Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Orly Mercado (All Ready-DWFM)


MERCADO: Secretary Harry, good morning.

SEC. ROQUE:   Magandang umaga, Ka Orly. Magandang umaga po sa mga nakikinig at nanunood sa atin ngayon.

MERCADO: Naaalala ko pa noong araw ikaw ay nagpupulong ng mga fora nauukol sa—si Greg Poling ng CSIS ay nagpakita ng ilang mga larawan, mga monitoring nila ng mga nangyayari sa South China Sea.

Ang tutok niya noong pinapakinggan ko ay doon sa environmental issue, na magkaroon dapat ng pagkakaisa ang mga bansang maaapektuhan at, you know, interested… those who are in the region, to make a case at to try to get China to join and focus on the environmental destruction that has been brought about by itong recent activities nila.

Ano ba ang reaksiyon ng gobyerno natin dito sa isyung ito?

SEC. ROQUE: Wala po tayong pagtutol diyan dahil sa mula’t-mula ay talaga namang binibigyan natin ng importansya ang pangangalaga sa ating kalikasan. Pero iyong tinatawag na kinakailangang magkaisa, alam ninyo naman ang istorya ng Pilipinas diyan sa katotohanan. Sa nakalipas, bagama’t sinasabi natin na may pagkakaisa ang Pilipinas sa kung ano man talaga ang nag-iisa at… tumatayo, kung kinakailangan tumayo.

Ang problema kasi, iyong panawagang magkaisa ay talagang mas mahirap makamit dahil lahat naman ng mga bansang nag-aangkin ng Spratlys, bagama’t sila ay nananatili na mayroon silang soberenya at sovereign rights, lahat sila ay nakikisama sa Tsina dahil ang Tsina ngayon ang siyang bagong regional super power at napakadaming mga bansa na mga claimants na umaasa sa Tsina para sa kanilang mga pang-ekonomiyang mga pangangailangan.

So ang sinasabi ko, tama po iyan, magkaisa. Tama po iyan, pangalagaan ang kalikasan. Pero the bottom line is, to what extent countries would want to actually unite and call the attention of China that the reclamations are deleterious or mas nakakasama sa ating kalikasan.

Pero kung babalikan natin iyong naging desisyon ng Arbitral Tribunal, andyan naman iyan, sinabi rin talaga ng tribunal na iyong pagre-reclaim ng mga islang iyan ay dapat—bagama’t nandiyan na iyan, talaga namang ang isang isyu diyan ay iyong epekto sa kalikasan na hindi masyadong nakunsidera noong nagkaroon ng pagre-reclaim ng mga artipisyal na isla.

MERCADO: Mayroon kayong statement na sinasabi ninyo na itong mga nangyayaring pagtatayo ng mga istruktura doon ay hindi naman sa inyong administrasyon.

SEC. ROQUE:   Totoo po iyan. Kasi ang nakakairita ay iyong mga taga-nakalipas na administrasyon na napakaingay ngayon. Pero kung babalik-tanawin mo, lahat naman po iyan ay nagawa ng Tsina noong mga nakalipas pang panahon. Iyan po iyong ginawa ng Tsina matapos nga magkaroon ng arbitration. Hindi ko sinasabing mali ang pagka-arbitrate, pero ako mismo ang kauna-unahang nagsabing mag-arbitrate. Pero ang sinasabi ko, nakakapagod iyong kanilang paninisi.

Pero iyon nga, kung titingnan mo, nangyari naman iyan reclamations na iyan wala pa si Presidente Duterte. Wala pa si President Duterte, alam na nating gagawin nilang mga base militar iyan. Bakit ang pula ngayon ay na kay Presidente Duterte? Wala ngang nagawa noong mga panahon na iyon; ano pang gagawin natin ngayon?

Kaya nga ang sinasabi ng Presidente, at least ngayon ay may assurance ang Tsina na walang bagong mga islang gagawin, walang bagong reclamation. Pero sa ngayon po, ano pa ang gagawin mo, nandiyan na iyang islang iyan. Mayroon nga tayong desisyon ng tribunal na ang mga isla na iyan ay nasa exclusive economic zone ng Pilipinas, pero ano naman ang gagawin mo? Pipitasin mo ba iyan? Papalayasin mo ba sila?

Sabi nila magpu-protest. Alam mo iyong pagpu-protest halos araw-araw, nurturance na iyan. Dahil wala bang ibig sabihin na palibhasa ikaw ay protest, mababago mo ang sitwasyon.

So kaya nga, let us be realistic. Ano ba yan, sige magprotesta ng magprotesta. Anong mangyayari sa’yo? Ang protesta ay isa lamang papel. So ang isyu talaga is how do you move forward with the relations with China na naririyan iyan, na wala ka naman talagang opsyon dahil pinagbabawal ang paggamit ng dahas. Maski gustuhin natin na gumamit ng dahas, wala naman tayong panggamit ng dahas.

So iyan, ang tingin ko pa rin ay pinakamabuti pa rin ang posisyon ng Presidente na sige na, tayo ay makipagkaibigan; sige na, isantabi iyong isyu ng sovereignty, titingnan natin kung saan tayo makikinabang sa isa’t isa.

At iyon nga, pagdating naman sa tourist arrivals, dahil nga naging malapit na tayong pagkakaibigan at doble na iyong ating tourist arrival, at inaasahan natin na pati iyong mga capital na dadalhin ng mga Tsina ay itataas na rin.

Uulitin ko: Isinantabi ang soberenya pero hindi namimigay ng teritoryo.

MERCADO: Oo, pero this is a delicate balance na ginagawa natin, hindi ba? Kung tutuusin mo, gusto nating makinabang sa ating relasyong pang-ekonomiko with China. But at the same time, maaaring ang mangyayari ay naa-abdicate natin, nawawala talaga … we are being out-flanked by the realities in the ground, kung tutuusin.

At katulad ng sinabi ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, sabi niya, ‘We cannot rely on the good faith of China,’ kasi sabi niya, ‘It’s like relying on good faith of a thief.’

SEC. ROQUE:   Kaya nga po sinabi ko, anong gagawin natin? Ang solusyon niya ay magprotesta nang magprotesta. Unang-una, sino bang nagsabi na hindi tayo nagpuprotesta? Pero ang tanong, may nangyayari ba doon sa protesta diyan? Nagbabago ba ang realidad kung tayo ay nagpuprotesta?

So sa akin talaga—hindi ganoon kadali ang solusyon. Kaya nga ang sabi ko kay Justice Carpio, kung talagang gusto niyang ganitong larangan ay tumakbo na lang siya ng Kongreso nang siya ay makatulong sa paggagawa ng polisiya. Pero sa ngayon po, ang inaasahan namin ay at least respetuhin iyong Presidente bilang arkitekto ng foreign policy. Napakahirap po ng ating kinalalagyan, walang kakayanan, pero at the same time, ayaw mamigay ng teritoryo. Tingnan na lang po natin kung ano ang makukuha natin sa mga kundisyong ito. At uulitin natin ang pangako ng Presidente, hindi tayo mamimigay ng teritoryo.

MERCADO: Okay. Maraming salamat, Secretary Harry, for answering our call. Thank you very much.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga po.

##

Source: PCOO-PND (Presidential News Desk)

Resource