Interview

Cabinet Report sa Teleradyo – COVID-19 Special hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar with Commission on Higher Education Chairman Prospero ‘Popoy’ de Vera and Pasig Congressman Roman Romulo


ANDANAR: Pilipinas, magandang gabi. Welcome to another edition of Cabinet Report. Tonight, we will talk about the scheduled opening of classes this August.

Maraming mga kuro-kuro tungkol sa usaping ito, maging ang Pangulo na mismo nagsalita na tungkol dito. [VTR of President Duterte]

At ngayong linggo sa Network Briefing, sinigundahan siya ni Iloilo Governor Art Defensor Jr. [VTR of Gov. Defensor, Jr.]

Pero ngayong gabi, hindi natin pag-uusapan kung dapat ba itong magbukas sa Agosto o hindi, kundi ang pag-uusapan natin ay ang pagbabago ng anyo at ng karanasan ng pag-aaral dahil gustuhin man natin o hindi, mukha talagang magkakaroon ng pagbabago. Ang tanong lang ay kung gaano kalawak at gaano kabilis ipatupad ang mga napipintong pagbabago. Ito na nga ay isa sa mga pagbabagong kasama na sa tinatawag nating ‘new normal’.

In this episode of Cabinet Report, we take a step back to find out more about the new educational paradigms we will like have to embrace, those of distance or open education specifically for higher education. We will also discuss the new skill sets and knowledge that may be needed as we face life post quarantine.

Pero bago ang lahat, alamin muna natin nang mas maigi ang estado ng higher education dito sa ating bansa. Magsimula muna tayo sa Commission on Higher Education, ang sangay ng pamahalaan na nangangasiwa dito ay ang Office of the President. Itinatag ito noong May 1994 sa bisa ng Republic Act 7722 o ang Higher Education Act of 1994. Layunin nito na palakasin ang kalidad ng higher education.

The Commission on Higher Education or CHEd has jurisdiction over the higher education institutions, state universities and colleges, kabilang na rito ang malalaking eskuwelahan sa bansa gaya ng San Beda College, University of the Philippines, Ateneo De Manila, De La Salle University, ABE International Business College at marami pang iba. Ayon din sa Komisyon, mahigit 3.2 million students ang naka-enroll sa public at private schools noong nakaraang taon.

Here’s a breakdown of what our students are taking. Nangunguna rito ang Business Administration and related courses, sinundan ng Education and teacher training, pumangatlo ang engineering courses at sumunod ang information technology.

Ang distance at open education ay hindi na bago sa Pilipinas, nagsimula itong umusbong noong 1995. Sa katunayan, ito ay binubuo ng higher education institutions na nasa 2,393 na eskuwelahan na nag-aalok nito tulad na lang ng University of the Philippines, AMA University Online Education, Polytechnic University of the Philippines at marami pang iba. Halimbawa sa PUP noong 2018, taun-taon ay nasa dalawanlibo ang bilang na naka-enroll sa kanila sa mga distance at open education programs, 258 naman ang mga nagtapos sa mga kurso tulad ng Bachelor in Broadcast Communication at Bachelor of Science in Entrepreneurship. Samakatuwid, masasabi nating proven na rin ang distance and open education para sa ilan.

Ang tanong: Handa na ba ang lahat para dito?

Upang tulungan tayong maintindihan ang konsepto ng mga alternative learning systems tulad ng open and distance education, makakasama natin ngayong gabi ang Chairman ng Commission on Higher Education, si Chairman Prospero ‘Popoy’ de Vera; kasama din po natin ang taong maituturing na ama ng distance and open education dahil siya ang may akda ng Open Distance Learning Act at ng Ladderized Education Act, si Pasig Congressman Roman Romulo.

SEC. ANDANAR: Good evening, Pasig Congressman Roman Romulo and CHEd Chairman Prospero de Vera.

CONG. ROMULO: Magandang gabi, Secretary Martin. Chairman de Vera, magandang gabi rin at sa lahat ng nanonood at nakikinig, magandang gabi po sa ating lahat.

CHAIR DE VERA: Good evening, Sec. Martin. Good evening, Congressman Romulo. Good evening to everyone.

SEC. ANDANAR: I think it’s given already that we won’t have classes this coming school year as we knew it, iyong face-to-face and we have to look at a new educational paradigm. So let’s start off with what’s out there. What are the alternative modes to face-to-face classroom learning?

First kay Congressman Romulo. Congressman, when you wrote the Online Distance Education Act, what modes did you come across and what are the pros and the cons of each?

CONG. ROMULO: Well unang-una Martin ano and I’m sure familiar si Chairman de Vera dito, noong sinulat po natin iyong Open Distance Learning Act for Tertiary Education, ang target po natin talaga diyan was, hindi naman itong mga pagkakataon na mayroon tayong COVID-19. Iyan talaga, iyong target po niyan ay iyong marami ho tayong mga kababayan na iyong sitwasyon ho kailangan magtrabaho nang maaga. Kahit gusto po nilang magkolehiyo, mag-aral eh talagang dala ng pangangailangan kailangan agad na magtrabaho.

Iyon talaga po ‘yung na-envision noon kaya kung titingnan po ninyo iyong distance learning po lalo na iyong sa tertiary ay siguro pati iyon ay medyo maba-vary po iyan para sa ating K-12 kasi hindi talaga pupuwedeng buong-buo iyon ang sistemang gagamitin. Kasi nagdeklara na po si Pangulong Duterte, sinabi na ni Pangulong Duterte walang face-to-face until may vaccine.

Eh ito ngang mga distance learning po natin na ito, iyong assessment po niya ay kailangan kahit papaano magkaroon ng mga face-to-face kaya iyon po ‘yung medyo magkaka-variation. Pero tama po, iyan iyong isang alternative na lagi nating sinasabi at pinag-aaralan naman po ng DepEd kasama ang DICT.

Pero alam natin Sec. Martin, ‘pag pinag-usapan ang online, basically kaagad tatlo ang problema o challenges natin diyan. Iyong una, iyong Wi-Fi; maaring may Wi-Fi kahit sa Metro Manila pero marami weak ang signal. Pangalawa, karamihan ng ating estudyante lalo na sa pampublikong paaralan, wala naman pong gadget kaya mahirap din ang online. Pangatlo po at siguro pinakaimportante at kanina ho masaya po ako noong Committee Hearing namin kasama namin si Sec. Martin, napag-usapan po iyong content.

Ito po napakaimportante na ma-develop kaagad iyong content dahil ito po talaga iyong—ito iyong ‘meat’ noong maituturo po sa ating mga kabataan during this period na ayaw natin na magkaroon ng face-to-face o iyong traditional setting noong classroom.

Sec. Martin, alam ko marami ring sasabihin si Chairman de Vera pero buuin ko na po ano, nandoon naman kayo noong Committee Hearing Sec. Martin, ang proposal natin online; pangalawa TV and radio.

Pero alam din po natin at perfect po ito Sec. Martin na habang dini-develop ninyo na po itong TV at radio, iyong shortcoming naman noong TV at radio, walang feedback. ‘Di ba kasi magtuturo ka, hindi natin alam kung effective iyong pagtuturo natin. Siguro kailangan maka-devise rin ng way o ng paraan para medyo may konting feedback ‘pag radio or TV ang ginamit natin.

At iyong pangatlo po at masaya ako, nabasa ko po ngayong gabi na ang DepEd po ay mukhang na-adopt na rin iyon. Noong nasa hearing po tayo kung maalala ninyo Sec. Martin, sinuggest ko as the third mode ay iyong physical delivery noong mga textbooks at learning materials, bahay-bahayin na po natin para kung hindi man maabot ng online, hindi man maabot noong radio or TV, sigurado natin ay mayroon silang nababasa na pag-aaralan.

So siguro ito iyong—basically po ito iyong mga alternative modes na ating prinopose sa DepEd at nakita naman natin gumagalaw naman po iyon.

SEC. ANDANAR: Chairman de Vera, anything to add to that?

CHAIR DE VERA: Yeah. Sec. Martin iyong concern ng Presidente, that has always been the concern of CHEd from the very start. That’s why CHEd proposed a resolution in the IATF which was adopted, saying there will be no face-to-face or in-person classes until quarantine exists. That was adopted by the IATF more than a month ago. So talagang under the new normal, there should be no face-to-face or in-person classes the way we used to do it, that was number one.

Number two, I also told the IATF that the policies on K-12 must be different from the policies in higher ed. Because first, by the sheer number of students who are returning, we have about 28 – 29 million students coming back to K-12 versus a little less than 3 million in higher ed. So the challenge of bringing them back is really more daunting for DepEd and CHEd ‘no, that’s the second reason.

And the second reason is, many higher education institutions already have a history of doing open distance learning especially the big universities – Ateneo, La Salle, UST, UP.

And because of Congressman Romulo’s championing the Open Distance Learning Law, so much has been done already. So the ability of higher education institutions to be flexible is already advanced.

That is the reason why the policy that CHEd proposes is flexible learning; which means the universities that already can do pure online learning, they can open the semester even by June, they can open it because there is no problem of COVID.

Those who are going to do flexible learning, they open in August. Those who will have significant face-to-face or residential, they must open later. That is the policy of opening classes that we adopted to the IATF.

So that is the direction of higher education institutions ‘no, some of them have very good capability, some of them have the—you know, acceptable capability because as Congressman Romulo said, the connectivity issue has to be considered [garbled]. And in many areas where connectivity is [garbled] a combination of online and offline learning and face-to-face and outside the classroom learning. They have to [garbled] depending on what the students need, where they are located, the connectivity issue, the capability of teachers. So iba iyong—iba kasi iyong development sa higher ed eh compared to K-12.

SEC. ANDANAR: Mahigit limang taon na po Congressman nang maisabatas itong RA 10650 o Open Distance Learning Act. What were you hoping to accomplish then when you introduced the bill? And I guess the follow up question to this, are you satisfied sa implementasyon nito?

CONG. ROMULO: Well, ang layunin po natin noong panahon na iyon kaya natin talagang pinilit na maipasa itong Open Distance Learning Act ay gusto po natin na magkaroon ng pagkakataon iyong ating mga kapwa Pilipino na gustong mag-aral ng college, gustong magka-degree ng kolehiyo para mas maganda iyong pagkakataon para sa kanila, pero pagkatapos po nila mag-high school, dala ng sitwasyon/pangangailangan, kailangan nang magtrabaho.

Eh hindi naman talaga maipagsasabay po iyong trabaho at pagpasok, kaya sabi natin magandang may open distance learning para kahit nagtatrabaho sila ay kaya pa rin nilang makakuha ng college degree. Ngayon kung how successful it is now, siguro si Chairman de Vera ang makakapagsabi sa at since then hindi pa natin nakikita iyong datos noong enrollees natin. At that time kasi po ang talagang tinutukan din natin, ang UP Open University at saka iyong PUP, kasi sa pampublikong paaralan, iyan po iyong dalawang na naging pioneer at talagang sila iyong leaders noon dito sa Open University, iyong mga open distance learning.

SEC. ANDANAR:  Chairman De Vera, have we as a country realized the potential of the law?

CHAIRMAN DE VERA:  Well, it’s unfortunate that (garbled) forced us to realize that we have to invest in open distance education. We are far behind our ASEAN neighbors. (garbled) students enrolled in open distance learning. In India it was 1 (garbled) billion students (garbled) enrolled in these universities.

So we should have done it earlier, we should have started aggressively (garbled) Congressman Romulo championed the Open Distance Learning law. Because it was easier to do the regular residential eh. (garbled) their investments were not put in technology, investments was not within connectivity and now we are scrambling to catch up. That is the situation in the Philippines. So we wish that we did more and now the challenge for us is how do we rapidly do it so that we can maximize the opportunities of open distance learning.

SEC. ANDANAR:  Mukhang sa darating na school year, eh talagang kakailanganin natin ang mga alternative learning approach. Kung gaano kalawak ang implementasyon dito ay di pa siguro talaga natin masasabi. Ang tanong po ay alin sa mga ito ang pinaka-practicable, doable o kayang gawin ng kasalukuyang konsepto ng Pilipinas? Chair De Vera magsimula tayo sa iyo.

CHAIRMAN DE VERA:  Ang ginagawa ng mga higher education institutions ngayon at tinutulungan sila ng CHED ay unang-una is public iyong kanilang learning management system. Because you have to put in place the learning management system so there’s a system for the students, the faculty and administration to connect and interact even if they are outside the classroom. And there is already a lot of those free software and also propriety software like canvass and blackboard, free software like Google and these are not being done by the universities.

The big and good universities are way ahead, they (garbled) been announced last week, that starting July, they will offer 20-degree program purely online. So there are universities that are way ahead Mapua, Ateneo, UST. What we are concerned with are the smaller universities that needs to catch up, because they did not invest as much effort.

So, unang-una, kailangan may learning management system na. Ikalawa, kailangan may content iyong learning management system. And there is a lot of content available in any (garbled) programs available either free online or you buy it or you develop it.

The University of the Philippines has its TVUP that have already had video materials that they can share. And then once there is content, you have to train the teachers and that is the most challenging — how do you train the teachers to start using flexible learning; how they adjust their syllabus, so that the same learning outcomes is achieved but the delivery mode is different, some will go purely online, shall will go off line, some will deliver learning pockets to be given to students so they can do their own and they don’t have to regularly go to school.

That is the biggest challenge: how do you train the teachers. I am not so concerned with the students, because our students are very technologically competent, they can catch up; but the teachers are a problem and of course connectivity is a problem.

SEC. ANDANAR:  Your thoughts, Congressman?

REP. ROMULO:  Sec. Martin, kanina hindi ko nabanggit, a perfect opportunity ito dahil isa po kayo sa champions ng OFWs nga pala di ba.

Sec. Martin, in fact, isa sa ating target market po noong ipinasa natin itong Open Distance Learning Act was also our OFWs. Iyong mga nag-abroad na po para makatulong sa pamilya nila, pero habang nandodoon po sila, nakita po nila iyong opportunities nila na makakuha ng mas magandang trabaho pa o mag advance sa trabaho nila ay depende po kung mayroon silang college degree, masteral degree. Iyon po iyong isa na talagang objectives noong Open Distance Learning for tertiary education para makatulong rin sa ating mga OFWs.

Pangalawa, Sec. Martin bago ako dumiretso sa sagot. Sabi nga kanina ni Chairman De Vera dapat ibahin po natin talaga ang sitwasyon ng ating mga colleges and universities at iyong mga ating paaralan na nasa K to 12. By the sheer number lang po, sa dami ng estudyante sa K to 12 at siguro sa—marami naman, 3 million pa rin po iyon. Pero iyong numero talaga sa K to 12 medyo malaki, kaya dapat talaga medyo ibang set of rules.

Sa tanong po ninyo, ano ang alternative na maganda? Sa totoo po, sa ngayon, ako ang sinasabi ko nga sa DepEd, siguro po kailangan natin kahit papaano depende sa siyudad, depende sa region gamitin natin iyong tatlong nabanggit ko — kung may iba pang paraan na alternative maganda rin po iyon—iyong mga online na malakas naman ang Wi-Fi, iyong local government o iyong national government kayang magbigay ng tablets sa mga estudyante, maayos po basta may content na, may module, tama po na gamitin natin iyong virtual 0 online.

Pero papaano po kung wala talagang Wi-Fi doon sa lugar na iyon. Ang puwede nating pangalawang gamitin po talaga TV at radio, hanapan na lang po ng feedback system. Ano ang feedback system ang puwedeng gamitin diyan. In fact po, puwede tayong makiusap sa mga cell providers natin para pupuwedeng mag-feedback ang estudyante, iyong mga sagot kung naiintindihan po nila iyong mga tinuturo sa TV or radio.

Alam ko medyo magaspang iyong suggestion na iyon, but we can improve on that.

Pero sa mga walang online, sa mga lugar na walang online, walang Wi-Fi. Sa mga lugar na medyo mahirap rin abutin po noong TV or radio, kahit kayang abutin ay hindi naman kaya ng feedback system, siguro po iyon ang mga lugar na mag-deliver tayo ng mga physical na mga textbook learning materials. At doon po tayo humanap naman ng pagkakataon na makapag-ikot tayo sa mga estudyante doon. Siguro low risk naman iyong mga areas na iba para makita natin kung effective. Pero talagang it has to be a combination po, a combination of all these alternative methods.

Maganda po alam ko, inaasahan po ninyo, sabihin natin na mayroong isang silver bullet o mayroong isang one size fits all, pero hindi naman po talaga tayo preparado sa nangyaring sitwasyon ng COVID-19. Matagal na tayong may mga open distance learning laws, pero hindi natin talaga na-push ito.

Sabi nga po nila, kapag may krisis na ganito, ito po ang pagkakataon rin na ma-implement at maayos natin iyong mga dapat nating ginawang matagal na. Kaya dapat we should look that way, let’s blend po, let’s use a combination po of the various alternative systems para may effective lang po tayong education na maparating sa mga bahay ng mga mag-aaral natin.

SEC. ANDANAR:   Let’s move to a different topic gentlemen. Congressman you also authored the Ladderized Education Act. Tell us what the idea behind this bill was?      

REP. ROMULO:  Well, iyong idea namang noong Ladderized Education Law was basically po was… kasi mayroon tayong mga kababayan na again po, hindi nakapag-formal schooling, pero dumaan po sila—dahil kailangang magtrabaho, dumaan po sila sa mga iba-ibang tech voc na mga courses or classes. Gusto po natin sana nagkaroon po sana ng tinatawag na parang comparison na iyong skills na natutunan nila is equivalent to a certain number of units in a subject, para pupuwede na pong i-offset iyon makadiretso na po sila sa next level sa kolehiyo.

Hindi po nila dapat madaanan po—o kaya nasa kolehiyo, kumuha na po sila sa TESDA natin ng mga courses na sabihin natin na maihahambing natin sa engineering, eh siguro naman po iyong skills na nakuha nila sa TESDA ay sapat na po iyon para may katumbas na mga units o subjects para mabawasan din naman iyong taon nila sa kolehiyo o universities at hindi na sila mahirapan masyado dahil may skill sets na naman silang nakuha dahil nakapag-tech voc naman sila.

SEC. ANDANAR:    Kumusta naman Chairman De Vera ang implementation nito at ano na ang mga na-accomplish natin dahil dito 

CHAIR DE VERA: Ang isang naidagdag recently [garbled] mga batas on the Philippines Qualifications Framework, ito iyong framework na pinagdudugtong niya iyong TVET hanggang higher ed. Ito iyong PQF levels 1 to 4, ang TVET [Technical and Vocational Education and Training]; iyong 6, 7, 8 ay CHEd, undergraduate, graduate hanggang PhD; and then iyong level 5 ay pagtutulungan ng CHEd saka TESDA.

So ngayon kung papasok ka sa isang university for example, after 1 year or 2 years puwede ka nang kumuha noong National Certificate ng TESDA. Mayroon kang option to go directly, get your credentials and work, it works both ways. Mayroon ding mga training programs ang TESDA na ginagawang equivalent ito doon sa Philippines Qualifications Framework para puwede mong i-pursue iyong degree program. So it works both ways – from formal to TVET; from TVET to the formal system.

That is already working in some degree programs, hindi pa natin nakumpleto iyong ibang degree programs pero may mga degree programs na puwede ka nang lumabas at pumasok from TVET to higher ed ‘no, so that is the achievement ‘no.

Iyong isa pa, mayroon tayong noong tinatawag na ETEEAP [Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program] law, ito iyong puwede mong tapusin ‘yung iyong degree program na mag-e-enroll ka doon sa mga university na may ETEEAP program at iki-credit ‘yung iyong experience.

So ito iyong mga nag-aral tapos tumigil, nagtrabaho na. Ito iyong parang equivalent ng ALS sa K-12, ETEEAP ito sa higher ed. So mayroon tayong mga universities na puwede mong matapos ang undergrad program mo at bumalik ka at i-credit ‘yung iyong nakuhang trabaho, iyong experience mo para makakuha ka ng iyong degree. So iyan iyong pinagtutulungan ng TESDA at saka CHEd, iyong sa Philippines Qualifications Framework at iyong ETEEAP na itinutulak ng CHEd na palawakin.

SEC. ANDANAR: We are now living in the so-called ‘new normal’ and it’s obviously going to impact on teaching and learning. I supposed, it will also impact on the courses that our students will be considering. Kapag hiningan po kayo ng payo ng isang mag-aaral tungkol sa kung anong kurso ang kukunin sa panahong ito, ano ang inyong masasabi sa kanila, Congressman?

CONG. ROMULO: Well, hindi ko alam kung biased lang ako ngayon dahil talagang aaminin ko sa inyo lalo na dito sa aming siyudad, napakalaking tulong po talaga noong ating mga frontliners – iyong ating mga nurse, iyong ating mga doktor, iyong ating mga medical technicians, at siyempre po iyong mga kurso na papasok po sa research and development. Talagang siguro iyong utang na loob po natin sa ating mga frontliners ay napakalaki po, hindi lamang iyong talagang… sabihin na natin medically nakatulong sila, pero iyong psychological rin po eh, basta nalaman po natin na mayroong ospital, may doktor, may nurse doon, nakita natin… napakalaking bagay po lalo na itong mga panahon na ‘to.

Kaya kung tatanungin ninyo po ako, talagang ako eh ang sasabihin ko, ang pinaka-noble ngayon ay maging nurse, maging doktor, medical technician, maging researcher, scientist, maka-develop ka ng mga vaccine, iyan po ang siguro dapat bigyan natin talaga ng encouragement.

SEC. ANDANAR: How about you, Chairman de Vera?

CHAIR DE VERA: Ang uunahin ko Sec. Martin ay iyong mga kurso na tatamaan ng pandemic because of the economic downturn ‘no. Ang tatamaan nang masama dito iyong service sector lalo na iyong tourism, kasi baka matagalan na maka-recover ang tourism industry so iyong mga [garbled] programs, iyong service-oriented sa HRM, iyan ay walang masyadong trabaho diyan in the immediate future.

Ikalawa, iyong mga related din sa tourism industry, iyong mga cruise liners, international tourism, medyo tatamaan iyan ‘no. Ang mag-a-upswing maliban doon sa sinabi ni Congressman Romulo ay iyong mga trabaho na konektado sa social media especially selling your products online, developing alternative ways to package of products, etcetera. Kasi hindi because of technology, iyong because of social media, lilipat ang komersiyo diyan. So iyong mga [garbled] na konektado diyan, iyan ang magkakaroon ng immediate market.

Of course iyong ating technology courses, engineering, our health sciences, they will always have demand, kasi ang demand niyan hindi masyadong naapektuhan ng pandemic. Actually tumaas na ang need because of the pandemic for health related programs, so those are the programs that will move forward, demands that will be seek are the service related degree programs.

 

SEC. ANDANAR: Congressman Romulo, any parting words to the stakeholders of higher education, kasama na iyong basic education, napakadami po across the archipelago including the students, parents, teachers and their schools.

CONG. ROMULO: Salamat, Secretary Martin sa pagkakataon na ito ‘no. Sa stakeholders po ng edukasyon sa ating bansa, meaning po ang bawat Pilipino, alam naman po natin na itong COVID-19 ay wala hong may kasalanan, talagang dumating na lang po ito at global po ang problemang ito. Kaya ang hinihingi ko po sa ating lahat ng ating kababayan ay siguro magtulungan tayo, konting pag-unawa, tumulong tayo para makahanap tayo ng solusyon.

Alam po natin na mahalaga ang edukasyon sa bawat Pilipino, at dahil importante po iyan, wala namang isang tao o isang grupo ng tao na eksperto. Alam nila kung ano iyong tamang solusyon, kailangan magsama-sama po tayo dito; minsan may mga pagkakamali tayong dadaanan dito pero konting pag-unawa lang, sabihan po natin na “Congressman Romulo, mali iyong suggestion mo, dapat ganito.” Talagang magtulungan tayo kasi iisa lang naman layunin natin dito, masigurado na iyong ating kabataan ay makuha po nila iyong nararapat sa kanila, maihatid sa bahay nila, quality education.

At siyempre po Sec. Martin, samantalahin ko rin po ito lalo na sa ating mga nasa gobyerno. Dito naman po ay dapat tama rin po iyong mensahe na binibigay natin. Ang karamihan ng Pilipino po, talagang umaasa po sa bawat salita na binibitawan natin. Kailangan po siguraduhin natin complete iyong information, transparent tayo para masigurado po ng Pilipino na dito tayo patungo at hindi po sila nanghuhula kung ano ibig nating sabihin sa mga plano nating gawin.

Muli po maraming, maraming salamat Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Congressman Romulo. Chairman de Vera, ano po ang ating parting words sa ating mga stakeholders?

CHAIR DE VERA: Ang buzz word ng CHEd dito sa panahon ng COVID ay kung panahon ng krisis, ito ang panahon para magpakitang-gilas ang mga universities at colleges at ipakita na they can make a difference to their research, to their teachings. It is the time where higher education is supposed to be the bastion of innovation of knowledge and this is the time where they can show it by adopting flexible learning, by making sure that education and learning continues and to make sure that we will be able to continue the educational process with our teachers, our students and their families.

And I am confident that higher education institutions are rising up to the challenge. Ang makakasiguro po kayo ay tutulong ang Komisyon, gagawin lahat ng kailangan para maipagpatuloy natin ang pag-aaral ng ating mga bata.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Chairman de Vera.

CHAIR DE VERA: Maraming salamat din at mabuhay ka.

SEC. ANDANAR: Congressman, salamat po.

CONG. ROMULO: Yes. God bless po.

SEC. ANDANAR: Maraming pamamaraan ng pag-aaral bukod sa face-to-face classroom learning. Napag-usapan natin ang iilan kanina at ilan diyan ay ilang taon na ring ipinatutupad dito sa atin.

Bagaman sa pagharap natin sa ating new normal ay ‘di pa tiyak sa ilan kung alin nga ba ang magiging pamamaraang susundan natin. Isa ang sigurado, anuman ang pamamaraan, sabay-sabay nating pag-aaralan kung ano talaga ang magiging epektibo para sa atin.

Tayo lahat, first time sa new normal. Lahat tayo magkakaklase sa first day of school, sa bagong buhay natin. Magtulungan po tayo nang lahat tayo ay matuto at makapulot ng mga mahahalagang aral dito.

Salamat po kay Congressman Roman Romulo at CHEd Chairperson Prospero ‘Popoy’ de Vera.

Para sa Cabinet Report, ito po si Communications Secretary Martin Andanar. Pilipinas, have a restful weekend and see you again on Monday para sa Network Briefing News.

###

 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)