Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Fernan Gulapa (Natural – DZBB)


FERNAN:  …Tanungin nga natin si Secretary Martin Andanar ng PCOO, Presidential Communications Operations Office kaugnay dito sa dalawang issue na ‘to. Secretary Andanar, magandang hapon po.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat. Magandang gabi sa’yo Fernan. Alamo mo itong survey na ito, ito po ay nagpapakita lamang na ang mga pagbabago po na ginagawa ng ating Pangulong Duterte, mga polisiya na kaniyang mga pinipirmahan tulad po ng libreng edukasyon sa state universities and colleges, tulad po ng pagbibigay niya ng bilyong-bilyong piso para sa ating—[PHONE LINE CUT]

FERNAN:  Hello? Naku, naputol…

Naku talaga naman, lagi na lang nagkakaproblema iyong ating linya. Mahirap talaga iyong dalawang lang iyong telco. Kailan kaya iyong pangatlo?

Secretary Andanar, magandang gabi po uli…

SEC. ANDANAR:  Ay magandang gabi, Fernan. Iyon nga, so nasabi ko na ito po dulot ng mga maraming proyekto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mga polisiyang pinirmahan tulad po ng libreng edukasyon sa state universities and colleges; iyong pagpirma ng TRAIN kung saan ay more than 80 percent ng mga kababayan natin ay hindi na ho nagbabayad ng income tax.

Ngayon, iyong Build, Build, Build po ng mga proyekto ng ating gobyerno na bilyong-bilyong halagang piso ng mga big infrastructure projects, at hundreds and hundreds of millions of pesos po na inilaan ng ating Pangulo sa libreng gamot at libreng pampaospital para sa mga kababayan nating naghihirap.

FERNAN:  Sec., ano reaksiyon mo dito, doon sa IBON Foundation Survey na mas dumami daw ang mga mahihirap nitong 2017 kumpara noong 2016?

SEC. ANDANAR:  Hindi ko kasi nabasa ang IBON Foundation Survey. Ang mahalaga ho sa atin, ay very optimistic po ang Pilipino sa pagpasok ng 2018. Majority po ay very optimistic na aasenso po ang kanilang buhay. Alam ninyo po, nararamdaman talaga ng mga Pilipino iyong trickledown ng biyaya po ng gobyerno sa pamamagitan ng mga malalaking infrastructure projects na maglilikha po ng napakaraming trabaho para sa mga kababayan natin. At ngayon pong 2018 iyan, lahat ng mga malalaking proyekto po ay gagawin po, ang majority niyan ay 2018. So, this 2018 will tell the difference.

Sinabi na po ‘yan ng Fitch Ratings, sinabi na po ‘yan ng iba’t ibang mga finance institution na nagtapos po ang Pilipinas sa 6.8 na Gross Domestic Product last year, at ang inaasahan po nila mas mataas po ang GDP this year; inaasahan po nila mas maraming investors this year. So, nangangahulugan po na dadami po ang trabaho para sa mga kababayan natin. So, the statistics will definitely improve.

FERNAN:  Sec., mabilis iyong aksiyon ng MIAA doon sa, nagalit iyong Pangulo, doon sa dalawang OFW galing Canada, nalimas iyong kanilang mga bagahe, 82 thousand pesos na halaga. At kanina sabi GM Ed Monreal, tapos na raw iyong kanilang kontrata sa MIASCOR, iyong humahawak ng handling operations sa NAIA at maging doon sa Clark.

SEC. ANDANAR:  Number one ho ‘yan sa prayoridad ng ating Pangulo, iyong anti-graft and corruption at pasok ho ‘yan sa graft and corruption, iyong kanilang kalokohan po diyan sa MIASCOR, kaya nga nasibak kaagad iyong mga nanlimas noong gamit na ‘yan sapagka’t napakasama ng nangyari. At ito ho ay isa sa mga bagay na ayaw ng ating Pangulo, especially iyong ating mga kababayan, OFW at migrant na umuuwi sa ating bansa. So kitang kita ninyo po na ang ating Pangulo ay sincere at determinado na masolusyunan ang mga ganitong kalokohan sa Airport. 

FERNAN: Paano kaya iyong mga empleyado ng MIASCOR, Sec.? 

SEC. ANDANAR: Well, titingnan natin kung sino doon iyong mga masasama, of course this will be solved by the General Manager of NAIA. 

FERNAN: Isa na lang po. Pinaiimestigahan sa Senado ng minorya diyan po sa Senado iyong pag-intervene daw nitong si Special Assistant to the President Bong Go kaugnay doon sa barko ng Philippine Navy, Sec.?

SEC. ANDANAR: Kitang kita naman natin na itong proyekto ng Philippine Navy para dito sa Frigate Acquisition Program ay nadesisyunan na panahon pa ng Pangulong Benigno Aquino. So, itong pagkumbida kay SAP Bong Go ay ilalabas po ang katotohanan dito na talagang walang kinalaman po talaga si SAP Bong Go. As a matter of fact, nagsalita na po si Vice Admiral Mercado at si DND Lorenzana and that venue is a venue for us to reiterate that wala hong kinalaman talaga si SAP Bong Go at lahat po ay aboveboard iyong nangyari diyan sa Philippine Navy. At nangyari po itong deal na ito panahon pa ni Presidente Benigno Aquino. 

FERNAN: So pupunta si Bong Go kapag ka ipinatawag po?

SEC. ANDANAR: Hindi po iiwasan ni SAP Bong Go ang mga ganoong klaseng imbestigasyon. So, wala po kaming tinatago, wala pong itinatago si Secretary Bong Go. 

FERNAN: Sec., panghuli na lang, Liberal Party anniversary ngayon, ano ang mensahe sa Liberal Party?

SEC. ANDANAR: Well alam mo ang problema kasi sa bansa natin, we have a weak party system. So ang maganda ho dito ay mag-focus ho ang ating mga partido na palakasin talaga ang mga fundamental.

A few weeks ago, nandoon po ako sa isang aktibidades ng PDP-Laban at ng CPC or the Communist Party of China at nakita natin kung gaano kalakas ang partido ng China so I wish them well, congratulations sa Liberal Party at iyon po, iyon po. Ang sa akin naman dito ang mahalaga dito ay vibrant po ang ating political system ng ating bansa and the basis of the vibrancy also will also defend on the strength of the party system. 

FERNAN: Okay, thank you po. Maraming salamat po sa panahon, Secretary.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo, Fernan. Thank you po. 

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource