Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Orly Mercado (DWFM – All Ready)


Event Radio Interview

MERCADO:  Gusto naming itanong itong tungkol sa availability at pagkuha ng data sa mga sangay ng gobyerno, ang balita rito ay paiigtingin pa ninyo. Ano po ba ang plano ninyo at ano ang mga maasahan ng taumbayan… doon sa mga gustong they want to have information nauukol sa mga functions ng gobyerno?

SEC. ANDANAR:  Yes. Salamat, Ka Orly. Actually nasa 97% na ng ating mga national government agencies ang nakapag-comply sa ating Freedom of Information Executive Order No. 2 at iyong ating website naman na foi.gov.ph ay gumagana and we continue to go around the country para turuan po iyong ating mga agencies kung papano nila mas lalo pang paigtingin ang kanilang operasyon sa Freedom of Information.

MERCADO:  Ito ay dahil sa gumawa ng order ang ating Pangulo nauukol dito sa pagpapatuloy o pagbubukas ng impormasyon sa Executive Branch, hindi ho ba?

SEC. ANDANAR:  Opo. Sa Executive Branch po. Pero mapalad po tayo, Ka Orly, na meron din pong mga sa local government units na nag-volunteer na sumali.

MERCADO:  Ah ganoon.

SEC. ANDANAR:  Opo, meron pong mga dalawa dito sa may Ilocos Norte na… in fact, nabigyan na nga sila ng parangal; pati dito po sa Angeles, sina Mayor Pamintuan ay nag-volunteer din po at meron pa rin po iba dito sa Mindoro at sa Mindanao, meron pong mga nag-volunteer. And iyong mga local water utilities po ay sumali din po sa ating FOI.

MERCADO:  Ano ang importansiya niyan. What’s the importance of having access to information? Ano ang magiging impact niyan sa pamamahala and also to being able to stamp down corruption?

SEC. ANDANAR:   Well, dalawang bagay lang po iyan. Iyong una ay pinapalakas natin iyong probisyon sa Konstitusyon na nagsasabing meron tayong right to information. So, therefore iyong ating mga kababayan ay puwede na pong dumiretso sa FOI kung meron silang gustong malaman sa—halimbawa, paggasta ng pera ng bayan, diretso na po iyan, didiretso na po iyan sa FOI, bibigyan po kayo, wala pong—as long as it is under the national government, iyong agency. At iyong pangalawa ay mahalaga po na makita ng ating mga neighboring countries lalung-lalo na iyong dito sa Europa na sila ay nagtataguyod nitong transparency sa gobyerno – ito pong sa Europa, ito po sa America, sa United Nations. Actually, sila talaga iyong mga advocates ng Freedom of Information. So, it makes the government really transparent and easier for transparency internatio—easier for corruption watchdogs to really see if government is doing its job properly.

MERCADO:  So sa tingin mo—ito ay mga baby steps pa ito. Pero sa tingin mo ba ay magkakaroon na tayo ng talagang pagsunod diyan sa access to information sa ginagawa ng gobyerno?

SEC. ANDANAR:   Ang ating pangarap, Ka Orly, ay maging batas po ito sa Kongreso, sa Senado ay mag-usap-usap po sila at talagang gawin ng batas para hindi lang po executive branch ang maobliga na buksan po iyong kanilang libro, buksan po ang kanilang tanggapan o lahat po ng dapat kailangan malaman ng mga kababayan, kung hindi pati po iyong ating legislature, iyong ating judiciary, lahat po ng branches ng government, even the LGUs, sila po—kung once po na maging batas po ito, ay we will be on our way to becoming a country that’s truly transparent at makakasabay na po tayo sa mga bansa na mas progresibo, lalung-lalo na dito sa western hemisphere.

MERCADO:  Thank you very much, Secretary Martin Andanar ng PCOO, Presidential Communications Operations Office. Thank you.

SEC. ANDANAR:   Maraming salamat po, Ka Orly; at Merry Christmas po sa inyo.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource