Interview

Cabinet Report sa Teleradyo – COVID-19 Special hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar with Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III


[VIDEO PRESENTATION]

SEC. ANDANAR: [7:08] Araw ng mga Manggagawa ngayon pero marami pong manggagawa ang walang trabaho sa kasalukuyan dahil sa Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon. Halos dalawang buwan nang tigil-trabaho ang mga marami nating kababayan dahil extended pa ang ECQ hanggang a-kinse ng Mayo.

Hindi lang Philippine-based laborers ang nawalan ng trabaho, maging OFWs apektado rin kasi malaki ang problema ng ating Department of Labor and Employment dahil dito. Bagama’t nagka-budget para sa ayuda ay hindi naman ito naging sapat. Labing apat na araw na lang ay matatapos na ang ECQ pero may mga lugar na isasailalim sa General Community Quarantine or GCQ.

At kanina ay naglabas na ang pamahalaan ng panuntunan para sa GCQ. Ano po ba ang ibig sabihin nito? Ilang industriya lang ang puwedeng makapagbukas at hindi pa 100% ang workforce.

Kaya para bigyan po tayo nang linaw sa lahat tungkol sa GCQ at ECQ, makakausap natin via Skype or Zoom si Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III. Happy Labor Day to you, Secretary Bebot.

SEC. BELLO: Hi, Sec. Mart. Happy Labor Day! At sayang nga na sa araw ng pagpupugay sa ating mga manggagawa ay hindi man lang natin sila nakita, nayakap para batiin sila ng Happy Labor Day sa ating mga bayani sa larangan ng ating ekonomiya.

Pero having said that Sec. Martin, I’m very happy to say na kahit papaano, iyong nababanggit mo kaninang programa naming CAMP, iyong COVID-19 Adjustment Measure Program (CAMP) eh nakapagbigay na kami ng more than… almost 2 billion and we were able to provide one-time cash assistance of P5,000 to 522,855 workers. Kaya ang utang na lang namin ay para sa mga 127 workers and this will involve another 640 million. Pero nandiyan po ang pera and probably by early next week mababayaran na natin iyong 127 formal workers.

On the other hand, nabanggit mo rin Sec. Martin iyong mga informal workers; ito iyong mga self-employed kagaya ng mga sidewalk vendors, mga tricycle drivers, mga labandera, mga manikyurista, mga barbero. Mayroon tayong tina-target by 1 billion man lang sana ang ating budget diyan, and on the basis of this budget nakapagbigay na po kami ng 993 million sa 313,700 na informal workers. At mayroon pang 59,000 workers na bibigyan namin and this will involve 153 million. After that, papasok na po ang DSWD na siyang naatasan na magbibigay ng tulong sa ating mga informal workers.

Now going to—iyong ating pinakabayani, tunay na bayani, ang mga OFW. Alam mo naman Sec. Mart, nagbigay ang Pangulong Duterte ng 1.5 billion para sa mga OFW. Kasi ang estimate kasi namin, we are talking of 150,000 OFWs who will be displaced because of COVID-19, maraming nawawalan ng trabaho. At kung hindi man mawalan ng trabaho, hindi naman makatrabaho dahil naka-lock in sila. So iyon, we have to give them assistance, cash assistance of 200 dollars or its peso equivalent of P10,000.

Sa ngayon alam mo ang problema namin dito Sec. Martin ano, we were expecting 150,000 OFW, pero ang nag-apply more than 300,000 na, doble sa aming estimate. Pero anyway, hindi naman namin proproblemahin iyan dahil sa ngayon ang na-approve pa lamang doon sa nag-apply ay almost mga 75,000 pa lamang, so within the range pa. And of the 75,000 na na-approve namin, nabayaran na namin iyong 45,000 OFWs. Nabayaran na namin so we were able to disburse 458 million at kailangan pang gastusin namin, na mga 1.1 billion para sa ating mga OFWs. ‘Ayun po ang aming ginagawa para sa ating manggagawa, both our local and our overseas workers.

Pero alam mo Sec. Martin, ang worry namin is iyong tinatawag namin post-COVID-19. Ano bang mangyayari after nitong COVID-19 na ito? In preparation for that Sec. Martin, naglunsad kami or we are planning; nag-brainstorm kami ng mga senior officials of the Department of Labor and Employment to come up with a post-COVID-19 recovery plan. And ang aming napag-usapan at napagkasunduan na mangyari na ang mangyari, tiyakin natin na ang ating manggagawa ay magkakaroon ng trabaho.

They must have work, mayroon dapat silang trabaho at all cost. Iyon ang priority namin, huwag muna namin pag-usapan ang security of tenure. Huwag muna namin pag-usapan iyong kung magkano ang sasahurin. Ang mahalaga, may trabaho. That is why we are coming up with a new concept of employment, ito iyong Barangay Emergency Employment Program that will be—mabibigyan lang iyong paborito ni Senador Bong Go, iyong Balik Probinsya ‘no.

Under this program, we will require at we will request, Sec. Martin, iyong ating mga kontratista, iyong may mga kontrata with the Department of Public Works and Highways, mayroon silang kontrata sa iba’t ibang probinsya, sa iba’t ibang baryo.

Ang sasabihin namin at pakikiusap namin kay Secretary Mark Villar ng DPWH na kung maari lahat iyong mga kontratista na mayroong kontrata with the government, iyong pagpapatayo ng mga buildings, pagpapatayo ng mga tulay, pagpapagawa ng mga highways, kakausapin natin sila na dagdagan nila iyong kanilang workforce by at least 10 to 20 percent; 50% of which ay ibibigay sa mga nandito sa Maynila na walang trabaho at walang matirhan.

Pauwiin na natin sila at doon na sila sa probinsya magtrabaho at doon na sila tumira. Bibigyan natin sila ng tirahan, bibigyan natin ng lupa, at importante sa lahat bibigyan natin sila ng trabaho. ‘Ayun po ang programa ng BEEP, Barangay Emergency Employment Program.

At maliban diyan Sec. Martin, ito pa ang isang problema natin, itong pinag-usapan namin ni Secretary Mon Lopez ng Department of Trade and Industry. Kasi pagkatapos nitong COVID ha, magbabalikan ang mga workers, ang mga empleyado magbabalikan sa opisina. Aba ‘pag sila’y bumalik, tiyakin natin, we have to make sure that all the workplaces of our workers are not only clean but they should be safe. Kailangang COVID-free iyan, kailangan hindi contaminated ng COVID-19, that is why we will hire at least for the start, 5,000 newly graduate or newly board passer na nurses.

Five thousand of them iyong mga taga-probinsya na nasa Maynila. Pauwiin na natin iyong mga nurses, uuwi sila sa mga bayan-bayan nila at mag-inspect sila ng mga workplaces at tiyakin nila na iyong mga workplaces na iyan ay hindi lamang malinis kundi safe, safe from contamination or safe from COVID-19. Iyan po, pero hindi kaya ng mga nurses iyan na mag-iisa sila, kailangan mayroon silang assistant and this is where we partnered with the TESDA at magti-train sila ng mga nursing assistants at 3 per nurse, so another 3 – 3 times 5 plus 15,000 assistant nurses – that will generate employment para sa ating mga kababayan dito ngayon sa probinsya.

Huwag na dito sa Manila dahil overcrowded na tayo dito, 12 million for a very small area like Metro Manila. Kailangang-kailangan natin na mapauwi na sila, dito na sila sa iba’t ibang barangay, iba’t ibang bayan, ng iba’t ibang region at probinsya. Iyon po Sec. Martin ang programa namin, ready, stable work for our workers. Iyon po ang ating maihahandog sa ating mga manggagawa sa panahon ng Happy Labor Day.

SEC. ANDANAR: Kamakailan din Secretary Bebot ay maraming OFW at seafarers ang umuwi dahil sa kawalan ng trabaho. Higit 40,000 ang narito na ngayon sa bansa, ang iba nama’y nakauwi na sa kanilang pamilya pero marami pa ang naipit dito sa Metro Manila dahil sa ECQ. Ang mga bagong dating naman ay naka-quarantine pa. Wala pang kasiguraduhan kung kailan sila makakasampa uli sa barko o makakalabas ng bansa para makapagtrabaho.

Ang tanong nila ay, kailan o kung may maaasahan silang ayuda bukod sa sampung libong piso na one-time assistance at paano ang kanilang kabuhayan? May puwede ba silang pasukan ng trabaho?

SEC. BELLO: Doon sa mga sea-based Sec. Martin, hindi problema iyan dahil kausap natin iyong mga manning agencies and they have assured us na lahat iyong mga sea-based workers nila lalung-lalo na iyong mga nasa cruise ship, ‘pag nawala na itong COVID sabi nila, they have to rehire them again. Kailangang-kailangan nila iyong ating mga crew members ng mga cruise ship kaya hindi problema.

But in the meantime na nandito sila, mayroon silang Reintegration Program from OWWA. Puwede silang umutang at magkaroon ng livelihood kung gusto nila, or they can go to TESDA at the expense of OWWA and be reskilled or retooled para sa ganoon makakita sila ng alternative employment. So iyon po ang ating mga programa sa kanila, at mayroon pang scholarship para sa mga OFW lalung-lalo na iyong mga land-based, bibigyan natin sila ng mga scholarship, iyong mga anak nila para nang sa ganoon matitiyak nila ang kinabukasan ng mga anak nila.

But more important than that, lalung-lalo na iyong mga household service workers, mayroong livelihood assistance from OWWA. ‘Ayun ang aming naka-ready’ng program para sa ating mga OFWs. Aside from iyong cash assistance of P10,000 kung nandito sila or 200 dollars kung nandoon pa sila sa ibang bansa.

SEC. ANDANAR: And speaking of OWWA, gaano kabilis ang tulong na ibinibigay ng OWWA sa mga naka-quarantine at kumusta na ang planong pagpapauwi sa kanila sa mga probinsya?

SEC. BELLO: Alam mo Sec. Martin, under the protocol ng Inter-Agency Task Force, ‘pag umuwi ka dito, agad-agad you undergo iyong 14-day quarantine. Kita mo naman, punung-puno na ang hotel ni Secretary Berna, punung-puno na that’s why mayroon na tayong barkong ginagamit as quarantine facilities. Pero iyon, habang kinu-quarantine sila, iyong accommodation nila, iyong transportation nila, iyong food nila, medicine nila, all taken cared of by the manning agencies or iyong mga recruitment agencies. Pero kung hindi kaya ng mga agencies, papasok na po diyan ang OWWA sa pagtulong sa kanila.

SEC. ANDANAR: Kumusta naman po iyong mga OFW na nasa ibang bansa na nawalan ng trabaho, mayroong AKAP. Lahat ba ay mabibigyan o makaka-avail noong AKAP?

SEC. BELLO: Iyong cash assistance Sec. Martin—

SEC. ANDANAR: Oo, iyong 200 dollars.

SEC. BELLO: 200 dollars, that is available to all OFWs who lost their job because of COVID-19. Or even if they did not lose their job, if they cannot go to work because of COVID-19, naka-lock in sila, no-work, no pay, they will still be given, iyong cash assistance of 200 dollars. At mayroon din iyong mga kababayan natin na papunta na sila sa abroad for their deployment, inabutan sila ng quarantine, hindi nakalipad, they will also be entitled to a cash assistance of P10,000. Iyan po ang ating mga tulong sa ating mga bagong bayani.

SEC. ANDANAR: At kung saka-sakaling tumagal pa ang problema natin sa COVID-19 at hindi pa makakabalik sa normal itong labor industry, ano po ba ang ating long term solution?

SEC. BELLO: Well the long term solution is really to look for alternative employment for our OFWs. Hindi naman mahirap hanapan sila eh, hindi mahirap hanapan lalung-lalo na iyong mga skilled workers natin, iyong mga nurses natin. Hindi ba kailan lang Sec. Martin matandaan mo, nagkaroon tayo ng resolution giving exemption itong mga nurses and medical workers na bagama’t may deployment ban pero may request na magpapadala tayo? Ilang libo ang hinihingi nila, so iyong mga nurses natin hindi problema iyan. Iyong mga skilled workers lalung-lalo na doon sa mga nasa oil field, they are the best trained construction workers, kaya hindi problema.

Ang problema lang natin, iyong mga household service workers dahil alam mo pag-uwi nila, mahihirapan tayong maghanap ng alternative employment. Pero iyon ang kagandahan ng Reintegration Program ng OWWA, they will be provided with livelihood assistance—

SEC. ANDANAR: Iyong nabanggit Sec. Bebot na 55 billion pesos budget para sa programa sa pagkuha ng mga nurse at sa implementation ng occupational and safety measures, ito po ba ay feasible pa?

SEC. BELLO: Ano iyong 55 billion?

SEC. ANDANAR: 55 billion-peso budget para sa programang pagkuha ng mga nurse at sa implementation ng occupational and safety measures. Ito po ba sa panahong ito ay feasible pa na humaba na iyong Enhanced Community Quarantine? I understand na marami na sa pondo ay na-realign.

SEC. BELLO: Na-realign na lahat iyon Sec. Mart, na-realign na. Ang naiwan lang muna itong 1.5 billion na tulong sa ating mga OFW. Iyon namang mga nurses natin hindi problema Sec. Mart eh, they are the most sought-after nurses in the world. Hanggang ngayon nagpa-follow up ang United Kingdom, hanggang ngayon naghahanap ang Germany, France, Middle East; diyan lang sa Kuwait nagpadala sila—no, Saudi Arabia, nagpadala ng walong eroplano para sunduin iyong ating mga nurses. Ganoon ka-sought-after ang ating mga nurses. They are dependable, competent and iyong kanilang integrity is beyond reproach kaya they are the most sought-after nurses and medical throughout the world.

SEC. ANDANAR: Panghuling tanong na lang po Secretary Bebot Bello. Paano natin dapat turuan ang ating sarili para sa magiging new normal?

SEC. BELLO: Well unang-una, paghandaan natin iyong tinatawag na mga bagong protocol. Unang-una, first of all huwag nating kalimutan the best way to fight COVID-19, is stay home. Stay home lang, even if it is a Modified Community Quarantine or Enhanced or General, ang mahalaga diyan is stay home so that when the COVID-19 disappears, we are all in the best of health to resume work. And I’m sure that as we are planning, there will be work to be done and the work that will be done will be safe and healthy. Iyan ang ating pinaghahandaang normal life for our workers, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Once again Secretary Bebot Bello, speaking of COVID-19, kami po’y taus-pusong nakikiramay sa inyong pamilya sa pagpanaw po ng iyong kapatid dahil po sa COVID-19 and I am pretty certain that you are still grieving right now.

SEC. BELLO: Maraming salamat Sec. Martin, alam mo naman sinabi ko publicly iyan that my sister, Catherine was my favorite sister. She is the first of the ten to depart, sampu kami Sec. Martin and I least expected to leave ahead would be my sister. Sumusunod kasi iyan sa akin Sec. Martin eh, kaya bata pa kami magkasama na kami niyan up to this time. So I will miss her pero sabi nga nila, God’s will be done.

What is important ay ituloy natin ang ating mga adhikain and we have to continue our work and that is to handle, take care of our labor forces because they are the movers of our Philippine economy.

Thank you again Sec. Martin and Happy Labor Day.

SEC. ANDANAR: Thank you so much, Secretary Bebot Bello. Mabuhay ka at mabuhay po ang Department of Labor and Employment at lahat po ng mga manggagawa. Magandang gabi po sa inyong lahat.

SEC. BELLO: Thank you, Sec. Mart. Thank you very much.

SEC. ANDANAR: Napakahalaga ng ahensya ni Secretary Bebot Bello sa muling pagbabalik-trabaho pagkatapos ng ECQ. Mayroon kasing mga masaya dahil muli nang kikita pero marami pa rin ang patuloy ang kalbaryo dahil hindi pa puwedeng magbukas ang kanilang kumpanya. Pero kung tayo po ay patuloy na makikiisa at susunod sa panuntunan ng pamahalaan kontra COVID-19 ay maaaring maaga tayong makabalik sa normal o anuman ang sinasabing magiging new normal. Patuloy pa rin tayong magdasal na matapos ang pandemic.

Ito po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar na nag-iiwan ng isang magandang gabi at manatili po tayong ligtas sa anumang sakit.

 

###

Source: PCOO-NIB News and Information Bureau-Data Processing Center