Q: Magandang umaga po, Secretary Martin Andanar. Kayo po ay nasa Straight to the Point. Nakatikim na ba kayo ng Bubble Waffle
SEC. ANDANAR: Hindi pa.
Q: Nasa Hong Kong nga ba talaga ang Pangulo?
SEC. ANDANAR: Iyan ba iyong uso Bubble Waffle.
Q: Oo, masarap iyan doon, iyan yung pinipilahan diyan.
SEC. ANDANAR: Ang Pangulo natin ay kasama ang kanyang pamilya. Sa palagay ko naman ay he deserves a break, family time, kasi kita naman natin kung gaano rin magtrabaho si Presidente.
Ang siguro pasalubong ni Presidente sa atin ay iyong fresh na fresh ng kanyang mind, ang kanyang sarili dahil nakapagpahinga. Mamaya ay meron kaming meeting dito sa Malacañang at tuloy-tuloy na naman iyan hanggang gabi.
Q: Sino ang magpe-preside ng meeting ninyo mamaya, Secretary?
SEC. ANDANAR: Si Presidente mismo.
Q: Ah, ngayon ang uwi niya, ngayon ang balik niya.
SEC. ANDANAR: Opo. Today is a Cabinet meeting.
Q: Kailan ba siya lumipad pa-Hong Kong?
SEC. ANDANAR: I’m not sure kung Friday or Saturday. Kasi nung Sabado ay nasa Cagayan De Oro ako and then nakita ko na lang na may picture si SAP Go sa social media. So, sabi ko, siguro nagpahinga. Kasi nung Friday pa lang ay narinig ko na, na posibleng pumunta si Presidente sa Hong Kong.
Q: Maraming mga alingasngas, mga tsismis na kumakalat na naghahanap daw ang Pangulo o meron daw kino-konsulta ang Pangulo na isang magaling na Chinese doctor kung kaya’t siya ay nagpunta sa Hong Kong.
SEC. ANDANAR: Ay tsismis lang iyan. Nakita naman natin sa mga picture na nandoon, eh nagiikot-ikot si Presidente at tumitingin ng mga mabibiling dilaw na damit.
Q: Wala namang din masama siguro ano.
Q: Ano iyon kung dilaw ang bilhin?
Q: Hindi, kung siya ba ay at least magrelax-relax ng kaunti dahil loaded—at his age di ba, ganoon ang edad ng Pangulo na napaka—alam naman natin workaholic. Eh at least kahit papano—kahit naman siguro sinong opisyal di ba. Si dating Pangulong Erap, nag-ganundin, nagpunta ng Hong Kong para magrelax-relax ng kaunti, inisyuhan din na may kinokunsultang ano.
SEC. ANDANAR: Palagay ko naman ang pinakamahalaga ay maintindihan natin na meron ding pamilya ang ating mahal na Pangulo, meron din siyang anak na teenager. Siguro kailangan din mag-bonding kasi lahat ng oras ng Pangulo ay nasa public service.
Q: Kahit naman siguro ikaw Secretary, iyong anak mo halimbawa—malay natin na naawitan ang Pangulo nung kanyang anak na, baka puwedeng pasyal naman tayo o kaya ng asawa hindi ba. Eh, ikaw ba ay tatanggi, ikaw Secretary mismo tatanggi ka ba? Hindi puwedeng tumanggi, kapag sinabi ni misis punta tayo doon.
SEC. ANDANAR: Siyempre kailangan talaga ng oras sa pamilya. Eh kahit iyong iba (unclear) gathered family. So kailangan eh magandang ehemplo din iyan na ipapakita ni Presidente sa ating lahat.
Q: Pero ang naging isyu naman kasi ngayong, Secretary, eh ito nagsasabay meron na naman tayong inaasahang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, 1.40 ang nasulyapan ko kaninang balita na posibleng maging taas na presyo.
SEC. ANDANAR: Well, iyang problema natin sa inflation ay ginagawan naman ng paraan ng ating mga economic managers; at ginagawan din ng paraan ng ating Agriculture Chief Manny Piñol sapagkat ang pagtaas ng presyo ay naka-highlight dito sa mga pangunahing bilihin – pagkain. So, iyon ay ginagawan ng—palagay ko naman ay wala naman koneksyon itong inflation natin at iyong family bonding time ni Presidente.
Q: Kasi isinisisi rin sa Pangulo, lalo na itong inilabas ng SWS na hindi ko malaman, bakit itinaon pa ng SWS na wala ang Pangulo, naglabas ng survey kuno na 4 out of 10 pala ito, hindi pala doon sa naunang binalita, 6 out 10. 4 out of 10 o 45% ang mga naniniwalang may health problem daw si Pangulo.
SEC. ANDANAR: Well, alam mo naman na sino ba namang 73 years old na—
Q: Iyon nga iyong binabanggit namin kanina, Secretary. Sino kaya sa—kahit sa atin di ba, tayo, ako may problema kami sa aming kalusugan kahit papano, siyempre nagkakaedad ang tao. Of course ikaw din Secretary for sure, meron ka ding kahit papano iniinda, di ba? Ang Pangulo pa kaya sa edad nya ngayon?
SEC. ANDANAR: Eh pagtungtong mo ng 40, ayan na iyon, tataas na iyong yung uric acid, tataas na iyong blood pressure, etc. Eh alam mo, sa edad niya sa 73 ay extraordinary pa iyang mga activities ni Presidente, mas grabe nga iyong activities niya kaysa any normal person at the age of 73 ha. Kung saan-saan siya bumibiyahe, kung saan-saan napapadpad, tapos late hours… of course problema ng bayan, hindi naman nagrereklamo si Presidente eh. Siguro naman sa pagkakataon ito na magbakasyon siya kasama ang kanyang pamilya ay pagbigyan na natin. Sapagkat kailangan din mag-relax, hindi naman puwedeng puro stress lang, di ba. Kailangan ma-release iyong stress para pagbalik niya dito sa Pilipinas ay sariwa na naman ang isipan, ganoon iyon.
Q: Teka may tanong dito, Secretary. Ito naiiba iyong tanong na ito eh. Ano daw ang nangyari kay SAP Bong Go, bakit tila yata nagdidilly-dally sa pagtakbo sa Senado?
SEC. ANDANAR: Siguro tinatantiya pa ni SAP Bong Go iyong kanyang chances, number one. Number two, kung talagang kaya bang iwanan ang Presidente, sapagkat alam naman natin na—kahit nga between October 17 to December, ang laking bagay na nun eh, ilang buwan din iyon di ba, dalawang buwan, ay siyempre kapag nag-file ka ng candidacy mo ay bibitaw ka automatic yun, you’re deemed resigned from your position.
So hindi n’ya na puwedeng alalayan si Presidente at makikita mo iyong activities ni Presidente, mula November hanggang December, eh meron siyang APEC, may ASEAN, tapos meron pa siyang mga activities, tapos iyong isa na pupuntang Middle East. Itong mga activities na ito ay kailangan na kailangan si SAP Go. So, siguro—
Q: Para pa lang nasa gitna ng nag-uumpugang bato si SAP Bong Go.
SEC. ANDANAR: Oo. Biruin mo more than 18 years mong kasama, ikaw ang umaalalay, tapos bigla kang nawala. Mahirap iyon, eh sino ang papalit pa doon.
Q: Ang kagandahan naman noon, kahit naman wala siya sa Senado, eh nagagampanan pa rin naman niya iyong kanyang mga tungkulin at mga pagnanais na makatulong din, malay mo kung hindi man siya magdesisyon ngayon, eh di ba sa 2022 puwede pa, why not, di ba.
Q: Paramihin lang iyong mga Malasakit Center.
SEC. ANDANAR: Tama, tama meron pa namang 2022. Sabi ko nga kay SAP Bong, kung talagang ano ang sinasabi ng puso mo, iyon ang sundin mo, kasi magpapadala ka sa mga bulong ng ibang tao, mga kaibigan natin, siyempre iba-ibang bulong iyan. Di ba sasabihin, mananalo ka, kasi midterm election, maraming mga local government supporters.
Q: Lalo na iyong kung tawagin ay iyong ano, iyong iba ang bulong ng mga kung tawagin ay yodi mo sa kodli.
SEC. ANDANAR: Iyong ating mga bulong na tipong ang tawag sa iyo senador na, Senador Bong. Kaya ako, never kong ginagawa iyon. Sinasabi ko, ‘Pre, ano ba,’ kung talagang hindi gusto ang puso at damdamin, wag nang pilitin. Gawin na natin iyong Malasakit Center, tuloy-tuloy natin tutal iyon naman talaga iyon trabaho mo as Special Assistant to the President. Wala namang—hindi naman magagawa ni Presidente lahat ito eh.
Q: Nga pala, Sec. Martin. May nabalitaan ako na pag pinalitan daw ang office… ang pangalan ng PCOO, Office of the Press Secretary, gusto mong lumipat?
SEC. ANDANAR: Iyan ang plano na—
Q: Bakit hindi na lang ikaw?
SEC. ANDANAR: Noong 2016 pa kasi, iyon na iyong panukala ko na Office of the Press Secretary. So, buti na lang at in-open up ito ni Senate President Tito Sotto at sinag-ayunan naman ni Presidente, nila SAP Bong. Tapos iyong Executive Order na proposal na ibabalik nga sa Office of the Press Secretary ay nasa opisina na, hawak na ngayon ni Executive Secretary Medialdea.
Pero alam n’yo po – ganito kasi iyan eh – noong 1986 ay ginawa pong Office of the Press Secretary, ’87, ’88 and then dumating iyong 1989 ay gumawa ulit ng isang Executive Order si Presidente Cory Aquino na nagke-create ng Office of the Presidential Spokesperson. So hiniwalay itong Office of the Press Secretary, ginawang dalawang puwesto at naging Office of the Press Secretary at naging Office of the Presidential Spokesperson.
Q: Diyan napuwesto si Annabel Abaya tama di ba?
SEC. ANDANAR: I am not sure kung si Annabel Abaya ba iyon, pero hindi iyan ang narinig ko. Pero by 2010, ang Office of the Press Secretary naman ay dinivide into two – nagkaroon ng PCOO at PCDSPO. Tapos noong 2016, tinanggal natin iyong PCDSPO. So meron pa ring PCOO at meron pa ring Office of the Presidential Spokesperson. So ang gagawin natin ngayon ay ibabalik iyong Office of the Press Secretary at ipapasok na natin iyong Office of the Presidential Spokesperson dito sa Office of the Press Secretary para iisa na lang.
Q: Tama.
SEC. ANDANAR: Ngayon, bakit ako nag-volunteer na umalis. Kasi kino-convince namin si Secretary Harry Roque na wag nang tumakbo pagka-senador, sabi ko, 2022 na lang.
So in order for him para ma-convince namin siya, sabi ko ibigay na natin itong Office of the Press Secretary kay Harry. Para at least hawak-hawak na niya, tutal ay nagawa ko na naman iyong aking tungkulin na i-rehabilitate iyong ating radio, TV, Philippine News Agency, iyong ating Radio Television-Malacañang. At ginawa na natin iyong ating trabaho na buuwin iyong social media platform ng gobyerno. So okay na, kumbaga, pag upo ni Harry Roque ay kasado na lahat, tatayo na lang siya sa—
Q: Tapos ikaw, saan ka mapupunta?
SEC. ANDANAR: Eh bahala na kung saan ako i-assign ni Presidente, doon ako.
Q: Sec. Martin, maraming salamat.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat. Mabuhay po kayo, Straight to the Point at ang DZXL-RMN Manila
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)