SEC. ANDANAR: Our episode tonight, isa sa mahahalagang issue ang ating tatalakayin ay ang komersiyo at mga consumer nito. Malaki ang naging epekto sa ating ekonomiya ng COVID-19 at ang isa sa matinding tinamaan dito ay ang business sector. Pinahinto ng pandemyang ito ng mga retail, real estate, construction, manufacturing at iba pa habang nauuwi sa temporary closure ang ibang negosyo.
Nagresulta rin ito sa pagbagsak ng Philippine Stock Exchange index sa 32% year to date na posibleng maging dahilan nang pagtaas ng mga bilihin, pag-alis ng ibang mga kumpanya at pag-angat ng unemployment rate sa ating bansa. Inaasahan rin ang pagbaba ng Gross Domestic Product ngayong 2020 nang .2% pero muli rin itong babalik sa 7% growth sa susunod na taon ayon sa Department of Finance na indikasyon na muli rin makakabangon ang Pilipinas sa krisis na dinulot ng coronavirus disease.
Ang import at export naman ay hinayaan ipagpatuloy ang operasyon sa kabila nang pagkalat ng sakit na ito para hindi rin magkaproblema sa importasyon ng health equipment at supplies. Ayon sa pag-aaral, nasa 82.1 billion hanggang 855.2 billion ang tinatayang magiging lugi ng manufacturing industry habang ang wholesale at retail ay papalo naman sa 93.2 billion hanggang 724.8 billion dahil sa COVID-19.
Habang nasa transition pa lang ang lahat matapos ang ilang buwang Enhanced Community Quarantine at ayon sa guidelines ng IATF, we can only consider the areas being under the new normal if they are no longer placed under any community quarantine.
Itong June 1 nang pinayagan magbukas muli nang dahan-dahan ang mga negosyo kahit partial operations muna. Lumabas sa assessment na ginawa ng Department of Trade and Industry na 30% lang ang bumalik na retail stores sa mga malls kaya inilatag ng gobyerno ang 120 billion credit guarantee program para mabigyan ng tulong ang mga small business na makabawi sa kanilang losses dahil sa krisis.
Sa economic outlook para maihanda ang bansa sa posibleng global recession, inihanda ng pamahalaan ang stimulus package para maprotektahan ang domestic economy.
Sa pamamagitan ng Enterprise Rehabilitation Finance Program, maaaring makatanggap ng P10,000 hanggang P200,000 pesos na loan assistance ang mga micro enterprise habang ang small and medium enterprise naman ay maaring makahiram nang hanggang P500,000 na pautang. Bukod dito, naglaan din nang higit sa 200 million subsidy para sa mga kuwalipikadong negosyante na posibleng makatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 na ayuda.
Ngayon, nasa ikalawang linggo na tayo sa ganitong sitwasyon at naka-GCQ sa Metro Manila at MGCQ naman karamihan sa mga lugar sa bansa. Napakalaki ng adjustment ngayon pagdating sa industriyang ito.
Sakaling makatawid sa GCQ at MGCQ ang mga lugar sa mga susunod na araw, mas maluwag ang restrictions, mas mataas ang exposure sa tao pero hindi ibig sabihin na hindi na tayo mag-iingat. Kailangan pa rin nating ipatupad ang minimum health protocol para makaiwas tayo sa sakit.
Iba na ang setup at ibang-iba ang sa nakasanayan nating mga mamimili. Nakadikit na tayo ngayon sa digitalization kung saan mas palalakasin ang delivery services at online purchase ng mga produkto, pagkain at iba pang pangangailangan.
Pero ang mga plano at programa bang inilalatag ng DTI ay tiyak na sasalo para hindi bumagsak ang negosyo sa Pilipinas? That is what we are going to find out dito sa panibagong episode ng Cabinet Report sa Teleradyo at makakasama po natin ngayong gabi si Trade and Industry Secretary Mon Lopez.
Happy Independence Day mga kababayan. Ginugunita natin ngayon ang Araw ng Kalayaan pero hindi tayo malaya mula sa pandemyang dulot ng coronavirus. Mula nang sumailalim sa community quarantine ang buong bansa noong Marso, linggo-linggo na tayong nakikipag-usap sa mga Kalihim o opisyal ng iba’t ibang ahensya na may malaking responsibilidad sa mga sektor na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Dalawang linggo na na nasa GCQ o MGCQ ang maraming lugar sa bansa at anuman ang klasipikasyon ng community quarantine ng bawat bayan ay unti-unti nang bumabangon ang ekonomiya sa ating limited environment. Ngayon, kumustahin po natin ang lagay ng komersiyo at mga negosyo na unti-unti nang nagbukas. Makakausap po natin si Secretary Ramon Lopez, ang Kalihim ng Department of Trade and Industry.
At bago nailuklok bilang Secretary ng DTI, siya ay Vice President and Executive Assistant to the President and CEO ng RFM Corporation. Twenty-two year siyang nagtrabaho sa RFM pero bukod po diyan ay naging Executive Director din siya ng Go Negosyo of the Philippine Center for Entrepreneurship. Siya ay nagtapos sa UP Diliman sa kursong AB Economics at may Master’s Degree ng Development Economic sa Williams College sa Massachusetts.
Karapat-dapat po talaga na maging leader ng DTI at ipinakita niya sa atin ngayong panahon ng pandemic lalong-lalo na. Let’s welcome Secretary Mon Lopez to the Cabinet Report sa Teleradyo. Magandang gabi po sa inyo, sir.
SEC. LOPEZ: Magandang gabi po Sec. Martin; at sa atin pong mga nanonood ngayong gabi, magandang gabi po sa inyong lahat.
SEC. ANDANAR: Sec. Mon sa loob po nang mahigit dalawang buwan, ilan lang ang mga industriyang pinayagan sa kanilang operasyon – markets, groceries, food and medical supplies industry, delivery services, gasoline stations at iba pa.
Ngayong naka-GCQ na ang NCR habang ang ibang lugar naman ay MGCQ, medyo marami na ring nagbalik-trabaho at muling nagbukas ng kanilang negosyo. Ano po ba ang assessment ninyo sa loob ng dalawang linggo na operational na ang ilang industriya?
SEC. LOPEZ: Okay. Ang magandang balita naman po ay dahil sa pag-improve ng mga health indicators po natin dito sa ating bansa especially dito sa NCR, ang atin pong ekonomiya ay unti-unting nagbubukas. Dito po under GCQ ang Metro Manila, ang estimated number of sectors na nag-open up na ay mga 88%. Ibig sabihin, iyong mga open na noong ECQ at Modified ECQ, under GCQ nadadagdagan pa ho. So ang estimate ho natin ay nandiyan na po tayo sa mga 88 or 89 percent.
Ibig sabihin din po nito ay marami na sa ating mga kababayan na huminto sa trabaho ay unti-unti nang nakakabalik ngayon at salamat naman po at sa pagbubukas ng ekonomiya, sila po ay nagbabalik sa trabaho at may income na uling kikitain sila sa kanilang trabaho. So ang maganda naman po ay at least—ito po ang pabalik sa new normal sa atin.
Pero ang masasabi natin as of today, dahil mga nakakadalawang linggo pa lang tayo, ang pagbubukas ho ay hindi naman kaagad malakas dahil intentionally ginagawa ho nating very gradual ang pagbalik ng workers at pati ho iyong pagbubukas ng ekonomiya dahil po iniiwasan natin iyong to lose the gains that we have achieved during the ECQ and the Modified ECQ kung saan ay iniiwasan nating magkaroon ng pagbabalik ng transmission, ng spread ng COVID-19.
So iyon po ang isa ring ini-emphasize ngayon, iyong pag-iingat on the health side. But at the same time right now, at least we are giving importance and we are reopening the economy. So with that po ay masasabi nating at least we can only look forward and definitely nowhere to go but up.
So during the closure noong maraming businesses, talagang maraming huminto na operation dahil under ECQ tayo. But now we are slowly going up and we can see na iyong business will soon be back.
SEC. ANDANAR: At dahil matagal na natigil sa bahay ang ating mga kababayan, lumakas po ang online selling. Paano ninyo mino-monitor ito lalo na ang presyuhan sa items na binibenta?
SEC. LOPEZ: Okay po. Tama ho kayo, isa ito sa mga nag-benefit actually. Sabi nga in every crisis, may opportunities at isa ito sa mga opportunities na nagbukas. Dahil mula noong nag-lockdown, lumakas naman ang—isang in-open up natin na business, in-allow natin ay iyong food preparation for example, groceries at allowing the delivery dahil since ang mga tao ay nasa kanilang kabahayan, napakaimportante noong delivery business so ecommerce platform and delivery business ang mga lumakas ho. At dahil ho dito ay maraming nagkaroon ng trabaho actually, panibagong trabaho dito po sa in-allow na operations ng business ng delivery services and the ecommerce.
SEC. ANDANAR: What are your views on the impact of ecommerce to the local economy as well as our move toward the new normal; and what is DTI doing as a whole to enable and regulate this burgeoning mode of business?
SEC. LOPEZ: Oho. As you mentioned earlier, definitely we have to check on this business dahil lalo na ngayon na lalaki itong business na ito. So nandiyan ho ang Consumer Protection, nandiyan po ang Price Monitoring din, even online we make sure that the products being sold online will have the prices indicated. As you know po, it’s like a price tag law na parang ‘pag tayo ay nag-grocery or namili sa mga tindahan, mayroon hong presyo. Kasama po iyan sa requirement, iyong price tag.
Kasama rin po ang pag-ensure iyong sa consumer protection. For example, tayo po as consumer bumili via online, sisiguraduhin po na iyong produktong ini-expect mo na binili mo ay ito po iyong the same specs, quality na as indicated in the online selling. Dahil po kung kayo po ay may complain, you can also go to DTI, call the hotline 1384 at ito po ay matutugunan ang inyo pong mga complaints dito.
So the same protection is being granted by the Department of Trade and Industry para ho sa ating mga consumer na mga kababayan. So kasama ho iyan, but definitely as—this is the sector that will continue to grow as we grow the ecommerce. Moving forward, we expect the ecommerce transactions to go up to even about 80% of the future transaction.
Ngayon po napakababa pa, nasa around 10% pa lang, but because of this sinasabi nating closure during the quarantine, we expect na hindi na po ngayon 10%. We can expect na ito po ay, easily nagdoble na ho itong ecommerce transaction dito ho sa atin bansa. So ito ho, this is the way to go. And so with all the necessary protection, this will be assured by the DTI.
SEC. ANDANAR: Noong naka-ECQ po tayo Sec. Mon, ang buong bansa limitado ang ilang items na puwedeng bilhin ng mga consumers gaya ng mga sardinas, alcohol at iba pa. Kumusta na po ang sitwasyon ngayon? Hindi na ba nagkukulang ng supplies ng mga pangunahing bilihin and what products are still a challenge availability-wise?
SEC. LOPEZ: Actually ho, we’re happy to report na dahil sa bilin po ng ating Pangulo to make sure na mayroon hong food security at ample supply lalo na ang pagkain, even during the quarantine, we allowed the operation of food manufacturers pati po iyong supply chain, value chain niya. At ang isa pong sinigurado din natin ay iyong movement ng mga cargos tuluy-tuloy.
So dahil po diyan, napanatili iyong everyday, daily operation and production of food items and because of that, hindi po tayo nagkaroon ng shortage hanggang natapos na itong ECQ, moving into Modified ECQ and until today.
In fact, if we talk of the GCQ dahil we’re basically back to normal and the operating capacities of many of the companies are close to 100% already. So we can say that even you go to the supermarkets, you can see that ang mga produkto po, punung-puno na iyong mga shelf ngayon. Nakikita natin iyong availability nila, so we’re back to normal.
Ibig sabihin, even if you look for alcohol, nandiyan parati. If you look for face mask, it’s available na rin drugstores. Ang mga delata po, marami ho tayong supply. We have two-week inventory ng mga finished goods at pagdating sa raw materials, more than 1 month. I fact mga close to 2 months ang inventory ng mga raw materials. So hindi po tayo mauubusan ng pagkain.
Dahil po diyan, na-assure natin ang mga consumers na hindi magkakaroon ng shortage kaya ho nawala rin iyong panic buying na parati pong pangamba ng ating consumers. Kaya nga po very soon, tatanggalin na rin namin iyong limitations sa pagbili dahil iyon po ay in-institute namin noong kasagsagan noong quarantine natin para lang ma-prevent iyong panic buying.
But now wala na hong panic buying, isa po ito sa tatanggalin na rin natin, iyong limiting the number of products na puwedeng bilhin especially for basic necessities and prime commodities. So dahil po—again, in answer to the question, ang supply po natin ng mga essential products pati pagkain ay malakas po.
SEC. ANDANAR: Nagbukas na rin ang mga malls, kumusta ang inyong inspection doon at kumusta rin ang mga tindahang nagbukas? Pero bibihira pa rin po kasi ang nagpupunta sa mga malls dahil sa transportation problems at dahil na rin nga sa hindi pinapayuhan na lumabas ang mga tao kung hindi rin naman importante ang kailangang bibilhin.
SEC. LOPEZ: Tama ho Sec. Mart, dahil po may limitation pa rin sa paggalaw ng tao, paglabas ng tao ay hindi pa rin natin masabing pre COVID volume iyong tao sa mga malls. Kaya ho nasabi ko kanina na halos mga two weeks pa lang nakapagbukas ang malls or three weeks, lalo na noong MECQ mahina pa. in other words, konti pa ang tao. Noong ngayong GCQ na, ang huling talaan po ay at least umaabot na sa… mababa pa rin, 30% to 40% of pre COVID number.
Noong MECQ kasi, ang numero po mga 10% lang of the previous crowd ang nakabalik sa mall, so manipis pa ang tao. Pero ang importante ho doon, nakapag-slowly reopen na at nasabi nating at least may nabebenta na uli, kahit papaano bumalik na ang negosyo at iyon naman ho ang binilin din ni Pangulo, magbubukas tayo dahan-dahan para hindi magbalik iyong mga transmission ng mga pagkalat ng disease.
So na-achieve po natin from about 10%, we’re now moving to about 40 to 50 percent ng crowd dito po sa mall. So ang mga tindahan around 30% pa lang ang nagbubukas, tumaas na iyon mula sa 10% about 2 weeks ago.
So expect in the coming days and weeks ay magbubukas na rin iyong mga ibang outlets na ina-allow na ho ngayon sa mall operations.
SEC. ANDANAR: What are your views on the balance that must be struck in gradually opening up the economy even as we need to maintain strict health and safety protocols?
SEC. LOPEZ: Oho. Napakaimportante iyong balance because, again, we know that the virus will be here to stay. Wala pa rin hong vaccine or gamot, although may mga potential na. So habang wala po iyan, kailangan po talaga that we start to reopen gradually and ang pinakaimportante ho para puwede hong magsabay iyang pagtingin natin sa health protection and opening of the economy, number one ho iyong minimum health protocol na susundin po ng bawat businesses, pati malls, pati mga commercial establishments. So that as we reopen the economy, safe pa rin ho lahat.
So we were discussing ito pong mga required minimum health protocol sa lahat ng businesses na nagri-reopen, mga factories and offices, pati rin sa mall. Ito ho isang magandang report din natin na when we inspected the malls, ang magandang balita diyan talagang they have surpassed even iyong minimum health protocol, talagang sineryoso po ang pag-implement po ng health protocols sa mall from the time you enter, while you’re inside, may mga arrows, sanitation stations, social distancing is observed, iyong pagsuot ng mask, lahat po very orderly.
Kung may pila man let’s say ang grocery, may mga upuan that are set mga almost 2 meters apart, talagang social distancing pati sa pila bago makapasok ng supermarket. So maganda ho iyong implementation dito po sa malls, kaya iyon din ang maganda sa ating approach na dahan-dahan ang pag-o-open. So again sa mga businesses, that’s the way we balance – as we reopen, definitely the health protocols will be needed.
So dito po, even in barbershops, salons na reopened noong June 7, isa po sa very important na susundin nila, magko-comply sila bago mag-reopen, itong mga health protocols that we mentioned. At very soon, pati ho iyong dine-in operation ay mapapayagan na rin. So iyon po, at saka sa mga Modified GCQ, open na rin iyang dine-in, so may strict health protocol ding pinapatupad iyan.
So iyon po, that’s the way we can balance and reopen the economy while keeping with the health protocol to prevent any transmission.
SEC. ANDANAR: Paano ninyo po tinututukan ang mga negosyo lalo na iyong mga MSMEs sa pag-a-adopt sa new normal? Halimbawa, may ayuda ba para sa kanilang digitalization of business process or collaboration and online transactions?
SEC. LOPEZ: Yes, we’re doing a lot even during the quarantine, tutal nasa mga bahay po sila, tayo po sa DTI at mga kasamang mga ahensya, nag-reopen po tayo ng mga webinars. Almost every week mayroon ho tayo noong Making Your Business Digital, encouraging them and teaching them how to sell in the ecommerce platform, paano magkaroon ng mga e-payment systems. So kaya ho tuluy-tuloy iyong ating suporta sa mga businesses para sila po ay maging digital.
At lalo na ngayon nagbubukas na ang mga negosyo, sila po ay tinutulungan lalo dito sa pagbibigay ng kaalaman sa ecommerce at lumakas iyong kanilang negosyo. Actually maraming nagre-report na mas malakas pa iyong business nila ngayon kaysa noong dati, noong nabuksan sila sa online, mga website.
SEC. ANDANAR: Mataas po ang demand ngayon ng mga bisikleta at motorsiklo. Kamakailan ay nanawagan po si Quezon City Congresswoman Precious Castelo sa DTI na bantayan at i-regulate ang presyo ng mga bisikleta at motorsiklo. Papaano po ang monitoring natin dito, Secretary Mon?
SEC. LOPEZ: Dito po sa mga bisikleta and motorsiklo, for now we can only monitor until we will classify these products as really essential. As you know, dito po sa mga produkto ng mga motorsiklo at bisikleta, napakaraming klase ho niyan even if you look at the basic bicycle, may iba-ibang klase sa bakal, sa pedal, sa hawakan.
So ang tingin po namin sa ngayon ay obserbahan muna at monitor. We believe there are a lot of suppliers that will provide competition and therefore hindi po magtaasan ang presyo.
Pero kung tayo po ay mag-i-impose ng price cut, sa ngayon po ay hindi pa ho dinidesisyunan ng DTI sapagkat po ang produkto ng mga ito ay iba-iba hong klase talaga. Ang kailangan ho natin ngayon ay i-monitor muna sila.
SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin ang pagbabayad sa renta. Sa ilalim po ng GCQ at MGCQ, applicable pa rin po ba ang 30-day grace period sa residential and commercial rent payments? Paki-expound po ito, Secretary, lalo na sa usapin ng interest.
SEC. LOPEZ: Ay opo, maganda ho natanong ninyo Sec. Mart, kasi maraming nagtatanong diyan. Ang nilinaw po natin, kaya nag-issue uli tayo ng panibagong DTI memo circular last week, is that ang grace period ay applied sa ECQ – Modified ECQ pati sa ECQ. So very clear po na ito po ay in-extend on the residential rent pati po sa commercial rent.
Commercial meaning, ito po iyong mga umuupa ng puwesto, iyong mga micro SMEs lalo na kung sila po ay compelled to close during the quarantine. Iyon pong MSMEs not allowed to operate ay sila po iyong magbebenepisyo dito sa grace period. Ibig sabihin, hindi po sila puwersadong singilin during the time na may quarantine.
At since humaba ho ang ating quarantine, mga two and a half months to three months ay ito po ay—ang mangyayari ‘pag natapos, na-lift na po ang GCQ, ito po ay ila-lump at idi-divide by 6 para ho anim na hulugan, hindi po isang bagsakan at napakabigat noon kapag sisingilin ito sa mga micro SMEs. Gagawing anim na hulugan itong naipon na ‘to na rent payment.
SEC. ANDANAR: Magandang paliwanag po iyon Secretary Mon Lopez. Pero maisingit ko lang po, dahil marami din akong mga kaibigan na nasa workforce, mga working class na nag-aalala dahil mayroon din silang mga binabayarang mga sasakyan, iyong mga loan payments. Kasama po ba ito Sec. Mon, iyong mga ni-loan na sasakyan, kasama po ba ito sa moratorium sa pagbabayad ng kanilang utang? At doon din po, pagdating po sa usapin ng interest, ano po ang mangyayari?
SEC. LOPEZ: Opo. So iyan pong mga utang naman mula sa mga bangko, iyan po ay binigyan din ng grace period, kasama ho sa Bayanihan Act tulad po noong grace period sa residential rent. So kasama po iyan sa batas at nag-issue po ng IRR ang Department of Finance na kung saan sinasabi nga po na may grace period din sila during the ECQ pati iyong Modified ECQ, at doon po nagtatapos iyong grace period.
So ibig sabihin iyong mga areas na under GCQ ay magre-resume na po iyong payment ng kanilang loans. Ang nilinaw po nila ay wala pong extra charges at mga fees dito po sa kanilang mga utang.
Pero doon po sa IRR – sa naalala ko po – ay pagdating doon sa—iyong interest, kung hindi man nagbayad ng principal, may itsa-charge lang na interest kasi ho contractual obligation na po iyong dito po sa pera po na inutang ay may kaakibat talaga na interest. Pero po walang extra charges, it’s the normal interest na in-apply.
Pero po iyong principal ay nausog, hindi po binayaran; at kung dati ay… assuming na out of your 24 months to pay, assuming mayroon pa kayong 6 months to pay on the principal, iyon po ‘yung nausog. Hindi kayo nagbayad during the quarantine pero oras na natapos na iyong MECQ, magsisimula na uli iyong principal payment, still 6 months to pay on the principal.
SEC. ANDANAR: Iyon, maliwanag po iyon ha. Sa mga nakikinig na may utang, napakadami po natin, magbabayad tayo ng interest pero iyong principal once ma-lift iyong ECQ.
Sec. Mon sa inyong assessment, bilang ekonomista, kailan kaya totally makakabangon ang ating ekonomiya given our new normal situation at paano dapat ang approach dito?
SEC. LOPEZ: Ang approach po natin talaga dito ay unang-una, mapanatiling—mabalik iyong pag-ikot uli ng ekonomiya. Ibig sabihin po, mapanatili iyong operation ng mga kumpanya lalo na mga micro SMEs kasi po they account for 70% of employment. ‘Pag iyon pong kanilang operation ay magtutuloy, ibig sabihin masi-save iyong mga trabaho. ‘Pag may trabaho iyong tao ay mayroon po silang kita or income na sila po ang nagki-create ng demand sa ekonomiya.
So may mga bibili, may purchasing power sila at iyon po ang magus-sustain ng ikot ng ekonomiya. Ibig sabihin, kailangang masalba ang trabaho para may income po sila that will create the demand that will, again, roll over the economy, umiikot uli ang ekonomiya. Dahil ‘pag nag-demand sila ng mga goods and services ay magpo-produce uli ang mga kumpanya at iikot na uli iyan. ‘Pag nag-produce, may negosyo, may trabaho, may income, may demand at magpo-produce uli, so ganoon po iyon. So that’s the way po—kaya importante na mapanatiling buhay iyong mga kumpanya at iyong trabaho ay nandiyan.
So kaya po importante itong mga stimulus package na pinag-uusapan ngayon kung saan magbibigay ng mga bridge financing, mga loans for working capital ang mga government financial institutions at ang atin pong pamahalaan, ang Pangulong Duterte pati po iyong Gabinete, ito po iyong pini-prepare po, na mayroon hong pondo na pampaikot uli dito sa ekonomiya.
SEC. ANDANAR: And lastly Sec. Mon, I’m just very curious. You as an economist, as an expert in trade and industry, noong nagsimula tayo nito noong Marso, ano iyong mga naisip mo na nangyari at ano rin iyong hindi mo naisip pero nangyayari sa larangan ng trade and industry?
SEC. LOPEZ: Well, it just shows also na we are all interconnected. Ang atin pong economy is part of the whole world, ang nangyari po ngayon na pandemya ay hindi lang Pilipinas. In fact, mas malaki nga ho iyong tama din sa ibang bansa and since we live in an inter-connected world, ang isa pong epektong nakikita natin in the near future ay medyo mabagal na pagbalik ng recovery. Dahil kung nga iyong ibang bansa ay let’s say hindi pa o-order ng kanilang mga pangangailangan, ibig sabihin maapektuhan din iyong export natin.
At tayo rin naman, kung hindi rin masyadong mabagal ang pagbalik, hindi rin tayo mag-i-import masyado so interconnected po. So napakaimportante na as we are recovering, sana po iyong ibang bansa rin, they can recover fast so because we are inter-connected.
But that just shows also na mapalakas din natin iyong self-reliance natin as a country that we have to support our local industries, we have to create the capacity here so that hindi tayo rin masyado mag-rely sa labas at we can produce that things that we need here at mapalakas ang local manufacturing.
Because in local manufacturing, we create the local jobs. Importante tuloy iyong suporta natin sa manufacturing natin in terms of iyong kanilang innovation, competitive iyong products, iyong support po sa mga—in buying, patronizing locally manufactured products, these are very important para mapalakas uli iyong pag-ikot ng ating ekonomiya. And eventually, it will also help other countries as we do this.
So iyon po, it’s a realization na we are all connected. It’s a realization also na sa isang iglap ay puwedeng mawala ang ekonomiya. Remember just three months ago Sec. Martin, iyong economy natin were the second fastest growing economy in Southeast Asia ‘no, second fastest tayo. Actually it’s a source also of inspiration na that also means that we can easily bounce back ‘no. We can also be again the second fastest growing economy.
But also, it shows that going back to the realization na sa isang iglap puwedeng mawala pala lahat ito tulad ng nangyari sa ibang bansa just because of the pandemic, lahat ay huminto. Nag quarantine at huminto ang negosyo, nagsara lahat and wala tayong lahat magawa. So it’s also, I guess a reality na kahit gaano kabilis ang galaw ng mga tao, ang trade, ang industry, ang economy ay puwede ring mahinto lahat ito. So I guess that’s the reality and again, this happened worldwide na everything almost stopped.
Buti na lang sa atin nga po ay iyong mga basic essentials ay in-allow naman; pero napakalaking impact po sa buong mundo itong nangyari na ito. So health is wealth, kailangan talagang mabalik at makita ang vaccine at ang gamot nito para makabalik tayo sa new normal. ‘Pag ganito, ‘pag new normal, definitely marami sa ating kababayan and the whole world is they are now more health conscious.
In other words, sa paglabas nandiyan na ang face mask, constant sanitation, paghuhugas ng kamay, etcetera. It’s really new and the social, physical distancing is always observed. I guess these are all part of the new normal na kahit palagay ko may mga gamot na at lahat, maingat na ho ang mga tao ngayon. So health is wealth as well.
SEC. ANDANAR: Last na lang po talaga Sec. Mon. Ilang taon po ang inatras ng mundo, economy-wise?
SEC. LOPEZ: Wow! Kung tingnan natin ang nawala sa ating ekonomiya, iyong dating naggo-grow tayo nang 6%, lahat po iyon nawala kasi nag-0% tayo, 0.2%. So that whole economy shrank at dahil ngayon sa second quarter, in effect halos sarado pa nga, ngayon lang tayo nagbubukas ng June. Ang second quarter po natin palagay ko po ay baka tumama pa tayo sa -3%, so that’s 6 and the -3 is like 9%; almost 10% of the economy ang nawala.
So ang atin pong ekonomiya ay 19 trillion sa isang taon, so iyon po, 1.9 trillion, 10% more or less ang nawala dito sa ating ekonomiya. So iyong pag-atras po, I’m sure many years ago iyon po ang ating level. So malaki ho ang natanggal sa ating ekonomiya just like in other countries.
But again, I guess you and I would agree, we have very good fundamentals. Iyon ho ang naging maganda naman po, iyong preparation ng ating bansa, since we’re growing 6% at the fiscal discipline ng ating economic team at the whole economy nandiyan pa rin po. Even the positive factors in our economy like the 108 million population which is a market with high purchasing power before, ay ito po ay kung mabalik, definitely mababalik ito as a matter of time. This will again provide for the recovery of our economy.
So we can say that indeed 2020 will be a rough year affected talaga ng pandemic. But we see 2021 as a bounce back year ‘no, a recovery year po natin iyan. Sabi nga po ng NEDA ay V-shape, so maaring itong 2020 ay iyong pagbaba at 2021 ay definitely higher than 6%. We can even expect na by the time nakabalik lahat, baka 9% growth na tayo next year.
So maganda po ang ating prospects pa rin, ang number ng tao, market natin lumalaki, ang access natin ng produkto sa ibang bansa ay ganoon pa rin, mga free trade agreements, mga GSP preferences.
Nandoon pa ho ang mga advantage, ang asset ng ating bayan in terms of manpower, workforce, educated, English speaking, etcetera. So they are still here, so iyon pong mga positive factors na iyon will serve us right and our infrastructure, Build, Build, Build. Aside from making our country more attractive again in investment, it’s creating jobs now and definitely creating the infrastructure that will improve logistics, that will help our economy bounce back and also attract more investments moving forward.
So very positive pa rin po ang future natin sa nakikita natin ngayon. This is a temporary setback as we—really we cannot avoid this, this is force majeure. But our fundamentals are still very strong and we can definitely bounce back once we overcome the pandemic.
SEC. ANDANAR: Force majeure. Thank you so much for the optimism Secretary Mon Lopez and thank you so much for your leadership and for your hard work. Mabuhay po kayo.
SEC. LOPEZ: Sa inyo rin po Sec. Martin, for your hard work, mabuhay po kayo saka sa inyong mga kasama.
SEC. ANDANAR: Natalakay na natin dito sa Cabinet Report sa Teleradyo, COVID-19 Special ang mahahalagang usapin na nakaapekto sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Nagpaliwanag po ang iba’t ibang ahensya ng kanilang mga ginagawa para masolusyunan ang mga epekto ng pandemya.
Sama-sama nating hinarap ang krisis na ito kaya sama-sama rin tayong bumangon.
Patuloy tayong magkaisa sa giyera kontra COVID-19 dahil hindi pa tapos ang laban. Marami pa rin tayong kababayan na patuloy na lumalaban para sa kanilang buhay. Patuloy na lumalaban para maprotektahan ang kanilang sarili. Mga lumalaban para makabawi sa negosyo at mga lumalaban para makaahon sa buhay.
Sa pagtulong pa rin natin sa kapwa at sa patuloy nating pakikiisa sa pagyakap sa new normal, hindi imposible na tuluyan na tayong makalaya mula sa rehas ng pandemya.
Ito po si Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office. Magandang gabi po at Happy Independence Day.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)