Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Arnold Clavio (GMA-7 – Unang Hirit)

ARNOLD: Kapag natuloy iyong pederalismo, kailangan kasi amyendahan iyong Saligang Batas. So pasok pa rin ba sa timeline ng administrasyong Duterte iyan, kasi parang after the coming election, hindi ba ipit na ipit na?

SEC. ANDANAR: Hopefully pasok sa timeline within the next four and a half years, iyon naman talaga ang pangarap natin, iyon ang pangako ng ating Pangulo. But then again, Igan, alam mo naman na ang magde-decide niyan ay iyong mga congressman at mga senador at eventually ang taumbayan pag ito ay dumaan sa plebesito.

ARNOLD: Pero sa latest mong pakikipag-usap tuloy ang 2019 election?

SEC. ANDANAR: Tuloy ang 2019 election, of course tuloy. Iba naman ang kaso nag 2019 election, nakasaad sa batas iyan; iba rin iyong kampanya para sa federalism, iba din iyon.

ARNOLD: Ito namang isyu na ito ng draft proposal daw, sabi ni Secretary Harry Roque. Ano ito, fake proposal ba ito o totoo itong draft proposal na ito?

SEC. ANDANAR: Actually, Igan, nakatanggap din ako ng letter na iyan from Atty. Lozano last year. So dumaan sa opisina ko at binasa ko iyong deal na iyon and then after I read the deal, I archived it.

ARNOLD: So wala pa, walang usapan talaga.

SEC. ANDANAR: Wala pong usapan. Ang alam ko lang kasi pagdating naman sa mga ganyan, eh of course mga congressman ang gagawa niyan.

ARNOLD: So iyong draft report na iyan, draft ni Atty. Lozano.

SEC. ANDANAR: Draft ni Atty. Lozano. Nakatanggap ako ng report, binasa ako, as I said nilagay ko lang sa archive.

ARNOLD: Ito na iyong ano… maraming nasisibak dahil sa magastos na biyahe abroad. May mga nasibak na at may sisibakin pa raw. Naglabas ng executive order ang Pangulo, Malacañang ‘no, so dito malilimitahan na ang biyahe ng ilang government official. Kasama ba rito iyong biyahe mismo ng Pangulo o hindi?

SEC. ANDANAR: Ang klaro dito, Igan, ay marami kasi iyong mga invitations na pinapadala sa high officials o doon sa mid-level officials. Ang mahalaga dito ay nagpalabas ng isang order ang ating Executive Secretary na kailangan ay may kabuluhan iyong biyahe ng isang tao. Kumbaga meron talaga itong magiging positive effect doon sa ahensiya at hindi iyong junket lamang na namamasyal doon sa ibang bansa.

ARNOLD: Kasi sinasabi nung ilang nasibak eh, aprobado ng Malacañang itong biyahe ko, hindi ba. Kaya nagugulat sila bakit sila aalisin, batay doon sa ginawa nila eh meron pa lang approval ng Malacañang.

SEC. ANDANAR: Pero malalaman kasi ng isang official iyan kung iyong ang biyahe mo talaga ay para sa kapakanan ng ahensiya mo o pasyal-pasyal lang. Kasi alam mo naman iyong mga biyahe na iyan two days, three days, usually two days tapos na, tapos may three, may fourth day mamamasyal. So iyon ang iniiwasan ng ating gobyerno.

ARNOLD: May alam ka ba bakit hindi natuloy iyong anunsyo ng sisibaking opisyal kahapon kay Secretary Roque?

SEC. ANDANAR: Tinanong ko si Secretary Roque, sabi ko ano ang nangyari. Sabi niya sa akin, eh may order ang boss na i-hold muna iyong announcement.

ARNOLD: May mga ilan pa yatang mga papeles na kinakailangan para maging mas legal iyong pagpapatalsik?

SEC. ANDANAR: Mas talagang vetted. Ang mahalaga ho dito, Igan, ay talagang patuloy po ang kampanya ng ating mahal na Pangulo laban sa corruption at laban sa pang-aabuso.

ARNOLD: Siguro huli na lang itong TRAIN Law na parang isa ito sa dapat mahalagang batas dahil doon kukunin iyong pondo ng build, build, build. Pero next week yata ay pupunta ng Korte Suprema sina Congressman Zarate at iyong ilang makabayan na congressman para kuwestyunin ito sa Supreme Court. Una teknikalidad, walang quorum; pangalawa, iyong mga nabago sa debate na iba daw sa bicameral conference committee.

SEC. ANDANAR: Well, karapatan naman iyan ni Congressman Zarate, kasama naman sa procedure iyan, kasama sa sistema na puwedeng idulog sa Korte Suprema kung merong mga kuwestyun. Pero ang mahalaga ho talaga dito ay iyong TRAIN Law – based doon sa estimate ng Finance Secretary – ay makakalikom ito ng mahigit 80 billion pesos para sa ating kaban ng bayan at dito po huhugutin ang panggastos sa libreng edukasyon sa state universities and colleges; pati po doon sa build, build, build; doon po sa health services.

ARNOLD: Pero sana unahin n’yo rin iyong koleksyon, malaki-laki rin iyong hindi nakokolekta ng BIR at saka Bureau of Customs ‘no, makakatulong din iyon.

SEC. ANDANAR: Tama, in fairness din naman sa BIR ay nag-improve naman ang kanilang collection last year.

ARNOLD: Secretary maraming salamat. Nakasama natin Presidential Communication Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Mabuhay ka, Senator Igan.
##

Resource