Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Mike Enriquez (DZBB – Saksi sa Dobol B)


Event Radio Interview

ENRIQUEZ: Good morning, Secretary. Secretary, ang hinihintay ng lahat, hindi maniniwala ang mga tao sa atin pag sinabi ninyong hindi ninyo alam iyong laman ng talumpati ni Pangulong Duterte mamaya; walang maniniwala noon. Kung hindi ninyo puwedeng sabihin at baka masisante kayo, bigyan n’yo na lang kami ng clue.

SEC. ANDANAR: That’s highly possible.

ENRIQUEZ: Na ano?

SEC. ANDANAR: Na masisante.

ENRIQUEZ: Wag naman.

SEC. ANDANAR: Actually—

ENRIQUEZ: Kasi sa lahat ng panayam, eh nagbibigay kayo ng mga—wala kayong binibigay eh, alam ninyo iyon? Pero ito mga pito at kalahating oras na lang, bago iyong talumpati, alas-kuwatro. Oh ayan, sige po, Secretary.

SEC. ANDANAR: Aantabayanan po natin ang talagang pinakamalaking tanong ng mga kababayan natin na kung pag-uusapan ba o mababanggit ba ni Presidente iyong West Philippine Sea; iyan po ay abangan natin.

ENRIQUEZ: Babanggitin ba?

SEC. ANDANAR: Mamayang alas-kuwatro.

ENRIQUEZ: Babanggitin ba?

SEC. ANDANAR: Abangan po natin iyan, opo.
ENRIQUEZ: West Philippine Sea.

SEC. ANDANAR: Nandiyan din po iyong isa sa mga batas na gustong maipasa sa Kongreso, ito po iyong National Land Use Act.

ENRIQUEZ: Ano iyon?

SEC. ANDANAR: Ito po iyong batas na magiging solusyon doon sa land conflict. Kasi it’s been for how many decades na hindi po nasosolusyunan na—wala po tayong National Land Use Act. Actually, kausap ko pa din si dating Senador Orly Mercado, matagal niya na rin itong pinu-push pero hindi pa, pero this time talagang iha-highlight ni Presidente.

ENRIQUEZ: Mamaya, okay, sige Land-Use Act. Ano pa?

SEC. ANDANAR: And then the Duterte legacy, nandiyan po—

ENRIQUEZ: Ano iyon?

SEC. ANDANAR: Poverty alleviation – ibababa po natin iyong poverty rate from 21% to 14% at ia-angat po iyong economic status ng bawat Pilipino to upper middle class by the end of the term—

ENRIQUEZ: Ano iyon sa 2022?

SEC. ANDANAR: Opo.

ENRIQUEZ: Pagsapit ng 2022, ang gustong mangyari ni Presidente eh lahat ng Pilipino upper…

SEC. ANDANAR: Upper middle class—

ENRIQUEZ: Teka muna, may mga batas pa siyang hihingin sa Kongreso para matupad iyan… iyang poverty alleviation kung tawagin?

SEC. ANDANAR: Nandiyan po iyong TRAIN 2. Iyong Package 2 ng TRAIN, dahil hindi po naipasa – iyong Package 1 pa lang – kasi kailangan ng source of fund para po sa build, build, build. Iyong infrastructure projects po ng gobyerno ay hindi naman natin magagawa iyon, iyong 75 big ticket infrastructure projects kapag wala po iyong pondo.

ENRIQUEZ: So, hihingin niya iyong TRAIN 2 mamaya.

SEC. ANDANAR: TRAIN 2—

ENRIQUEZ: Di ba hanggang TRAIN 5 iyan, sabi nila?

SEC. ANDANAR: Let’s expect na—ito po kasi iyong talagang Duterte legacy. So we need a source of fund. Now, hindi ko sasabihin kung hihingin niya mamaya, pero that’s part of the Duterte legacy.

The third one is the peace and order, sir Mike. Kasi kailangan talaga ng peace—we know that, you know, no brainer, we need peace and order in the land. Napirmahan na po iyong Bangsamoro Organic Law, ngayon naman iyong National Task Force to End Local Communist Conflict para matapos na iyong more than 5o years of communist insurgency in the countryside. Pero paano mo gagawin ito kung wala ka namang poverty alleviation program. Kasi kaya nga nagiging—sumasali sa movement ng mga komunista iyong ating ibang mga mahihirap na kababayan dahil sa kahirapan.

ENRIQUEZ: Opo. Pag sinabi ninyong peace and order, kasama ba diyan iyong laban sa droga?

SEC. ANDANAR: Laban sa droga, that’s law and order; under that banner.

ENRIQUEZ: Okay, may babanggitin siya tungkol doon mamaya?

SEC. ANDANAR: It’s been part of the President’s speeches or SONAs from SONA 1, 2 and 3, highly possible that it is still part.

ENRIQUEZ: ibig sabihin patuloy pa rin ang problema sa droga?

SEC. ANDANAR: Tuloy pa rin ang problema sa droga, hindi pa talaga 100% ang nasosolusyunan. Pero let me explain na nung pumasok po ang Duterte administration noong 2016, ang presyo po ng shabu ay nasa 2,800 per gram; ngayon po ang presyo ng shabu at average ay 6,800 per gram.

ENRIQUEZ: Pero may shabu pa rin?

SEC. ANDANAR: Meron pa rin.

ENRIQUEZ: May shabu pa rin… marami pa ring shabu?

SEC. ANDANAR: Meron pa rin.

ENRIQUEZ: May cocaine pa nga iyon, may ecstasy pa.

SEC. ANDANAR: Merong shabu, merong cocaine, kahit dati naman meron pa pero nagtaas iyong presyo.

ENRIQUEZ: Ang ibig bang sabihin bang sabihin nito, Secretary, pagkatapos ng tatlong taong paglaban sa illegal na droga ay wala pang tagumpay tayong nakakamit sa giyera na ito?

SEC. ANDANAR: Meron ng tagumpay; but the fact na tumaas iyong presyo—

ENRIQUEZ: Iyon ba ang batayan ninyo iyong presyo, hindi iyong supply.

SEC. ANDANAR: Kasi law of supply and demand eh. So ibig sabihin iyong supply kumonti, kaya medyo nagmahal na po iyong presyo ng droga.

ENRIQUEZ: Ah, ganun, ganun ba iyon?

SEC. ANDANAR: Yes. At habang meron naman tayong drug war, meron din namang—iyong mga sindikato tuloy-tuloy din sila, so talagang—

ENRIQUEZ: Malaking pera iyan eh.

SEC. ANDANAR: Talagang labanan, opo tama po kayo.

ENRIQUEZ: Human rights, babanggitin ba mamaya?

SEC. ANDANAR: Human rights, tingnan natin kung it will be part of the—

ENRIQUEZ: Okay. Secretary, mino-monitor ninyo iyong mga survey at mga balita, di ba trabaho ninyo iyong sa Presidential Communications Operations Office. Lumabas sa pinakahuling survey po ng Pulse Asia, ang mga gusto raw marinig ng mga Pilipino mula kay Pangulong Duterte sa kanyang SONA mamayang hapon. Number one, pinakamaraming bilang, usapin sa dagdag suweldo. Ano?

SEC. ANDANAR: Well, we will see kung babanggitin ni Presidente mamaya iyan—

ENRIQUEZ: Doon sa tinatawag na draft nung talaumpati, meron bang banggit nito?

SEC. ANDANAR: [laughs]

ENRIQUEZ: Hindi maniniwala sa atin iyong mga nakikinig at nanunuod pag sinabi ninyong hindi ko pa nakikita, Mike eh.

SEC. ANDANAR: Di, nakita ko na.

ENRIQUEZ: Iyon lang paglagay sa prompter, trabaho ng departamento mo.

SEC. ANDANAR: Nakita ko na iyan, actually last night. Based on the rehearsal last night, nasa 42 minutes iyong speech.

ENRIQUEZ: 42, walang adlib?

SEC. ANDANAR: Wala pa.

ENRIQUEZ: Anong wala pa? Ibig sabihin—bakit wala pa, ba’t ganun nang sagot ninyo, Secretary?

SEC. ANDANAR: Posible po eh. [laughs]

ENRIQUEZ: Inaasahan ninyo na ‘posible’ na umablib ang Presidente. Mahilig siya roon eh.

SEC. ANDANAR: One of the three SONAs, 2016, 2017 and 2018. Iyong 2018 mga 2% lang iyong adlib, 98% stuck to the script. That is why in 2018, 48 minutes lang iyong SONA.

ENRIQUEZ: 48 minutes lang ba nung 2018, nung isang taon?

SEC. ANDANAR: Di ba tumagal lang doon sa agawan ng mace.

ENRIQUEZ: Ah, tama kayo, parang matagal eh, inabot ng isa at kalahating oras naantala iyon, dahil doon sa kudeta sa pagiging Speaker. Walang ganoon mamaya?

SEC. ANDANAR: But 2017, that was 2 hours of SONA speech; 2016 one hours and about 30 minutes. So we are expecting na kapag sinunod iyong speech lang, nasa mga 42 to about 50 minutes. May tanong po kayo kung magkakaroon ba ng drama?

ENRIQUEZ: Anong drama, sa pagka-Speaker?

SEC. ANDANAR: Sa pagka-Speaker.

ENRIQUEZ: Sa iyong pagkaka-alam?

SEC. ANDANAR: Sa pagkaka-alam ko—

ENRIQUEZ: Ngayon, habang nag-uuusap tayo, nagpapa-almusal si Polong.

SEC. ANDANAR: Oo, dalawang almusal.

ENRIQUEZ: Tapos niyan magpapa-almusal naman si Cayetano. Meron ba?

SEC. ANDANAR: Eh ang sigurado niyan mabubusog silang lahat. [laughs]

ENRIQUEZ: Grabe namang sagot iyan oh. [laughs]

SEC. ANDANAR: Kasi dalawang almusal. [laughs]

ENRIQUEZ: Pakialam namin kung—matatagal nang busog iyong mga Kongresista. [laughs] Magkakaroon ba? Sa naririnig ninyo sa Malacañang hanggang kagabi, may banggitan ba tungkol diyan?

SEC. ANDANAR: Sigurado na si Alan Cayetano na maging Speaker, iyon po ang pagkaka-alam ko.

ENRIQUEZ: Pakiulit, pakiulit, sigurado na ha?

SEC. ANDANAR: Sigurado nang siya ang magiging susunod na Speaker.

ENRIQUEZ: Alan Peter Cayetano.

SEC. ANDANAR: Iyon po ang usapan.

ENRIQUEZ: Ayan ha may balita tayo. Benjie gamitin natin iyan mamaya sa mga balita. Si Secretary Martin Andanar na ang nagsabi sigurado na raw na magiging susunod… kayang wala gulo mamaya at hindi maantala tayo ng isa at kalahating oras tulad nung nangyari noong isang taon.

SEC. ANDANAR: Sana nga, sir Mike, na hindi nila manakaw iyong thunder, makuha iyong—
they don’t steal the thunder from the President kasi napakahalaga nitong State of the Nation Address lalung-lalo na we are entering the 4th year of the President. Ito iyong unang SONA niya sa second half ng kanyang termino at dito ilalatag iyong plano for the next three years, napakahalaga nito, direksyon ng bayan, iyon ang dapat nating malaman and the focus, the limelight should just be the President at wala nang iba—

ENRIQUEZ: Iyong talumpati. Hindi dahil sa Duterte ito, kahit sinong Presidente, basta nag-State of the Nation, dapat ang tutukan natin iyong talumpati, hindi iyong mga gown at saka iyong mga lahas at kung mga anu-ano.

SEC. ANDANAR: Sa akin, Mike ha, important—well ayoko ng mga alahas, ayaw ko ng mga gown—

ENRIQUEZ: Gown-gown ng mga designer.

SEC. ANDANAR: Pero okay pag Filipiniana, to showcase what our fashion designers can create to the whole world. So iyon ang—

ENRIQUEZ: Secretary, ang mga gustong marinig daw sa Pangulo sa kanyang SONA ayon sa survey ng Pulse Asia – iyan natalakay na natin – dagdag suweldo; pangalawa, presyo ng mga bilihin.

SEC. ANDANAR: Well, the recent inflation ay 2.7%, so bumaba talaga iyong inflation at batay naman sa estimate ng BSP ay puwede pa itong bumaba this year below 2.7. So I think that is addressed already, but ang ating mga kababayan gusto talaga na ma-maintain iyong mababang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

ENRIQUEZ: Pangatlo sa mga gustong marinig ng mga Pilipino: trabaho. Kasama na diyan iyong endo na hindi pa batas hanggang ngayon; malapit na raw maging batas pero hindi pa batas.

SEC. ANDANAR: Sana nga.

ENRIQUEZ: Iyong endo, tatlong taon na kayo.

SEC. ANDANAR: Kasi alam mo, Sir Mike, talagang ginagawa naman ng ehekutibo ang kanyang magagawa. Halimbawa, endo, may executive order. But then again, kailangan ding gawin ng mga congressman at mga senador ang kanilang part doon sa entire process of making this into a law kasi hindi naman ito magiging batas.

Halimbawa FOI, Executive Order No. 2, ito ay talagang chinampion ng PCOO, pinirmahan ni Presidente, pero hanggang executive lang; mas maganda kung batas kasi buong gobyerno at kapag napirmahan iyan, kapag naging batas iyan at you will have a truly transparent government.

ENRIQUEZ: Pero ang Mababang Kapulungan at saka Senado, karamihan diyan ay mga kaalyado ni Presidente. Madali niyang hilingin o kung hindi man sabihin sa kanila na, ‘Uy, iyong endo, pinangako ko iyan noong 2016, hanggang ngayon ay wala pa.’ Puwede niya namang gawin iyon, Secretary?

SEC. ANDANAR: Kailangan talagang i-pressure. Kasi ang Pangulo naman ay kung ano iyong … halimbawa sa Kongreso, ayaw naman ni Presidente na makialam din kung sino ang Speaker diyan eh; sila naman ang lumapit kay Presidente. Sinusundan si Presidente kahit saan, sa abroad, sa Pilipinas, kahit saan dako, kahit sa Davao City o kahit saan magpunta. That’s why the President said, Cayetano 15-21. The same way na sa mga batas din, ayaw din makialam ng Presidente. But kung gustong tumulong ng Mababang Kapulungan at Senado, mas maganda. Kaya nga—

ENRIQUEZ: Bakit ayaw makialam ni Presidente kung kumbinsido siya na iyong mga batas na tinutulak niya ay ikabubuti nang mas nakararaming Pilipino, Secretary? Natural lang iyan, kahit sa Amerika, sa UK, sa kung saan-saan, nangyayari iyan ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Tama ka, Sir Mike. Kaya nga si Presidente Duterte, action speaks louder than words – ginagawa niyang executive order. So read between the lines. Ginawa ko nang Executive Order iyan, FOI, iyong sa endo na executive order; so read between the lines. Ibig sabihin, priority iyan ni Presidente.

ENRIQUEZ: Ganoon?

SEC. ANDANAR: Oo.

ENRIQUEZ: Okay. Relasyon ni Pilipinas sa China, number four iyan sa mga gustong marinig ng mga Pilipino. At saka ito ay tamang-tama dahil halos may kasabay ng survey na ito na nagpapakita lalo pang bumaba ang tiwala ng mga Pilipino sa China. Sige po, Secretary.

SEC. ANDANAR: Sa buong SONA, mababanggit po ang West Philippine Sea.

ENRIQUEZ: West Philippine Sea, mababanggit? Anong sasabihin niya tungkol sa West Philippine Sea?

SEC. ANDANAR: Ah, hindi puwede. [laughs] Baka sabihin niya, ‘You’re fired.’ [laughs]Bibigyan mo ba ako ng trabaho kapag tinanggal ako ha, Sir Mike? [laughs]

ENRIQUEZ: Hindi, hindi. Secretary, alam mo naman kasi trabaho namin iyon na… hindi ba, tumulak doon, trabaho ninyo ring salagin eh kaya naintindihan ninyo kami at naintindihan din namin iyong sagot ninyo.

SEC. ANDANAR: Pero alam mo, Sir Mike, ang sagot kasi ni Presidente diyan, his primordial responsibility and his constitutional duty is to protect the life… to preserve the life of every Filipino. Kaya nga sinasabi niya, kapag nakipag-giyera tayo sa China, pulbos tayo in five hours. So meaning, kapag gumawa siya ng aksyon that will push both countries to go to war, he is already violating his primordial constitutional duty to preserve the life of every Filipino.

Kaya nga sabi niya, ‘USA, magpadala kayo, ipadala ninyo ang buong 7th Fleet diyan sa West Philippine Sea sa South China Sea,’ as a challenge; kasi ito iyong nagbabangayan eh. It is basically a trade war, military war in terms of technology between China and the United States. Ang sinasabi ko lang dito is that the last time that we felt very important, the Philippines, as geographically country located in this area, in Asia, was World War II. Napaka-importante natin noong World War II. After that, ngayon na, because we’re just a stone throw away from China. Nasa gitna tayo ng West Philippine Sea, ng South China Sea, dito dumadaan … dahil napakahalaga ng bansa. Kaya nga sabi ni Presidente, “Friends to all, enemies to none,” that is my foreign policy.

FLASH REPORT

ENRIQUEZ: Tamang-tama sa pinag-uusapan namin ni Secretary Andanar. Ito po, tapos na po tayo sa usapin sa suweldo, presyo ng mga bilihin, trabaho, relasyon ng Pilipinas sa China.

Ito panglima, droga, iyong kampaniya laban sa droga na hanggang ngayong umaga … araw-araw, walang lumalagpas na araw, alam mo iyon, Secretary, na wala kaming iniuulat na napapatay, mga nanlaban di-umano; ang dami namang nanlalaban.

Sabi nga ni Tita Babes kagabi, nanunood kami ng telebisyon, sabi niya, ‘Ang tapang nitong mga ito ‘no,’ iyong mga nasa droga.

Secretary, mayroon bang banggitan mamaya tungkol sa droga? Isabay na rin natin diyan iyong human rights. Dahil may ilang mga grupo at personalidad, iniuugnay iyong laban sa droga at saka iyong mga paglabag sa mga karapatang pantao ng administrasyong Duterte di-umano, Secretary.

SEC. ANDANAR: Unang-una, sa war against hard drugs or narcotics—

ENRIQUEZ: Ano iyong hard drugs?

SEC. ANDANAR: Iyong shabu. Kasi ang problema kasi, kapag war against drugs lang, iisipin ng mga western critics na pati iyong mga nagma-marijuana binabaril, oh ‘di ba. So hard drugs, hard drugs doon sa shabu – tuloy ito. Hindi ito matatapos, this will go throughout the entire term of the President. Kasi hindi talaga matatapos ito. Kung mayroon kang war against drugs, mayroon din mga sindikato na gustong makipagbakbakan dahil pera ito, sabi ninyo Sir Mike.

Number two, doon naman sa human rights, the government continues to release the real numbers, kung ilan iyong namamatay. Dati sabi nila 7,000, eh noong time na iyon ay nasa 3,000; noong umabot ng 5,000, sabi 27,000. So this is a battle of information, propaganda. Propaganda ng kalaban ay 27,000 pero ang sinasabi ng pulis ay five thousand, six thousand.

ENRIQUEZ: Ang sinasabi ninyo ba ay iyong United Nations Human Rights Commission nagpropaganda laban sa atin, Secretary? Kasama ba iyon?

SEC. ANDANAR: Well, isa iyon sa mga na-discuss doon sa United Nations sa Europa na ipinaliwanag doon sa head nila doon sa United Nations sa Human Rights Council na it’s not 27,000. Twenty seven thousand is an accumulated number of all types of deaths caused by a crime, puwedeng homicide, murder, puwedeng war on drugs.

Now, the SFA—

ENRIQUEZ: Ano iyon?

SEC. ANDANAR: Foreign Affairs Secretary.

ENRIQUEZ: Ah okay. Secretary of Foreign Affairs, Secretary Locsin.

SEC. ANDANAR: Tapos Secretary Sal Panelo, Spokesman, Presidente mismo ang nagsabi na hindi namin tinatanggap itong resolution ng United Nations Human Rights Council. Eh kasi nga, marami rin silang nilabag na protocol sa United Nations tulad po ng UN Periodic Review, hindi dumaan sa ganiyan. So hindi tinatanggap ng ating bansa.

ENRIQUEZ: Opo. Secretary, may mga nagsasabi … at alam ko—

SEC. ANDANAR: And what about the human rights also of the policemen who were killed?

ENRIQUEZ: Iyon, oo. Sa Negros mayroong apat na … bago pinatay, pinahirapan muna ng mga … pero mga rebelde naman iyon, hindi naman iyon mga sindikato ng droga — mga NPA, mga kung sinu-sinong grupo na armado.

Secretary, alam ko narinig ninyo na ito nang maraming beses, kung walang tinatago ang ating administrasyon dito sa giyera laban sa droga, bakit hindi payagan hindi lang United Nations, kahit sino bukas na bukas ang pinto ng Pilipinas, ‘Halikayo dito, mag-imbestiga kayo para malaman ninyo ang katotohanan. Wala naman kaming itatago sa inyo eh.’ Secretary, sagutin ninyo nga iyon please.

SEC. ANDANAR: Mayroon tayong isang kultura at tradisyon sa ASEAN na non-interference sa kung—

ENRIQUEZ: Sa ASEAN.

SEC. ANDANAR: Sa ASEAN, every ASEAN country.

ENRIQUEZ: Walang pakialaman.

SEC. ANDANAR: Walang pakialaman kung ano ang ginagawa. For example, Iceland, sabihin nila, ‘We passed this draft resolution para imbestigahan ang Pilipinas ng buong United Nations Human Rights Council.’

Number one question: Does Iceland…mayroon bang mission ang Iceland, mayroon ba silang embahada sa Pilipinas? Wala. Zero. Zilch. Nothing. Nil. Wala, as in nothing. Papaano ka magbibigay ng draft resolution sa isang bansa na hindi ka man lang represented? Ano, pagbabasehan mo lang iyan base sa report, base sa sasabihin ng kaibigan mo—

ENRIQUEZ: Samakatuwid, ang sinasabi ninyo, kung tatanggapin natin iyang ginawa ng Iceland na iyan, eh bukang-buka tayo na gawin iyan ng kahit na sino sa atin sa Pilipinas.

SEC. ANDANAR: Pumunta kayo sa Pilipinas at alamin ninyo mismo.

ENRIQUEZ: Eh hindi n’yo raw papapasukin eh.

SEC. ANDANAR: Hindi. Iyong Iceland nga eh, wala silang representation—

ENRIQUEZ: Wala silang embahada rito.

SEC. ANDANAR: Walang silang mission, walang embahada, paano nila malalaman kung ano ang nangyayari sa Tondo, paano nila malaman kung ano ang nangyayari sa Alabang, ano ang nangyayari sa Makati, ano ang mangyayari sa Cebu. Dapat pumunta sila dito para pag-aralan at kailangan hindi lang iyong mga critics ang pakinggan nila, dapat pakinggan din nila ang Philippine National Police at pakinggan din nila iyong official data ng gobyerno, ng PDEA, dapat patas.

ENRIQUEZ: Tungkol po sa SONA, tungkol sa talumpati ni Presidente na siyang paksa natin ngayong umaga dapat sana eh. Pero siyempre hindi maiiwasan mapunta iyan sa iba’t-ibang mga isyu dahil umaasa o naghihintay ng kung isasama niya iyon sa talumpati mamaya o hindi. Meron na pong lumabas na impormasyon – galing sa Malacañang ito – na sabi ni Presidente magle-lecture siya mamaya sa kanyang talumpati. Alam ninyo iyon, Secretary?

SEC. ANDANAR: Alam ko po iyan.

ENRIQUEZ: Tuloy ba iyong lecture?

SEC. ANDANAR: Nangyari po iyan doon sa ambush interview sa Malacañang, tingnan natin kung tutuloy ang lecture.

ENRIQUEZ: Sagot n’yo naman oh, puro tingnan natin oh, nakita n’yo na iyong speech eh kagabi, oh.

SEC. ANDANAR: Hindi kasi iyong sa—of course iyong speech naman, this is really a speech written by the Office of the President, by PMS and Office of the Special Assistant to the President and the President himself, hindi naman kasi lecture iyong format. Iyong lecture kasi na ine-expect ko iyong will go off the script at lecture, iyon ang ine-expect ko na lecture kung gagawin man, tingnan natin.

ENRIQUEZ: Ah ganoon… iyong mga sagot ninyo, puro tingnan natin [laughs], sayang lang punta ninyo, gumising pa kayo ng maaga. [laughs]

SEC. ANDANAR: [laughs] Di bale, nakita naman kita [laughs]… saka nakinom ako ng libreng tsaa courtesy of GMA. [laughs]

ENRIQUEZ: Bilang pagtatapos natin—sapagkat satellite po tayo, dolyar ang bayad dito, [laughs] radio na TV pa. Sa pananaw ninyo – kayo iyong nasa Malacañang – papaanong dapat tratuhin at pakinggan ng mga Pilipino iyong magiging talumpati ni Pangulong Duterte mamaya?

SEC. ANDANAR: Ang kinabukasan nating lahat. The Duterte legacy ang kinabukasan ng bawat Filipino, saan direksyon tayo dadalhin ni Presidente Duterte, kung saan tayong lugar dadalhin, kung saan papunta ang ekonomiya, saan papunta ang bansa because we should base our decisions for the future on government policy also.

Pag sinabi ni Presidente, halimbawa, mag-i-invest ang gobyerno sa turismo. Aba eh mag isip-isip na tayong mga magulang at mga high school na magka-college, eh siguro maganda sigurong kunin iyong tourism na kurso kasi dadalhin tayo doon. Pag sinabi ni Presidente na gagawa tayo ng isang programa para dumami ang mga engineers dahil naghahanap ng trabaho doon sa Middle East, eh mag isip-isip na tayo.

So, those are the things na makukuha ng mamamayan out of the SONA and where the President will be taking this.

Isa pa, this will be the gold standard. The gold standard of public service, the gold standard of government service, public management for the next presidents to come.

ENRIQUEZ: Hindi lang iyon, maghihintay pa tayo ng tatlong taon para sa susunod na Presidente. Lahat ng mga taong-gobyerno dapat iyan ang sundin na pamantayan.

SEC. ANDANAR: Exactly!

ENRIQUEZ: Pag hindi sila nakasunod, ano sisante?

SEC. ANDANAR: That’s even better. Kasi di ba last week more than 50 BOC officials—

ENRIQUEZ: Oo, iyong mga taga-Customs. Pakilinaw nga, ano ba iyong taga-Customs at kinumbida sa Malacañang. Mga sinasante na ba iyon, mga kinasuhan ba iyon, ano ba ang status… ano ba ang nangyari at sila ay nakumbida sa Malacañang?

SEC. ANDANAR: Meron po kasing allegations of corruption. Okay. Now, ang sabi ni Presidente na not under his watch. So, talagang hindi nakikinig. Ang sabi ni Presidente, he will file charges against these BOC officials sa Ombudsman with a prayer to suspend them while they are facing the courts and kung gusto nilang ipaglaban ang kanilang kaso okay lang din, because it’s their constitutional right na ipaglaban ang sarili at kumuha ng abogado. Now, kung gusto naman nila na to save face, they can resign.

ENRIQUEZ: Ah ganoon.

SEC. ANDANAR: Oo, mag-resign sila. And it is sending message to the entire bureaucracy.

ENRIQUEZ: Buti nasabi ninyong ‘entire bureaucracy,’ iyong buong burukrasya, kasi hindi lang naman sa Customs may mga corrupt eh, pati traffic enforcer corrupt eh, hanggang barangay may corrupt. Ang dami ninyong lilinisin, Secretary.

SEC. ANDANAR: That is why we need all of these laws, sir Mike, itong mga batas, like the Freedom of Information kailangan maging batas na ito, para maging transparent po—

ENRIQUEZ: Eh iyong Freedom of Information inuupuan nung mga mambabatas eh.

SEC. ANDANAR: Sana nga hindi na upuan this time.

ENRIQUEZ: Teka muna, kung si Presidente Duterte kaya niya pong gabayan – ayan, gamitin na lang natin iyong salitang gabayan – iyong mga kongresista kung sino ang magiging Speaker, kung kaya niyang gabayan… si Tito Sotto, okay iyon, walang problema doon sa pagiging Presidente ng Senado, oo, matatag iyon. Puwede niyang gabayan iyong mga kaalyado niya sa Kongreso sa kung sino ang gagawin nilang Speaker. Hindi niya kaya o ayaw niyang gabayan din sila sa mga batas na kailangan niya, Secretary?

SEC. ANDANAR: Ayaw makialam ni Presidente—

ENRIQUEZ: Oh, eh bakit iyong sa pagiging Speaker?

SEC. ANDANAR: Halimbawa, extension ng GMA 7 franchise.

ENRIQUEZ: Hindi, extended na kami.

SEC. ANDANAR: Hindi iyon pinakailaman ni Presidente. Nag-lapse lang.

ENRIQUEZ: Eh bakit ninyo naman pakikialaman iyon?

SEC. ANDANAR: Wala nga, kaya nga hindi niya pinakialaman kasi this is really the turf of Congress.

ENRIQUEZ: Opo. Pero, Secretary, iyong mga franchise ng Channel 5, Channel 7, mga private bill kung tawagin iyan eh.

SEC. ANDANAR: Exactly.

ENRIQUEZ: Ang apektado diyan, kami lang. Kung hindi kami bibigyan ng franchise, kami lang—

SEC. ANDANAR: No, Sir Mike, I beg to disagree.

ENRIQUEZ: Bakit?

SEC. ANDANAR: Apektado ang publiko, because you are doing public service. It’s the Fourth Estate.

ENRIQUEZ: Oo, pero ang pinag-uusapan natin dito ay iyong mga batas at mga isyu na apektado ang nakakaraming Pilipino.

SEC. ANDANAR: Tulad ng FOI.

ENRIQUEZ: FOI, endo, iyan, mga ganiyan.

SEC. ANDANAR: Death penalty.

ENRIQUEZ: Trabaho, gutom, oo, iyan, parusang kamatayan. Kaya niyang sabihan kung sino ang gusto niyang maging Speaker eh.

SEC. ANDANAR: Mahalaga pa rin, Sir Mike, iyong separation or independence ng branches of government. Independent iyong judiciary, independent iyong Kongreso, Senado at Ehekutibo, it’s still important because check and balance iyan eh. Kaya nga si Presidente is really doing a balancing act.

Hindi naman si Presidente lumapit sa mga congressmen; sila naman ang lumapit kay Presidente na ‘Please, Mr. President, pakialaman ninyo na kasi ang gulu-gulo na.’ Sila naman ang nakiusap eh. But at the end of the day, sabi ni Presidente noong tinanong siya paano kung hindi sundin, ‘Bahala sila.’

ENRIQUEZ: Okay. Sige po. Secretary, bibigyan ko kayo ng—may interview pa ba kayo pagkatapos nito? Wala na?

SEC. ANDANAR: Kayo ang last.

ENRIQUEZ: Oo, kaya nga, kami ang huli. Pitong oras at labinlima at kalahating minuto na lang bago ang talumpati, schedule, mamayang alas kuwatro ng hapon. Magbigay kayo ng mensahe—paano iyong ibang istasyon na nakabinbin ang franchise. Saka pag-usapan iyon.

SEC. ANDANAR: Ano, ABS-CBN? Parang iyon ang tanong eh. [laughs]

ENRIQUEZ: Oo, ABS-CBN. Ilang beses na inulit-ulit ni Pangulong Duterte na… oo, iyong pag-renew ng franchise ng ABS-CBN.

SEC. ANDANAR: Alam ninyo, Sir Mike, ganito lang iyon, sa palagay ko naman kapag pumasa na sa Kongreso, okay na. Kasi—

ENRIQUEZ: Ibig ninyong sabihin, inaasahan ninyong papasa sa Kongreso iyong franchise ng ABS?

SEC. ANDANAR: Kapag pumasa, kapag pumasa sa Kongreso

ENRIQUEZ: Kapag pumasa, kapag.
SEC. ANDANAR: Kapag pumasa. Kasi nasa Kongreso pa eh, nasa kanila ang bola ngayon eh.

ENRIQUEZ: Ganoon?

SEC. ANDANAR: Palagay ko, iyon ang sa akin lamang. [laughs]

ENRIQUEZ: Pero papaano iyon, katulad nung sa pagiging Speaker, noong sinabi ni Presidente Duterte ang magiging Speaker ay si Alan Peter tapos ng kalahating termino, ang magiging Speaker ay si Velasco. Okay?

Matagal na niyang sinasabi, ayaw ko na ituloy pa ang franchise ng ABS-CBN, parang hindi niya sasabihin direkta pero kapag sinabi ng nasa taas na ito ang kumpas, ito ang tono, ‘Do’ lahat sila ‘Do, Re, Mi—

SEC. ANDANAR: Pero alam mo, Sir Mike, never ko pang narinig kay Presidente na sinabi niya categorically na hindi ko i-extend ang franchise. Alam ko, sinasabi niya lang iyong sama ng loob niya during 2016 elections—

ENRIQUEZ: Kinuha raw iyong pera niya.

SEC. ANDANAR: Na naglagay siya ng pera, hindi lumabas iyong advertisement.

ENRIQUEZ: Hindi sinahimpapawid.

SEC. ANDANAR: Doon, doon lang siya nagagalit.

ENRIQUEZ: Si Presidente pa naman hindi nakakalimot iyan, lalo na kapag nadehado siya. Sino ba naman, natural lang iyon sa ating mga tao, Secretary.

Sige po, magwawakas na po tayo. Pitong oras at labintatlo’t kalahating minute na lang bago ang State of the Nation Address. Mga Kapuso, si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Sir Mike. Ang panawagan ko lang po sa ating mga kababayan, alam kong last survey ng Pulse Asia, binigyan niya po ng 85% si Presidente Duterte. You approved of the President, you trust the President. At iyong satisfaction rating naman ay 80%.

Napakahalaga po nitong State of the Nation Address, ikaapat na po ito. Dito po ilalatag ni Presidente ang kaniyang plano for the next three years. Itong plano po for the next three years will also affect the lives of the Filipinos, the next generation for the next ten years. Kaya tutukan po natin ito para malaman po natin kung anong direksyon ng ating bayan, anong direksyon ng ating bansa. At para rin po tayo ay makapagdesisyon ng sarili sa ating mga pamilya at sa ating sarili kung ano ang gagawin natin base rin po sa magiging polisiya ng gobyerno kung saan tayo dadalhin. Maraming salamat po.

ENRIQUEZ: Marami ring salamat, Secretary. At salamat sa paggising ninyo na medyo mas maaga nang konti para sa kahuli-hulihang panayam ninyo sa radyo at telebisyon bago mag State of the Nation Address, pitong oras at labindalawa’t kalahating minuto mula ngayon.

SEC. ANDANAR: Salamat po.

###


SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource