CESAR: Secretary Martin, magandang umaga po sa inyo.
SEC. ANDANAR: Hello, Cesar. Magandang umaga at sa lahat ng nakikinig sa inyong himpilan DZRH, good morning po.
CESAR: All right, sino ang mga dadalo sa launching na ito para sa senatorial campaign para kay Secretary Bong Go?
SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan, Cesar. Napakadaming mag-a-attend from different sectors of society, meron pong mga miyembro ng Gabinete na pupunta rin at kasama po ang inyong lingkod, sila ni Jun Esperon darating, sila ni Bebot Bello at pupunta rin sila Secretary Boy ng DOST at meron ding mga kasamahan natin sa PDP at sa MRRC and meron ding mga congressmen. I heard that si Congressman Velasco and another 30 more congressmen are attending.
We only expected around 200 noong simula, Cesar. Pero mukhang hindi na mapigilan iyong number of people who will attend and show their support for Special Assistant to the President Bong Go to convince him to run for the Senate in 2019.
And by the way, meron akong kuwento sa iyo Cesar. Kasi nagkaroon kami ng meeting ni Presidente at natapos iyon mga 11:45 na at doon mismo sa meeting ay natanong ko si Presidente about iyong possible candidacy ni Special Assistant to the President Bong Go. At ang sabi po ni Presidente, “I will support Bong Go to the hilt.”
CESAR: So, iyan ang official statement. Ito na iyong simula ng kumpirmasyon, mula sa Pangulo mismo.
SEC. ANDANAR: Mula sa Pangulo mismo at noong tinanong siya ay nakita ko na, noong nag-lighten up iyong mood ni Presidente mismo—kasi si Bong kasi ayaw niya talaga. Tapos nag-lighten up iyong mood ni Presidente, tumingin siya sa kuwarto, tapos—basta nakita ko na talagang nag-smile siya, sabi niya siyempre si Bong naman ay kailangan din…“I would like to see him shine also na more beyond what he has been doing for me, iyong mga sakripiyo ni Bong. So, if Bong decides to run, I will support him to the hilt.”
CESAR: Secretary may napansin ako, iyong dating—well, nagseselosan, iyon na lang ang salitang gagamitin ko. Na MRRD at ang PDP Laban, mukhang nagkasundo dito… nagkasama rito?
SEC. ANDANAR: Mukhang sa event na ito, itong ‘Ready, Set, Go!,” Cesar, mukhang magkakasama. Kasi alam mo, noong—kasi ang dami ding mga—bukod sa kanila meron ding mga celebrities, about 30 of them darating din. Sabi ko siguro ito iyong unifying factor eh, si Bong talaga iyong unifying factor.
Because you know, I personally believe that a vote for Bong Go will be a vote for the President. So Bong as the ultimate alter ego of the President will definitely have the support of all of the Duterte followers or supporters.
CESAR: This early puwede na bang sabihin na si Secretary Bong Go ang coalition candidate ng mga sumusuporta kay President, siya pa lang ang number one ano… na maging coalition candidate ano.
SEC. ANDANAR: Sa palagay ko siya iyong number one talaga na maging coalition candidate, si SAP Bong Go. So, hopefully, itong magiging activity natin mamaya dito sa Illustrado Manila ay makita ni SAP Bong Go na talagang mabigat at makapal ang kanyang supporters and that will convince him to think about it really, really seriously sapagkat marami po kami na naniniwala sa kanya.
CESAR: Bakit iyong mga Cabinet members ang dadalo, Secretary Martin?
SEC. ANDANAR: Iyong mga Cabinet members ay kinumbida ko iyong iba, kung sino lang iyong puwede, wala namang puwersahan. Of course, iyong mga iba na wala pang appointments ay makakadalo. Wala, I just opened it to everyone, kasi baka naman sabihin na iyong mga kaibigan ni Bong ay pinipili lang iyong ini-invite di ba. So, kasi… ito kasi, Cesar, sinimulan ito sa grupo, iyong mga magkakaibigan lang. Kasi started as friends before we joined government. So mga barkada lang din. Kung papano nagsimula ang kandidatura ni Presidente Digong ay ganito rin iyong ginagawa namin, magkakaibigan lang, tapos ngayon wala na, nag-snowball na.
CESAR: Nakakatanggap ba kayo ng suporta, hindi lang sa Metro Manila maging sa iba pang mga lugar, Luzon, Visayas at Mindanao at mga OFW?
SEC. ANDANAR: Marami na po. Alam mo, Cesar ano nga—kasi ito naman talaga ay para himukin lang pagtakbo. So ngayon meron na kaming… mga pinapadalang picture sa amin na may mga building kung saan-saan at lalagyan ng mga tarpaulin na Bong Go. Hindi ko na kilala kung sino ang naglalagay, basta pinapadala lang sa akin iyong mga photos. Pero this is really good, I suppose SAP Go will see the value in this. And parang ano nga… parang repeat nga ito noong 2015, dahil hinimok si Mayor Duterte tumakbo. Ito naman si Bong naman ang hinihimok na tumakbong senador.
CESAR: All right, Secretary Martin. Maraming salamat sa oras na ipinagkaloob sa ating palatuntunan sa umagang ito.
SEC. ANDANAR: Mabuhay ka, Cesar. Sana you can attend later para makita mo rin, para you can talk about it tomorrow. Thank you.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)