Interview

Cabinet Report sa Teleradyo, Radyo Pilipinas with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by PCOO Assistant Secretary Kris Ablan


ASEC. ABLAN: ‘Ayan nakalabas na po ng IATF ang ating hepe ng PCOO, si Secretary Martin Andanar. Secretary Martin, good evening sir. We’re live po on Cabinet Report sa Teleradyo.

ASEC. ABLAN: Hello Kris, magandang gabi sa iyo at magandang gabi sa lahat ng mga tagapakinig ng ating Cabinet Report sa Teleradyo at sana’y nasa mabuti kayong kalagayan

ASEC. ABLAN: Kamusta po ang IATF meeting, Sec. Martin?

ASEC. ABLAN: Patuloy pa rin po ang IATF meeting sa ngayon, hindi pa ho siya natatapos. Marami nang napag-uusapan just like any other Inter-Agency Task Force on Managing Infectious Diseases. Mahaba po iyong usapan dahil maraming mga detalye doon sa mga rules and regulations na kailangan ma-finalize para ma-implement natin nang husto itong enhanced community quarantine.

Marami na hong—parang ang bilis-bilis ng mga pangyayari Kris eh, ilang araw lang tapos ang dami hong nangyayari, maraming mga pagbabago. Of course we are taking this very, very, very, very seriously kasi marami pong apektado dito; apektado po ang ating mga kababayan, apektado po ang hanap-buhay, apektado po ang ating kalakalan, apektado po ang ekonomiya, apektado po iyong ating mga paaralang at ating mga estudyante.

So lahat ho, apektado ho lahat so we need to plan this properly para kahit papaano ay mas madali po ang pagbangon nating lahat. Depende sa bilis ng pag-contain ng sakit na ito, COVID-19, ay ganoon din po magdedepende po iyan sa pag-cooperate po ng ating mga kababayan. So iyon po.

ASEC. ABLAN: Sec. Martin, matapos po ang pagsabi ni Secretary Duque na may sintomas po siya ng COVID-19, paano po nag-iingat ang mga ibang miyembro ng IATF ngayon?

ASEC. ABLAN: Well, we practice social distancing sa meeting at isang metro po ‘yung layo ng bawat isa. Istrikto po iyong pagpapatupad ng mga—naglagay po noong quarantine na mop, mayroon po silang mop na may solution eh, so you need to step on that—

ASEC. ABLAN: Opo, inaapakan ninyo po.

ASEC. ABLAN: —in a quarantine. Tapos sa kamay ganoon din po, iyong mga alcohol/alcogel; tapos iyong pagsusuot ng face mask. Iyon po, tapos social distancing… wala pong kamay tapos ‘pag nag-uusap malayo po, tig-iisang mikropono lahat. So iyon po ‘yung practice dito.

So far naman sa atin sa Presidential Communications Operations Office nakita ninyo naman na nagpatupad kaagad tayo ng ating skeletal staffing at mayroon ding work-from-home at the same time. Pero alam mo tayo Kris, mga frontliners tayo eh dahil nasa media tayo eh so we need to continue broadcasting kaya nagpatupad po tayo ng ating Laging Handa Public Briefing.

ASEC. ABLAN: Yes sir, everyday po ‘no.

ASEC. ABLAN: Everyday, Monday to Sunday—

ASEC. ABLAN: 11 o’clock.

ASEC. ABLAN: Mayroon din po tayong programang ang tawag natin ay Alerto, COVID-19 Special sa PTV. So lahat po ng ito, sa Laging Handa Public Briefing, lahat po ng ito ay simultaneous po ito sa lahat ng mga radio stations ng Philippine Broadcasting Service. Ito po’y naka-livestream sa lahat ng mga social media accounts ng PCOO family, at nandiyan din po ang PIA para sa kanilang pakikipag-ugnayan sa ating mga local government units para kasama po sila sa programa especially now kung ano ‘yung mga concern ng mga probinsiya, ng mga rehiyon.

And then importante rin po na nakiisa sa atin ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas member-stations, na tayo po’y naka-hookup sa lahat po ng KBP member-stations nationwide. So by doing that, eh mas napadali po natin iyong information dissemination. Kung napansin po for the last 5 days—

ASEC. ABLAN: Yes sir, pinapanood ko po kayo ni Usec. Rocky tuwing alas onse po ng umaga at iba-iba po iyong mga guest ninyo po sa inyong Laging Handa na programa, iyong Public Briefing po. Noong isang araw po si Usec. Jonathan Malaya, noong isang araw po si Usec. Vergeire, tapos noong isang araw po pati si Secretary Dar po napanood po namin.

ASEC. ABLAN: Opo, at sa Lunes ay ilulunsad po natin iyong ating COVID Radio. So maganda po itong COVID Radio dahil ito po ay programa rin po sa Radyo Pilipinas. So ibig sabihin, tuluy-tuloy ho talaga; mula 9:30 ng umaga papasok na ho iyong Press Briefing ni CabSec Karlo, tapos ‘pag 10:30 naman, papasok naman si Pareng Erwin Tulfo from 10:30 to 11:00; from 11 to 12 naman papasok iyong ating Laging Handa Public Briefing. So tuluy-tuloy po ito, we will just continue to do this para ma-inform po iyong ating publiko sa mga ginagawang hakbang ng ating pamahalaan para maiwasan itong COVID-19.

Next week pala Kris, mayroon tayong ExeCom so pag-uusapan natin iyong mga iba pang gagawin ng Presidential Communications Operations Office—

ASEC. ABLAN: Yes sir, maganda po iyan kasi madami pong mga taong nagtatanong. So maganda po na mayroon po tayong daily program para malaman po nila kung—gaya ng sinabi ninyo Sec. Martin, ano iyong mga hakbang ng gobyerno.

ASEC. ABLAN: Oo, tapos—and then we will also have a podcast para po naman sa ating mga OFWs na ang kanilang paraan po para makapagtanong ay sa pamamagitan ng mga internet katulad po ng Facebook, Youtube, sa pamamagitan po ng Skype. So iyon po ‘yung gagawin natin para all bases ay covered po natin.

ASEC. ABLAN: Yes. So alam namin Sec. Martin na kailangan ninyo pa pong bumalik sa inyong meeting. So maraming salamat po at nag-hello po kayo sa Cabinet Report sa Teleradyo. We look forward po into more updates po from the PCOO.

ASEC. ABLAN: Opo, salamat. Abangan ninyo po mga kababayan ang Public Briefing, Monday to Sunday po iyan, alas onse ng umaga hanggang alas dose po ng tanghali. Thank you Kris, mabuhay ka at stay healthy and make sure that your family’s healthy too.

ASEC. ABLAN: Yes, sir. Ganoon din po sa inyo. Take care po. All right, iyan po ang tinig ni Secretary Martin Andanar, ang aming Secretary sa Presidential Communications Operations Office na ngayon ay nasa Inter-Agency Task Force meeting pa rin, ongoing. So mga kababayan, talagang hindi po natutulog ang inyong gobyerno, lahat ng kailangan gawin po, lahat ng gusot na kailangang plantsahin, ginagawa po nila. Alam po natin iyong mga iba’t ibang mga issue na nararamdaman po ninyo diyan sa ibaba, huwag po kayong mag-alala, ginagawan po ng paraan ng ating gobyerno not only on the national level pati na rin po ang ating mga local government units na pinamumunuan ng ating mga local chief executives.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource