Interview

Interview with Presidential and Chief Presidential Legal Counsel Spokesperson Salvador S. Panelo by Mike Enriquez (DZBB – Saksi sa Dobol B)


Event Media Interview

ENRIQUEZ: Secretary, magandang umaga po; si Mike Enriquez po ito.

SEC. PANELO: Magandang umaga, Mike.

ENRIQUEZ: Nasa Malacañang na ba kayo?

SEC. PANELO: Wala pa naman. Anyway, gusto mong malaman iyong kalusugan ni Presidente?

ENRIQUEZ:  Opo, sige. Kumusta si Presidente talaga?

SEC. PANELO: Ganito iyon, kahapon kausap ko siya, sabi niya sa akin … kasi sabi ko sa kaniya, “Parang hindi ka nakatulog, Mr. President, noong pagdating mo.” Sabi niya, “Hindi, nakatulog ako.” Sinabi ko, “Bakit iyong mukha mo nung nakita ko iyong video parang passive at saka parang hirap na hirap ka.” Eh kasi sabi niya, ‘Nasaktan ako doon sa ano… I felt pain, parang nahihirapan ako.” Tapos pero sabi niya, “Noong nag-toothbrush ako this morning,” – that was yesterday – “excruciating, searing pain iyon nararanasan ko dito sa may pelvic.” Malapit sa pelvic bone and spinal.  So sabi niya, “I had even to lean yung knees ko kasi parang matutumba ako kung hindi ako mag-lean. So that’s why I have to bring a cane para to assist me pagbaba ko sa hotel, papunta doon sa kotse, hanggang sa pagbaba ko doon sa enthronement pero hindi ko dinala.”

Pero kahapon, medyo okay naman iyong kahapon eh. In fact, hindi ba nakarating pa siya sa wake ni Senator Pimente, mayroon lang siyang cane. Ang sabi niya sa akin ay magpapatingin siya sa isang neurologist, kasi ibig niyang malaman kung konektado ito doon sa… kasi hindi ba naaksidente na siya, nagkadiperensiya ang spinal column niya. Baka raw may tinamaan doon or what, ibig niyang malaman. So ipapaalam niya sa public kung anong resulta ng kaniyang eksaminasyon.

ENRIQUEZ: Importante iyon, Secretary, iyong sinabi ninyo. Ano ho ang sabi ni Presidente, pakiulit lang po para malinaw doon sa mga nakikinig at nanunood.

SEC. PANELO: Ang sabi niya ay ipapaalam niya sa ating mga kababayan kung ano ang resulta ng kaniyang eksaminasyon. Palagi naman niyang sinasabi, hindi mo napapansin palagi niyang ibinibida sa atin iyon every time na may pagkakataon siya.

ENRIQUEZ: Naka-painkiller ba ho si Presidente, Secretary?

SEC. PANELO: Hindi, hindi siya naka-painkiller. As far as I know, wala siyang kinuwentong ano. Ang sabi niya nga sa akin, it’s a matter of enduring the pain. Eh mukhang—siguro mataas ang threshold niya.

ENRIQUEZ: Iyon pong tungkod na nakuhaan ng litrato na gamit niya doon sa Japan, dala-dala niya ba iyon mula dito sa atin o binili lang iyon doon noong nag-umpisa nang sumakit iyong … o naramdaman niya iyong pananakit na nararamdaman niya, Secretary?

SEC. PANELO: Hindi ko alam kung dala niya iyon. Basta ang alam ko, sabi niya sa akin, ginamit niya papunta sa kotse at pagbaba niya sa kotse; pero iniwan niya sa kotse.

ENRIQUEZ: Kumusta po iyong schedule po, iyong opisyal na schedule ni Presidente na alam naman natin iyong schedule ng Presidente, kahit sinuman iyan, hindi naman iyan ora-urada o ginagawa basta-basta eh. Mayroon ba pong pangangailangan na hindi ituloy kung anuman ang naka-schedule na opisyal na mga dapat asikasuhin ni Presidente ngayon at sa mga susunod na araw so far, as of this morning?

SEC. PANELO: Alam mo, Mike, siguro depende iyon sa magiging advice ng doktor. Kung sabihin na huwag kang masyadong maglalalabas o maggagagalaw, siguro mababago ang schedule niya. Pero kung wala namang sinabi, tuloy pa rin. Alam mo naman si Presidente, kita mo naman nagpunta kaagad sa wake.

ENRIQUEZ: Opo, buti nga nabanggit ninyo iyan kasi ang susunod kong tanong, sabi mo magdedepende iyan sa kung anong sasabihin ng doktor. Si Presidente ba ay good boy pagdating sa payo ng doktor, sumusunod ba iyan?

SEC. PANELO: Ah oo. Parang ako rin iyon. Ako masunurin sa mga doktor eh. Masunurin iyon sa doktor.

ENRIQUEZ: Ah ganoon. Siguro kayong mga abogado, ganoon kayo ano, masunurin kayo sa doktor?

SEC. PANELO: Oo, kasi takot kami sa medicine. ‘Di ba asawa ko doktor eh, sinusunod ko kahit anong ipainom sa akin. Expertise nila iyon eh.

ENRIQUEZ: Sige, aasahan po namin iyong sinabi ninyo na tulad ng nakaraan, parati namang ipapaalam ni Pangulong Duterte kung anong kalagayan ng kaniyang kalusugan. Malalaman namin kung anong resulta sa pagpapa-checkup niya sa neurologist ngayong araw na ito, Secretary, tama ba iyon?

SEC. PANELO: Definitely, ipapaalam niya sa taumbayan.

ENRIQUEZ: At kung kinakailangan ay tatawagan po namin kayo. Sorry po nabubulabog namin kayo kahit maaga kasi importanteng—

SEC. PANELO: Hindi, okay lang iyon. Mike, it’s part of the territory; that’s part of your job.

ENRIQUEZ: Opo. Kailangan po eh na kayo mismo para hindi tayo nasisingitan ng mga kung sinu-sino diyan, Secretary.

SEC. PANELO: Basta sa ngayon, ang gustong sabihin ni Presidente na huwag kayong mag-alala sa kaniya. Okay naman siya.

ENRIQUEZ: Sige po. Salamat, Secretary, sa pagtanggap sa tawag namin ngayong umaga. Hanggang sa susunod. Magandang umaga po sa inyo.

SEC. PANELO: Salamat. Salamat, Mike.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource