Unang-una sa lahat, nais ko pong iparating sa inyo ang pagbati ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inyong lahat. Kayong lahat ay nasa kaniyang puso at isipan lalo na ngayong panahon ng pamamanata at Holy Ramadan. Alam po natin na Holy Ramadan ngayong incoming April 23.
Magandang hapon po sa inyong lahat! Ngayong araw I will give you some updates regarding the preparations of the government in addressing the threat and the impact of coronavirus.
Una, ang ating preparasyon sa pagpapatayo ng mga quarantine areas for mild COVID cases and PUIs; ang tumataas ng kapasidad ng DOH in doing the testing; at ang pangatlo, ang mga concrete steps na dapat nating gawin sa mga susunod na araw.
Una, ang ating preparasyon. Kanina, pinuntahan po namin ang Rizal Memorial Coliseum. Ito po ang aming nakita, nakita naman po natin nandito si Secretary Lorenzana, Secretary Duque at ang DPWH at ang ating BCDA CEO, si Mr. Vince Dizon.
Ito po ay mayroong one hundred twenty na beds at iyan po lahat ay kumpleto na po. Mayroon pong sariling Wi-Fi at iyan po ay idinonate ng ating mga mababait na mayaman na may… nagkokontrata sa ating mga proyekto. So, ito po ay binuo ng bayanihan, so ito po lahat ay tinipon ng government resources at saka mga private resources para mabigyan ng magandang kalunasan ang ating mga pasyente sa sports complex.
At sa PICC, para tignan ang preparasyon natin sa pagtaas ng COVID patients; at also, kanina pinuntahan din natin ang World Trade Center. So, makikita po natin ito ang World Trade Center na bumubuo po ng mahigit five hundred patients. So, makikita po natin na well ventilated at saka matataas po ang ceiling, so maganda po ito para sa mga PUIs at saka mga tinatawag nating mga puwede na pong lumabas sa ospital.
Masaya ko pong ibabalita sa inyo na ang Rizal Memorial Coliseum ay tapos na po at puwede na pong magsimula ngayong Wednesday. Ito po ay pangangalagaan ng ating AFP Medical Service Command at ng DOH. May itinalaga po ang ating Chief of Staff na more or less three to five doctors at saka fifty nurses that will be going in a shifting after seven days.
Ang Rizal Memorial Coliseum, na sinasabi ko kanina, ay makaka-accommodate po ng one hundred and twenty beds. Maraming, maraming salamat po sa mga tumulong lalong-lalo na si sir Vince at saka si Sec. Mark Villar at ang ating Executive Secretary Medialdea. Ang atin plano po dito ay ilagay ang mga mild cases for COVID patients at mga PUIs sa World Trade Center.
At ang iba pang mga rehiyon naman ay mayroon din tayong itinatayo na mga tinatawag nating quarantine centers para paghandaan ang mga PUIs at PUMs, na mayroon din silang lugar na mapagtutulugan at mapapangalagaan.
Tumuloy na po tayo sa capacity ng DOH in doing the mass testing. Sa ngayon po, ang DOH ay nakapagtalaga ng 20,092 taong na-test na out of this, 3,660 have tested positive. Makikita po natin na only 20% ang nagiging tested positive. Maganda pong ano iyan… maganda pong senyales na ibig sabihin po sa mga itini-test natin ay kakaunti lang po ang positive; pero dapat po hindi po tayo magkumpiyansa.
Sa ngayon, mayroon pa tayong 13,025 na PUIs for testing at ito po ay kakayanin nating ma-test sa mga susunod na araw. Mayroon na po tayong 89,938 test kits na available, so kayang-kaya po nating gawin ito sa mga susunod na araw. Nag-usap na po kami ni Secretary Duque ng DOH na uunahin po nating tapusin ang NCR kasi ang NCR po ang epicenter, ang sumunod po na medyo apektado ay Region IV, and then sumunod po ang Region III, and then iyong Davao Region, at ang Zamboanga Region.
Though we will seek for the accreditation of the testing centers sa Zamboanga Peninsula, so we will make sure that in the next few days we will focus more in testing, so that we could detect and immediately isolate all possible carriers. Iyan po ang ating taktika, ang ating stratehiya na magkakaroon po tayo ng tinatawag nating… “carrier-centric” po tayo, para po hindi na po natin hahayaan na ang mga carrier ay makapang-hawa pa.
Now, dito in protecting our health workers. Mayroon po tayong dumating na 12,000 PPEs, maganda pong quality po iyon. Naibigay na po natin iyon sa ating mga COVID referral hospitals; at noong bumisita nga po ako sa PGH, tuwang-tuwa po iyong ating mga nurses at saka doctor kasi napakagandang isuot at saka talagang napakalamig at saka magandang ano talaga – level four. Ibig sabihin, mataas na level po iyong nabili natin sa ating mga PPE.
Nagpapasalamat po tayo sa ating Secretary Wendel Avisado at saka Secretary Duque sa napakagandang quality. So, kung titingnan ninyo po, ito po ang klase ng ating PPE at makikita ninyo nakangiti sila kasi kitang-kita nila na sila ay protektado.
Ito po, makikita po natin itong mga doktor ng Lung Center, ipinakikita po nila iyong kanilang mga tabulations kung ilan ang mga tinatawag nilang mga critical patients at saka iyong mga datos na nakuha nila noon pang nagsimula ang COVID. So, ang Lung Center at ang PGH ay preparadong-preparado na po. At ang ating Lung Center po ay talagang nagkaroon pa ng isang vacant space na kinuha niya para at least, mayroon po silang paglalaanan sa mga incoming patients ng COVID.
Sa itinatala po natin, more than 3,000 beds ang capacity po natin and with the construction of new quarantine area na more than 1,000, mas mataas po ang level ng ating tinatawag na bed capacity. So, makikita po natin na maganda po ang nagiging ano po natin ngayon.
Then, iyong sa PPE, in protecting our frontliners, mayroon po tayong 30,000 na PPEs na coming from Solaire and then ang future stock po natin ay tataas na po ng 288 PPEs. Ngayon po, nag-arrive po – ang una, 130 sa China – ang ating C130 at makakabalik na po dito sa atin. Iyon po ay nagkakarga ng more or less 14,000 PPEs.
Sa Monday and Wednesday, mayroon po tayong flight na Philippine Airlines at saka Cebu Pacific at kukuha po tayo ng 93,000 sa China. Ito pong Monday, Wednesday flight ay para po ito sa mga Luzon at NCR-based na mga hospital. Sa Thursday and Friday flight, mayroon tayong 84,000 PPEs, ito po ay ibibigay natin po sa mga hospitals sa Visayas at saka Mindanao.
So, Saturday and Monday bibisita po ulit tayo sa ating mga ospital para kumustahin po natin at ipahayag po sa kanila ang pagmamahal ni Presidente sa ating mga frontliners. Noong kinausap ko nga po iyong mga frontliners talagang halos maiyak sila kasi nakita nila, na-feel nila na iyong pagmamahal ng ating Pangulo sa ating mga frontliners. Ipinahayag ko sa kanila na si Presidente ay laging nasa isip niya ang maging maganda at maging ano po… maging tinatawag nating protektado sila sa kanilang misyon na mapabilis ang paglunas ng ating mga COVID patients.
On our way forward, let us wait for the decision of the President kung mali-lift o hindi ang tinatawag nating ECQ. Pero tingnan lang po natin bago ho tayo mag-ano po ay nakikita natin na iyong Singapore po ay parang nagkaroon ng relapse at nakita natin bukas magkakaroon na sila ng parang tinatawag nating lockdown. Kaya po tinitingnan po natin na we should be prepared kung ano po ang magiging desisyon dahil kasi po itong order na manggagaling kay Presidente ay para po sa ating common good. So, we want this crisis to be over as soon as possible time.
We should be open minded since this is for our common good and the higher good of saving more lives. Iyan po ang laging nasa isipan po namin na sana maligtasan po natin itong pandemic crisis ng COVID.
In closing, I encourage our countrymen to stay at home and observe strict hygiene and social distancing and the mandatory wearing of mask.
As we observe the solemnity of these holidays, let us pray together that God may spare us. Alam na alam naman natin na darating din ang Ramadan, sana ang ating mga brother na Muslim ay magsama-sama tayong magdasal para maligtas tayo dito sa health crisis na ating nararamdaman ngayon.
Malaki ang maitutulong ng pagpapatupad ng ECQ sa pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19 pero hindi pa sapat ang pagbaba na ito para masabi nating ligtas na tayo. Kaya po hinihikayat po namin ang lahat ng ating mga kababayan na patuloy na manatili sa kani-kanilang tahanan upang makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng sakit na ito. Together we will be able to overcome this health crisis. Together we will heal as one. At sinasabi nga, kapag sama-sama tayo there will be no impossible mission.
Maraming salamat po at mabuhay po tayong lahat! Malasakit, tapang, bayanihan, heal as one.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center