento o papano po ito?

SEC. PANELO:  Iyan na nga iyon, iyong sinasabi niya na may pantapat, oh eh di binulgar niya na nga na alam niya kung sino iyong mga nagpa-plano sa kanya – iyon na yun.

BENJIE:  Secretary, maraming-maraming salamat po sa oras na ibinigay ninyo sa amin dito sa DZBB.

SEC. PANELO:  Wala pong anuman at salamat din.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource