Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Orly Mercado (DWFM – All Ready)


Event Radio Interview

ORLY:  Secretary Martin, good morning.

SEC. ANDANAR:  Good morning, Sen. Orly Mercado; at good morning po sa lahat ng nakikinig sa atin at nanunuod dito sa Radyo Singko.

ORLY:  Pakipaliwanag po itong nangyaring, iyong iba ay nabigla… pero iyon iba naman, sabi nila ay baka mangyari iyon, iyong resignation. Si Assistant Secretary Mocha Uson is with your office, right, PCOO?

SEC. ANDANAR:  Tama po kayo, Senator Orly. Nagkaroon po ng congressional budget hearing at plenary at dalawang beses po at wala doon si Asec. Mocha. Dahil siya ay nagpaalam naman siya sa akin kung saan siya pupunta. Iyong pangalawa ay nasa New York, sa United Nations General Assembly. At iyong una naman ay meron siyang isa pang event na pinuntahan. At dahil nga dito ay iyong isang bloc ng Kongreso ay dinefer iyong budget ng PCOO. So noong in-schedule po iyong pangatlong beses sa plenary, which was yesterday, eh pero nagdesisyon si Asec. Mocha na ayaw na niyang nang maapektuhan ang budget ng PCOO, so nag-resign siya.

ORLY:  Kasi naman, kailangan naman talagang pinapa-attend iyong mga opisyales ng executive branch ng mga senador at mga kongresista dahil sila ang nagtatanong tungkol sa how the budget was spent in the previous year. Pero dito merong mga underpinnings din ito, hindi ba. Well, siguro normal naman iyan, dahil talagang parang naging kontrobersyal itong si Asec. Mocha Uson.

SEC. ANDANAR:  Opo. Of course meron pong pulitika din sa buong proseso. At alam naman natin na naging kontrobersyal din si Asec. Mocha at marami din siyang naging kalaban sa pulitika sa Lower House at sa Senado. Meron din siyang mga nakasagutan na mga congressman at senador. At alam naman natin na pagdating sa isang budget hearing, sa plenaryo man o doon sa sub-committee or committee ay nagkakaroon din ng… alam mo hindi magandang palitan.

So, siguro na-anticipate ni Mocha na talagang may plano na pahiyain siya. Kanya sabi niya hindi—siguro ang kanyang naging desisyon ay imbes na siya ay mapapahiya doon sa loob ng isang plenaryo or committee eh gustong ilabas ni Mocha sa PCOO iyong problema at doon sila mag-i-square sa social media or bilang isang private Mocha.

ORLY:  And she is known to be a person na who speak her mind, hindi ba, talagang prangka ito eh, she speak… at ang kanyang platform ay… has become powerful at marami siyang mga followers sa kanyang blog, di ba?

SEC. ANDANAR:  Tama ka, Ka Orly. As a matter of fact, sa sobrang daming followers ni Mocha, if I am not mistaken mga 5.7 million ang kanyang followers sa social media at—actually more than that, kasi meron pa sa You Tube, meron pa siyang facebook at meron din siyang twitter at Instagram. So that puts her in a very unique situation, as a matter of fact, parang nag-i-isa lang ata siyang ganyang klaseng personality na napakadaming followers that she can divert or sway an opinion, so ito po ay naging irritant for a lot of politicians—

ORLY:  Lalo iyong traditional.

SEC. ANDANAR:  Lalung-lalo na iyong kalaban ni Mocha. So iyan po iyong naging effect niyan. Kaya sabi nga ni Harry Roque, ‘ay para doon sa mga congressman, para doon sa mga kalaban ni Mocha ay maghanda na kayo, dahil’—

ORLY:  Hindi ba titigil iyan.

SEC. ANDANAR:  Oo, at saka merong programa si Mocha sa isang istasyon na malapit sa Radyo Singko, siyempre meron pa rin siyang platform bukod sa kanyang social media, meron siyang radio platform kung sana puwede niyang batikusin iyong mga gusto niyang batikusin.

ORLY:  Meron ka bang inclination kung ano ang tatakbuhan niya. Kasi bukas daw ang pinto sa pagtakbo sa pulitika, next year eleksyon na.

SEC. ANDANAR:  Yes, Senator Orly, nagkausap kami ni Mocha a few minutes bago nagsimula iyong budget hearing sa Senado at doon nga niya sinabi sa akin na magre-resign siya at the same time ay natanong ko rin sa kanya iyong kung ano ang gagawin niya sa pulitika sa 2019. And maraming nag-i-invite kay Mocha na mga partylist at meron ding nananawagan, nag-uudyok sa kanya na tumakbong senador. So na kay Mocha na iyan kung ano ang kanyang desisyon.

Just like what I said before, nung lumulutang iyong kanyang pangalan na tumakbong senador, na I will support her. Hanggang ngayong naman, bilang isang die hard Duterte supporter, eh I’m still willing to support Mocha kung anuman iyong gagawin niya, be that political or in her life as an artist or political blogger eh kami naman ay nagkakaisa bilang die hard Duterte supporter.

ORLY:  The controversy around her at iyong kanyang mga ginagawa, obviously is indicative of a key change sa pagbabag0 sa media, na alam natin na ngayon na empower na ang tuambayan sa pagkomento, iyong usual na mga tinatawag na mga opinion leaders eh marginalized na ngayon, dahilan sa talagang direktang nakakapagsalita ang tao at nakakapili ng gusto nilang Spokesperson o gusto nilang banatan o gusto nilang purihin, hindi ho ba?

SEC. ANDANAR:  Opo. Si Mocha, I think, she is an example or she epitomizes ito ngang bagong trend sa social media na ang isang ordinaryong tao ay puwedeng maging superstar sa social media, dahil sa kanyang mga opinion. At hindi lang nag-i-isa si Mocha, marami pa diyan, marami pa – sila Carlos Munda, sila Sas Sassot ay sila po ay talagang sumikat sa social media.

But then again, in the universe of opinions and mass media or… kasi ang social media is now considered as mass media also ay kasama ang social media ngayon. Hindi mo rin madi-discount, Ka Orly… Senator Orly ang radio, where we are right now, because kahit kayo po na Radyo Singko, you are also social media now, because you are streaming live on facebook, ganundin po ang telebisyon at ganundin po ang radio—ang newspapers. Dahil ang newspaper ngayon ay meron na ring presence online.

So, therefore, ito ngang phenomenon na ito, which also led to the social media superstars or rock stars to enter also the field of broadcasting. Pero importante pa rin na of course meron tayong Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas. Importante pa rin na meron pa ring nagga-guide sa ating lahat.

ORLY:  Oo, saka nagtse-check ng veracity at saka ng credibility kasi baka mamaya, anybody can post anything din eh.

SEC. ANDANAR:  Ang advantage lang kasi, halimbawa ng isang news organization, tulad po ng One News,  tulad po ng TV 5, News 5, Radyo Singko, is that meron kayong support staff to check the veracity of any, any reported story, para ma-vet.

ORLY: May accountability, you can be held to account for what you are saying or what you are claiming to be true.

SEC. ANDANAR:  Beyond the usual structures in our Constitution, our laws itself na puwede kang mag-libel o mag-plunder. Eh sa loob po ng isang news organization eh meron ding Ombudsman na sarili, kanya talagang nado-doble po iyong pag-check ng facts.

ORLY:  Okay. So thank you very much, Secretary Martin Andanar. Maraming salamat sa pagsagot sa aming tawag.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Ka Orly Mercado. Mabuhay po kayo Senator at mabuhay po ang Radyo Singko, 92.3 News FM. Thank you po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource