URI: Secretary Mart, Secretary ng Presidential Communications Operations Office. Napatawag kami, una, tungkol doon sa mga fake news na kumalat na naman regarding sa Pangulo at pangalawa ‘yung inyong pag-iikot na kasama ninyo ang DOH sa mga LGU as part of educating the public on COVID-19. Secretary, good morning.
MISSY: Good morning po.
SEC. ANDANAR: Good morning, Henry and Missy. Good morning.
URI: Yes, sir. Anong nangyari bakit—iyon nga ang tanong ni Missy kanina, may nakasuhan na ba riyan sa pagpapakalat ng fake news na iyan kasi hindi matigil eh?
SEC. ANDANAR: Well, alam mo, mayroong mga nireklamo na sa NBI tapos iyan naman ay mga kinasuhan. Ang problema kasi sa atin ano eh, ganito ang problema sa atin eh – ‘pag nagpakalat ng fake news ang kalaban, iyong mga kalaban natin sa pulitika tapos sila ay kinasuhan ng cybercrime, sasabihin nila balat-sibuyas, ‘di ba? ‘Di ba sasabihin nila balat-sibuyas kahit na ang kanilang pinapakalat na fake news ay nakakasira na sa diskarte ng gobyerno.
So halimbawa na lamang, uunahin natin iyong production na ginawa ng San Pablo, Laguna. Mayroon silang isang dance number tapos mayroon doong mascot representing COVID, tapos mayroon silang mga distance sticks na ginagamit. Kung papanoorin mo siya, a very good effort by the San Pablo LGU, talagang nakaka-entertain siya. Kumbaga, kung papanoorin ng bata eh mai-entertain/matatawa at the same time eh maiintindihan niya.
Ang ginawa naman ng mga kolokoy na kalaban natin ay pinatungan nila ng music ng Department of Tourism ‘di ba. Eh tapos ‘pag sinabing nakakasira ng diskarte sabihin nila, “Eh satire iyan eh, satirical …” Alam mo mayroong satire na okay lang eh ‘di ba, matatanggap mo. Pero kung iyong isa-satire mo iyong isang kampanya laban sa COVID-19, aba’y may tama ka na sa ulo.
URI: At maaaring ang kanilang … isa rin sa depensa partner ay freedom of expression ang aming ginagawa.
SEC. ANDANAR: Eh pero alam mo, pinaghirapan iyon ng LGU ng San Pablo para maintindihan ng mga kabataan. They appreciate it there tapos gagawin mo bababuyin mo lang iyong ganitong klaseng public service or public service announcement or iyong kanilang—gimmick nila para maintindihan. Hindi naman siguro tama iyon. Kumbaga minsan puwede kang mag-satire pero sa mga panahon nitong pandemya, iyong kampanya ng isang LGU laban sa COVID-19 isa-satire mo pa ba iyon? Eh marami na ngang namamatay hindi ba?
URI: Tama, tama.
SEC. ANDANAR: Pangalawa, fake news. Itong diumano’y eroplano ni Presidente na pumunta ng Singapore ‘di ba at nagpagamot, isa na naman iyon. Ano bang problema ng ating mga kalaban sa pulitika o iyong iba iyong mga ayaw kay Presidente? Ilang beses ninyo nang pinatay si Presidente, ilang beses ninyo nang sinabi na wala na. Mayroon sigurong mga taong talagang may tama talaga na natutuwa ‘pag mayroong namamatay. Iyan ba’y nakakatawa? Hindi nakakatawa iyan, hindi na biro iyan—
URI: At saka it has something to do with national security ‘di ba. Sasabihin mong ang Pangulo’y binawian na ng buhay, eh baka masyadong kuwan iyan, masyado kang nagiging adventurous diyan, Secretary.
SEC. ANDANAR: Ilang beses na iyan, Henry. ‘Di ba ilang beses mo nang kinober [cover] iyan, iyong mga tsismis, iyong kanilang mga speculation na may sakit, na namamatay na, nasa Hong Kong, nasa Singapore nagpagamot, umalis ng bansa… Tigilan ninyo na iyan. Kita ninyo naman si Presidente nag-live pa kagabi. Eh kung iyon ang ikatutuwa ninyo, kung gusto ninyong bumagsak si Presidente dahil sa tsismis na may sakit, malubha na… aba’y may tama ka rin sa ulo, ‘di ba? Eh halal iyan ng bayan, 2016.
Siguro kung mayroong mga ayaw kay Presidente, maghintay na lang kayo ng 2022, malapit na naman. Pagkaabalahan natin itong—
URI: Pero ipo-pursue ba ng PCOO uli, ng DOJ itong nagpakalat ng kuwan? Bukod doon eh pati iyong—alam ninyo iyong pag-iyak ni Secretary Teddy Boy Locsin umano dahil sa—‘di ba bago siya humarap sa press, sa podium, bago siya sumalta sa podium, mayroon siya palang binuhat na bata na parang anghel daw na sabi dahil halos wala nang skeleton iyong bata. Hindi ko naman maeksaktong maihambing sa himpapawid iyon dahil hindi ko naman nakuha pero iyon pala ang dahilan ng kaniyang pagluha.
Ngayon ang nakuha naman, ang nakuha ng mga nagpakalat iyong parte lang na parang tinanggal iyong mask, napapaiyak, garalgal iyong boses. Tapos, partner, ang anggulo agad oh naku, mukhang may nangyari nga sa Presidente. Bakit iyong sinabi ni Secretary Locsin eh “Thank you for giving a chance to serve the people,” parang ganoon, parang nag-tribute siya agad sa Presidente, Secretary Mart.
SEC. ANDANAR: Oo, iyon nga eh. Eh siyempre noong una kasi ay hindi naman pinapalabas iyong video na karga ni … o akay ni ano … o karga mismo, buhat niya mismo iyong bata, kalong-kalong. Hindi pinalabas iyong video na iyon eh. Eh noong binigyan na ng malisya, eh nag-text sa akin si Usec. Dodo Dulay sabi niya, “Ilabas mo na nga iyong video para alam nila kung anong context noon, kung bakit umiiyak.” Umiyak nga kasi kalong-kalong niya iyong crippled ‘no, talagang lumpo iyong bata, hindi makalakad tapos halos anghel na nga iyong kaniyang bigat ‘no kasi sobrang gaan na at naiyak si SFA doon, si Secretary Teddy Boy. So isa pa iyon ‘di ba, parang… ewan ko ba, sobrang daming ano.
URI: Sige po. Ngayon, so ipo-pursue ninyo pa uli iyan, iyang mga nagpapakalat na iyan para kumbaga sabi nga ni Manong Mike Enriquez: “Hindi ninyo siya tatantanan!” [laughs]
SEC. ANDANAR: Alam mo, bahala na ang NBI diyan. Ako, sa Presidential Communications Operations Office bilang pinuno nito, hindi kami magkakaso ng kung anumang mga kaso na libel, etcetera kasi ako nama’y taga-media at ayoko naman na sabihin din na ako’y balat-sibuyas. Bahala na lang iyong iba, basta ako nandoon ako sa freedom of expression pero responsible dapat iyong pag-express. Freedom of the press, we have to be responsible also.
Ako, hindi ako masasaktan kung ako ang titirahin pero kung iyong iba nasasaktan eh it is their prerogative kung gusto nilang ipagpatuloy, i-pursue iyong mga kaso na libel o cybercrime. Pero ang payo ko po sa ating mga kababayan, tumutok na lang ho tayo sa pagtulong sa ating mga kababayan na nahihirapan.
URI: Partner, you have a question regarding—
MISSY: Hindi. Actually, gusto ko lang mag-comment kay Secretary saka sa mga followers ni—naniniwala kay Pangulo na ‘di ba sabi nila kapag daw pinapatay ka nang ilang beses at fake news iyan, nakakahaba daw ng buhay.
SEC. ANDANAR: Oo, iyon ang kasabihan ‘no—pero hindi tama eh. Mali talaga eh, ilang beses nilang ginawa iyan eh. Hanggang ngayon walang tigil eh. Hindi ko nga alam kung anong—happiness ba nila may mamatay? Happiness ba nila mamatay ang isang Pangulo?
URI: Sabi noong iba Secretary nagmamadali, gustong—
SEC. ANDANAR: Gustong mapalitan?
URI: Oo, iyan.
MISSY: Makaupo.
URI: Iyan ang lundo raw niyan—
SEC. ANDANAR: Makaupo agad.
URI: Oo. Ngayon kayo, anong reaksiyon ninyo roon, sa ganoon?
SEC. ANDANAR: Ay hindi naman nga tama iyan dahil kahit nga the thought of wanting someone to die is morally wrong. It’s not correct. Walang ganiyan, ang tunay na Pilipino hindi ho ganoon ang asal.
URI: ‘Ayun. Hindi ka nananalangin na ang isang tao’y mamatay para lamang—
SEC. ANDANAR: Ang isang Kristiyano ay hindi ganiyan. Hindi tayo pinalaking ganiyan, isang Christian nation, hindi pinalaking ganiyan – even mga kapatid nating Muslim, hindi rin sila ganiyan. Walang ganiyang tao na nasa tamang pag-iisip.
URI: All right. Sec., maiba kami ni Missy. Iyong pag-iikot ninyo with DOH and other government officials sa mga LGU. Ano ba ito? Ano bang mayroon diyan?
SEC. ANDANAR: Ito pong sa Laguna, kasi ito nga ay naging hotspot, tinaguriang hotspot dito sa Region IV-A kasama rin ang Cavite—
URI: Hotspot of COVID are you saying?
SEC. ANDANAR: COVID-19, oo. So buti na lang nasa GCQ na ‘di ba at itong GCQ naman ay ipinairal dahil na rin sa ekonomiya, dahil na rin sa pangangailangan ng mga kababayan natin, ng mga manggagawa, kailangan ding makapagtrabaho. Pero mataas kasi, halos 9 to 20 percent iyong contribution doon sa national data ng Laguna. So ako po’y naitalaga doon para maging overseer ng Laguna.
So limang bayan po ang nasa hotspot diyan sa Laguna, ito po iyong mga bayan na nasa bungad ng National Capital Region, ng Maynila. Paglabas mo ng Muntinlupa iyon na kaagad, mayroon ka nang mga bayan diyan. Nandiyan iyong San Pedro. Nandiyan iyong Biñan. Nandiyan iyong Cabuyao, oo, Sta. Rosa tapos Calamba, itong lima na ito. Eh itong lima na ito, nandiyan din iyong 21 economic zones na isa sa mga pinakamataas na nagbibigay ng buwis o revenue sa ating national government.
At sa 21 na iyon, 21 economic zones, mayroong more than 2,400 companies; 60% ng mga positive ng COVID-19 sa limang bayan na iyon ay galing sa industries, galing sa economic zone so kailangan tutukan itong limang bayan na ito. Kailangang palakasin ang komunikasyon ng industriya at ng mga barangay. Kasi ang nangyayari kasi dito Henry at Missy ay halimbawa may nagpositibo sa isang kumpanya, tumawag doon sa barangay; pagdating sa barangay—halimbawa na lamang ‘no, hindi ko sinasabing ano, halimbawa na lamang kulang iyong isolation beds o isolation rooms so hindi tatanggapin. Eh ‘pag hindi tinanggap, eh saan pupunta iyong pasyente? Hindi makakauwi sa bahay niya.
URI: Oho. So, ano ho ang aasahan ng mga taga-Laguna lalo diyan sa limang bayan na iyan now that you are at the helm ika nga, kayo ang na-assign diyan? Ano ang aasahan ba sa communication efforts and all matters regarding dito sa COVID-19 na ito?
SEC. ANDANAR: Tumulong tayo agad kay Gov. Ramil Hernandez noong sinabi niya sa akin na ang talagang number one na kailangan nila ay iyong hotline para sa industries at para sa barangay. So kung sinuman ang mamamahala ng hotline na iyon, kung ito ba’y isang call center, kailangan ma-coordinate nang husto iyong mga barangay para hindi tanggihan iyong pasyente. Oo, para at least ma-assign man sa isolation unit, sa isolation ward or kung talagang positive ka na maospital ay maipadala agad sa ospital at doon—
URI: So, paano ninyo po ito aaksiyunan, itong ganitong kahilingan ng Governor?
SEC. ANDANAR: Nag-meeting na po kami ni Governor, nag-meeting na po kami ng mga kasamahan ko sa PCOO, iyong aking mga lieutenants para dito sa Laguna at nag-ikot na po ako, nagpunta na po ako ng Cabuyao, nagpunta rin po ako ng San Pablo tapos mayroon po kaming—lahat po ng tatlumpung bayan ng Laguna ay pupuntahan ko po at ginagawan na natin ng paraan para maisaayos po natin itong hotline na kailangan ni Governor.
URI: ‘Ayan. Iyong hotline na iyon na magsisilbing isang tawag para sa maghahanap ng tutulong sa kanila laban sa COVID.
SEC. ANDANAR: Opo. Ito po iyong hotline, para po ito sa industries ha, iyong 2,400 companies para hindi lang po ma-taken out of context. Ito po iyong 2,400 companies para mayroon po silang matawagan at mayroon pong magko-coordinate sa kanila doon sa mga barangay. So kasama po namin dito Department of Health, DILG, of course iyong Philippine Information Agency at ang Office of the Governor.
URI: All right. It will be handled by … noong Office of the Governor na, sila na ang mamamahala niyan ‘pag naayos ninyo na?
SEC. ANDANAR: ‘Pag once naayos na po ito, iyong buong team po namin, kasama po ang Office of the Governor. Oo, iyong buong team po. Kailangan isang team po ito para mas mapagaan na po natin nang husto.
URI: All right. Sige po. Secretary, salamat nang marami sa inyo at ingat po kayo.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Henry. At maraming salamat din, Missy. Mabuhay kayong dalawa. Mabuhay po ang DZRH.
URI: Thank you. Si Secretary Martin Andanar.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)