Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Karen Ow-Yong – RH Breaktime, DZRH

OW-YONG: Nasa linya na po natin si Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office o PCOO ng Malacañang, at kumustahin natin ang preparasyon para sa nalalapit po na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, at ito na po ang kaniyang ikaapat na SONA. Magandang hapon po Secretary Martin Andanar, si Karen po ito at live kayo sa DZRH.

SEC. ANDANAR: Hello Karen, magandang hapon.

OW-YONG: Yes Secretary, good afternoon.

SEC. ANDANAR: Salamat Karen sa pagkakataong ito.

OW-YONG: Yes, magandang hapon po at maraming salamat din po sa oras na ibinigay ninyo po sa ating himpilan. Unang-una po sa lahat, ano pong aabangan/aasahan po ng taumbayan sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte na mangyayari na po sa susunod na linggo.

SEC. ANDANAR: Ang asahan po natin ay iyong paglatag ng plano ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa susunod na tatlong taon o iyong second half ng kaniyang termino. Naka-focus po ito sa poverty alleviation, iyong pagbaba po ng poverty rate from 21% to 14% at pag-angat po ng ating ekonomiya sa upper-middle class.

Nandiyan din po ‘yung pag-focus sa mga Duterte legacy na infrastructure projects, ito po ‘yung sa Build, Build, Build dahil alam po natin na bago maibaba po ‘yung poverty rate ay kailangan po makapaglikha tayo ng trabaho at ito po ang gagawin ng Build, Build, Build.

At pangatlo po, ‘yung ating minimithing kapayapaan sa mga rural areas, kailangan ay matapos na po itong rebelyon, matapos na po itong ginagawa ng mga komunista sa ating mga kanayunan at naka-focus po ang ating gobyerno sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

OW-YONG: Uhum. Okay, so marami po pala tayong aabangan ano. Itong mga nakaraang taon Secretary Martin Andanar, iyong last na – third SONA po ‘no ng ating Pangulo, sa tingin ninyo po ba ay na-deliver naman po ba ng Pangulo ang kaniyang mga pangako, iyong mga tinatawag natin na ‘deliverables’ para po sa ating mga kababayan?

SEC. ANDANAR: Opo. The last three SONAs kita naman natin na na-deliver po ni Presidente iyong kaniyang pangako na maibsan po ang—well, mabawasan at least ang mga drug dependents sa ating bansa. Alam ninyo iyong droga po ngayon ay—partikular ang shabu ay nasa P6, 800 per gram na po; noong pagpasok po ng Duterte administration, nasa P2,500 per gram. At napirmahan na po ‘yung Universal Healthcare Law, napirmahan po ‘yung Bangsamoro Organic Law, at napirmahan po ‘yung libreng edukasyon para sa ating mga college students sa mga state universities and colleges. So napakadami pong mga pangako na nai-deliver na po ni Presidente at palagay ko naman Karen ‘yan ang dahilan kung bakit sa huling SWS survey, 80% po ang satisfaction ng adult Filipinos kay Presidente, at sa huling Pulse Asia, 85% po ang approval rating ng ating mga kababayan sa kaniyang performance.

OW-YONG: Okay, nabanggit ninyo po ang approval rating po ‘no ng Pangulo and safe to say that very consistent po ‘no ang kaniyang mga ratings, mataas po, very consistent, hindi po nagbabago, very slight lang po siguro ano. Ano po ba sa tingin ninyo ang rason kung bakit ganito po? And, will this be a good platform for the upcoming SONA naman po next week?

SEC. ANDANAR: Opo. Tama ka Karen, this will really be a plus for the President na coming into the SONA na mataas ang rating both from the SWS at iyong kahapon sa Pulse Asia sapagkat ito’y nangangahulugan talaga na ramdam ng mga kababayan natin ang mga pagbabago, ang mga reporma. Halimbawa na lamang, napakataas po ng foreign direct investment ngayon sa Pilipinas; in the history of Philippine investments, ngayon po ‘yung pinakamataas. Ang ating credit rating po ay nasa BBB+, kita naman natin ito rin ‘yung pinakamataas na credit rating na ibinigay po sa ating bansa at tayo po ay nangangarap and we are working hard to be AAA sa credit rating. At pinakamababa po ang unemployment rating ngayon sa Pilipinas, at ito po’y nangangahulugan na talagang gumagana iyong fiscal at mga monetary policies po ng ating mga Cabinet economic cluster.

OW-YONG: Uhum. Iyong usapin naman po Secretary Martin Andanar ng korapsiyon naman po sa gobyerno. Nitong mga nakaraang araw nakakarinig po tayo ng mga balita about iyong Pangulo po na magpapatawag ng mga ilang opisyal po ano, specifically sa Bureau of Customs. At mayroon na rin pong mga ibang mga ahensiya na nabalasa na po sila, may mga pinalitan na po, may mga natanggal. Will this also be continuing sa mga susunod pa pong mga taon and will this also be a priority po ng Pangulo?

SEC. ANDANAR: Maganda at nabanggit mo ‘yan Karen, dahil alam mo noong 2016 bago pa po mag-SONA si Presidente Duterte noong 2016 ay pinirmahan niya po ‘yung Executive Order No. 2 o Freedom of Information. Itong Executive Order na ‘to napakahalaga dahil ginawa pong very transparent iyong ating national government, ang Executive Branch; at patuloy po ‘yung kampanya laban sa korapsyon, at iyong EO No. 2, ito po ang isa sa mga polisiya na talagang kailangan para po mawala ang korapsyon. Pero kailangan po natin ng katuwang, itong Kongreso at Senado, so tayo po’y nagdarasal na sila po ay umaksiyon din para gawing ganap na batas na ito para hindi lang po sa Executive Branch, kasama po ‘yung Legislative Branch at iyong Judiciary, buong gobyerno po sana ay sakop na ng Freedom of Information ‘pag ito ay naging batas.

OW-YONG: Okay. And finally Secretary Martin Andanar, ang mga preparations po para sa 4th State of the Nation Address ni Pangulong Duterte na gaganapin po ano sa Kongreso – tama po ba? – sa Quezon City this coming July 22, araw po ng Lunes, ano po ang mga preparasyon po natin diyan?

SEC. ANDANAR: Opo, salamat po. Bago po ‘yung July 22 State of the Nation Address ni Presidente Duterte, nagkaroon po ng tatlong pre-SONA na ginanap po dito sa Manila, sa may PICC; nagkaroon din po doon sa Waterfront sa Cebu; at sa Davao City, sa SMX po kahapon lamang ‘yung huling pre-SONA. So that’s part of the preparations, sa [inaudible] magkakaroon po ng presidential briefing para po sa speech at mga blocking po na mangyayari. And then by July 22, handang-handa na po tayo. July 23 din po, pagkatapos noong SONA magkakaroon po ng post-SONA briefing po naman dito sa Philippine Information Agency.

OW-YONG: Uhum. Secretary Andanar, si Binibining Joyce Bernal po ang magdi-direct po ano ng SONA po ‘no..?

SEC. ANDANAR: Opo.

OW-YONG: …So, what will be the difference? Sabi niya po, gusto niyang maging masaya at buhay po ‘yung SONA, paano kaya maa-achieve po ito?

SEC. ANDANAR: Well, mayroon pong physical changes doon sa loob ng Kongreso. Alam ko, bumili po ‘yung Kongreso ng—or bumili o nagrenta ba ng LED screens. At ang alam ko rin ay mayroon pong mga pagbabago sa lighting at mayroon din pong pagbabago dito sa music, so magkakaroon ng orchestra doon sa loob. At kung ano pa man ‘yung mga gagawin ni Binibining Joyce as an artist, so hindi niya pa sinasabi.

OW-YONG: Surprise na lang [laughs].

SEC. ANDANAR: Surprise… Hindi muna natin sasabihin kasi mamaya eh… parang takilya lang ‘yan eh, baka wala nang pumila.

OW-YONG: [Laughs] At iyong Philippine Philharmonic Orchestra na tutugtog po, naku… pro bono po ‘yata, walang talent fee na hinihingi sir ha…

SEC. ANDANAR: Opo and this is going to be another first. Wala akong maalala Karen na nagkaroon ng orchestra sa loob ng Kongreso. So kung—siguro kung wala talaga, so this is going to be another first; historic dahil coming into the midterm, second half of the term of the President na mataas iyong kaniyang rating, all-time high sa kaniyang personal rating and of course unprecedented po sa mga presidente, siya po talaga ‘yung pinakamataas sa ika-apat na taon pagdating sa performance at trust rating.

At number two, of course we’re coming in to the 4th SONA, then a super majority in Congress kakampi ni Presidente, majority sa Senado at very optimistic po tayo na ‘yung mga legislative agenda po ni Presidente ay maipapasa po ng Kongresong ito.

OW-YONG: Okay. I remember you mentioned the—iyong ating super majority po ano, Secretary Andanar. Ang issue po ng speakership po ano, noong huli pong SONA ay mayroon pong kakaibang nangyari. Ito pong—this coming SONA po, 4th SONA, are we expecting something like this, another surprise na naman po ba?

SEC. ANDANAR: [Laughs] Well, hopefully wala because you know mas gusto natin ang focus kay Presidente. Kasi siyempre siya talaga iyong pinakabida dito sa State of the Nation Address. At ayaw naman natin na someone will steal the thunder from him, kasi ito ay ang susunod na tatlong taon ng Pilipinas ang ating masasaksihan, so kailangan po ay—sana wala pong ganoong political skirmish na mangyari this time around.

OW-YONG: Sana po ano sir, sana po magdilang-anghel po kayo sir. And finally Secretary Andanar, ang—

SEC. ANDANAR: Oo. Pero ‘yun ang gusto ng mga kasama natin sa media para may istorya [laughs].

OW-YONG: Okay, no comment [laughs]. Something to write about and to talk about ‘di ba sir, aminin natin okay…

SEC. ANDANAR: Alam mo naman sa atin sa media, kailangan may istorya ‘di ba?

OW-YONG: Oo nga eh [laughs]…

SEC. ANDANAR: Siyempre iyon ang trabaho natin eh ‘di ba? Eh kung may kakaiba, eh gusto natin ‘yan.

OW-YONG: Oo nga po. Pero Secretary Andanar, ito medyo nami-miss na po ng mga fashionista ang catwalk na nangyayari pagka SONA – magiging simple pa rin po ba? Ito pa rin po ba ang direksiyon na gusto ng Pangulo, na siyempre iyong kaniyang mga mambabatas, ang kaniyang mga Cabinet Secretaries ay medyo magtitimpi pagdating sa mga ganoong bagay?

SEC. ANDANAR: Oo. Well, alam ko naman na karamihan sa atin mga pulitiko ay sensitive diyan sa ating mga kababayan, siguro naman—like the previous SONA, maraming nag-recycle ‘di ba?

OW-YONG: Yes.

SEC. ANDANAR: Sa kanilang mga gowns. Sa lalaki naman, simpleng barong lang ‘di ba so okay na iyon eh. So tingnan natin kung anong mangyayari, kasi siyempre aabangan din ‘yan, ‘yung fashion sa ating mga pulitiko, mga bisita. Pero alam mo, on the other hand, kailangan din ipagmayabang iyong ano eh, iyong fashion ng Pilipino eh. ‘Hindi ba, iyong Filipiniana?

OW-YONG: Yes.

SEC. ANDANAR: So, I think it’s also an opportunity to showcase what the Philippines can offer. Kasi alam mo ‘pag may ASEAN, halimbawa sa Bangkok, ASEAN doon… makikita mo talagang ang sinusuot nila iyong kanilang national ano eh, iyong national dress; at ganoon din sa Jakarta, ganoon din sa Cambodia and they’re very nationalistic eh. So even in normal settings, even in normal business activities, naka batik tapos naka… you know, talagang nakaano sila, national dress sila, iyong mga kababaihan at iyong mga lalaki naman ay naka-national long sleeves, iyong mga suot nila ‘no. At palagay ko, it’s about time for us also in the Philippines to practice that habit. In fact, ang maybahay ni CabSec Nograles ay nagtayo siya ng tindahan para sa ganiyan, talagang Filipiniana na puwede mong isuot sa day-to-day business activities.

OW-YONG: Wow, uhum, tama ‘yan! Okay. So Secretary Martin Andanar, good luck. God bless sa darating po na State of the Nation Address, ika-apat na po ito ng ating Pangulo sa July 22, Monday na po ‘yan. Thank you very much, sir.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Karen. Maraming salamat sa DZRH, ang numero unong radio station nationwide.

OW-YONG: Thank you very much, sir. Maraming-maraming salamat po, at narinig ninyo po ang tinig ni Secretary Martin Andanar ng PCOO.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource