Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Atty. Bruce Rivera, Atty. Jess Falcis, Maeanne Los Baños (Boljak – DWFM)


 

MEANNE: Sec. Harry alam ko, sinabi ninyo before na hindi kayo makikialam. But at least ano ho ang tingin ninyo, talagang mainit ang iringan ng Senado at Kamara kaugnay nitong Charter change po?

SEC. ROQUE: Well, sa kauna-unahang pagkakataon na nakapag-usap kami kahapon ni Presidente mismo doon sa… pumunta sa Palasyo Lech Walesa. At tinanong ko sa kanya, tama ba iyong posisyon ito na sinasabi na parehong side doon controversy, doon sa voting jointly at voting separately are equally tenable. Sabi niya ay totoo naman na talagang both sides have their legal merit and demerit at talagang kinakailagan itong maresolba ng Korte Suprema.

So malinaw po na ang Presidente mismo ay nagsasabi na dito sa isyu ng joint or separate ay kinakailangan idulog ito sa Korte Suprema dahil talagang merong interpretation na unfortunately inaamin na it’s a drafting error.

MEANNE: Kayo ho banay… kahit papaano nalulungkot ang Palasyo ano, sa inyong panig, dahil napakaganda po sana ng hangarin ng cha-cha pero hindi makausad dahil dito sa iringan na ito, hindi pagkakasunduan.

SEC. ROQUE: Hindi naman po. Ang Presidente naman po ay naging miyembro rin ng Kongreso, alam niya na walang mangyayari sa Kongreso kung walang consensus. So talagang ang measure kung gaano ka kagaling na mambabatas ay iyong kapasidad mo na bumuo na consensus bagamat iba-iba talaga ang pananaw at iba-ibang mga estreso ng mga miyembro ng Kongreso. So ano na po iyan, talagang iyan po talaga ang basehan kung gaano kagaling ang mga mambabatas sa kanilang sinumpaang katungkulan.

ATTY. BRUCE: Sec. Roque, Atty. Bruce po ito, good morning po.

SEC. ROQUE: Good morning, Atty. Bruce.

ATTY. BRUCE: Bakit po—of course Malacañang said na hindi magandang biro iyong sinabi po ni Speaker Alvarez pertaining to zero budget. Ano po iyong dahilan bakit po biglang ang Malacañang ay naging circumspect and called out Speaker Alvarez on that statement?

SEC. ROQUE: Wellactually hindi ko naman po sinabing hindi magandang biro; ang sinabi ko lang talaga, ayaw naming panghimasukan ng Kongreso. Well, kasi po nga, iyong proseso ng consensus, dapat po iyan it will be because of informed choice kaya nagkaroon ng consensus. Hindi naman po sa ibang mga pamamaraan at lalo na kapag ang pinag-uusapan ay Saligang Batas, kinakailangan talaga ay naiintindihan ng taumbayan at ang mga mambabatas ang isyu na kinakailangang bigyan ng linaw sa publiko para naman suportahan ito ng taumbayan sa plebisito na gaganapin kung magkakaroon ng bunga itong charter change.

ATTY. BRUCE: Spox Roque, isa pang tanong. Because of course the House of Representatives gusto nila Con-Ass, Constituent Assembly. Ang reason nila is dahil hindi mahal, it’s money-saving etcetera, etcetera. But of course sa Senado naman parang may inclination na gusto nila ng Con-Con. Sa palagay n’yo ba, talking to the President, ano po ba iyong napupusuan ng ating Presidente?

SEC. ROQUE: Well, ang pagkakaintindi po namin, parang meron nang consensus sa parehong kapulungan na Con-Ass. Ang pinag-uusapan na lang kung voting jointly or voting separately pagdating doon sa mga revision na isusumite sa taumbayan.

Now, ang Presidente po nagsalita na siya na pabor siya sa Con-Ass kasi masyadong magastos iyong Con-Con na bukod doon sa paghahalal ay meron pang budget iyong mga miyembro ng Con-Con at iyong kanilang mga staff.

So, samantalang ang Kongreso naman ay naririyan na at kung iyong pinaguusapan iyong takot na masyadong makitid ang mga interes na mambabatas na iyon para pagkatiwalaan sa Con-Ass. Ang katunayan, sino ba ang mananalo sa Con-Con kung hindi sila rin o iyon bang mga asawa nila, mga kamag-anak nila. So parang walang pagkakaiba iyan, basta merong eleksyon ay talagang ang mga pulitiko at pulitiko pa rin ang mananaig.

ATTY. JESS: Sec. Roque, Atty. Jess po ito. Mabalikan ko po iyong inisyu na EO o Executive Order ni Presidente Duterte na nag-aano na puwede siyang mag-appoint ng mga experts to draft or give a proposal. Ano na po ang update doon or may plano po bang ituloy iyon ni Presidente, iyong tungkol sa charter change?

SEC. ROQUE: Yes, nagsalita siya tungkol dito. Ang sabi niya hindi niya naisapubliko ang mga pangalan, bagama’t meron ng mga pangalan at meron ng mga pagsusuri na nagawa iyong mga pangalan. So, isa sa pangalan na binanggit niya ay itong si Chief Justice Puno. Sabi nga niya dahil recommendatory lang naman itong body na ito anytime naman puwedeng maintindihan ng Kongreso iyong mga taong nasa listahan na niya. So ang sabi niya karamihan dito ay mga Supreme Court Justices, pero hindi na nga siya nagmamadali kasi mukhang ginagawa na ng Kongreso at doon sa paghimay-himay ng mga proposed revisions ay naiimbita na rin as resource person iyong mga tao na nandoon sa kanyang komisyon.

ATTY. JESS: So hindi ninyo na, sir, ipu-fully implement iyong pag-convene niya ng expert body to recommend?

SEC. ROQUE: Hindi naman niya sinabi iyon. Pero ang sinabi lang niya is, naririyan iyang mga pangalan, naririyan sila available at kung kinakailangan ay iisyu pa rin niya. Pero sa tingin niya ngayon, ang hindi pinagkakasunduan, nandoon na tayo sa punto ng paano ia-adopt iyong mga revisions; hindi naman iyong isyu na kung ano iyong mga revisions na iyon, di ba? Parang wala namang problema ang Kongreso in identifying kung ano iyong mga gusto nilang irebisa. Ang problema is, ano ba, paano ba ito mapapa…sumite sa taumbayan.

MEANNE: Sec. Harry, ang tanong ko po: Kayo ba nag-a-agree, kasi nauuwi tayo sa issue ng terminology, at tumaas ang kilay ng mga senador dito sa paulit-ulit na sinasabi ni Speaker Alvarez na when you say Congress, it can also mean Lower House lang.

Kayo po, Sec., do you also believe in that… na puwede pong umusad na House lang?

SEC. ROQUE: Nasa ano po, nasa Saligang Batas na legislative powers shall be vested in a Congress consisting of two houses – the Senate and the House.

ATTY. BRUCE: Spox Roque, Bruce Rivera pa rin po ito. Question ko po, kasi po noong nagsimula na po mag-deliberate ang House of Representatives ay nano-notice po namin na parang iyong pinagtutuunan nila ng pansin is iyong term extension or basically iyong mga bagay na kung saan sila ay makikinabang. Ano po ang comment ng Malacañang regarding that? Kasi kaming mga taumbayan ay medyo nagwo-worry kami na if we continue with the Con-Ass ay baka maging haosiao lang o magiging pansarili lang na… pertaining to the personal interest of those in Congress. So ano po ang pananaw ng Malacañang ukol diyan?

SEC. ROQUE: Well, again, wala naman pong proposed revisions na magkakaroon ng bisa kung hindi bibigyan ng basbas ng taumbayan. So kinakailangan, Congress as a political institution, kaya nga ang tawag diyan ay political question ay dahil dapat sigurado sila na susuportahan sila ng taumbayan. Pero sana po ay—the President is leading by way of example, ang sabi po niya noong nakalipas na araw lamang, sabi niya sa Hukbong Sandatahan, barilin ninyo ako kung ako ay mag-i-stay in office longer than one minute after 2022. I guess by way of example ang Presidente ay talagang recognize it – term limit – at least the wisdom in it; although ang position niya ay iyong pagbaba ng political dynasty, iyan ay dapat ang taumbayan naghuhusga.

ATTY. BRUCE: Sec. Roque, mabalikan ko lang iyong sinabi ninyo po kanina na may consensus sa two Houses na mag-Con-Ass na. Noong mga kamakailang araw lang nakalipas, na-interview namin dito sina Senator Koko at saka iyong mga ibang senators, sa balita, parang hindi naman po Con-Ass iyong gusto ng senators. Iyon nga parang i-expel daw nila kapag may tumapak sa Batasan na isang senator, i-expel nila kaagad. Sir, sino po ang source natin or mayroon po bang senators na nagsabi na they are for Con-Ass?

SEC. ROQUE: Unang-una po ano, iyong resolution na hinain ng mayorya, Senator Ping Lacson, is to convene the Senate as to Constituent Assembly. So Con-Ass po iyon. So ang pinag-uusapan lang nila iyong banta ng House na magko-Con-Ass na walang Senado. So iyong House lang ang magpo-propose ng decision, siya ang magsusumite sa taumbayan, iyon ang konteksto na sinabi yata ni Senator Ping na baka i-expel sila sa Senado.

MEANNE: Sec. may plano ba si Pangulo na umupo kasama ang liderato ng parehos na kapulungan ng Kongreso, pag-usapan ito? At least may directive din ba siya na, “Hoy, mag-usap kayo.”

SEC. ROQUE: Ngayon po ay wala naman dahil pareho naming kakampi ang Senado at ang Kamara.

Q: But at least to thresh out …

SEC. ROQUE: Oo. It’s not as if House lang po ang kakampi ng Presidente. Mayroon din po siyang mayorya diyan sa Senado. Kaya nga hinahayaan namin sila. Bagama’t naggigirian iyan, alam mo naman iyang mga iyan, mga beterano iyong mga iyan. Iyong mga girian nila, kasama iyan sa consensus building. So huwag tayong masyadong mag-alala diyan. Eventually, they will have to resolve it among themselves.

MEANNE: Alright. Salamat oras mo ha, Secretary Harry Roque.

##
Source:  PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource