Interview

Cabinet Report Sa Teleradyo – Radyo Pilipinas by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar with PCOO Asec Kris Ablan and Mr. JV Arcena-Chief, Office of the Global Media Affairs, PCOO [Interview with DOE Assistant Secretary Redentor Delola]

MR. ARCENA: Magandang gabi, Luzon; maayong gabii mga Bisaya at maradyaw karadyo nga duyom sa mga taga-Surigao og sa mga taga-Mindanao. Ako po si JV Arcena at ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo, at pansamantalang humahalili kay Assistant Secretary Kris Ablan. Maya-maya lang po mga kababayan, makakasama po natin si Secretary Martin Andanar, live ho siya via Skype.

At kasama na ho natin. Nasa linya na ho ba siya, naka-live na via Skype? Kasama ho natin si Secretary Martin Andanar. Hi sir, good evening.

SEC. ANDANAR: Hello, magandang gabi sa’yo JV at magandang gabi po sa lahat ng nanonood sa atin sa PTV, nakikinig po sa atin dito sa Radyo Pilipinas and of course sa ating live streaming, sa Facebook pages ng Radyo Pilipinas, Presidential Communications at sa Facebook page ko po na Martin Andanar. At sana po, maayos po lahat ang ating sitwasyon sa gabing ito.

MR. ARCENA: Oo. At dahil ho Friday ngayon Sec., batiin ho natin iyong mga kababayan natin na magbabakasyon o luluwas ho ng kanilang mga probinsya; at iyong mga na-stuck naman sa traffic at iyong mga pupunta ho ng gimikan, at iyong nasa gitna ho ng kani-kanilang mga hapunan ngayong gabi.

At Sec., maaari ninyo ho ba kaming balitaan ng buong—ano bang mga naganap, ano ba ang mga maire-report ho ninyo dito sa Cabinet Report sa mga nakalipas na araw?

SEC. ANDANAR: Unang-una sa lahat JV, tayo ay nagpapasalamat sa ating mga kababayan dahil po sa kanilang mataas na ibinigay na satisfaction rating kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. At kita naman natin, 5% ang tinaas doon sa Filipino adults who were satisfied with the performance of President Duterte; eh ngayon po ay nasa 79% ang rating po nila kay Pangulong Duterte at very good po iyan.

So, mayroong nakalagay doon na net satisfaction rating pero wala naman tao na ang tawag ay ‘net’ so doon tayo didikit sa 79%–

MR. ARCENA: Napanatili niya Sec., iyong very good rating.

SEC. ANDANAR: Opo. Kasi 5 iyong tinaas, so kung 79, so it was about 74 last December. So the first quarter of this year, January, February and March ay nasa 79% po ang tiwala, ang satisfaction ng mga kababayan natin kay Pangulong Duterte; at hindi naman din ito nalalayo doon sa mga unang nilabas nila na mga survey noong December, itong SWS at iyong Pulse Asia din na ganoon din po iyong taas ng approval rating kay Pangulong Duterte, nasa otsenta’y dos porsiyento.

At lahat naman ng ito ay dahil din sa iba’t ibang accomplishment ni Presidente Duterte. Napakadaming mga batas din na pinirmahan niya for the first quarter of this year kasama na diyan iyong Universal Healthcare; kasama diyan iyong sa SSS Act na iyong miyembro ng SSS kapag nawalan ng trabaho ay mabibigyan ng dalawang buwang allowance; nandiyan din iyong PhilHealth para sa ating mahihirap na mga Persons With Disabilities; at marami pang iba.

Ako nama’y [choppy signal] din ng [choppy signal] Manolo Fortich, Bukidnon noong nakaraang Biyernes at ito’y ginawa natin para sa 102nd Founding Anniversary—or Charter Day ng Manolo Fortich, Bukidnon. And then this week, of course tuluy-tuloy pa rin po iyong ating trabaho dito sa PCOO at tulad ng sinabi mo, ay ginagawa natin ito, lahat ng mga trabaho na kailangang tapusin ay tapusin dahil Holy Week na po next week.

MR. ARCENA: Uhum. Sec., balikan ko lang iyong sa trust ratings and performance ratings ni Pangulong Duterte. May mga nagtatanong, may mga nagsasabi na isa lang ang ibig sabihin ng pagtaas ng ratings ng Pangulo – nararamdaman nila iyong mga programa ng Pangulo sa kabila ng mga kritisismo.

SEC. ANDANAR: Opo…

MR. ARCENA: Anong masasabi ninyo sir doon sa mga patuloy pa rin na mga kritisismo, pero ito po ay—sa kabila nito ay mas marami pa o dumadami pa iyong mga naniniwala sa Pangulo?

SEC. ANDANAR: Alam mo JV, napakadaming mga critics pero hindi kasing dami ng mga supporters. Sadyang mayroon lang talagang mga contrarian sa mga ginagawa ni Presidente. Pero alam mo, iyong mga contrarian naman ay sila din iyong mga tumatakbo na pagka-senador; halos marami sa kanila ay tumatakbong senador sa oposisyon. And hindi naman siguro natin maiwasan na maobserbahan na talagang hindi dumidikit kung ano man iyong sinasabi nila o hindi pinapatulan ng mga kababayan natin. Sapagkat kung titingnan mo iyong huling survey na nilabas ng Pulse Asia ay halos walang nakapasok doon sa Otso Diretso na kanilang ticket, ng oposisyon. So I guess, that reflects the sentiments of the people na kung anuman iyong mga kritisismo noong ibang mga kumakandidatong senador ay hindi naniniwala ang taumbayan.

Halimbawa may nagsabi na ang nagawa lang daw ni Presidente Duterte, in fact binanggit ni Presidente, binanggit ni Atty. Chel Diokno na iyong pagpasa lang daw ng ‘no smoking’. Eh napakasama naman ng sinabi, parang wala na bang iba na talagang ginawa? So, hindi na masyadong—hindi na talaga objective iyong kritisismo kay Pangulong Duterte. At marami pang masasabi, mabibilang na more than my fingers na mga sinasabi nila na talagang walang katotohanan. At iyan naman ay lumalabas sa survey, we don’t need really to argue. Ilapag lang iyong survey, iyong Pulse Asia, SWS sa mga senatorial candidates at ilapag din iyong satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte – both SWS and Pulse Asia, and remarkable, talagang very good ang satisfaction at approval rating kay Pangulong Duterte.

MR. ARCENA: So ang dapat sigurong gawin sir, sabi nga ni Secretary Panelo, ang dapat sigurong gawin noong mga taga-oposisyon ay sumunod na sa boses ng mayoryang Pilipino at maniwala sa kung anuman ang pinaniniwalaan din ng mayorya nating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Palagay ko, talagang malaking punto ang sinabi ni Spokesperson Sal Panelo. Wala naman tayong reklamo sa mga kritisismo, nasa demokrasya naman tayo; mayroon naman tayong freedom of expression, freedom of speech. Pero sana, a credit should be given where credit is due. So halimbawa binanggit ko na, maraming pinirmahan si Presidente – nandiyan iyong libreng irigasyon sa mga magsasaka na mayroong walong ektarya pababa—

MR. ARCENA: Free tuition.

SEC. ANDANAR: Free tuition, tama ka, sa state universities and colleges. ‘Andiyan iyong batas laban sa deposit sa ospital – Anti-Hospital Deposit Law; nandiyan din iyong SSS Act na binibigyan ng dalawang buwan na allowance iyong miyembro ng SSS na mawawalan ng trabaho.

MR. ARCENA: Universal Healthcare.

SEC. ANDANAR: Universal Healthcare. ‘Andiyan iyong sa PWDs… napakadaming batas na pinirmahan ni Presidente na para sa ating mga kababayan lalung-lalo na sa mga kababayan nating mahihirap. So, ‘di ba mayroon ngang kasabihan na at least sa batas, sa mata ng batas, tayo’y pantay-pantay, ‘di ba? Kung kokonti lang ang kayamanan mo, eh marami ka naman sa batas – something like that, ‘di ba?

[Signal cut] …na kung maganda naman ang ginagawa ni Presidente, eh sana purihin din kung maganda; hindi iyong puro negative lang, puro contrarian, basta lang makakontra, iyon na ‘yun. Maraming ginagawang magaganda ang ating Mahal na Pangulo.

Iyong Build, Build, Build na lamang eh napakataas ng ating foreign investments na galing sa ibang bansa, labas doon sa Amerika o iyong mga traditional na nagbibigay sa atin ng investments – ang China ang laki ng binibigay sa atin. Nandiyan din iyong kumpiyansa ng mga negosyante na pumasok sa bansa natin. In fact, in one of the surveys sa Amerika sabi na ‘the Philippines is one of the best countries to invest in 2018,’ ganoon din ngayong 2019.

Pinakita noong Pebrero na iyong ating pera, iyong piso ay iyong pinakamalakas na currency sa buong Asia. So the numbers are pointing to the right direction, while the other contrarians are pointing to the other direction. So hindi naman manhid ang mga botante, hindi naman manhid din ang mga mamamayan, alam naman nila kung anong tama JV.

MR. ARCENA: Uhum. Sec., another good news ‘no, ang balita ho naman po ay galing sa Philippine Statistics Authority. Ayon sa kanilang pinakahuling report, ang number daw o bilang ng mga Pilipino na namumuhay below the poverty line was reduced o bumaba po sa first semester ng 2018. Ito po ay bumaba ng 21% kumpara doon sa huli nilang poverty report noong 2015. So patuloy ho ang pagbaba at ito po ay ayon, Sec., doon naman sa—ang kanilang in-attribute ay dahil daw po ito sa patuloy na pag-angat ng kalidad ng employment o kabuhayan sa nakalipas na tatlong taon mula ho noong isinagawa iyong huling poverty survey noong 2015 at iyong pag-expand naman daw ng mga government social services.

So tulad nga po ng sinabi ninyo Sec. ‘no, siguro iyong pagtaas ho ng trust ratings and performance ratings ng Pangulo ay resulta po ito ng—tulad ng ini-report ng PSA dahil nararamdaman ng ating mga kababayan, dahil nga bumababa iyong bilang ng mga Pilipino na nagsasabi na sila ay talagang nagugutom. So kung dati ho ay—o 27.6% noong huling report noong first half noong 2015, ngayon ay 21% na lang po. So 23.1 million Filipinos na lang daw ang nagsasabi, ayon ho ito sa PSA, ang nagsasabi na hindi ho sila—o nasa below the poverty line ang kanilang pamumuhay. May mensahe ho ba kayo dito, sir?

SEC. ANDANAR: Well alam mo, lumabas iyong report ng PSA na pati iyong inflation rate ‘di ba JV, bumaba ng 3.3% – 15-month low. So I’ll give you an example, ito na lamang – tumaas tayo ng 6.0, 6.4, 6.7 last year… grabe na iyong ngawngaw ng mga critics, parang end of the world na. Eh ngayon na 3.3, hindi mo sila maririnig na nagsasabi: “Ay, tama pala iyong ginawa ng mga economic managers; tama pala iyong ginawa ng DTI; tama pala iyong ginawa ni Presidente Duterte.”

Iyang ni-report mo ngayon sa PSA din na bumaba iyong kahirapan sa ating bansa, maririnig mo ba sila? Hindi mo sila maririnig, pero si Juan Dela Cruz ay hindi na manhid – alam niya kung ano ang tama at nararamdaman talaga nila, ng ating mga kababayan kung ano ang ginagawa ni Presidente. Halos hindi na nga magpahinga iyong mama eh; one day nasa Sulu, the next day nasa Manila, the next day nasa Bacolod, tapos nandiyan sa—bukas nasa Bukidnon. Wala nang kapaguran si Presidente Duterte, at tayo naman ay nagpapasalamat sa mga kababayan natin dahil nararamdaman nila ito. At sa survey sinabi nila na 79% sa amin ay naniniwala na tama, maganda ang ginagawa ni Presidente; kami po ay satisfied sa ginagawa niya.

MR. ARCENA: Iyon, oo. At nabanggit ninyo naman sir ‘no na talagang si Presidente ay talagang nag-iikot ng Pilipinas, at nabanggit ninyo kanina na naghahanda na rin tayo sa Holy Week. May plano ba ang Pangulo kung saan siya magho-Holy Week at ano ho ba ang—o ano ba ang plano ng Pangulo para sa Holy Week, sir?

SEC. ANDANAR: Well alam mo, usually naman ‘pag Holy Week ay si Presidente nasa Davao lang at nagpapahinga doon. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang plano next week, sa Holy Week, but ako ay hindi magugulat kung siya ay doon din sa Davao City. The President is a very simple person, hindi naman niya kailangan na magpunta sa Amerika, magpalamig, etcetera; mas gugustuhin niya na doon na lamang sa kaniyang magandang siyudad ng Davao City magpahinga.

Tayo naman ay patuloy din na, of course magmo-monitor sa sitwasyon ng mga kababayan natin na nagbabakasyon. Nandiyan naman ang DOTr na parating on-the-go, nandiyan din ang MMDA at nandiyan din iyong ating Kapulisan. Alam mo tuwing Holy Week ay lahat ng mga kababayan natin, halos lahat ay nasa vacation mode at nasa prayer mode ‘no. Ang atin lang masasabi, payo sa ating mga kababayan, lalung-lalo na iyong mga kakakuha lang ng kanilang mga lisensiya at bago iyong mga sasakyan, dahan-dahan lang tayo sa pagmamaneho ngayong Holy Week.

‘Di ba JV, maraming nadidisgrasya, naalala mo tayo sa media, kahit na Holy Week lang iyong bakasyon natin, pero kapag mayroong malaking trahedya tulad ng nagbabanggaan na bus, etcetera, ay napipilitan na magpadala ng mga reporter para i-report ito? At ito’y nangyayari dahil nga malinis iyong kalye, kokonti iyong mga sasakyan; lalung-lalo na after noong Wednesday, ‘pag mga Thursday/Friday wala na, so marami diyan sa mga bagong drivers, mga kakukuha lang ng lisensiya na haharurot talaga. Eh alam mo naman, ‘pag sobrang bilis iyong sasakyan mo ay malaki ang chance na ika’y mahulog sa bangin o ika’y mababangga – so kailangan maingat tayo.

MR. ARCENA: Nasa linya rin po Sec., si Asec. Kris Ablan, kagagaling lang ho niya sa General Santos City. Good evening Asec., at kasama ako dito sa studio at kasama rin po natin si Sec. live via Skype.

ASEC. ABLAN: Hello po Secretary Martin saka JV, kumusta po kayo.

SEC. ANDANAR: Hello, Kris. Kumusta ang lakad mo sa Cagayan De Oro, at ikaw ang nag-represent sa akin doon—o ikaw ba ay papunta pa lang ng Cagayan De Oro? I believe you already went there, right?

ASEC. ABLAN: Ay hindi pa Sec., bukas pa ako pupunta CDO, so bukas pa. No, I came from GenSan Sec. after my training, and then tomorrow I’ll fly to CDO to represent you po.

SEC. ANDANAR: Ah, tomorrow pa ang CDO mo, okay. So, how was your General Santos trip?

ASEC. ABLAN: Very successful. I did my training sa [unclear] Sec., and maganda iyong pinag-aralan namin doon; maganda iyong ginawa ng GenSan in implementing the anti-drug campaign of the Duterte administration by implementing its Community-Based Rehabilitation Program. Maganda po ang CBRP po sa GenSan.

SEC. ANDANAR: Uhum. And tomorrow you are going to Cagayan De Oro to attend the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas Convention?

ASEC. ABLAN: Yes. I will, to represent you Sec. and then I will be discussing the government’s plan for federalism.

SEC. ANDANAR: Very good. Federalism ay alive and kicking, this week lang ay nagkaroon ng meeting si Secretary Ed Año as the Head of Task Force on Federalism at kinausap niya lahat ng mga miyembro ng task force this week attended by Assistant Secretary Marie Rafael.

MR. ARCENA: Itong federalism sir, naniniwala pa rin tayo na nasa—on track pa rin tayo sa—anong latest update natin dito, Sec.?

SEC. ANDANAR: Iyon nga, iyong ating National Task Force on Federalism, I’ll show you the book of the Power to the People, Bayanihan Federalism, Power to the Regions – ito iyong original na manuscript tungkol sa proposed constitution na binuo ng Consultative Committee na nag-review ng 1987 Constitution. At magkakaroon ng mga changes dito, mayroong mga—mayroong panukala ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga sektor na gustong amyendahan iyong ibang mga proposed provisions nitong Power To the People, Bayanihan Federalism Constitution – so, iyon ang pinag-usapan ng meeting ng Task Force on Federalism this week.

So we should be moving forward, after this week onto the Holy Week, at after the Holly Week ay tuluy-tuloy na ‘yan; at ini-expect ko na talagang after elections, depending on the result of the senatorial election, doon natin makikita iyong tsansa ng federalism sa ating bansa. Kasi, in reality Asec Kris at JV, bagamat marami sa atin ang approved dito sa konstitusyon na baguhin, kailangan natin ng sapat na bilang ng mga senador sa darating na Mayo. So if you want to continue to support President Duterte and his policies, ay tulungan natin si Presidente ngayong darating na Mayo.

MR. ARCENA: Uhum. So kumbaga Sec., nakasalalay sa bilang ng mga mananalo na kaalyado ng administrasyon ang direksiyon ng federalism?

SEC. ANDANAR: Yes. Sa palagay ko naman, kung makakuha tayo ng sampu, ang administrasyon ay malaki ang tsansa na talagang mababalangkas itong federalism at magkakaroon ng shot at being voted in both Houses.

MR. ARCENA: At ang target ay 2022 ay magkaroon na ng referendum.

SEC. ANDANAR: Hopefully – hopefully, because 2022 is also the year that we will vote for a new president. So hopefully, before 2022 mangyari ito kasi alam naman natin na after nitong midterm elections Asec Kris, ‘di ba ang mga political observers, mga kababayan natin mag-i-speculate na sinong susunod na presidente. So dapat talaga ay mabalangkas na ito nang mabilis after nitong midterms.

MR. ARCENA: Okay. Sec., nasa linya ho ng telepono si Energy Assistant Secretary Red Delola. Dahil ang pag-uusapan po natin ngayon Sec, Asec Kris ay tungkol nga po doon sa napaulat na magkakaroon daw po ng shortage o magkakaroon ho ng problema sa power supply; at ito pong presyo naman po ng langis. Kasi nitong nakalipas ho na mga araw ay itinaas ho ng National Grid Corporation of the Philippines ang Yellow at Red Alert status sa Luzon power grid mula ho kahapon hanggang ngayong araw ‘no, dahil ho ito sa kakulangan o lack or shortage ho ng power supply.

So aalamin ho natin iyong status nito, nasa linya ho ng telepono Sec at Asec Kris, si Energy Assistant Secretary Red Delola. Good evening po, Asec Delola.

ASEC. DELOLA: Yes… Sir JV, magandang gabi po. Good evening, Asec Kris and Secretary Martin Andanar, maayong gabii sir.

SEC. ANDANAR: Maayong gabii…

MR. ARCENA: Maayong gabii, Asec. Red. Unang-una, nakakaranas ho tayo ng rotating brownout sa ilang bahagi ho ng bansa—ilang bahagi ho ng Luzon ngayong araw po – ano po itong dahilan nito at ano iyong talagang ugat nitong sinasabing lack of power supply?

ASEC. DELOLA: Since Monday po, nagkaroon na tayo ng pagnipis ng reserve ‘no. Nailagay na po sa Yellow Alert ang Luzon, lumala noong Wednesday, nailagay tayo sa Red Alert. Ang ibig lang pong sabihin niyan, kulang po tayo ng reserves for those days – Monday, Wednesday kulang po tayo ng reserve kasi sabay-sabay pong nawala iyong mga power plants, sabay-sabay na nag-outage. Ang outage na po na ito ay hindi planado, hindi po ito pinagpaalam sa atin, kaya ang tawag natin sa kanila ay forced outage or unplanned outage.

Noong Thursday, lalo siyang lumala, kasi nadagdagan na naman ng nawalang planta, nagkaroon na tuloy tayo ng rotational outages. Kasi talagang wala na tayong reserba, kulang pa tayo sa pag-supply sa demand na ginagamit natin sa kuryente.

MR. ARCENA: Uhum. So ano po itong katotohanan doon sa mga lumalabas na magkakaroon daw po ng krisis sa kuryente kung sinasabi ninyo pong unplanned lang, hindi pa talaga sinasabi natin na krisis?

ASEC. DELOLA: Opo. Ang Luzon po ay may installed capacity o kumbaga ito iyong total na nakalagay sa system natin ano. We have 16,133 megawatts. Iyong dependable po diyan, iyong kaya nating asahan is 14,644 megawatts. Ngayong taon po, ang fixed demand natin na pino-project is nasa around 11,400 megawatts to around 11,500 megawatts – sapat na sapat po iyong supply kung hindi lang sila nagsabay-sabay na mag-outage ‘no, kung hindi lang sabay-sabay nagkaroon ng aberya.

Hindi po ito kagagawan ng demand natin, na sinasabi nating napakataas ng demand natin. Ang problema po talaga ay sabay-sabay silang nawala! Kung nandiyan lang sila, kung nakakapag-supply – even with El Niño, we have emphasized this before – that even with El Niño, there’s enough supply. Eh kaso nagkasabay-sabay nga sila ngayon kaya unfortunately, Luzon is experiencing rotational outages until today.

SEC. ANDANAR: Okay. Asec, binanggit mo na sabay-sabay nagkaroon ng outages iyong iba’t-ibang energy power plants. Now, ano po ang rason nito na sabay-sabay nagkaroon ng problema? Is it because of the heat, summer, naapektuhan iyong makina? Para lang maliwanagan po ang ating mga kababayan.

ASEC. DELOLA: Ang binigay po nila sa ating dahilan eh nagkaroon ng problema iyong kanilang mga—unang-una iyong San Miguel na power plant sa Limay, may boiler tube leak daw sila. Iyong Team Energy na power plant sa Su-al na ina-administer din ng San Miguel eh may boiler din na problem, may boiler’s utility pump piping leak. Sa South Luzon naman, power generating company, vibrations of primary air fan; tapos itong Pagbilao po na pagmamay-ari din ng Team Energy, boiler slagging; tapos si SL Tech Unit 1, South Luzon Thermal Energy, boiler tube leak din.

So kung titingnan natin iyong madalas na problema na nararanasan ng mga power plants natin lalung-lalo na sa mga coal power plants, itong boiler issue. We’ve looked at historical information, eh ito talaga iyong nagiging madalas na rason na nagda-down ang mga power plants, and usually, ‘pag mga ganitong panahon. So we’re trying to look for the correlation of the summer months and the outages of these plants because of the problems in the boiler—boilers of these power plants.

SEC. ANDANAR: Uhum. So, what does a ‘boiler’ do? Kasi siyempre hindi namin alam kung ano iyong boiler, ‘pag naririnig namin itong boiler, ano ba talaga iyong gamit ng isang boiler?

ASEC. DELOLA: Opo. Iyong coal-fired power plant po Secretary, ang ginagawa niya ay nagpapakulo siya ng tubig, so iyon ‘yung use noong boiler ‘no. Pinapakulo niya iyong tubig to convert into steam; iyong steam ang nagda-drive ng ating engines so that the power plants can produce power. Ang nagpapakulo noon, noong tubig na iyon is the coal – so iyon ‘yung fuel natin para to boil the water, to convert it to steam, and then to drive the engines na umikot and to produce power.

SEC. ANDANAR: Okay. So iyong mga sinasabi, mga kuwento na ito’y dahil sa mas marami sa mga kababayan natin ang gumagamit ng aircon kapag summer, so therefore mas malakas iyong konsumo – hindi ‘yan ang dahilan, kundi may problema talaga iyong boiler o iyong equipment ninyo.

ASEC. DELOLA: Hindi po, hindi po. Iyong pagtaas po ng demand, hindi natin puwedeng sisihin sa nangyayari sa atin ngayon kasi sapat naman iyong capacity ng mga power plants supposedly. From the dependable capacity of 14,000 mahigit, eh iyong demand natin na inaasahan, nasa 11,400 lang so sapat siya; even including the reserves requirement which is a little more than 1,600 megawatts, sapat pa rin iyong supply.

MR. ARCENA: Oo. Asec, nabanggit ninyo kanina ‘no na sabay-sabay… Ano naman po ang gagawing aksiyon ng DOE, papanagutin ho ba itong mga planta na ‘to, itong mga independent power producers?

ASEC. DELOLA: Sir, ang ginagawa natin ay pinag-aralan natin iyong behavior noong mga power plants sa mga nakalipas na taon and this year ‘no. Tiningnan natin kung ano ba iyong posibleng dahilan nito. Marami pong mga sabi-sabi na they’re just doing this to drive the prices up. Isa po kasi talaga iyon sa naging epekto noong pagkawala nila, tumaas iyong presyo ng kuryente sa merkado. ‘Yan po’y titingnan natin and sumulat na tayo sa Energy Regulatory Commission and sa Philippine Competition Commission. Kasi iyong anti-competitive behavior ng players in the power industry, iyong jurisdiction po is under the ERC and under the PCC. But the Department of Energy will provide all information even iyong ating nakikitang behavior and patterns, ibibigay natin iyong information sa kanila.

SEC. ANDANAR: May tanong lang ako Asec. Halimbawa on a weekend – Saturday, Sunday or even on a Holy Week holiday – siyempre mas mababa iyong demand ng kuryente kasi walang pasok eh, mas kokonti siguro iyong mga pabrika na gumagana. Ito ba’y nakakatulong para at least hindi maubos iyong power supply?

ASEC. DELOLA: Opo. We’re actually expecting na by tomorrow, baka wala tayong magiging outages. And on Sunday wala na siya, magiging ‘Yellow’ to ‘Normal’ iyong ating situation because nga mababa iyong paggamit natin ng kuryente on the weekends, because the industries are not operating. And sa darating na Holy Week, medyo mababa din po iyong demand, so mukhang ano tayo, magiging—medyo hindi tayo kakabahan and may babalik pong mga power plant na base sa schedule na binigay nila, iyong ibang naka-outage ay magsisimula nang bumalik ngayong—one is expected to be back online tomorrow and on Monday may dalawa ring papasok na power plant. Makakatulong sila na para dahan-dahan pa ring makabalik sa normal na situation. Hopefully next week wala na tayong magiging outages.

SEC. ANDANAR: At para naman sa ating mga kababayan Asec, iyong mga regular energy consumers, ano po iyong puwede naming maitulong sa gobyerno para at least ay maibsan ang problema dito sa ating mga outages?

ASEC. DELOLA: Opo. Kasi nandito na ‘to and lifestyle wise, we need to really be energy-efficient. Kahit po sa paggamit natin ng kuryente, even if wala tayong mga problema na tulad noong nangyayari ngayon, we have to be efficient in the use of energy. One of the things that we can do is iyong mga appliances na hindi natin ginagamit, we have to unplug them because may ano pa ‘yan, kahit hindi natin ginagamit ‘yan, nagkokonsumo pa ‘yan ‘pag naka-plug. Iyong air conditioning units natin, we set it at a certain temperature na efficient iyong takbo niya, around 24 degrees tapos hindi natin gamitin iyong mga high-consuming appliances on peak hours. Sa Luzon po, ang peak hours natin is around 1 o’clock to 4 in the afternoon. So kung iwasan natin iyong paggamit noong mga malalaking consumption, iyong umiinit saka lumalamig na mga appliances on those hours, kasi dumadagdag siya doon sa peak demand natin.

But ngayon ngang summer, eh kasi mainit, kailangan din ng aircon. So sa ibang gamit, i-manage na hindi natin siya gamitin during the peak hours. And one of the things also that we’re driving is iyong mga luma na nating mga gamit sa bahay, kung pag-aaralan natin, kung palitan natin siya ng mas efficient na mga appliances and equipment, baka mas makatipid pa tayo in the long run.

SEC. ANDANAR: Iyong mayroong inverter Asec, ‘di ba?

ASEC. DELOLA: Opo, may mga ganoon pong mga gamit ngayon, mas nakakatulong siya. Inaanyayahan ko po ang mga kababayan natin na tingnan iyong Facebook page ng Department of Energy, mayroon po tayong pino-promote ngayon na tinatawag nating ‘Save, Save, Save’. Matutunan ninyo po doon kung paano gamitin iyong mga appliances and ano iyong mga magandang pampalit. Nakalagay na roon kung magkano iyong potential savings na makukuha natin. With that makaka-save tayo, makakatulong pa tayo sa ating system.

MR. ARCENA: Oo. Asec, nabanggit ninyo na rin ‘no na talagang may seasonal surge sa power demand tuwing summer. Tayo naman po sa DOE, ano naman po ang ginagawa ninyong paghahanda para ho dito nga, para maiwasan o maibsan o maremedyuhan itong problema sa power demand?

ASEC. DELOLA: Unang-una po proactively, we don’t allow schedules of maintenance activities to fall on summer months. But there are certain plants lang talaga na because of contractual obligations nila, nagpapatay during the summer months. But these are planned maintenance na ina-approve natin way ahead of schedule. ‘Yan po ang una nating ginagawa, na hindi malaki iyong nawawalang capacities on summer months based on maintenance.

Pangalawa po, tinitingnan natin na handa iyong ating [choppy line]. Iyong mga industries, they are willing to turn off or to disconnect from the system, patakbuhin nila iyong sarili nilang generators para makatulong sila para bumaba iyong demand sa system, sila na lang mag-generate for themselves.

And we’re looking at the policies also to really help during this time, policies on promoting na mapadali iyong pasok ng investments. Kasi po iyong demand natin, tataas at tataas ‘yan yearly. And with the aggressive drive of the administration towards Build, Build, Build, this will bring in developments and we need power for them, so iyong investment promotion natin talagang pinapaigting natin, so that we can attract more investors to come in and build more power plants.

We have adjusted some of the timelines in processing these power plants with the ease of doing business law, and the EO 30 that the President signed. Pinabilis po iyong proseso on permitting and licenses so that investments in power plants come in.

MR. ARCENA: Iyon, ang linaw po. O iyong mga ginagawa naman pong aksiyon ng DOE ngayon ‘no, kabilang nga po doon sa pinapabilis na mga pagbibigay ng prangkisa o lisensiya ‘no. Balikan lang natin Asec. ‘no, mabigyan lang ng assurance iyong ating mga kababayan, lalo na iyong publiko na hindi ho sila makakaranas ng anumang power outages ngayong summer, ano ho ang inyong mensahe?

ASEC. DELOLA: Opo. Hindi na po namin puwedeng ipangako na walang outages, kasi nandito na po siya. Pero ang tinitingnan natin by next week medyo gaganda na, it will start to be better iyong situation natin. Hopefully the power plants will come in as scheduled, ang pinaka-ano talaga sa atin ngayon, iyong pinaka-critical is the election week. Iyong peak demand po ng Luzon eh mangyayari during the election week, so iyon ‘yung ano natin.

During the election day wala tayong problema, because the demand will be low. We don’t expect any outages during the election day. But the rest of the week, kung wala tayong power plants na magkakaaberya, kung wala tayong power plants na mawawala, we don’t expect any problem. So hopefully itong mga power plants will operate better; starting next week, hopefully talagang gumanda na and makabalik sila and hindi tayo magkaroon ng problema lalung-lalo na sa May, sa darating na halalan.

MR. ARCENA: Naku, ‘yan pa ang pinakaimportante. Dumako naman po tayo ‘no Asec, doon sa issue ng oil price, — kumusta po ang lagay ng presyo? May aasahan ho ba tayo na rollback o panibagong increase?

ASEC. DELOLA: Iyong presyo po ay nasa ibang ano po natin iyon ‘no, ibang official of the department iyong nagha-handle noon. Hindi ko po alam kung ano iyong magiging galaw, I think information will be made available usually during Fridays naman po.

MR. ARCENA: Okay. Sa ngayon po, may panghuling mensahe ho ba kayo Asec, bago ho tayo magtapos?

ASEC. DELOLA: Opo. Sa mga kababayan po nating nakikinig, ito nga po’t nararanasan natin ngayon na nagkakaroon tayo ng rotational outages. Ang atin pong mensaheng pinapaabot ay hindi po tayo nagkukulang ng supply. Sapat po iyong mga supply na nandiyan, na para ma-meet iyong demand natin.

Ang talagang naging problema ngayon is itong ating mga power plants, sabay-sabay na nawala, sabay-sabay na nag-outage. ‘Yan po’y iniimbestigahan na, tinitingnan na natin kung ano iyong talagang totoong dahilan; if we have to make people or companies accountable, we will do so. Ibibigay po natin ‘yan sa mga ahensiya na talagang nakatutok doon sa behavior nila ‘no, iyong tinatawag nating anti-competitive behavior noong mga power players. So titingnan po nating lahat ‘yan, and makakaasa po tayo na hopefully in the coming days bubuti na po iyong lagay ng ating power system ‘no, magbabalik na iyong ibang planta.

Tomorrow will be better than today, kasi mababa iyong demand, on Sunday also; and on the Holy Week, wala po tayong inaasahan na major problems. And we’re looking at the election week also, that we can secure it. Sa ngayon po, may dalawang planta sa Luzon na matagal nang—I mean nag-off na sila, kasi nga may sapat naman tayong supply. Pinapabalik natin sila online and papasok sila ng April 26 para tumulong lalung-lalo na sa election week. Iyon lang po.

MR. ARCENA: Okay. Maraming salamat po, DOE Assistant Secretary Red Delola; siya rin po ang head ng Electric Power Industry Management Bureau. Thank you po sir.

ASEC. DELOLA: Thank you po. Magandang gabi po.

SEC. ANDANAR: Daghang salamat, Asec.

MR. ARCENA: ‘Yan, importante ho talaga na maibalik sa normal ‘tong power supply ‘no. Kasi Sec., ang init ng panahon ‘di ba? Umaabot ng… kung natatandaan ko ho, umaabot ng 35 degrees Celsius ho iyong heat index—o no, mahigit pa ‘no? 50 pa nga iyong ibang parte ng Pilipinas—

SEC. ANDANAR: Mayroong 45 eh, may nakita akong 45 sa isang social media na nag-post; 45 degrees, Diyos ko po. Sabi ko napakainit nito. Pero sa mga kababayan natin, kailangan paghandaan; maraming tubig dapat. Heat stroke ang kalalagyan mo kapag kulang ang tubig sa katawan, at kung ikaw naman ay hindi magtago sa isang lilim na lugar, kailangan po talaga ay mag-ingat din ang mga kababayan natin.

JV, napag-usapan din sa Cabinet meeting iyong energy conservation campaign. So ang DOE at ang PCOO, tayo, ay magkakaroon tayo ng isang programa; magmi-meeting pa tayo with the Department of Energy kung papaano natin ikasa itong… how to conserve energy. Kasi kailangan din nating magtipid ng kuryente, hindi naman ‘yan isang bagay na naibabalik mo, lalo na kung hindi reusable, ‘di ba, iyong pinanggagalingan ng kuryente. Hindi naman lahat naka-solar power, hindi naman lahat naka-windmill, hindi ba. So kailangan talaga iyong—siguro in the future ‘no, magkaroon tayo ng energy sources na less pollution at iyong puwedeng gamitin ulit.

MR. ARCENA: Oo. At iyon pa nga po, tumataas iyong presyo ng kuryente kaya kailangan din ho natin talaga na tayo mismo na mga consumer ay mag-conserve ng energy at tayo rin, lalo na ngayong summer, tayo rin na rin mismo na—sabi nga ni Asec. Red, tayo rin mismo ay makipag-cooperate sa gobyerno at sa mga stakeholders, sa mga dapat o kung makipagtulungan tayo para nga po maiwasan iyong problema na magkaroon pa ng power outages sa future.

SEC. ANDANAR: So marami tayong mga kaibigan na iyon din ang gusto nila, reusable, renewable energy; in the future, talagang that is the wave that we should follow. And for now tama ka JV, we really need to conserve energy. Kung kailangan naman ay isang kuwarto lang kayo at isang aircon lang papaganahin, why not ‘di ba? Hindi naman kailangan maghiwa-hiwalay, at kung kailangan naman na patayin iyong aircon ‘pag gabi na at medyo malamig na, eh dapat gawin natin.

Uy good job ha sa Office of Global Media Affairs sa bago nilang proyekto—

MR. ARCENA: Thank you, Sec.

SEC. ANDANAR: Especially JV, na-appreciate talaga ng mga Cabinet members iyong inyong international news analysis – that’s how government work should be ‘no. You just have to continue innovating para mas lalong gumanda ang ating serbisyo sa bayan.

MR. ARCENA: At Sec., gusto ko rin po palang i-promote ‘no. Sa Lunes ho Sec., magsisimula na iyong atin pong unang interactive online web platform. So marami na po ang nagpa-register na mga international media doon sa atin pong advisory kasi ito po ‘yung kauna-unahan nating magkakaroon ng virtual press conference.

SEC. ANDANAR: Wow…

MR. ARCENA: So ang guest ho natin ay si Secretary—Presidential Spokesperson, Secretary Sal Panelo para sagutin iyong mga katanungan ng mga international media. Ito po ay nabuo sa suporta ho ni Secretary Martin Andanar, sa kaniya hong pag-push sa atin na magkaroon pa ng mas maraming engagements with the international media and the foreign audiences, at mai-promote natin iyong mga mensahe at mga polisiya ng Duterte administration at ng PCOO. So hindi po ito mabubuo kung hindi dahil sa suporta ng OSEC at ni Sec.

SEC. ANDANAR: Alam mo, itong Office of Global Media Affairs ay napakahalaga. Dati-rati, noong panahon pa ng Press Secretaries, panahon ni President Marcos at President Cory Aquino, ang may hawak nito ay iyong press attachés. Since wala tayong press attaché, ginawa natin, nag-innovate kami ni JV – gumawa ng Office of Global Media Affairs para pangalagaan ang interes ng gobyerno at para mai-communicate sa iba’t ibang foreign media agencies sa buong mundo.

Kaya si JV is already a mainstay pagdating sa mga—halimbawa trip ni Presidente sa China, One Belt, One Road Initiative, at nandoon para i-assist iyong ating mga foreign dignitaries.

At congratulations sa darating na Virtual Presser sa Lunes at ‘yan ay isa rin sa mga innovations na ginawa ng Office of the Global Media Affairs at ng PCOO. And prior to that, I would also like to congratulate JV, iyong Presser Weekend—

MR. ARCENA: Yes sir, last week.

SEC. ANDANAR: Oo last week, ginawa natin noong Sabado dito sa Muntinlupa. At itong Presser Weekend naman, ito iyong press conference sa weekend na dinadala natin sa mga local government units kasi mahalaga na nadadala natin iyong mga national programs sa local government units, and at the same time nalalaman din natin kung ano iyong mga problema ng mga local government units at nadadala natin, naire-relay natin kay Pangulong Duterte kung ano iyong problema. So it’s a win-win program na mayroon tayong Presser Weekend at the same time nakakaikot po iyong Presidential Communications sa lahat ng mga siyudad at munisipyo na piling-pili para maihatid ang mensahe ni Presidente hanggang grassroots.

MR. ARCENA: Iyon… At bago ho tayo magtapos, may final message ho ba kayo bago ho ang Holy Week dahil next week ‘no wala tayong—wala ba tayong ere sa Friday – Holy Friday, wala ‘no – o Good Friday?

SEC. ANDANAR: Wala.

MR. ARCENA: Wala, wala…

SEC. ANDANAR: Kailangan magpahinga ng transmitter.

MR. ARCENA: [Laughs] Kaya may mensahe ho ba kayo sa—

SEC. ANDANAR: Ipagdasal natin iyong transmitter, na tumagal pa iyong mga transmitter natin.

Ang mensahe ko lang po sa mga kababayan natin, unang-una salamat sa tiwala po kay Pangulong Duterte, 79% of Filipino adults are satisfied with the President’s performance for the first quarter of this year according to SWS survey. This will serve as an inspiration para sa amin sa Gabinete, para sa aming lahat sa PCOO at tuluy-tuloy nating gagawin iyong mga reporma… reporma tulad ng Mindanao Media Hub, reporma tulad ng proposal natin na magkaroon ng the first Government Strategic Communications Training Center sa Bukidnon, iyong mga ganoong klaseng mga innovations na dalhin sa gobyerno.

And lastly, please if you have time, siguro time to reflect and to pray to God and to thank the Lord Jesus Christ for sacrificing His Life para po tayo ay maisalba, tayong lahat, lahat tayong mga Kristiyano.

MR. ARCENA: Iyon… At hindi lang po sana puro bakasyon iyong nasa isip ‘no, dapat mag-ingat din. Paalala ho ng DOH, mag-ingat ho sa mga—sa dehydration, iyong mga ganoon, at mga tetanus, iyon po ang kanilang pangunahing concern tuwing Holy Week.

Maraming salamat po sa mga bumubuo ng Cabinet Report sa Teleradyo, muli ako po si JV Arcena.

SEC. ANDANAR: Ito po naman si Secretary Martin Andanar, at kayo po’y nakikinig at nanonood sa Cabinet Report sa Teleradyo.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource