LEO: Papakilala ko muna iyong aking partner, ang heartthrob ng Cabinet [laughs]. Magandang umaga Sec.
SEC. ANDANAR: Good morning. Good morning, good morning Leo. Good morning po sa lahat ng ating mga tagapakinig dito sa Radyo Pilipinas Cabinet Report, at tayo po ay—
LEO: Na-miss ka namin ha. Ilang…
SEC. ANDANAR: Mas na-miss ko kayo.
LEO: Ilang taon ka bang nawala?
SEC. ANDANAR: Pero buti na lang mayroong phone patch. Oo, pero tayo ay talagang masuwerte… mapalad tayo dahil nandito iyong pinaka… pinakasiga ito sa Cabinet, pinakasiga. Saka ito iyong Cabinet member na talagang kilalang-kilala ko, hindi natutulog ito… hindi natutulog – trabaho… sa umaga pa lang alas-singko gising na, kahit Linggo. Alam mo ba mayroong hindi alam iyong mga kababayan natin na Linggo ng umaga… Linggo ng umaga mga 3, 4 hours iyan ay nilalaan niya iyong kaniyang oras para kausapin ang media at iyong mga hindi nakakausap mula Lunes hanggang Sabado. Talagang hardworking itong si Secretary Tugade, ultimo iyong mga ano namin… iyong National Security Council na meeting…
LEO: Nandoon din…
SEC. ANDANAR: Natatapos alas tres ng madaling araw, hindi natutulog ‘yan. Hindi ko nakunan ng picture na natutulog ‘yan. Talagang gising na gising, siya iyong pinaka
LEO: Alam mo partner, ito nakakatawa. Kaninang wala ka pa, noong sinabi kong hearththrob ng Cabinet, ikaw, sabi niya “Totoo ‘yan.” Sinisiraan ka kanina…
SEC. ANDANAR: Hindi totoo… [laughs]
LEO: Hindi, sinisiraan ka… Sabing ganoon [laughs]…
SEC. TUGADE: Sinabi ko lang, may alam ako. Kung walang sira iyon, walang kumpuni!
SEC. ANDANAR: Oo, wala, wala, wala…
SEC. TUGADE: Ang sinabi ko, kung may alam ako sa’yo, may alam ka rin sa’kin.
SEC. ANDANAR: Tama, tama, tama. Tabla, tabla, table! Pero alam mo talagang ang buong bayan ay inaabangan iyong mga Build, Build, Build project ni Secretary Tugade, especially iyong subway system ay inaabangan talaga ‘yan ng mga kababayan natin at iyong pag-improve ng ating railway system sa buong Pilipinas.
LEO: Oo, ‘ayan. So Secretary Tugade, kami talaga mag-partner… isang taon lang nawala [laughs]…
SEC. ANDANAR: [Laughs] Alam mo kasi Secretary Art, tayo’y napag-utusan ng Pangulo na kailangan umikot tayo sa buong Pilipinas ano, para at least masiguro natin na iyong ating Philippine Information Agency ay nabibigyan ng sapat na pansin. Kasi ito iyong ating inaasahan na magbigay ng mga impormasyon, mga balita mula sa gobyerno, mula sa Executive Department all the way to the purok. So iyon ang ating assignment ngayon for the next 9 months ay 80% of my time will be spent in the provinces!
LEO: Alam mo Secretary, ang dami na naming pinag-usapan. Sa tatlumpung minutong nawala ka dito sa amin, ay ang dami na napag-usapan ni Secretary Art. At sabi ko nga doon sa decongestions pa lang, sabi nga ni Sec. kanina, “Ilang oras na tayo dito? Parang kulang eh.” [laughs].
SEC. ANDANAR: Kulang talaga… Alam mo, pero si Art ang kilala kong secretary na talagang may tapang… talagang literally may malasakit. Minsan eh hindi lang siguro niya alam, pero iyong Presidential Communications tinututukan iyong kaniyang trabaho. Minsan nasa airport siya, tapos doon sa airport ay na-delay iyong flight. Ultimo iyong tubig, na mga pagkain… iniisip niya kung anong kinakain ng pasahero, at talaga namang na-appreciate ito ng mga pasahero, mga kababayan natin. Kaya the Cabinet, the Filipino people… we are very lucky to have Secretary Art Tugade.
LEO: Saka ang sipag…
SEC. TUGADE: Ganoon din po sa’yo, sir. Hindi naman ho pang-isahan iyong appreciation ng sambayanan! Ina-appreciate ho iyong kabuuan ng Gabinete – lahat ho kasama diyan – ikaw at ako, at lahat ng ating mga kasama!
SEC. ANDANAR: Oo. Tapos maikuwento ko lang Sec. Art ‘no, kasi iyong issue ng Jeepney Modernization Program, at marami ang—mayroong mga sektor na tumututol dito. Pero si Sec. Art, alam ko kasi kung anong pinaghuhugutan nito eh, kasi—siyempre iyong mga jeepney, iyong mga lumang jeepney na kailangang i-phase out, hindi na fuel efficient, tapos polluter pa, iyong emission ng kaniyang—o iyong masasamang hangin, masasamang usok, carbon monoxide, etcetera… ay nakakasama sa ating environment at sa kalusugan ng ating mga kababayan.
So ang pinaghuhugu—ang hindi alam ng nakararami, ay noong nagsisimula pa lang ang pamilya ni Secretary Art – hindi pa siya ganito kayaman, mahirap pa siya… mas mahirap pa sa daga.
LEO: Oo, binanggit niya kanina.
SEC. TUGADE: Hindi naman. Kumbaga sa daga, dagang costa…
SEC. ANDANAR: Oo [laughs]… Pero naikuwento niya ba na iyong—siyempre ‘pag ikaw ay nagsisimula pa lamang, wala ka pang sasakyan, iyong mga anak mo nagji-jeepney, etcetera. Oo, tapos iyong isang anak ni Sec. Art ay nagkasakit dahil sa pollution, at iyon ang ikinamatay ng anak ni Sec. Art, iyong masamang hangin. Kaya iyong kaniyang advocacy na mabigyan iyong ating mga kababayan ng isang jeepney, isang transportation system na hindi pollutant. Eh kasi—
LEO: ‘Ayan, iyong nakikita nila ngayon sa Facebook Live. Ngayon kaya pinapakita po iyong video, ‘yan po iyong mga naggagandahang mga sasakyan na ginagawa ni Secretary Art, hindi ba? ‘Yan oh…
SEC. ANDANAR: ‘Ayun… So—kaya ang kaniyang puso ay nandoon talaga sa mga mananakay dahil mayorya sa ating mga kababayan ay nagji-jeepney, nagko-commute. Siyempre kung ikaw ba naman mawalan ng anak dahil sa pollution, etcetera… masakit talaga.
LEO: Alam mo Sec. nag-iisip ako, noong nag-aaral pa sila ni Pangulo doon sa San Beda, imaginin (imagine) ninyo iyong Recto, hindi ba – siguro isa ‘yan sa pinag-uusapan nila noong college pa sila. “Ito baguhin natin ‘to, mga jeep na ito na nagkalat dito,” hindi ba? Mausok doon sa area na iyon, San Beda area, hindi ba?
SEC. TUGADE: Sa ating pagsilip noong nakaraan… noong nakaraan po, tingnan natin iyong hinaharap – iyong ngayon, iyong ngayon. Ano iyong nangyari sa Mindoro? Ilan ang namatay? Nakita ninyo kung ano ang nangyari sa sasakyan. Nakita ninyo kung ano ang nangyari sa mga taong mananakay. Tanong: Ilan pa ang gusto nating masaktan at mamatay upang manindigan tayo na talagang kailangan natin iyong tinatawag na modernisasyon ng transportation? Lahat po ng mga president ng nakaraan, gustong mag-modernize. Kapag sinabing magmo-modernize, gaganyanan noong mga ayaw – ‘ititigil na’. Magganiyan kayo o hindi, gagawin natin ‘pagkat ito ang tama.
Ilan pa ang gusto ninyong mamatay upang maniwala kayo na kailangan na natin iyong modernisasyon? Nakita ninyo kung papaano nangyari doon sa bus, tagpi-tagpi at naging you know, parang in a culture. Iyon ba iyong mga sasakyan na gusto natin? Nakita ninyo iyong gulong, ganoon ba iyong mga gulong na gusto nating babaybay sa ating mga kalsada? Silipin natin ang nakaraan, pero nagpapahiwatig ho iyong mga nangyayari sa ating kapaligiran ngayon – para bang nagsusumamo at nagsasabing “Gawin ninyo na.”
Magsama-sama na tayo at gawin natin ito. Hindi ho natin kaya mag-isa ito, dapat kasama namin kayo! Ilan pa ang gusto nating mamatay; Ilan pa ang gusto nating masaktan!
LEO: Kaya nga nagalit si Presidente, Secretary. Sa sobrang galit ni Presidente – inutos kay—
SEC. ANDANAR: Nagalit doon sa nahulog na bus…
SEC. TUGADE: Alam ninyo po ba iyong nangyari? Noong ininspeksiyon ng LTFRB iyong terminal, nakita iyong mga ibang sasakyan, halos ganoon din ang estado. Kaya nga ba sabi natin, bakit kung kulang ang—iyon lang ang susupindihin ninyo na nasa ruta, eh bakit hindi na lang lahat? Kung mayroon silang tinatawag na fraudulent concealment within the context of a criminal intent, eh dapat pakita natin iyong ngipin ng batas.
SEC. ANDANAR: So itong Dimple Bus Company, ay malaking pagkakasala talaga ang kanilang ginawa na every year halos may nahuhulog kasi na mga bus sa bangin, may nadidisgrasya. Itong Dimple Bus ay isa lang ito sa mga bus companies na kailangan talagang tutukan at kailangang masiguro iyong road worthiness ng kanilang mga bus. So ano po ang naging utos ng ating Pangulo, Secretary Art?
SEC. TUGADE: Simple lang ho ang naging utos ng ating Pangulo. Ang sabi niya: “Itigil na ‘yang mga katarantaduhan ng colorum. Make it nationwide, arestuhin lahat ‘yan, hulihin lahat ‘yan ‘pagkat illegal ‘yan.” And so ito ho iyong ginagampanan na katungkulan ng DOTr ngayon sa statement ng ating Pangulong niyan, binigyan diin ang aming mga gagawing trabaho. Kaya nga nitong Lunes, si Usec Orbos, ay mi-meeting-in lahat iyong I-ACT – mayroon ho kami iyong I-ACT na kombinasyon ho ito ng Highway Patrol, MMDA, LTO, LTFRB, PNP ang LGU – na kung saan, tumutulong sa problema sa kalsada. Iyong illegal parking kasama na iyong colorum, kaya imi-meeting ‘yan para… kung papaano gagawing nationwide iyong paghabol sa mga colorum!
LEO: Huwag na isama iyong colorum, oo… tanggalin na agad ang colorum! Imi-meeting pa ba iyan?
SEC. TUGADE: Hindi. Ang pagmi-meeting-an kung papaano lulusubin, kung papaano susuyurin, kung papaano sila papatigil para hindi na babaybay sa ating mga kalsada.
SEC. ANDANAR: Kung mayroon ding mga colorum na mga bus… ako kasi islander ako, taga-Siargao ako eh. Marami ring mga lantsa, mga motorized banca na… Sec. Art alam mo na, ang lapit na ng—Holy Week na next week, at minsan overloaded; most of the time overloaded actually – at doon nangyayari iyong mga disgrasya.
SEC. TUGADE: Ngayon ho, una ho: tayo ho ang nag-umpisa noong numbering system ng mga lantsa na kung saan nire-regulate kayo niyan; pati iyong mga speed ng mga lantsa nire-regulate. Ngayon ho, talagang vigilant ang ating Coast Guard, vigilant ang ating PPA pati na iyong MARINA, na kung saan iyong mga pag-i-issue ng lisensiya ay kontrolado, na kung saan iyong may mga binibigyan ng lisensiya ay sinu-supervise-an upang tama lang iyong pagganap ng kanilang mga responsibilidad. Alam ninyo ba noong unang panahon, magkakaroon ka ng Ro-Ro – Ro-Ro! Roll-on/roll-off – lalagyan nila ng second deck, triple deck? Kapag kinanti mo iyong roro at nilagyan mo ng deck iyong tinatawag na balance niyan naiba na, kaya ang nangyayari diyan kapag may dumating na alon na malaki-laki, lubog! Kaya ngayon ipinagbabawal namin lahat iyan, ipinagbabawal namin lahat iyan! You cannot tamper the balance of the Ro-Ro vessel.
SEC. ANDANAR: Talagang nagro-roll na siya o literally—
LEO: Tutumba ka talaga kasi—
SEC. TUGADE: Lalagyan nila ng second deck, third deck.
LEO: At saka iyong paghigpit doon sa mga ano—iyong manipesto ng mga pasahero, dapat kung 300, 300 lang talaga hindi iyong sumusobra.
SEC. ANDANAR: Pero ang gusto kong tanungin, Sec. Art ‘no iyong mga lantsa na de-katig, de-katig, hindi ba sa mga ano—
SEC. TUGADE: Oo iyong mga bangka—
SEC. ANDANAR: Iyong mga bangka ‘di ba? Ano ba talaga iyong (overlapping voices).
SEC. TUGADE: Noong bago pa lang ako, pinaaral ko na iyong wooden hull at saka iyong mga de-katig. Mayroon akong mga—gusto naming ilabas na polisiya pero binabalanse ho namin sa pangangailangan ng ating mga fishermen. Kasi karamihan ho ng gumagamit ng de-katig iyong mga—
LEO: Mga mangingisda.
SEC. TUGADE: Mangingisda. Madali hong sabihin na wala nang fishing boat kung hindi aluminum or fiber, wala ng de-katig. Siyempre pag-aaralan mo iyan, papaano mo hihimayin iyong paghahanap-buhay noong ating mangingisda para pagpasok ng polisiya na iyan hindi masyadong umaray o masaktan.
LEO: Pero Sec., iyong sinasabi ni Secretary Andanar kanina iyon iyong—although ginagamit nilang pangingisda iyon, minsan naeengganyo sila, ginagamit nila at pampasahero, from island to island.
SEC. TUGADE: Iyan ho ang talagang hindi pupuwede.
SEC. ANDANAR: Kaya nga Sec. Art, ang iniisip ko, scientifically, kasi hindi naman ako marino, hindi ko alam kung ano talaga iyong tama. Iyong lolo ko noon may lantsa din, naka-apat na lantsa kami noon eh. Pero ano bang mas efficient iyong may katig o walang katig? Iyon-iyon eh, iyon ang tanong eh!
SEC. TUGADE: Ang pinaka-efficient ho diyan at saka pinaka-safe iyong gagamitin mo iyong tinatawag na fiber at saka iyong aluminum. Kasi iyong support mo hindi na muna susuportahan noong katig—
SEC. ANDANAR: Iyong outrigger?
SEC. TUGADE: Iyong outrigger, iyon ho iyon.
SEC. ANDANAR: Iniisip ko kasi Leo, eh siyempre sumasakay ako ng lantsa eh mula Surigao City hanggang Siargao—
SEC. TUGADE: Iba ka talaga. Lantsa ang sinasakyan mo, ako bangka.
SEC. ANDANAR: Islander.
LEO: Parehas lang iyon, Sec. [laughs].
SEC. ANDANAR: Iniisip ko eh, hindi ba iyong katig made out of hard wood iyon eh, eh pumutol ka ng puno noon para magkaroon ng katig.
LEO: Yes, oo.
SEC. ANDANAR: So iniisip ko, ano ba talaga ang pinaka-efficient?
LEO: Pinaka-safe.
SEC. ANDANAR: Pinaka-safe.
LEO: Ayon sa pasahero.
SEC. ANDANAR: Tapos number 2 Sec Art, it eats so much space doon sa pier. Kasi de-katig imbes na magkatabi dalawang barko o dalawang bangka na walang katig—
SEC. TUGADE: Hindi naman napo-fold iyong katig ‘no? [laughs].
SEC. ANDANAR: Hindi naman napo-fold, hindi naman napo-fold iyong dalawang wings, dalawa aakyat hindi ba?
SEC. TUGADE: Lahat ng argumento mo, sama ako diyan.
SEC. ANDANAR: Sama ka?
SEC. TUGADE: Oo, sama ako diyan. Pero sinasabi ko lang, kailangan balansehin mo ito doon sa pangangailangan at tamang paghahanap-buhay ng ating mga mangingisda. Tama rin iyong sinasabi na dapat iyong mga de-katig-de-katig na iyan, huwag kang magsakay ng tao diyan na gagawin mong pampasahero. Kaya nandodoon na iyong ginagampanang katungkulan ng ating Coast Guard, iyong katungkulan ng ating PPA at katungkulan ng MARINA na kung saan nagbubuklod-buklod sila upang ang mga pangyayaring ito, lalo’t higit sa darating na Semana ay mawala at hindi mangyari.
SEC. ANDANAR: Malamang si Sec. Art sa Semana Santa nagtatrabaho pa rin ito.
SEC. TUGADE: Ah tama ho. Nabanggit mo iyan kaunting personal lang. Hindi ho ako sumama sa holy week kasi baka ho magkaroon ng problema at wala ako, nagliliwaliw, mukhang hindi tama iyong mensaheng ipapadala ko niyan. Kaya nandidito lang ho ako. Uumpisahan ko na nga sa Lunes. Sumama ka kaya sa akin?
LEO: Iyon oh.
SEC. TUGADE: Mag-iinspeksyon na ako sa kuwan, sa Panglao. Kasi inaugurated ng Presidente, ang gusto kong siguraduhin na tama. Ayaw kong ianunsiyo iyong mga gagawin ko kasi may plano akong mga—iyong tinatawag na unannounced inspection. Iyon bagang inspection na walang kasamang media.
LEO: Iyan.
SEC. TUGADE: Style ko ho iyan eh. Alam mo sumasakay ako ng P2P, walang kasamang media, sumasakay ako ng MRT walang kasamang media! Minsan makikita ka ng pasahero, gaganyanin ko na lang. Hindi naman tayo kapareho ng iba, mag-inspeksyon ka diyan, isang katerbang media iyong kasama. Eh hindi naman ho ako ganoon.
LEO: Alam mo partner, binigyan ako ni Secretary Art nito. Imagine mo may annual report siya ng 2017. Napakarami na pala ng mga nagawa ng Department of Transportation, hindi masyadong nabibigyan ng halaga.
SEC. ANDANAR: Napakaganda kung mayroon din akong kopya niyan.
LEO: Oo siyempre.
SEC. ANDANAR: Noong binabasa ko iyan, noong binabasa ko iyan ay nakita ko na… Kasi minsan kapag nagbabasa ka, nabasa ko na iyan, maraming mga magagandang mga larawan diyan, mga picture ng mga nagawa. Talagang makikita mo na hardworking si Sec. Art. Nabanggit ni Sec. Art iyong Panglao—
LEO: Iyan.
SEC. ANDANAR: Nabanggit niya iyong sa Bohol. And mayroong malaking proyekto diyan sa Bohol pero bago natin tanungin si Sec. Art kung ano iyong proyekto na iyon, dahil itong proyekto na ito ay talagang masasabi natin na, a project that was done under the Duterte administration from ground up at ito ay proyekto na magiging proud lahat ng mga Bul-anon at lahat ng mga taga Region 7. So bago natin tanungin kay Sec. Art kung ano iyan 11:59 na in the morning. Kailangan nating mag-break muna.
LEO: At saka iyong mga tanong ng ibang mga—
SEC. TUGADE: Iyong tanong kanina—iyong… balikan natin baka akala noong nagtanong hindi natin kayang sagutin. Iyong sa terminal? Iyong sa terminal ‘di ba? Iyong sa terminal sinabi niya matatapos daw iyong sa Parañaque, iyong groundbreaking na ng Ayala. Tatapusin ho namin iyan pagkatapos ng two and a half years! Binibigyang tugon lang namin iyong parte ng San Miguel contract na kung saan iko-connect namin iyan. Pero ang importante ho ito! Mayroon hong babayaran ang gobyerno sa mga private operators na Ayala at Megawide—
LEO: Megaworld.
SEC. ANDANAR: Iyong sa terminal ito. World iyong isa ito.
LEO: Iba pala iyan.
SEC. TUGADE: Iyong isa wide, iyong isa world. Mayroon namang wide world. Talagang ganiyan ang mga pagbibigay ng pangalan. Wide-wide world!
LEO: Oh iyan ha, doon sa nagtanong two and a half years ang palugit ng gobyerno.
SEC. TUGADE: Ang importante ho diyan sa aming pakikipag-ugnayan at pakikiisa ng pribado, iyong babayaran nila, babayaran ng gobyerno sa kanila na 277 million a year for the next 35 years, doon sa isa at 107 million a year for the 35 years doon sa pangalawa, lahat ho iyon wala na. Hindi na—sa aming pakikipag-ugnayan sa kanila, pumayag ho sila na mawala ito. Dagdag pa niyan: a percentage of the rentable income, two percent. Kasi siyempre, ma i-improve iyong pasilidad, ilalaan ho iyon para sa gobyerno. Iyong savings na iyon noong dalawa in the next 35 years will spell to easily 13 billion pesos. Hindi pa kasama iyong cash generation na 2 percent. Hindi mapupunta sa bulsa ko iyon, mapupunta sa kaban ng bayan iyon.
SEC. ANDANAR: National treasury.
SEC. TUGADE: Ito iyong magandang sistema diyan, siste diyan, na kung saan nakipag-ugnayan ang gobyerno, ang administrasyong Duterte sa mga pribado na kung saan ipinakita naman ng pribado iyong pakikiisa nila sa ating administrasyon. Eh ‘di napakaganda.
SEC. ANDANAR: Mabuti naman at pumayag.
LEO: Magandang balita iyan ha.
SEC. TUGADE: Ay naku! Mangyari ho iyong pribado na makipag-isa at makipagtulungan sa atin, pagka’t nakikita nila iyong sinsero at liderato ng ating Pangulo.
SEC. ANDANAR: Akalain mo iyan ha 13 billion ha, 13 billion pesos wala pa doon iyong 2 percent na kikitain ng gobyerno kasi tataas iyong value noon—
SEC. TUGADE: Tataas iyong value noon eh.
LEO: Well, iyan ha sinagot na ni Secretary Art ang tanong mo. Magbabalik po kami in a while. It’s 12:02 in the afternoon na. Magbabalik po ang Teleradyo o ang Cabinet Report sa Teleradyo. [COMMERCIAL BREAK]
LEO: At siyempre pa balik na tayo, balik-balik dito po sa ating Cabinet Report sa Teleradyo sa ating second hour ng ating pagtatanghal ngayon. Kumusta kayo diyan, kasama natin ngayon siyempre pa sa himpilan, sa studio… ang ating Kalihim mula po sa Department of Transportation, Secretary Art Tugade at siyempre ang heartthrob ng Cabinet, ng Pangulo… Secretary Martin Andanar [laughs]…
SEC. ANDANAR: Ang pinaka-heartthrob sa Cabinet, si Mark Villar
LEO: Ah, ganoon ba iyon?
SEC. ANDANAR: Oo. Si Mark Villar
SEC. TUGADE: Alam mo na, hin-hello mo iyan, bahala na kayo mag-usap diyan
LEO: Ayos na kanina eh, nag-usap na kami kanina noong wala ka – sumasang-ayon nga siya.
SEC. ANDANAR: Si Mark Villar pogi na, malalim pa ang bulsa. Oo mayaman, pinakamayaman… Eh kami nasa…
SEC. TUGADE: Mamaya kapag hindi na tayo on-air, magkuwentuhan tayo [laughs].
SEC. ANDANAR: Alam mo ba na si Sec. Art ay napaka… balita ko lang naman ito. Hindi ko pa talaga natikman iyong kaniyang steak eh, napakasarap daw talagang mag-ihaw ni—
LEO: Siya nagluto ah…
SEC. TUGADE: Madali akong kausap…
SEC. ANDANAR: Oo… Birthday nga pala niya! Birthday week niya Sec. Art, birthday week.
SEC. TUGADE: Happy Birthday.
LEO: Naku maraming salamat, Sec.
SEC. TUGADE: Alam mo, masarap iyong nagbibilang ka ng birthday. Kasi kung hindi ka na nagbibilang ng birthday, ibig sabihin hindi ka na magbi-birthday.
SEC. ANDANAR: Tama, tama…
SEC. TUGADE: Kung nagbibilang ka, maski 90 matuwa ka. Nagbibilang ka hanggang 90, hindi ba?
LEO: Pero 4 days from now, birthday po ni Presidente Rodrigo Roa Duterte. Kaya happy, happy birthday sir! From Cabinet Report sa Teleradyo… Ohh naunahan ko kayong dalawa.
SEC. ANDANAR: Talagang napaka…
SEC TUGADE: [Sings] Happy birthday to you… Naunahan kita sa kanta [laughs].
LEO: Pero sandali, bilang kaibigan ‘pag nagbi-birthday si Presidente, anong ginagawa niya? I mean, ‘pag nagbi-birthday…
SEC. TUGADE: Siguro mas magandang ikaw na magtanong sa kaniya kung anong ginagawa niya.
LEO: Secretary Andanar [laughs]… ayaw eh [laughs].
SEC. TUGADE: Hindi… Basically he finds A time to rest, to refresh and recoup energy. Hindi siya mahilig noong madaming party-party, celebration, hindi ho siya ganiyan. Naka-experience ho ako ng isang birthday niya, hindi ko sasabihin kung kailan… na kung saan ang kasama niya lang – siya, si Honeylet, saka si Veronica.
LEO: Ah, kita mo naman…
SEC. ANDANAR: Pero noong—Sec. Art noong magkaklase pa lang kayo sa law school, ano ang celebration ng birthday ni Presidente?
LEO: Oo, paano siya nag—
SEC. TUGADE: Normal ‘yan… eh hindi siyempre tagay-tagay, beer-beer ‘di ba?
SEC. ANDANAR: Saan kayo tumatambay noong mga nakaraan?
SEC. TUGADE: Iyong mayroong restawran na puwede kong sabihin, nawala na kasi…
SEC. ANDANAR: Sampan…
SEC. TUGADE: Oo doon sa may kuwan, mayroon sa Sta. Mesa – Sampan, saka iyong sa gilid ng San Beda…
SEC. ANDANAR: Sa Mendiola…
SEC. TUGADE: Subdivision iyon…
SEC. ANDANAR: So tagay-tagay, beer…
LEO: Ganoon lang, wala na, wala na?
SEC. TUGADE: Wala na. Paano eh mahihirap lang kami noon, estudyante lang kami noon eh [laughs]. Kapag gusto ninyong magtagay-tagay… magtanong ka, iyon lang, iyon lang? Siyempre hindi [laughs]. O ‘di ba, nambobola na ako.
SEC. ANDANAR: Hindi lang tagay, dapat kumpleto – may kainan na, may dessert pa… Kainan ha…
LEO: Hindi pero, iba kasi panahon noon eh kaysa ngayon ‘di ba? [laughs]
SEC. ANDANAR: Anong hilig mong kainin Sec. Art? Anong mga favorite mo na pagkain?
SEC. TUGADE: Ako, simple lang. Alam mo… kailan ba ako dumayo at tuwang-tuwa ako naka—hindi bola ‘to ha – nakakita ako ng kamote, iyong talbos ng kamote. Ay nilaklak ko iyon, may bagoong saka may kamatis. Kasi iyon ang—papaano kami mamuhay noon, noong nakatira kami sa may Tatalon, saka iyong gurami – iyun ang kinalakihan ko. Ngayon hindi ko na nakikita eh, kaya kapag nakakakita ako niyan, binabalik-balikan ko iyong sarap noong nagkakamay saka naaalala iyong aking nakaraan. Pagkat kung naalala mo iyong nakaraan at kung saan ka nakatayo ngayon, eh puwede ka nang magyabang at sasabihin mo, “I have right. I have right.” Ganoon iyon eh ‘di ba?
SEC. ANDANAR: Alam mo mayroon akong kuwento eh, mayroon akong kuwento kay Sec., about kay Sec. Art. So noong bago pa lang kami sa—siguro mga 1 year….
LEO: Linawin ko lang, hindi panabla ‘yan ha?
SEC. ANDANAR: Hindi, hindi… 1 year pa lang sa Gabinete, 1 year pa lang. So nakausap ko iyong tiya ko, saka iyong nanay ko, si—well actually wala na eh, sumakabilang-buhay na eh, si Tita Menchie – talagang… may her soul rest in peace. Ang kuwento niya… kasi si Sec. Art sikat ito noong college eh, bright boy tapos talagang debater, champion debater, student leader! So iyong nanay ko nasa Maryknoll, tapos iyong Auntie ko naman ay nasa Ateneo nag-aaral. Nakaraan na ito, nakaraan na ito. Tapos pagdating doon sa ano ‘no… ngayon kinaibigan niya iyong auntie ko. O ‘di lumalabas na—
LEO: Kinaibigan lang ha?
SEC. ANDANAR: Kaibigan lang. Tapos—parang kaibigan/dini-date, oo. Tapos iyong nanay ko kasama doon sa date. Tapos sabi, “Sino ba talaga dini-date mo Art, si Titos – iyong pangalan ng nanay ko – or si Menchie?” Kaya noong nagkita kami sa Gabinete sabi ko, “Ikaw ‘ata tatay ko eh. Parehas tayong matangkad.” Sabi ko, “Dad, i-adopt mo na lang ako,” kasi maraming pera [laughs].
SEC. TUGADE: Alam mo noong kapanahunan ho namin, iyong mga date-date-date, tinky-winky lang ‘yang ganiyan… walang pangyayaring iba diyan. Iyon bang… ni hindi ka puwedeng umakbay na ganiyan noon. Iba iyong pamumuhay namin noon – ngayon wala pa kayong relasyon may nangyayari na eh. Pero iyong sa amin, noong kapanahunan namin date is “hi”.
SEC. ANDANAR: Sabi ko sa nanay ko, “Ma, totoo ba iyon?” Sabi niya: “Oo, kaso dalawa kaming dini-date kaya nilayuan namin si Art.” [laughs]
LEO: Ngayon nagsisisi na, kasi naging bilyonaryo eh! [laughs].
SEC. TUGADE: Ah, next question…
SEC. ANDANAR: Hindi, kuwento lang ‘yan… kuwento…
LEO: Pero sinagot niya? Sa kanila?
SEC. ANDANAR: Wala, wala nga.
SEC. TUGADE: Alam mo kami noong kuwan… sa amin ho—ngayon, sa kapanahunan ng mga kabataan, it’s physical dating. Noong kapanahunan namin, mental dating…
SEC. ANDANAR: Ahh… Okay, mayroon palang mental dating ha.
LEO: Napakasuwerte mo, mayroon kang mental telepathy powers ‘no.
SEC. ANDANAR: Ang suwerte ko sana kung tatay ko si Art Tugade ‘no [laughs]. Dalawa na sana kaming Tugade nasa Gabinete, saka bilyonaryo iyong tatay ko, napaka… [laughs]
Sec. Art iyong Panglao, kasi mayroon tayong airport doon na… itong airport na ito, ito talagang modelo ito ng Build, Build, Build. It is one of the biggest and the most, well-planned airports that we have in the Philippines. So paki-kuwento mo rin sa amin Sec. Art kung anong nag-udyok sa inyo na magtayo ng international airport diyan sa Panglao?
SEC. TUGADE: Una, — iyong nag-udyok – talagang plano na ho noon ‘yan, noong mga nakaraang administrasyon, pero hindi ho kumbaga ‘lumipad’. Okay. Noong kami nag-assume, kasama sa pamumuno ng ating mahal na Presidente Duterte, sinilip ho natin iyong Panglao at ni-revive iyong plano. Ang sabi ko ho sa kontratista, “Under the timelines, you are delayed. You have to give me timelines, catch-up plan. If you cannot come up with a catch-up plan, go in whatever court you want to go, I will terminate your contract.”
So after—saka binigyan ko siya ng 45 days, in barely 30 days itong mga Hapon pumunta sa akin, “This is our catch-up plan.” Sabi ko, “Sige, pagbibigyan ko kayo.” Humabol naman iyong catch up plans. In fact last year, sinabi nilang matatapos na iyong overlay ng runway. Alam ninyo ang ginawa ko diyan para ma-pressure lang sila – nag-landing kami doon—
SEC. ANDANAR: Oo, nakita ko iyon.
SEC. TUGADE: Sa runway. Kasama ko si Secretary Pernia at saka si CabSec. Evasco. Sasakay ako dito. Nag-landing ho kami para lang i-pressure ko iyong kontratista at natapos naman, safe naman kami. So ngayon, ito ho talagang Green Airport, international standard! Para lang maintindihan ninyo iyong kuwan sa simpleng bagay lang. Kapag pumunta ka sa paliparan ngayon at magpu-fuel iyong eroplano may truck, hindi ba? Lalagyan mo ng gasolina, ng fuel! Ito ho pupunta iyong eroplano sa may… mayroon ng nozzle doon.
LEO: Aba… Okay ah.
SEC. TUGADE: At saka may mga pier na diyan solar, environment friendly. Napakaganda ho. Ang mahalaga, kapareho ng sinabi ko kanina Sec., naka-schedule na maging commercially viable, operational iyan, August this year. After a long-long time, Panglao will be completed and operational during the term of the President.
SEC. ANDANAR: Ahh, talaga naman ha! Ibig sabihin, puwede ng mag-landing iyong mga international—
SEC. TUGADE: Ah lahat, kahit wide body puwede because of the runway. 2.3 kilometers yata iyon, iyong habol doon.
SEC. ANDANAR: So puwede ng direkta galing Hong Kong papuntang—
SEC. TUGADE: Oho mayroon hong mga ganoon. Talagang pang-international!
LEO: Kailan ang ano nito?
SEC. ANDANAR: August. August.
SEC. ANDANAR: Pero ito nga iyong tanong diyan Leo at Sec. Art. Kasi ako madalas akong sumama kay Presidente sa mga biyahe, tapos si Sec. Art din tapos isa sa mag madalas naming mapuntahan na lugar itong Zamboanga. Naka-landing ka na ba sa Zamboanga?
LEO: Diyos ko po. Lubak-lubak matatakot ka na baka mamaya pumutok iyong gulong.
SEC. ANDANAR: Hindi ko alam kung pothole. So gusto kong malaman kung ano nang naging solusyon natin sa Zamboanga Airport?
SEC. TUGADE: Tumawag ho sa akin ang ating mahal na Pangulo ng Sabado ng gabi, March 9 or 10 yata iyon basta Sabado ng gabi. Sabi niya sa akin, ‘Art nandidito ako sa Zamboanga ngayon, iyong paliparan natin puno ng potholes, both runway.’ Nag-usap kami, dahil sa aming pag-uusap, kinabukasan antimano—
LEO: Wow!
SEC. TUGADE: Sunday lumipad ho ako. Kasama ko ho iyong aking mga technical people at iyong Usec., na si Usec. [unclear] at tingnan namin, iyong—talaga naman Diyos ko iyong runway ho talagang—kumbaga. Alam mo ba iyong corrugated?
LEO: Oo.
SEC. ANDANAR: Parang corrugated na.
SEC. TUGADE: So sabi ko, hindi puwede ito. Inalis ko ho, pinagpahinga ko ho muna iyong in charge na PMO at buti iyong in charge natin sa Zamboanga napalitan na noong Disyembre. Kinabukasan inumpisahan na namin iyong paggawa at pagkumpuni. In 3 to 4 months, mga June or July tapos iyan, patag iyan. Tapos nakita rin namin ni Sec., doon sa pader sa perimeter wall mayroong isang kumpanya na nag-stock up ng container.
SEC. ANDANAR: Diyos ko.
SEC. TUGADE: Ang Sabi ko: “In whatever language, you call it in whatever laws you set it that is a security risk.”
LEO: Correct.
SEC. TUGADE: Kaya antimano sabi ko, ‘Alisin, Alisin!’ So sinabi na niyang naalis tapos mayroon akong naririnig na information, kapag nawawala kami inaakyat—binabalik. Sabi ko i-video mo, sa susunod pag ginawa iyan, that is a challenge to duly constituted authority, bulldozer-in mo! Kasi—I risk. We are risk you know, the safety of the equipment and the riding public for that container, no way, no way! Sabi ko nga, the paramount, the security of the country is paramount. Okay? Having said that, commercial movement is subordinate at specially at this time to the security and interest of country.
SEC. ANDANAR: Tama naman talaga. Kasi alam kung—
SEC. TUGADE: Hindi naman puwede iyon.
SEC. ANDANAR: In fact nakita ko iyon Sec. Art, nakita ko iyong mga container na iyon eh. Parang papaano mo iyon idadaan kay Presidente doon? Eh paano kung mayroong—
SEC. TUGADE: May sniper. Maglagay ka doon. Eh ‘di pinaglaruan lahat iyong mga—ay hindi naman puwede iyon.
SEC. ANDANAR: Hindi puwede, hindi puwede. Hindi naman puwede ho iyon!
LEO: So pansamantala sinara iyong Airport muna sir?
SEC. TUGADE: Ah hindi ho. Nagtatrabaho ho sila, may window kami ng 1 o’clock yata ng umaga hanggang ala-sais bago dumating iyong mga kuwan—para hindi ma-distract.
LEO: Iyon.
SEC. TUGADE: So, notwithstanding that platform of repair matatapos ho namin iyan mga 3 to 4 months.
SEC. ANDANAR: Oo at least hindi na lubak-lubak iyong Airport. Kung gusto mong pumunta ng Zamboanga, maki-fiesta ka doon. Gusto mong kumain ng alimango—
LEO: Iyan oh.
SEC. ANDANAR: Kung gusto mong kumain ng Alavar nila, Alavar sauce na inilalagay nila doon sa curacha.
LEO: Nagugutom na ito.
SEC. ANDANAR: Speaking of Zamboanga lahat po ng ating mga kaibigan diyan sa Zamboanga mga taga Region 9. Region IX, Philippine Information Agency – si Mimi – ang ating Regional Director, good morning po sa inyong lahat diyan. And ibang topic naman tayo Leo!
LEO: Kasi sabi natin—pinag-uusapan natin iyong Paliparan ‘di ba? Siyempre ang Paliparan lalo na sa mga island particularly sa Panglao area. Panglao is near ano na—
SEC. ANDANAR: Cebu.
LEO: Sabihin na natin Cebu. Eh Secretary sabi mo kanina—nabanggit ni Secretary iyon eh. Iyong maglalagay siya ng mga ports para sa mga cruise.
SEC. ANDANAR: Aba.
LEO: Kailan iyon Sec.?
SEC. ANDANAR: Sir, hindi lang pala iyong sa Subic?
SEC. TUGADE: Inumpisahan na ngayon.
LEO: Inumpisahan na.
SEC. TUGADE: Siguro baka next year ay limpiyada iyan.
LEO: Wow.
SEC. TUGADE: Kasi nagdadatingan na iyong mga cruise vessels diyan. There was a moment in time, I think noong—ano na ba ngayon? Itong Marso pa rin. Limang cruise vessels iyong nakaatraka sa Manila Bay.
SEC. ANDANAR: So ito iyong mga iyong mga Costa? Iyong mga Costa na mga cruise.
LEO: Star cruises, iyong mga ganiyan. Itong mga barkong ito, para sa kaalaman ng ating mga kababayan, masyadong malalaki ito eh. Naglalakihan talaga, dambuhala ito eh.
SEC. TUGADE: Parang hotel iyon eh.
LEO: Kailangan talaga ang kaniyang—
SEC. ANDANAR: Paradahan.
LEO: Oo iyong kaniyang pier kailangan malalim din ‘di ba?
SEC. TUGADE: Iyong tinatawag na draft kailangan malalim.
SEC. ANDANAR: Tapos, of course, kailangan iyong support system ng tourism kasi ang daming bumababa eh. So ang daming negosyo iyon kapag mayroon kang mga cruise liner na dumadaan sa Pilipinas.
SEC. TUGADE: At saka iyon ginagawa ni kuwan ngayon—
SEC. ANDANAR: Ni Wanda iyong nagsama-sama iyong local government, si local government natural resources na kung saan pati sa Bohol ngayon tinitingnan nila iyong mga resorts kasi kung bibigyan mo ng mga paliparan iyan, sa mga cruise ports iyan tapos eh mapo-pollute, kaya tingnan mo si General Abu diyan, hindi ba?
LEO: Well isa iyan sa tinitingnan natin. Last week ganoon din ang pinag-usapan namin ni Secretary Wanda, si Secretary Wanda ang kasama ko eh.
SEC. ANDANAR: Of course ‘di ba nagkausap nga tayo, ako nasa Port pa.
LEO: Ah oo nga pala.
SEC. ANDANAR: ‘Di ba hindi ako nawala ng isang taon?
LEO: Akala ko isang taong nawala. [laughs].
SEC. TUGADE: Hindi, hindi ka naman nawawala. Nawawala ka lang physically. Oo physically.
SEC. ANDANAR: Pero mentally and spiritually, I am with you.
SEC. TUGADE: That is the advantage of modern technology.
SEC. ANDANAR: Oo iyon, kaya nga naman oo.
LEO: Alright. Bukod sa tourism—I mean Cruise Tourism kasi iyan eh. Kapag sinabing Cruise Tourism, more or less thousands of—
SEC. ANDANAR: Passengers, thousands of tourists.
LEO: Alam ninyo Secretary, ang hirap ng nasasakupan ni Secretary Tugade dahil parang dugtong-dugtong din sa iyo, pati transportations by land sa tubig ganoon din, kaniya rin. MARINA, Philippine Coast Guard, Paliparan. Ano ito eh—
SEC. ANDANAR: By land, by sea.
LEO: Oo lahat eh. Halos sakop niya! Eh alam naman natin na this coming week ay nandiyan na iyong Semana Santa. Maraming ano—marami siyang nasasakupan! Well katulad ng sinabi mo kanina, ang Kalihim, ang Department of Tourism ay hindi MRT.
SEC. ANDANAR: Department of Transportation.
LEO: Ang ganda ng sinabi niya kanina eh. Ang Department of Tourism po, hindi iyan MRT, parte lang ho ang MRT ng Department of Tourism na under mo.
SEC. ANDANAR: Oo ito transportation, hindi tourism.
LEO: Ay sorry-sorry transportation. Bakit na tourism nababanggit ko? Well ito ang tanong diyan para sa mga kababayan natin na nakikinig ngayon. Direktamente mula kay Secretary Tugade! Kailan natin maayos ng tama – sinasabi nila ang daming kawindang-windang, eh marami na ngang sinasabi MRT ano? ‘MRTirik’ – dahil parang abnormal kapag—abnormal daw ang takbo ng MRT kapag hindi huminto. Mas normal sa kanila iyong humihinto. Ano ang—
SEC. TUGADE: Tama ho kayo diyan. Huwag lang muna natin pag-usapan ngayon kung sino at bakit nangyari ‘yan o kung sino may kagagawan niyan. Pag-usapan natin iyong solusyon na kung saan tinatanong mo, kailan makakaasa tayo ng pagbabago. Last night, as of last night – ang umaandar hong tren – 13, Okay. Ito ho ay nagmula sa average noong mga n karaang buwan, anim o pito – as of last night, 13
SEC. ANDANAR: Wow…
SEC. TUGADE: Bakit nagbago? Kasi ho dumating na iyong mga spare parts. Okay. Hindi pa ho lahat ng spare parts dumating, mayroon pa hong mga problema diyan na kung saan iyong spare parts na kailangan ay wala pa. Siguro mapupunuan natin iyong mga spare parts lahat, bago mid-semester this year! Thirteen na ho ang tumatakbo kahapon, na kagabi nakatanggap ako ang report. Kung titingnan ninyo rin ho, iyon nga ho ang pinagtataka ko – noong nagkakaproblema iyong MRT, araw-araw sinasabi nilang tumirik. Bakit hindi ninyo napapansin na mayroon ding isang linggo na wala namang tumirik?
So iyon bang… para bagang, alam mo tao rin lang tayo eh, na huwag ka namang kurot nang kurot. Paminsan-minsan humaplos ka naman, para naman maengganyo at ganahan tayo! Having said that, papaano ka makaka-expect? Dati ho winala iyong Sumitomo; iyong Sumitomo ho, ito iyong nagma-manage ng MRT, na kung saan pumasok iyong mga service provider na aking pinagkakasuhan, okay. Babalik ang Sumitomo; as we speak today okay, mayroon hong mga 150 engineers ang Sumitomo doon na gumagawa ng due diligence at tinutulungan din ho kami mag-maintain, ano ibig sabihin noon?
Nandiyan iyong spare parts, nandiyan iyong tumutulong kaya nagkakaroon ng pagbabago. Permanente na ho ba ito? Hindi pa ho, sapagkat hindi pa kami nagpirmahan ng Sumitomo. Iyong tinatawag na signaling ng Bombardier, okay, dapat mini-maintain ito ng dating nangangasiwa ng maintenance – wala hong ginawa diyan. Ngayon ho as we speak, mayroon na hong spare equipment na binigay iyong Bombardier, na kung saan kapag may nangyari sa signaling, in 10 minutes, may gagawin ka doon, aandar. So nakaumang at nakaandar na ‘yan. Ito ho iyong mga bagay-bagay na ating ginagawa.
Mayroon na rin ho akong procurement for new rails. Kasi ho talagang, sabi nga nabastos at nababoy iyong ating riles. Ang mga riles ng tren, tumatagal ho ‘yan ng mga 100 years. Tayo ho, wala man 20 years magpapalit na. Ano ang ibig sabihin noon? Marami hong kuwento at maraming pangyayari na gagawin mong konklusyon sa comparison na iyan – so mayroon na hong procurement. Over time… may nagsasabi, sinabi ko daw na ayos na iyong problema sa June or July. Hindi ho ganiyan kagaang iyong problema – may pagbabago, and it will be a continuing thing.
As we do this, as we bring in the service provider, as we do the procurement of spare parts and even rails, and even air conditioning unit; as we repair the signaling power, we are bringing in the service providers. As we do this, there are talks which a private entity o coming in unsolicited proposals, na kung saan gusto nilang kunin iyong operation and maintenance. Hindi lang iyon, pati iyong ownership at equity.
Kung mangyayari ho iyan, kung – kasi wala hong kasiguraduhan pa at this time – kung mangyayari ‘yan, then magkakaroon tayo ng pribadong kumpanya na mangangasiwa niyan. It would have been a concept—it will be a concept of having a privatized environment in MRT. Kapag mangyari iyan, sunud-sunod na ho iyan.
SEC. ANDANAR: Ay very good. Ay salamat sa Diyos.
SEC. TUGADE: Itong Holy Week, wala ho tayong serbisyo sa MRT, LRT 1 and 2 sapagkat gagawin ho natin ‘yan para—
LEO: Sa maintenance.
SEC. TUGADE: Sige-sige iyong maintenance. Ang habol ho namin diyan, sabi sa akin ni Usec. Batan, ang target namin pagkatapos noong Holy Week, 15 na iyong tatakbong tren. So, may pagbabago ba?
SEC. ANDANAR: Mayroon.
SEC. TUGADE: [Laughs] Since you know, one month tumalon ka from 6-10 to 15. Siguro naman mayroon na. Ngayon sasabihin mo, “wala na bang unloading?” Mayroong unloading pa rin iyan, kasi mayroon pang mga partes na kulang. Liwanagin ko lang ho, iyong unloading hindi naman pangmatagalang iyong unloading eh – minsan ho 5 minutes/6 minutes dadating na iyong isang tren, sasakay ka na. But the way sometimes it is pictured – para bang hirap na hirap na hirap ang mga tao sa pag-aantay. Hindi ho naman ganiyan katagal, reasonable pa rin!
But then again, that is a position of discomfort and it must therefore be addressed. Ang solusyon ho sa MRT, may gobyerno, may pribado. Mayroon din hong obligasyon iyong mga pasahero.
LEO: Of course…
SEC. TUGADE: Kasi ho iyong mga pasahero minsan hindi nila nari-realize, kapag sumakay… pinipilit nilang buksan iyong pinto. Titigil iyong tren! tTtigil ho iyong tren.
LEO: Automatic kasi.
SEC. TUGADE: Oo. So, dapat walang ganoon! Ngayon kapag nagsarado na iyong pinto, huwag kang mag-overload, kasi kapag ino-overload mo iyong mga tren noong mga pasahero, iyong estado noong tren pati na iyong riles, napeperhuwisyo.
LEO: Oo, natural…
SEC. TUGADE: So, mayroon din hong ganoon. Ngayon pa lang humihingi ako ng dispensa sa mga mananakay ha. Sorry ho, talagang may inconvenience. Hindi ho namin binabale-wala iyan, tinitingnan namin; talagang samahan ninyo kami, bigyan ninyo pa kami ng konting pasensiya – at the end of the day, ultimately dapat ma-solve natin iyong MRT together, ‘ika nga.
SEC. ANDANAR: So from 6 cars or anim na bagon, hanggang kinse – 16 by the end of the year.
SEC. TUGADE: Oo, after the Holy Week.
SEC. ANDANAR: Now itong pinag-uusapan nating subway, kasi ang latest na report was that this year ay masisimulan na iyong planning stage noong subway. Magbubukas na ho kayo ng isang railway institute also.
SEC. TUGADE: Oho…
SEC. ANDANAR: So itong subway ba, kasama doon sa railway institute?
SEC. TUGADE: Yes sir, liwanagin ko lang ho. Bigyan natin ng konting background iyan. Noong sinabi namin na sa pamunuan/administrasyon ng Presidente Duterte magkakaroon ng subway, aba, walang naniniwala. Suntok-hangin, panaginip lang ‘yan.
LEO: [Laughs] Parang imposible daw.
SEC. TUGADE: Iyon ang sinasabi nila, suntok-hangin, panaginip sa buwan. Nagkaroon ng signing, dineklara ni Prime Minister Abe na tutulungan tayo: nagkasundo; naging magkaibigan at matindi ang naging pagkakaibigan ng ating Pangulo at si Prime Minister Abe; natupad; nagkaroon ng loan agreement – iyon ho! Pinirmahan last week iyong first phase noong mga agreement noong subway ni Secretary Dominguez.
Itutuloy na ho at gagawin na iyong subway. Tatlong istasyon ang unang bubuksan, nandiyan sa North Avenue, Mindanao Avenue at Tandang Sora. In addition to this, the depot which will be located in Valenzuela will carry with it the railway institute. Ito ho iyong first phase, hangad naming matapos ng – sabi ng JICA – 3 years. Sabi ko, puwede ba 2 and a half – without sacrificing quality, without sacrificing cost – reasonability of cost – so pinag-uusapan iyan.
Iyong tanong kanina, kasama ba iyong railway institute, ang subway kasama ba doon – yes sir! In fact, nangunguna iyan sa railway institute. Ayaw ko nga iyong nagha-hire ka noong mga taong sasali or magtatrabaho sa railway o sa subway na hindi ka certificated. Kasi doon ho nakakadagdag problema niyan, kailangan certificated – maitatayo ho natin ‘yan. Uumpisahan natin ang training habang tinatayo iyong subway para kapag naging operational iyan, mayroon ka nang mga taong certificated!
SEC. ANDANAR: Ang tanong ngayon Sec. Art, kasi mahalaga kasi iyong railway institute partner, kasi sa mga bansang tulad ng Japan, America… hindi lang iyong basta magtatayo ka ng riles o railway, magtatayo ng subway. Kailangan mayroon ka talagang institute na doon nag-aaral iyong mga magpapatakbo niyan, magme-maintain niyan. Sino ang puwedeng mag-aral doon sa railway institute?
SEC. TUGADE: Una, iyong mga mag-e-empleyo; pangalawa mayroon kang idini-design na mga programa sa mga engineering schools. In fact nag-attend ako ng—a month ago na kung saan ine-engganyo namin. Alam mo ba mayroong mga kurso na railway mismo? Halimbawa sa Mapua, so nakikipag-ugnayan kami doon para makipagtulungan. Importante ho iyong training at edukasyon at kaalaman sa pagpapatakbo ng subway.
So iyong railway institute, sabihin ko na rin ho… katuwang natin dito iyong pamahalaang Hapon, na kung saan pinangakuan ako na iyong mga simulator machine; mayroong mga simulator machine diyan eh na kunyari papaandarin mo – ido-donate ho nila iyon by grant doon sa kuwan. Tayo ho iyong building, sila iyong mga simulator machines! Ito ho talagang kailangan iyan, mami-maintain mo nang tama iyong mga subway at tren; mapapaandar mo nang tama, pati customer service mayroon doon.
Alam mo ba sa Hapon sir, kapag tumigil iyong tren in 7 minutes may mga maglilinis diyan. Exactly 7 minutes orasan mo iyon, aalis na sila, napalitan lang iyong takip, malinis na iyong palikuran, lahat – aandar na naman. Lahat ho iyan, kasama rin ho iyan sa mga bagay-bagay na ituturo doon, iyong tinatawag nilang ‘efficient-hassle in servicing the equipment!’
SEC. ANDANAR: Na-experience ko ‘yan eh sa Japan, iyong napakabilis na… pagdating ng tren, may papasok na mga maintenance, lilinisin – parang sa eroplano, tingnan mo sa eroplano may naglilinis.
Eh iyong second question ko Sec. Art na dapat ding malaman ng mga kababayan natin lalong-lalo na sa Metro Manila, iyong international airport. Kasi mayroon kasing dalawang plano ‘yan, iyong international airport – panahon pa ito ni Presidente Aquino, na ililipat iyong NAIA. Mayroong plano, mayroon doon sa Coastal Road na gagawing airport, mayroon din sa Sangley at mayroon din dito sa Bulacan. Ano ho ba talaga ang stand ng Department of Transportation sa airport?
SEC. TUGADE: Nabanggit ninyo ho iyong salitang ‘lipat’. ‘Pag sinabi ho iyong lipat, may wawalain ka! Hindi ba? Ang pananaw ho namin ngayon is multiple airports.
SEC. ANDANAR: Okay.
SEC. TUGADE: So, hindi ho lipat. Ang aviation roadmap ng Department of Transportation consists of the following: Number one, you develop the exiting and improve the existing. Ano iyon? Iyong NAIA saka iyong Clark, dini-develop mo iyan. As you develop you look around, and wait for proposals to come for other airports. Mayroon hong dalawang proposal ngayon diyan na nai-submit na – iyong tinatawag na Bulacan—tawagin nating Bulacan at iyong tinatawag na Sangley. Detalyado na ho iyong Bulacan, na kung saan nabigyan na iyan ng estado ng original proposal ng departamento na kung saan iyong proposal, nandoon na sa NEDA at nag-aantay ng tinatawag na final decision.
Having said that, iyong NAIA ho mayroon din hong development plan diyan ang Department of Transportation – na kung saan palalaparin at paluluwagin natin, palalakihin iyong Terminal 2 at Terminal 4. But as we do this, nagkaroon din ng proposal iyong tinatawag na 7 big companies to develop NAIA. Mayroon din hong proposal iyong isang kompanya na gustong mag-develop ng NAIA. Ang pagkakaiba, is iyong sistema kung papano i-develop; at ang pagkakaiba is iyong term ng concession period. Iyong isa ho 35 years, iyong isa is 80, 70… I’m not sure.
So ito ho, kaakibat nito iyong plano mismo namin na palakihin iyong Terminal 2 at Terminal 4. Palaparin mo iyon para iyong obserbasyon na may mga terminals na devoted or mostly domestic or terminals na devoted or mostly international mapalawig mo, magampanan mo. Ito ho, ano iyong decision diyan? Pinag-aaralan pa rin ho ngayon! Please note sir, na the operation of NAIA now is tinatawag sa negosyo ‘cash flow positive’. Ang ibig sabihin, may kita siya, may pumapasok iyan. This year yata mga 7 billion you know ang kinikita niyan, I’m not sure of the exact amount.
Ako ho, bibigyan mo ng konsiderasyon iyan, in deliberating whether or not you would like others to manage? Bibigyan ko rin konsiderasyon iyong tinatawag na medium term at long term plan sa NAIA, hindi ho ba? Kaya importante iyong tinatawag na term. Bakit importante! Sec. sa mga teknolohiyang bago ngayon, ‘pag mag-landing na iyong mga eroplano ngayon diyan sa NAIA, iyong malaki, iyong mga Emirates ba iyon?
SEC. ANDANAR: Oo…
SEC. TUGADE: Sasaklaw at kukuha ng mga malaking slots iyan saka space. At mayroon ding mga eroplano na ngayon, kapag pinalipad mo iyan sa NAIA, baka magliparan iyong mga ibang bahay diyan. So ito iyong mga riyalidad: Iyong NAIA ba tatagal pa ng more than 30 years; more than 10 years? Kasi iyong mga—
SEC. ANDANAR: Reality…
SEC. TUGADE: Ito iyong mga sensitivity period na dapat bigyang-tugon at bigyang-pansin.
SEC. ANDANAR: So itong nakikita natin, kasi nabanggit ni Sec. Art na may mga plano na, may mga plano for expansion, for improvement of the airport, the terminals sa NAIA. At the same time, tuluy-tuloy din iyong pag-construct, pag-improve ng terminal sa Clark. Tapos mayroon din ho kayong tinatayong train diyan. Kailan ho ito matatapos, itong tren na ilalagay ninyo po mula Maynila-Tayuman hanggang Clark; at kailan ho iyong bagong terminal maitatayo diyan?
SEC. TUGADE: Napakagandang katanungan ho iyan. Una, inumpisahan na ho natin iyong from Tutuban papuntang Clark. Iyong umpisa, nabubuklod sa mga gampaning ganito: una iyong right of way; una iyong realignment of utilities; pangatlo iyong tinatawag na mobilization and clearing – ito, ginagawa ngayon iyan. From Tutuban to Malolos, gusto naming matapos iyan mga 2 years, okay! From Malolos hanggang Clark, hahabulin namin iyong buong termino ng Presidente kung kakayanin.
Iyong terminal, iyong pinapatayo na EOOMM iyan, may nanalo na sa construction; tapos may OMM. Kapag naikasa iyan, matatapos iyan, mga 2 years and a half! Ibig sabihin, tugmado iyong mga proyektong ginagawa, so talagang makakatulong!
LEO: ‘Yang sinasabi ni Secretary Art on the other side from—papuntang Bicol naman. ‘Di ba, may nakaano rin, may ibi-build din.
SEC. TUGADE: Mayroon din ho iyon. Iyong papuntang Tutuban, Los Baños, Calamba papuntang Batangas, papuntang Bicol… hopefully the phase 1 will be all be completed in 3 years. Iyon ho iyon!
LEO: Okay…
SEC. TUGADE: Sa riles… ang riles ho natin ngayon 77 kilometers.
LEO: Diyan sa area na iyan?
SEC. TUGADE: Hindi. Kabuuan, 77 kilometers! Ang ambisyon ho namin, ‘pag natapos iyong termino ng ating Presidente, we have 1,900 kilometers of railroad track, kasama na po diyan iyong first phase noong tinatawag na Mindanao Express – na kung saan, babaybayin iyong Tagum, Digos at Davao.
LEO: Wow… Hindi na ako magba-bus papuntang Tagum.
SEC. ANDANAR: ‘Pag galing ka ng Tagum, punta ka ng Davao, Digos… dadaan ‘yan sa iba’t ibang barangay ng Davao City.
LEO: Napakasuwerte naman…
SEC. ANDANAR: Oo, napakasuwerte ng Mindanao.
SEC. TUGADE: So ganito ho kalawak ‘yan, ganito kalawak ‘yan – ang responsibilidad at pinaggagalawan ng Department of Transportation…
SEC. ANDANAR: Talaga naman, talagang napaka—and in spite of the huge task ni Secretary Tugade ay nabigyan pa tayo ng pagkakataon ngayong Sabado, imbes na magpahinga siya, pumunta dito.
LEO: Sabi ko nga, napakaliit at napakaigsi ng panahon para ipaliwanag lahat ni Secretary Tugade ang mga proyekto na nagawa—sa nagawa pa nga lang eh, sangkatutak na eh, bukod sa gagawin pa lang…
SEC. ANDANAR: Ang commitment ng PCOO kay Secretary Tugade ay nandiyan, para tulungan siya na mai-broadcast lahat ng kaniyang mga proyekto. At of course lahat iyan ay gawa rin ng isang napakagaling na publicist/media relations ni Secretary Art, na si Goddess. Itutok ninyo naman ang camera kay Goddess, para makita siya kasi hindi nakikita [laughs]…
LEO: Talaga naman oh… [laughs]
SEC. TUGADE: Maraming salamat ho sa alok ng paggabay. Totoo ho iyan, nagpapasalamat kami sapagkat minsan maski gaano mo ihayag o ilatag iyong mga nangyayari sa DOTr, eh hindi ho nakakakita ng espasyo sa media – either broadcast, print or TV.
LEO: Mayroon naman daw. Mayroon naman – negative nga lang [laughs]…
SEC. ANDANAR: [Laughs] Hindi! Kaya nga alam mo si Sec. Art ano eh, bini-break in nga natin iyan, kasi ang kaniyang focus ay nasa trabaho, ayaw niyang magpadistorbo kaya—
LEO: Hindi, sabi ko nga sa kaniya—bilang reporters sabi ko nga sa kaniya eh, Sec. bakit ngayon mo lang—parang ngayon ko lang yata narinig itong mga ito, parang ganoon eh. Kasi sabi nga ni Sec. kanina, “Hindi ko alam kung kami may mali, o iyong media may mali.” [laughs]
SEC. TUGADE: Puwede nga, parehong may mali.
SEC. ANDANAR: Hindi! Kung minsan may tanong iyong mga kasamahan mo sa MPC.
LEO: Oo nga eh, sandali ha at iche-check ko lang dahil sa haba na ng inano natin eh may mga tanong na dito eh. ‘Ayan… “Ngayon pong Semana Santa, ano pong mga programa ng DOTr para matulungan ang ating mga motorista?”
SEC. TUGADE: Maliban sa riles na kung saan matitigil iyan for maintenance – sa paliparan, sa puerto at sa kalsada – lahat ho iyan nakadiretso kami para to make the traveling comfortable, safe, reliant and predictable. Ibig sabihin niyan, mayroon ho kaming mga help desk na itatayo. Ibig sabihin niyan, mayroon ho kaming mga taong naka-assign na sa bawat puerto. By the way, wala hong in-approve na leave ang mga paliparan, trabaho sila ngayon.
LEO: Trabaho lahat sila.
SEC. TUGADE: Kaya pati ako nakakahiya naman ho kung sila ay hindi nag-leave tapos ako magbabakasyon, so hindi naman maganda iyon.
LEO: Tawag diyan ‘leader by example’.
SEC. TUGADE: So ito ho mayroong mga help desk, mayroon rin hong babaybay diyan. Iyong mga Usec., mismo sila Philip, iyong mga attach agencies, sila Jay, lahat ho iyan na naka-on-deck iyan. Si Ed iyong kaibigan mo. [laughs]. Sa Airport nakabantay ho iyan, nakaantabay iyan; Lahat ho iyan, pati si Tim Orbos! Presensiya ho namin. Ako naman ho, papasyal! Titingnan ko iyong mga istasyon. Huwag mo akong pasasabayin ng media kasi ayaw ko. Naging kaugalian ko iyan Leo! Kasi, kapag pumupunta ako sa mga probinsiya nakikiusap at nagsusumamo ako sa mga liderato ng probinsiya at rehiyon na kung maaari papasyal ako na walang notisya—
SEC. ANDANAR: Basta tayo ay—
LEO: Malalaman at malalaman ng lahat na may ginagawa si Secretary Tugade.
SEC. ANDANAR: Ipagdasal na lang natin si Art.
SEC. TUGADE: Ay salamat ho, kasi alam mo tao rin lang kami, marunong din ho kaming umaray at masaktan, marunong din ho kaming ma-discourage—
SEC. ANDANAR: Pero alam mo ba—
SEC. TUGADE: Kaya dapat gabayan ninyo kami ng tiwala at dasal.
SEC. ANDANAR: Alam mo ba Sec. Art na… Alam mo ba na sa Holy Week, lahat ng mga Katoliko ay ikaw iyong ipagdadasal talaga. Alam mo ba iyon?
SEC. TUGADE: Bakit ho?
SEC. ANDANAR: Our Father who Art in Heaven.
LEO: Ah iyon naman pala eh, talaga naman.
SEC. ANDANAR: So siguradong you will be very safe this Holy Week.
SEC. TUGADE: Oo mukhang corny iyon ah.
SEC. ANDANAR: [laughs].
LEO: [laughs]. Sec., mayroong habol dito! Iyong sa colorum daw, kasama daw ba iyong mga Van at FX?
SEC. TUGADE: Yes sir, kasama ho.
LEO: Kasama ha.
SEC. TUGADE: At tandaan ninyo mayroon kaming inilulunsad na sumbong usok, sumbong bulok. Isama mo na diyan kung may alam kayong colorum, sumbong colorum, sabihin ninyo sa amin, makiisa tayo sa nilatag na kagustuhan ng ating Pangulo.
SEC. ANDANAR: Sumbong Colorum. At paano natin ito gagawin? Saan magsusumbong? Ahh sa Facebook ng DOTr?
LEO: Ah okay.
SEC. TUGADE: Oo I-ACT.
SEC. TUGADE: Kapag may time kami ha.
LEO: Nasagot na ito kanina pero tanong ulit. ‘Kailan daw po ibabalik ang biyahe ng train papuntang Bicol?’ Three years lang po iyan alam ko. Pero kailan ang start noon?
SEC. TUGADE: Ang?
SEC. ANDANAR: Iyong production.
SEC. TUGADE: Ngayon bumabiyahe pa rin pa-ilan-ilan. Pero iyong kumpleto at kumpletos rekados siguro kapag nabuo na lahat iyong sistema na iyan na tatapusin natin, palalawigin natin, susubukan sa termino ng ating Pangulo.
SEC. ANDANAR: Okay iyon, Bicol Express.
LEO: Matapos daw ang Semana Santa ay tuloy-tuloy na po ang summer vacation, ano po ang mga tulong at programa ang inihahanda ng DOTr para maalalayan ang mga turista natin? Malaking papel po kasi ang DOTr sa mas ligtas na biyahe ng ating mga kababayan na magbabakasyon.
SEC. TUGADE: Napakagandang obserbasyon ho iyan. Kung ano iyong ginagawa natin sa Semana Santa, dapat lang ituloy ho sa ordinaryong araw.
LEO: Iyon.
SEC. TUGADE: Hindi naman ho yata tama para sa amin na kung saan magtrabaho ka ng Semana Santa. Kailangan ho tuloy-tuloy!
LEO: Correct. Oo.
SEC. TUGADE: Ibig sabihin, tingnan mo ng kumbinyente iyong mga tao, tingnan mo ng hindi mapeperwisyo o masasaktan sa kanilang pagsakay, tingnan mo na tama lang iyong plete at pamasahe, tingnan mo mayroong mga Wi-Fi diyan na mayroong CCTV diyan. Lahat ho iyan dapat gampanan!
LEO: Iyan. Nangunguna pa rin sa problema ng DOTr ang matinding pagsikip ng traffic, ito po ang iniungot ng ating mga mamamayan partikular na ho ang residente ng Metro Manila.
SEC. TUGADE: Hindi ho ako naghuhugas kamay, liliwanagin ko lang ho iyong trapiko. Ang trapiko ho ay trabaho at responsibilidad na nakaatang sa mga sumusunod: Una ho MMDA; highway patrol; LTO; LTFRB at local government. Ito ho iyong mga nangangasiwa sa tinatawag na traffic management. Malaki ho ang pinagbago ng ating traffic flow ngayong mga araw na ito sa leadership ni General Lim, sa tulong ng PNP at ng highway patrol at pakikiisa ng MMDA, LTO at LTFRB.
Ang Department of Transportation ho nagbibigay lang ng mga polisiya, iyong mga actual management nakabuod ho ito dito. LTO sa tinatawag na license and plates. Gusto mo akong tanungin sa lisensiya at saka plates?
SEC. ANDANAR: Puwede rin, puwede! Puwede rin lisensiya, plaka!
SEC. TUGADE: If plans are not stifled or obstructed, iyong plaka ho sabi ng ating General Galvante, mag-uumpisang ma-release this April.
LEO: Iyon oh, next month na kaagad.
SEC. ANDANAR: Magandang balita iyan.
SEC. TUGADE: Siguro iyong—alam ninyo naman iyong lisensiya hindi ba? Naka-plastic na ngayon, 5 years na ngayon iyan. Mayroong mga nagsasabi it takes them several hours, mayroon ding nagsasabi na it takes them 15 to 20 minutes. Kayo na lang ho kung gusto ninyong—kung ano iyong mga tunay na nangyayari.
LEO: Iyon oh, iyan na naman.
SEC. ANDANAR: Naku nabitin na naman tayo ng isang oras. 1:57 na ng hapon.
LEO: Talaga naman. Hindi sabi ko nga comprehensive kasi ang nasasakupan ni Secretary Tugade.
SEC. ANDANAR: Napakasuwerte talaga natin sa Cabinet report ano, akalain mo—
LEO: Siyempre. Lalo na kapag ganito.
SEC. ANDANAR: Pinuntahan tayo ni Secretary at galing pa—
SEC. TUGADE: Hindi tayo, pinuntahan kita.
SEC. ANDANAR: Iyon oh. Naghanda ako sa iyo ng napakasarap na pagkain sa baba. Akong bahala sa iyo, Sec. Art.
LEO: Tanong ko lang saglit, last na lang. Kapag ka daw tinanggal daw ang Van at saka ng FX, sabing ganoon, ano daw ang alternatibong pamalit ng gobyerno? Kasi napakarami nga naman!
SEC. TUGADE: Iyong tinatawag ho na point to point.
LEO: Ah okay.
SEC. TUGADE: That’s one. Maalala mo iyong point to point na talagang ibinuhos at inilunsad namin ngayon? Madami hong natutuwa diyan! Pangalawa ho nandidiyan pa rin ho iyong operation ng mga TNCs at saka TNVs. Iyong Uber, iyong grab iyong… mayroon pang isa iyong u-hop, nakansela ba rin? Hindi ko alam basta nandidiyan TNVs at saka TNCs. Nandidiyan ho iyong MRT na sana ho nabago natin. So dapat lang ho, huwag nating hanapan ng justification iyong colorum kasi sasabihin mo, kulang—pumayag ka sa colorum, nam*** naman parang pinapayagan mo naman iyong—parang pinapayagan mo iyong mga iligal, hindi naman puwede!
LEO: At saka ang main reason lang naman natin is for the safety ng passengers.
SEC. ANDANAR: Ang dami kasing colorum talaga. So iyan eh—
SEC. TUGADE: Kapag nabangga iyang colorum—
LEO: Wala na.
SEC. TUGADE: O nasaan iyong insurance?
LEO: Walang insurance ‘di ba? Well again, maraming-maraming salamat, Secretary Art. Thank you so much for your time at siyempre naistorbo ka namin sa araw na ito sa iyong supposedly sweet vacation, short vacation.
SEC. ANDANAR: Walang bakasyon. Walang bakasyon talaga! Itong si Sec. Art talagang hanggang Holy Week next week! Kaya ipagdarasal na lang natin siya at ang kaniyang sampu ng kaniyang mga kasamahan sa DOTr. Pero bago natin—bago tayo magpaalam ay gusto ko lang batiin si Xu Ji Hung ang Deputy Director General ng International Cooperation Department of State Administration for radio and television at si Kao Xi Chiao, staff member of the International Cooperation Department of the State Administration for Radio and Television at mayroon pang isa, si Wu Yang ang director of Channel Coordination Department of CTV Satellite Program Company limited, National Commission For Culture And Arts NCCA, mayroon po silang—
LEO: Oo may event naman sila.
SEC. ANDANAR: May event naman.
LEO: Ang event ng NCCA ngayon pina-announce lang ito. The Philippine International Dance Festival, April 26 to 30, 2018 diyan sa Dumaguete. Mga ano—for more information contact ninyo lang daw po si Shirley Halili-Cruz. Oh si Ma’am Shirley Halili. Iyan iyong magaling sa dance.
SEC. ANDANAR: Congratulations po. Punta kayo diyan sa Philippine International Dance Festival sa Dumaguete. And do not forget to try iyong kanilang Sans Rival ba iyon?
LEO: Naku sarap naman.
SEC. ANDANAR: Sans Rival?
LEO: Ano daw? Iyon na iyon. [laughs].
SEC. ANDANAR: Mayroon silang masarap doon eh. Ah silvanas—
LEO: Napoleones?
SEC. ANDANAR: Ano namang napoleones? Hindi ko pa natikman iyon.
LEO: Iyon-iyon.
SEC. ANDANAR: Ah sans rival or napoleo—masarap doon sans rival, napoleones at saka iyong—
LEO: Ano iyon?
SEC. ANDANAR: Hindi ganoon din ang lasa noon eh. ‘Di ba? Puro gatas so—
SEC. TUGADE: Pare-parehong high sugar.
SEC. ANDANAR: High sugar tapos iyong mga kaibigan natin doon sa kanilang Silliman University.
LEO: At siyempre sa lahat ng mga ka-DDS worldwide, pasensiya na ho kung naputol kami kanina, medyo nagkaproblema lang ho technical iyong ating transmittal doon sa ating Facebook page, mga ka-Maharlikas, nanonood kasi si Maharlika kanina.
SEC. ANDANAR: Ah nandiyan si Maharlika?
LEO: Naputol daw.
SEC. ANDANAR: And of course super thank you kay Secretary Art Tugade kahit mayroon siyang sakit ngayon.
LEO: Mayroon sakit pala.
SEC. ANDANAR: Mayroon siyang lagnat at masama ang kaniyang pakiramdam. Nababasa ko kung ano iyong pakiramdam mo. Ano ako dati… albularyo.
LEO: Albularyo. Iyan at siyempre batiin ko nga pala si Pebbles Duque baka mamaya sampalin ako ngayon at sabi niya batiin ko daw siya. Binabati na kita. Iyan ha. [laughs]. Sa ngalan po ng ating mga nasa production, Sec., ang dilim talaga sa area na iyon oh.
SEC. ANDANAR: Si Weng Hidalgo.
LEO: Si Weng Hidalgo ang ating Executive Producer. Siyempre ang aming mga engineers sila Rolly, sina Rene at si Richard, kasama rin diyan at siyempre… sino ba doon? Iyong ating IT, maraming-maraming salamat sa inyo.
SEC. ANDANAR: OSEC media!
LEO: OSEC media nandito rin sila. Maraming-maraming salamat! Again, it’s another Saturday, another day, it’s another weekend. Thank you so much again para sa inyong oras. At siyempre sa panonood sa amin dito sa Cabinet Report sa Teleradyo, again, ito po si Leo Palo III.
SEC. ANDANAR: Ako po naman si Martin Andanar at kayo po ay nakikinig sa programang Cabinet Report sa Teleradyo.
###
—
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)