Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Atty. Bruce Rivera And Atty. Jess Falcis (Boljak-Radyo Singko)


 

Q:  Ano na ba talaga ang nangyari kay Pia Ranada, first? Secondly, si Pia lang ba o talaga iyong buong Rappler team?

SEC. andanar:  Well, kausap ko kasi ang Office of the President about it when that happened. At talagang kailangan lang ay i-solve ng Rappler iyong kanilang issue with the Securities and Exchange Commission at doon sa Court of Appeals. Once they solve it, that they can reverse the decision… the CA reversed the decision then by all means they can cover.

But, let me also remind everyone that to cover the President is actually privilege, it’s not a right. It will depend on the President kung papayagan ka, even inside the Palace and outside.

So sa ngayon, wala namang problema, wala namang problema kay Pia. Kahit sino, basta importante lang, walang isyu sa batas.

Q:  Ito, sir question, honest answer. Of course kung—let say for example, babalik ang Rappler? Puwede bang—of course, puwede din namang sabihin ni Presidente Duterte magbigay kayo ng iba, wag lang si Pia.

Q:  Ang ganda-ganda ni Pia.

Q:  Hindi naman tayo si President Duterte.

SEC. ANDANAR:  I think kapag nagdesisyon ang Presidente na ibalik ang Rappler na makapag-cover sa kanya at lahat ng events ng Presidente, it doesn’t matter kung sinong reporter, basta wala lang sabit sa batas.

But then again, let me also remind Rappler and everybody na you can watch the President sa RTVM, sa Presidential Communications, sa PTV we’re streaming live. Actually, itong presidency na nga ito ang pinaka-transparent at pinaka-covered talaga ng ano… diyan sa Malacañang—

Q:  Tech savvy, social media savvy.

Q:  Hindi kasi, sumisipot siya sa mga events, hindi siya natutulog.

Q:  Hindi lang iyon, walang facebook live masyado noon, ikaw naman.

Q:  Oh, ikaw kanina tumira, kaya ngayon ako naman.

Q:  Sec. Martin, ako naman ang tanong ko, sir. Kasi sinasabi ninyo, puwede naman manuod ng mga Facebook live and maganda nga iyon lalo na for us Filipino citizens. Pero siyempre sinasabi ng aking kasama si Miss Meanne, sabi ng ibang journalist, iba daw po iyong presensya sa event. For example ambush interview, hindi naman lahat ambush or follow up question, clarification. Iba daw po iyong ano na iyon, iyong ibinibigay na timpla. So, ano ang masasabi ninyo doon?

SEC. ANDANAR:  Siyempre iba talaga, Atty. Jess, kapag nandoon ka sa loob, iba iyong perspective mo, iba iyong vantage point mo. Alam mo naman sa reporting, it will depend on where you sit or where you stand, kung anung tingin mo, kung nasa left side, right side or harap ng Presidente.

Again, it is a privilege at alam ninyo si Presidente ay very strict pagdating sa pagsunod sa batas. So, i-solve muna nila iyong isyu nila then afterwards pag na-solve nila, then the President will then decide if Rappler can cover him again.

Q: Tungkol sa privilege, Sec. Martin, ang napansin ko kasi… ito lang siyempre para sa mga dilawan or sa mga matatabang utak, parang incremental.

Q:  Anyway, parang incremental or tripping. Paunti-unti iyong ginagawa ni President Duterte na hindi kaagad sinabi na wala talaga dapat, parang inuunti-unti niya. Bakit ganoon Sec. Martin? Bakit hindi na lang agad na sinabi, ito dahil may SEC decision, dapat from the start hindi na kayo nag-cover. Bakit inu-unti-unti. Hindi ba parang napahiya si Pia Ranada sa Go Negosyo, hindi siya na informed prior na lahat pala ng events bawal na?

SEC. ANDANAR:  Well, the decision really is the decision of the Office of the President. Hindi ko alam kung ano iyong—

Q:  Incremental talaga.

SEC. ANDANAR:  Incremental, pero alam mo, ano naman iyan… nakikita mo naman, the President is a very forgiving President, napakahaba ng pasensiya—

Q: Lalo sa magandang babae.

Q:  Sabi mo kanina, walang kinalaman ang kagandahan ni Pia.

Q:  Walang kinalaman, kasi hindi siya type. Pero magandang babae, babae pa rin.

Q:  Uy, crush mo?

Q:  Hindi ko crush, hindi ako lalaki, joke.

SEC. ANDANAR:  Kung hindi nga nagdesisyon ang Securities and Exchange Commission, di dapat nandiyan pa iyong Rappler. But the problem is meron talagang desisyon na hindi paborable para sa kanila.

Q:  Ang tanong ko sir, kunyare SEC nandoon na tayo, may decision. Paano po iyong parang—hindi ko matandaan iyong grupo. Mayroon parang press club na nagko-cover sa Malacañang—

Q:  Malacañang Press Club, MPC… 

Q:  Yeah. Tapos kasama pa din po doon iyong Rappler. So paano po iyon, parang sa media entity na ito parte pa rin si Rappler ng puwedeng mag-cover si President, pero si President hindi agree? 

SEC. ANDANAR:  Lilinawin ko ‘yan… iyong Malacañang Press Corps? 

Q:  Iyon, ‘yan, ‘yan… Press Corps pala. 

SEC. ANDANAR:  Iyong Malacañang Press Corps is a private organization—

Q:  Private… 

SEC. ANDANAR:  And they can accredit anyone they want to be a member of the MPC. Pero hindi ibig sabihin na kung ikaw ay miyembro ng MPC ay makaka-cover ka na sa Malacañang. The MPC can only endorse, and then ako naman, I will approve it pero i-e-endorse ko muna sa PSG at sa Office of the President. Babalik sa akin iyong papel, ‘pag sinabi nilang okay, pipirmahan ko iyon at makaka-cover na sila.

So MPC is an organization that we respect, matagal na sila sa Malacañang. They can only endorse pero hindi talaga iyong final na decision maker. 

Q:  So membership in the MPC is not ipso facto a right ipso – fact…

Q:   (overlapping voices)… Malacañang automatically… okay. Salamat, at least naliwanagan tayo. So Pia ano na lang… pray, pray ‘di ba. [laughs]

Q:  Hindi… file, file… case dapat. Mananalo sila sa case.

Q:  Oo manalo sila saka ano nila ‘di ba… Okay, kasi naman madali naman talagang anuhin si President Duterte. Thank you po PCOO Secretary… 

SEC. ANDANAR:  Mayroon lang akong gustong idagdag. 

Q:  Yes, yes. Go lang. 

SEC. ANDANAR:  Kasi kahapon was a very historic day for the broadcast industry—

Q:  Yes… Why?  

SEC. ANDANAR:  Because dito sa Davao City, we launched the first Emergency Warning Broadcast System.  

Q:  Wow… 

SEC. ANDANAR:  EWBS, Emergency Warning Broadcast System. Ano ba ito? Ito iyong sa Japan na sistema na kapag ang telebisyon mo ay may EWBS, at kung mayroong tsunami, mayroong earthquake… iwa-warning ka 30 seconds kaagad. And kung ang TV mo kapag naka-connect siya doon sa EWBS receiver— 

Q:  Automatic, kahit anong gagawin doon talaga… 

SEC. ANDANAR:  Automatic mag-o-on ang TV mo as long as nakasaksak siya at lalabas doon iyong warning signal, iyong sound, tapos may lalabas doon na data na magsasabi na “Oy, mayroong lindol… mayroong tsunami, lumabas ka na. 

Q:  Storm surge… 

SEC. ANDANAR:  Storm surge, etcetera. Tapos napakaganda nitong technology na ito sapagkat talagang napakabilis niya, at kahit anong TV show ang papanoorin mo, lalabas iyong warning—

Q:  Mag-i-interrupt iyong warning…

SEC. ANDANAR:  And they will preempt iyong show, will actually preempt and will super impose whatever you are watching, iyong warning. So this is the first in the Philippines, at iyong pilot city natin is Davao City. By March, end of March nasa Metro Manila na rin itong EWBS. Partner po natin ang Japan dito, at partner din po natin ang NEC, this is a company that provides the receivers; and kasama rin po natin dito ang Australian government sapagkat they are giving us free training pagdating sa emergency broadcast. It’s really—

Q:  [Applause]Fabulous.

Q:  When will it be national? Ano po iyong ano… of course alam natin iyong sa Cebu, ang areas naman Leyte na medyo prone sa ano…

Q:  Albay, Bicol…

Q:  Baka sa huli na iyon.

SEC. ANDANAR:  Atty. Jess at Atty. Bruce, very dependent kasi ito sa transmitter. So dito sa Davao, I’m also proud to say and I’m very excited to announce that iyong PTV dito is already broadcasting on digital high definition. Kaya kailangan digital ang transmitter mo, ipa-partner mo doon sa EWBS at iyong Data Casting. So meaning, if you watch television using the digital technology, mayroon na pong maliit na tap sa baba tapos you can just press the remote control and lalabas doon iyong mga data na available. So high-tech na po ang sa Davao City—

Q:  Kasi nga po sir, during the time of the President Duterte pa as Mayor, he already setup all those—

Q:  May 911, may firefighter system…

Q:  Kay makita natin kung gaano siya kagaling.

Q:  Diyan naman, I give kudos to President Duterte.

Q:  Kasi baka magtanong iyong iba, “Bakit naman nauna iyong Davao? Bakit ba ganoon?” It’s because Davao has already the infrastructure in place.

SEC. ANDANAR:  Tama, tama…

Q:  Pero sir sana, masundan iyong mga disaster prone areas like Bicol, Albay, and of course… Naga. [laughs]

SEC. ANDANAR:  Yes, yes. Actually ang Naga is part of the digital transmission project of…(overlapping voices) It’s Davao, pati na Cebu, Naga, tapos sa may Bacolod, Guimagas, yes…

Q:  Big deal ‘yan talaga. Big deal and congratulations of course to the President; and of course to this good news by our PCOO Secretary. Thank you Sec. Martin… sa uulitin.

SEC. ANDANAR:  Salamat po. Mabuhay kayong dalawa.

Q:  Thank you po.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource