Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Maricel Halili (DWFM – All Ready)

Event Radio Interview

MARICEL:  Sir, magandang umaga po.

SEC. ROQUE:  Wow, naging maganda ang boses ni Ka Orly ngayon.  [Laughs]

MARICEL:  Wow. [Laughs] Sir, si Maricel ito. Sir, papakinggan ka namin sa presscon ninyo mamaya. Sa Palawan ka ngayon, di ba, sir?

SEC. ROQUE:  Palawan po.

MARICEL:  Oo. But anyway, sir, bago po tayo pumunta doon sa question of the day. Mahingan ko na lang muna kayo ng reaksyon dito po sa nabanggit ni Representative Velasco. Kasi sinabi niya iyong tatlong vehicles daw, kung paano posibleng mapatalsik si Chief Justice Sereno.

Pero isa doon sa na-mention niya iyong decision, puwede daw kasing gawan ng hakbang ni Presidente Duterte na siya na iyong magsabi na, “okay, hindi valid iyong appointment mo, out ka.” Bukas po ba ang Malacanang doon sa ganoong idea, sir?

SEC. ROQUE:  Mukhang malabo pong gagawin ng Presidente iyan, dahil ang Presidente po ay kinikilala naman iyong separation of powers. Basta ang kanyang paninindigan siya ay executioner ng batas, tagapagpatupad ng batas at kung merong desisyon ang Korte Suprema o di naman kaya ang Kongreso, dapat mapatupad niya.

MARICEL:  And parang kahapon nabanggit din ni Presidente yan ano, sir, bahala na iyong Kongreso.

SEC. ROQUE:  Opo. Talagang iyan naman po ay Kongreso talaga. So aantayin po namin ang mga aksyon ng iba’t-ibang sangay ng gobyerno at gagalaw kung kinakailangang magpatupad.

MARICEL:  Ayon. Sir, mapunta lamang po tayo dito sa question of the day. Because yesterday nga po na-mention ninyo na nautusan ni Presidente si Solicitor General Calida to look into the possible cases o mga bagong cases na posibleng isampa doon sa mga people behind MRT3?

SEC. ROQUE:  Opo. Kasi ang naisasampa pa lang iyong kapalpakan ng BURI. Pero iyong mga kaso tungkol sa plunder, doon sa diumano ay talaga namang inilagay iyang BURI na iyan na walang kakayahan, walang track record, para kumita iyong ilang mga personalidad nung nakalipas na administrasyon. So, talagang kinakailangan talagang siguraduhin na magkaroon tayo ng katarungan, samantalang gumagawa ng mga hakbang ang mga gobyernong ito para maibsan iyong paghihirap ng ating mga mananakay.

At kahapon nga sa ating press briefing, dinetalye ko kung ano ang ginagawa, iyong short term – iyong pagbibili ng mga spare parts kung kinakailangan; iyong medium term ay iyong pagbabalik ng Sumitomo; at iyong long term ay iyong pagpapalit ng may-ari ng MRT 3 at saka iyong pagre-rehabilitate na talaga ng facilities ng MRT3, kasama na diyan iyong riles, iyong mga bagon at signaling system.

MARICEL:  Opo. And you mentioned siyempre, sir iyong mga na-file na cases against kina former Secretary Mar Roxas, kina Jun Abaya. Ito rin ba iyong mga same people na hahainan o posibleng targetin nung mga bagong kaso?

SEC. ROQUE:  Sila lang po. Kasi sila talaga ang lahat ng gumawa ng kababalaghan diyan sa MRT 3, nadatnan na po iyan at talaga namang iskandalo ang nangyari. Bakit mo ibibigay ang kontrata sa isang corporate entity na wala talagang kakayanan, na bigla na lang sumipot. Ni walang track record. Samantalang ang pinalitan mo, Sumitomo, isang giant sa bansang Japan at saka iyan na talaga iyong sa mula’t-mula ay naglalagay ng imprastraktura diyan sa MRT.

So, kumbaga nasa casa tapos kumuha ka ng talyer na hindi pa marunong gumawa. Kaya lalong nagkasira-sira iyong ating MRT3.

MARICEL:  Do we have a time table, sir, kung kelan iyong target natin na pagpa-file ng bagong kaso?

SEC. ROQUE:  Well, itinalaga po talaga si Solicitor General, paspasan ang pagpa-file pa ng lahat ng kaso na kinakailangan at kasi in fairness, Maricel, ngayon lang lumalabas iyong mga whistleblower. Ngayon lang may hawak tayong whistleblower kung paano hatian. Meron pala kasing tinatawag Pangasinan Group diyan. Tapos maniwala kayo at hindi ang sabi ng whistleblower ay 1/3 daw nung total na binabayad natin para sa kontratang ito ay napupunta lang doon sa Pangasinan group ‘no. Tapos 1/3 daw ay diumano ay binabayad din sa political machinery at 1/3 lang talaga iyong napupunta para sa pag-maintain ng MRT 3. Talaga namang kapag 1/3 lang sa binabayad ang ginugugol para sa MRT 3, talagang masisira iyan at makalintik-lintik gaya ng nangyayari ngayon.

MARICEL:  Oo nga naman, susmaryosep.

SEC. ROQUE:  Pero in fairness, ngayon lang  isa-isang lumalabas ang mga whistleblowers at  dahil lumalabas na ang mga whistleblowers at saka kinukumpleto ngayon ang mga documentary evidence, sang-ayon na rin sa mga testimonya ng whistleblowers mukhang magkakaroon ng linaw kung paano talaga pinagpiyestahan ang MRT na naging dahilan ng paghihirap  ng ating mga mananakay ngayon.

MARICEL:  All right. Sige po, sir. Maraming-maraming salamat po sa inyo.

SEC. ROQUE:  Okay, maraming salamat, Maricel.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource