Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Francis Flores (Super Radyo Nationwide-DZBB)


FLORES: Secretary Martin Andanar, magandang umaga po. Good morning, Secretary. Hello. 

SEC. ANDANAR: Hi, good morning. 

FLORES: Magandang umaga po. Good AM, Secretary. Hello, nawawala siya—paki-adjust lang ng kaunti.

(LINE CUT) 

FLORES: Secretary, magandang umaga po. 

SEC. ANDANAR: Good morning, Francis. Good morning. 

FLORES: Magandang umaga. Kumusta ka riyan? Nasa Davao ka ba? 

SEC. ANDANAR: Moving kasi ako kaya napuputol iyong signal. Alam mo naman sa ating bansa kapag gumagalaw ka ay nawawala ang signal. 

FLORES: Iyon nga ang gusto kong itanong sa iyo, iyong mga—ano ba ang latest diyan sa third Telco na sinasabi ni Pangulong Duterte? May latest ba Secretary Martin Andanar? 

SEC. ANDANAR: Basta ang sinabi ni Presidente ay hindi siya papayag na magkaroon ng extension iyong pag-process ng mga papeles ng mga interesadong sumali sa bidding dahil ito nga iyong ipinaliwanag ni acting Secretary Rio na iyong mga interesadong partido ay gusto ng kaunting panahon pa, dagdagan hanggang Mayo pero ayaw ni Presidente, sabi niya, kailangan talaga by March ay mayroon ng bidding na mangyari. 

FLORES: Sabihing magkakalinaw na at sana magamit na at ma-enjoy ng Pilipinas itong pagiging mabilis na data at saka cell phones—communications, Secretary Andanar. 

SEC. ANDANAR: Oo tama, siguro lahat naman ng Pilipino ay sang-ayon na mag-improve na iyong ating cell phone or mobile services which means hindi lang po iyong call, hindi lang po iyong dropped calls ang mawawala kung hindi mag-improve din ang ating internet connections through Wi-Fi, to the 4G or 5G technology. 

FLORES: Naintindihan kong you are very much involved dito sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa papasok na—or kakailanganin nating third Telco dito sa ating bansa. Other than that, itatanong ko rin ang DICT. May posibilidad din bang magkaroon ng—kung mayroong third, mayroon din bang fourth or fifth Telco, Secretary Andanar? 

SEC. ANDANAR: Hello?

FLORES: Go ahead, Secretary.

SEC. ANDANAR: Hindi ko narinig. Nawala na naman. 

FLORES: Ganoon po ba? Pasulpot-sulpot dahil talagang sabi ko nga you are very much involved dito sa pagbibigay ng impormasyon sa third Telco dito sa Telecommunications. Ang tinatanong ko, kung mayroon mang third Telco, mayroon din bang fourth or fifth Telco? Kakailanganin pa ba? 

SEC. ANDANAR: Well, sa ngayon kasi ang pinag-uusapan iyong third Telco muna. So magpo-focus muna tayo sa third Telco. 

FLORES: Okay. 

SEC. ANDANAR: Alam mo naman na ang ating mga negosyante, they are very much concerned about the size of the market, kung kaya ba ng third, fourth or fifth. Now kung kaya, ‘di no problem, nasa mga investors naman iyan. Pero we should also take into consideration the bandwidth that is available. 

FLORES: Oo nga— 

SEC. ANDANAR: Iyong frequency na available kasi… kung ito naman ay na maximize na, saan mo papapasukin ang fourth or fifth Telco? 

FLORES: I see. Secretary Martin Andanar, kagabi po ay napakaraming mga balitang inilutang, mga impormasyon si Pangulong Duterte sa kaniyang pagsasalita sa Davao. Isa sa mga nasabi niya iyong pagkansela na rin ng pagtigil ng pagbili ng helicopters sa Canada at sabi niya ayaw niya iyong mayroong mga kondisyones na iyan na hindi daw magagamit laban sa pagsugpo ng terorismo sa ating bansa. Any other additional details, Secretary Andanar? 

SEC. ANDANAR: Well iyon lang naman iyong narinig natin kagabi pero napakalakas po ng pulso ng ating Pangulo sapagka’t oo nga naman, aanhin mo ang chopper, aanhin mo iyong eroplano na gamit ng Air force kung hindi mo ito magagamit para proteksiyunan ang sambayanan laban sa terorismo, laban sa insurgency, laban sa mga rebelde o mga elements na nanggugulo, nanggugulo sa ating bansa? So what is the point of buying all of the military equipment na mayroong kondisyon? Ang reality on the ground, dito sa bansa natin o kahit saang bansa ay iba sa mga polisiya ng ibang gobyerno. Parang walang pinagkaiba iyan na magbenta ka ng halimbawa, cell phone, na magbenta ka ng cell phone pero sabihin na, ‘Ay hindi mo puwedeng gamitin iyan kapag nasa eroplano ka.’ 

FLORES: May kondisyones? 

SEC. ANDANAR: Oo. 

FLORES: Ang malinaw diyan ayaw ni Pangulong Duterte iyong may mga kondisyones pa. Kung bibilhin para sa Pilipinas, bilhin at magagamit naman iyan sa tamang pamamaraan. Secretary last topic dahil limang minuto na lamang bago ang 8 o’clock sa aking program. Last topic po, sinabi ni Pangulong Duterte sa kaniyang Special Presidential Assistant na si Secretary Bong Go siya ay imbitahan—si Secretary Go na dumalo sa isang executive session sa Senado tungkol doon sa frigate concern. Sinabi ni Pangulong Duterte na gusto niyang i-open na lang sa publiko ang hearing na iyon. Any additional details, Secretary Andanar? 

SEC. ANDANAR: Iyong sinabi ni Presidente na dapat hindi executive session, dapat full-blown hearing, full-blown investigation para malaman ng buong bansa ang katotohanan na walang tinatago ang gobyernong ito. Wala kaming tinatago, walang tinatago si Special Assistant to the President Bong Go. Wala talaga siyang kinalaman, zero… Sapagka’t itong usapan na pagbenta, itong frigate sa ating bansa, itong frigate deal ng Philippine Navy ay done deal na ito, panahon pa ni Presidente Aquino. Wala ng puwang para pakialaman pa iyong pagbili ng combat missile para po dito sa barkong ito.

So therefore, kung ito ay napirmahan na, itong kontrata, bakit naman papakialaman mo, pirmado na nga, nandiyan na iyong mga… number one iyong terms of reference. Number two nandiyan na iyong nanalong bidder. Ano pang papakialaman mo— 

FLORES: Malinaw na walang nakialam—pinakialaman sila Pangulong Duterte tungkol diyan sa isyu na iyan. 

SEC. ANDANAR: Wala talaga, ito ay talagang good to go na itong kontrata na ito at kailangan na lamang ay i-implement. So ano pang papakialaman mo? So therefore, itong mga paratang na ito ay very malicious, mga paratang na ito ay talagang pamumulitika lamang. Sa investigation ngayong September 19, makikita po ng lahat ng kababayan natin ang katotohanan. 

FLORES: At saka umaayon si Secretary Bong Go na siya ay haharap sa isang public hearing na hindi siya pupunta diyan sa—hindi siya aayon doon sa executive session na hinihingi ng Senado. 

SEC. ANDANAR: Ayaw niya ng executive session, gusto niya full blown investigation, na makikita, mapapanood, mapapakinggan ng ating mga kababayan. 

FLORES: Alright. Secretary Martin Andanar, maraming salamat po muli sa pagtanggap ninyo ng aming tawag. 

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Kiko. Thank you.

                                                                                                ###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource