HALILI: Bago tayo sumegue [segue] doon sa ibang mga questions, gusto ko pong malaman iyong bago mong balita.
SEC. ANDANAR: Sige, oo. Eh kasi ‘di ba, pinaghahandaan natin iyong transition to the Office of the Press Secretary ‘di ba. Tapos isa sa mga pinag-usapan namin ni Senate President Sotto, ay iyong posibilidad na magkaroon ng mga press attaché. So bago pa man mangyari iyon, we are already paving the way at the possibility of that press attaché division kaya ang PCOO po, sa ilalim ng Office of Press Secretary ay nagbuo na ng Office for Global Media Affairs. Opo, at itong opisina ng Global Media Affairs, ito po iyong mamamahala sa mga concerns or mga questions, mga tanong ng iba’t ibang mga foreign correspondents, hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo.
So therefore, we will process the questions coming from anywhere in the world – be that from Europe, from America, from Africa, from the Asia-Pacific – kung mayroong mga questions sa ating Presidente or sa iba’t ibang sangay ng gobyerno. Itong division na ito ang mamamahala at tutulong sa ating gobyerno para mabigyan ng sagot iyong mga katanungan ng maraming reporters sa buong mundo.
Minsan may mga nagtatanong about the … iyong economic affairs, minsan foreign affairs, minsan security, minsan iyong politics, sa local governance. So, iyong Office of Global Media Affairs will be the one that will manage that. Tapos iyong kinuha kong head dito ay dating kasama natin sa TV5.
HALILI: Sino, Sec?
SEC. ANDANAR: Kilalang-kilala mo ito.
HALILI: Sino iyan?
SEC. ANDANAR: Si Jayvee Arcena.
HALILI: Wow, okay. Teka lang muna, so ibig sabihin si Jayvee Arcena ay hindi na affiliated sa US Embassy? Magiging under PCOO na siya, Sec?
SEC. ANDANAR: Oo, because si Jayvee Arcena was in charge of the international media group of the state department dito sa Asia Pacific, sa Manila specifically. He was one of those who initiated that office. And eksakto naman na he was contemplating in taking up further studies, at nagkausap kami. You know, we’ve worked with Jayvee for such a long time, we know that he’s very hard working, he is a leader, he is an inititator; the guy who can think original ideas. And as a matter of fact, siya iyong nagbuo nitong International Media – isa sa mga nagbuo dito sa state department sa Pilipinas.
HALILI: Wow! Sec., paano iyong magiging channel nito kung halimbawa mayroong mga queries iyong mga international media, how do they get in touch with iyong Office of the Global Media Affairs and, paano iyon tutugunan; ano ang magiging proseso, kumbaga?
SEC. ANDANAR: Kakasimula pa lang ni Jayvee last week, at kasalukuyang binubuo niya pa lahat iyong sistema, iyong opisina mismo o iyong mechanism. So siguro let’s give him about two weeks para matapos niya ito. But in the meantime, ako naman, I have already been meeting with different members of FOCAP, mga dalawang buwan na iyan, nagkasunud-sunod iyong meeting. Then I’ve also met with the different media groups sa Hong Kong. And tomorrow, we will be flying to Singapore. And you know that Singapore is also a major media hub.
Sa buong Asia kasi, ang major media hubs talaga – Hong Kong, Manila, Singapore at Thailand. So eksakto rin naman na may lakad si Presidente sa Singapore, then may lakad din siya sa Papua New Guinea, and we will make the most out of these trips so that we can engage our fellow mediamen in the international area or scene – iyon ang gagawin natin.
HALILI: Ayun. So kasama kayo, Secretary, from Singapore to Papua New Guinea? Tuhog na po iyon ano?
SEC. ANDANAR: Opo, opo. Ako po iyong magiging media relations officer ni Presidente sa mga biyaheng ito.
HALILI: Naging media relations, okay. Pero, Sec., paano iyan, kasi you mentioned earlier na mayroon nga po tayong inihahanda para doon sa pagtatatag ng Office of the Press Secretary. So what will happen doon sa kakatayo lang natin na Office of the Global Media Affairs once na natuloy iyong OPS?
SEC. ANDANAR: Sorry, pakiulit po. Medyo naligaw ang ano …
HALILI: Mayroon po tayong pinaplano na Office of the Press Secretary, hindi ho ba. If iyong Office of the Global Media Affairs is under PCOO, what will happen to the new division once po na naitayo na iyong OPS?
SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan. We are paving the way for the eventuality na ibalik nga itong opisina ng press attaché. At the same time, we are also prepared in the eventuality na hindi maibalik. So in either case, we already have the Office of the Global Media Affairs, nailatag na natin iyong sistema, iyong mechanism. And kahit naman hindi maibalik iyong press attaché, mayroon tayong Office of the Global Media Affairs na siyang mangangasiwa nitong mga ganitong concerns/issues or pangangailangan ng international media.
Kapag natuloy din naman ang Office of the Press Attaché, itong opisina na ito will transition as the main or the headquarters for the press attachés that will be assigned in the important missions around the world. So either/or itong opisina na ito, magiging malaki ang role nito sa kaniyang pag-contribute sa media relations ng Presidente.
HALILI: So ibig sabihin, Sec., hindi pa pala sigurado iyong OPS? Medyo 50-50 pa pala siya? All along kasi akala namin may draft na kayo na nilagay?
SEC. ANDANAR: Ano naman ito, sigurado na ito. Iyong sinasabi ko lang ay iyong press attaché. Iyong press attaché kasi parang sinasabi natin o sinabi natin na maglagay tayo ng trade attaché or defense attaché sa Washington D.C., and we know that kaakibat nito ay iyong living allowance, iyong gastos ba; ang gastos kasi nito ay napakalaki. You know, I think it’s more than $10,000 a month kasi iyong titirhan ng taong ipapadala mo doon.
And another alternative to this that I have been in close contact with Ambassador of the United Kingdom, the Ambassador of Israel and even the press attaché ng America sa Pilipinas – si Molly, and ang kanilang mga suggestions ay parehas na if it’s difficult to send the press attaché, then you hire locally doon sa mga lugar na iyon. So we’re trying to look at the best solutions dito po sa pangangailangan na ito.
HALILI: Sec., yamang napag-uusapan na po natin iyong press attaché ‘no, nabanggit din po kasi ni Presidente nito lang pong Thursday sa Boracay na mukhang hindi pa pala permanent si Secretary Panelo as Presidential Spokesperson. Baka naman po may nababalitaan kayo kung sino ang ina-eye ni Presidente? Kasi ang sabi niya, gusto daw niya from media industry na mismo.
SEC. ANDANAR: Naku, napakaraming qualified sa ating larangan sa media. Mayroong mga senior correspondent or senior reporters/columnists na puwede diyan. Kung anuman ang sasabihin ni Presidente, iyon ang kaniyang polisiya. And I look forward to the day na ma-appoint na niya iyong kasamahan natin sa media.
Pero ang pagkakaintindi ko, mayroon pa siyang mga tinitingnan na mga pangalan, kinu-consider.
HALILI: Sinu-sino raw, Sec, baka puwedeng mai-tsika sa amin?
SEC. MARTIN: Hindi ko alam kung—di bale, hindi ba binigyan kita ng exclusive ngayon eh di bigyan ulit kita ng exclusive kapag nakuha ko iyong pangalan.
HALILI: Sige, ‘pag alam na. Kapag mayroon, kung sino ang magiging spox. Ayun pala.
SEC. ANDANAR: Oo, kung sino iyong mga puwedeng pagpilian, kung sino ang pipiliin ni Presidente. Pero napakaraming qualified eh. Ang tanong doon ay iyong trust and confidence, ‘di ba, ni Presidente.
HALILI: Ikaw ba, Sec., nakausap ka ba ni Presidente para diyan sa position na iyan?
SEC. ANDANAR: Noong huling usapan po namin ay 2016, noong Hunyo. At sinabi ko sa kaniya na hindi bagay sa akin iyong puwesto kasi … iyong sa akin ay, alam mo naman, nagtrabaho tayo diyan sa TV5, technical ang aking expertise. Effective ako sa likod; pero puwede namang mag-sub paminsan-minsan, substitute. Pero mas mapapakinabangan ako ni Presidente sa mga technical aspects, iyong pagpapalakas ng transmitter, pagpapaganda ng signal, pagbigay ng direksyon sa programming, pagpili ng tao. Kaya nga iyong ating PTV at Radyo Pilipinas are enjoying huge successes for the past few months dahil doon sa mga leaders na kinuha natin na mag-head nito – even iyong RTVM, tiga-TV5 din iyong head diyan, si Demic Pabalan.
At ako naman ay very proud sa trabaho ni Demic. Kung mabibisita ninyo iyong RTVM ngayon, nagkaroon ng renovation iyong opisina, biruin mo from 1980s ngayon lang nagkaroon ng renovation. Napakaganda na ng opisina ng RTVM. You’ll be very proud to work there and to even … kahit doon ka mag-research, doon ka mag-edit ng istorya, napakaganda ng opisina ng RTVM.
HALILI: Wow! Pero, Sec., I understand na mayroon pa rin kasing mga ibang bakanteng posisyon sa Cabinet, aside doon sa mga isyu on spox, mayroon pang political affairs. I don’t know kung papalitan iyong SAP. Mukhang mahirap palitan iyong SAP eh. Mayroon na po ba tayong mga natutunugan kung sino ang ipupuwesto sa mga bakanteng position na iyan? And may we also have your statement about doon sa acceptance ni Senator Gringo Honasan as DICT Sec?
SEC. ANDANAR: We welcome Senator Greg Honasan; siya naman ay talagang tinitingala ng maraming mga public servants. Tayo kasi, we were just kids noong nagkukudeta si Col. Gringo Honasan. Siya nga ay naging legend – naging legend si Senator Greg – idol ko iyan. Actually, mga three months ago ko nalaman na si Senator Greg iyong pipiliin.
HALILI: Matagal na pala ha.
SEC. ANDANAR: Oo. Pero of course, hindi naman natin puwedeng pangunahan ang Presidente at marami pa rin si Senator Greg sa Senado. And sa DICT, napakahalaga iyong mayroon kang background sa security, sa management and as a legislator, si Senator Greg … at dating sa miyembro ng AFP, maganda iyong kaniyang managerial skills. So talagang nararapat si Senator Greg sa DICT.
Ang ating bansa ay … hindi po tayo nag-iisa sa pagharap sa mga bagong challenges tulad po ng mga cyber hacking, the national security issues and si Senator Greg talaga ay the right choice, the best choice for that position. Kaya congratulations kay Senator Greg – I look forward to a Cabinet meeting with him on the first week of December.
HALILI: Ayun, sa susunod kasama na siya. Sec., medyo se-segue lamang po ako ‘no. Baka puwede namin kayong mahingan ng statement dahil base po doon sa SWS survey na lumabas, tumaas daw iyong bilang ng mga Pilipino na jobless. Ngayong period na ito, tumaas siya sa 22% as compared doon sa 19.7% last June – anong palagay po ninyo dito, saan natin puwedeng ma-attribute, Sec?
SEC. ANDANAR: Hindi ko pa nakikita iyong buong survey kasi, so ayaw ko munang mag-comment. Of course, may mga iba’t ibang factors iyan na nakakaapekto diyan. Halimbawa na lamang iyong mga kabataan, siyempre sa school; usually kapag December walang hiring talaga eh. September – iyong mga ber months – November, December, walang hiring. So that could be a possibility.
Pero I want to be able to read the survey—SWS ba ito, Maricel?
HALILI: Sa SWS, Sec.
SEC. ANDANAR: Sige, itse-check ko muna then I’ll get back to you.
HALILI: Sec., panghuli na lamang po. Kasi kahapon supposedly ay mag-a-attend si Presidente doon sa Asia Pacific Regional Conference ng Red Cross sa Shangri-La pero hindi yata siya nakapunta. Do you know kung ano po iyong nangyari?
SEC. ANDANAR: Hindi ko alam kung anong rason kung bakit hindi nakapunta si Presidente sa Red Cross/Red Crescent event. Hindi ko talaga alam kung anong rason.
HALILI: Okay. Sec, bago kita pakawalan, pasensya ka na, last na lang talaga. Ano po iyong masasabi ninyo doon sa mga nababanggit ng ilang mga kritiko tungkol doon sa pagkapanalo ng ating third telco na saying na porke kasi tiga-Davao, kaibigan ni Presidente tapos China pa iyong partner na company?
SEC. ANDANAR: Palagay ko naman, Maricel, naging transparent iyong bidding ng third telco. Ilang buwan naman ang binigay ng ating gobyerno, ilang buwan din siyang na-extend. Dapat March this year, tapos ngayon na siya nangyari, ngayong November. So with the transparency that happened that transpired to the selection of the third telco, mahirap naman na pagdudahan natin na ganun-ganoon lang.
And ako naman, I know Dennis Uy. And Dennis Uy is a person who really persevered, very young and yet, he’s one of the newest tycoons that we have in Philippine business. And I think Dennis should really serve as an inspiration to the aspiring entrepreneurs of the country and in Southeast Asia.
And partner naman ni Dennis is China Telecom. So the China Telecom is a very big company. It has a very big portfolio in China and Hong Kong. At alam ko naman na, alam din ng lahat na they have so much capital and, ang pagiging third telco ng bansa natin is not easy. There are so many bumps and humps and challenges ahead. Kailangan nilang mag-provide ng internet, better coverage sa ating mga kababayan na gumagamit pa rin ng cellphone for communications. At ito iyong pangako ni Presidente na during the campaign: number one, mag-improve iyong coverage; number two, bibilis iyong internet service natin; number three, mas maging affordable iyong communications.
So we welcome the entry of Dennis Uy and company and his partners, at sana ay talagang ibigay nila iyong serbisyo at iyong kalidad at iyong bilis ng internet na kailangan ng mga kababayan natin. And sana rin ay makapagbigay sila ng coverage doon sa mga areas ng Pilipinas na hanggang ngayon ay wala pa ring mobile services.
HALILI: Okay. Sec., maraming, maraming salamat po sa inyo.
SEC. ANDANAR: Thank you, Maricel.
##