Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Rolly Gonzalo – Balitang Todo Lakas/DWIZ

GONZALO: (SIGNAL CUT) … anunsiyo ngayong araw na ito?

SEC. ANDANAR: Opo, ito po iyong Duterte Legacy communications campaign. Ito po ay in-announce natin last year, at finally ay ilulunsad na po natin ito ngayong araw na ito sa PICC ng alas nuebe y media ng umaga; ito po ay ang kauna-unahang Duterte Legacy. At mamaya, ito po ay papaunlakan ng ating mga kalihim mula sa DPWH, mula sa Department of Health, Department of Education, Department of Environment and Natural Resources, ang ating Presidential Task Force on Media Security, Freedom of Information, at iba pa.

Now, ano po ba itong Duterte Legacy? Itong Duterte Legacy po ay isang communications campaign na ang adhikain ay para ma-inform ang ating publiko sa lahat po ng mga legasiya ni Presidente sa mga nakaraang tatlong taon.

GONZALO: Mga nagawa na, ibig sabihin?

SEC. ANDANAR: Opo, iyong mga nagawa na, mga accomplishments ni Pangulong Duterte for the last three years at kung ano pa ang aabangan ng ating bayan sa susunod na tatlong taon. Alam mo naman na ngayon po ay we are way past the midpoint of the presidency.

GONZALO: Para lagpas na ng midterm report ito, midterm?

SEC. ANDANAR: Well, basically parang ganoon na nga. Pero ang mahalaga, sa titulo pa lamang ‘Duterte Legacy’; so iyon pong legasiya na maiiwan niya sa ating bayan. Halimbawa na lamang, iyong poverty alleviation na 5.9 million Filipinos ang naiahon mula sa kahirapan; iyong kaniyang Universal Health Care Law; iyong Free Tertiary Education Law; nandiyan din iyong mga ano… revised na Maternity Law na dinagdagan ng ilang buwan na maternity leave ang isang magulang, o ilang araw. Tapos … marami pang iba. Pati iyong sa Build, Build, Build; war on criminality and drugs; nandiyan din iyong mga Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao.

Now, ang legasiya kasi ay mahalaga talagang maiukit dito sa ating kaisipan at kailangan itong maitaga sa bato dahil para sa 2022, mayroon na tayong batayan pagdating sa public administration o pamumuno. Mayroon na tayong gold standard, mayroon tayong barometro para iyong mga kababayan natin na pipili ng susunod na Pangulo sa 2022 ay isipin nila, ito ba’y—maghahanap ng susunod na pangulo na kayang ituloy ang mga nagawa ni Presidente Duterte, dahil napakadami talagang nagawa eh. Akalain mo, hanggang ngayon ay 87% pa rin iyong popularity pero ramdam ng tao ang pagbabago. Or pipili/maghahanap ba ako ng isang kandidato na hihigitan pa iyong ginawa ni Presidente Duterte? Ganoon naman talaga ang ating dapat misyon sa buhay na iyong buhay ng mga susunod na henerasyon ay mas maganda sa mga nakagisnan nating buhay.

GONZALO: Well, first time ng isang presidente kaya very—Sec. Martin, first time na ang isang presidente sa kasaysayan ng Pilipinas na hindi bumababa ang approval rating.

SEC. ANDANAR: Opo. Eh papaano naman bababa eh mayroon kang Presidente na talagang ramdam ang pulso ng masang Pilipino. Tapos kung mayroong mga sakuna, may trahedya, nandoon kaagad. Halos wala nang oras para sa sarili – biyahe dito, biyahe doon para lang makasalamuha ang mga kababayang Pilipino. Kaya hindi ako nagtataka na ganoon.

Kaya nga, we are setting the gold standard of governance. Kaya itong Duterte Legacy ay iikot tayo sa buong Pilipinas. Ito po ay hindi lamang sa Metro Manila, pagkatapos nito ay walumpu’t isang probinsiya ang ating pupuntahan at kakausapin natin ang iba’t ibang sektor ng ating lipunan – we will communicate the message of the President. We will communicate the accomplishments of the President para din ma-inspire ang ating mga kababayan na, you know, huwag tayong maging masyadong kuya-kuyakoy ‘no, huwag tayong masyadong maging kalma.

GONZALO: Sec. Martin, ang ibig mong sabihin, iikot kayo sa buong Pilipinas?

SEC. ANDANAR: Opo.

GONZALO: So ibig sabihin ay marami pa kayong pagkakataon na marinig kung mayroon mang iba pang mga hinaing ang ating mga kababayan na gustong iparating sa ating Presidente?

SEC. ANDANAR: Tama, tama, kasi dinadala natin iyong national government sa mga kanayunan, sa probinsiya. At iyan naman ang ginagawa ng PCOO mula noong nagsimula tayo noong June 2016 kaya madalas ako sa probinsiya. Kaya ngayon ay hihigitan pa natin, talagang idu-double time pa natin iyong ating pagbisita sa mga probinsiya para maikot itong Duterte Legacy, malaman ng mga kababayan natin na ito talaga, wala nang iba, ito na iyong Duterte Legacy. Ito iyong Duterte Vision 2020 at dito kayo dadalhin ni Presidente sa 2020 hanggang 2022 para masagana na ang buhay ng bawat Pilipino. At alam mo naman, Lakay, halos lahat na nagawa na eh.

GONZALO: Kung ako naman ang tatanungin mo, Sec. Martin, ang gusto ko matapos sana iyong problema natin sa insurgency sa mga NPA. Iyong problemang nilikha ng kapwa ko Ilokano na si Jose Maria Sison. Sana po matuldukan iyan bago matapos ang termino ni Presidente.

SEC. ANDANAR: Basta—whether makipag-cooperate naman si Joma o hindi, mayroon naman tayong National Task Force To End Local Communist Armed Conflict na nagsusumikap, nagtitiyaga sa bawat rebel returnee. Ang ginagawa natin, halimbawa, ako sa Region X, ako naman iyong Cabinet Officer For Regional Development And Security doon, nagdu-double time tayo para maraming sumurender na mga NPA at marami nang sumusurender. In fact, noong January 16, may dalawang kumander na sumurender doon sa Bukidnon dahil na rin sa pagsusumikap ni General Boogie de Leon doon sa Bukidnon. Kaya, you know, ginagawa natin lahat, talagang nakikita natin natataranta na rin ang CPP-NPA dahil nga sa pagpupursige ng gobyerno sa pamamagitan ng whole-of-nation approach na pag0resolve ng problema na ito.

Ano ba ang whole-of-nation approach? Ito iyong pag-solve ng problema na hindi lang militaristic strategy – kasama iyong civilian government, kasama iyong TESDA, PCOO, kasama DILG – kasama lahat! Nagbibigay ng trabaho, bigyan ng lupa, bigyan ng mga capital/puhunan. Tapos nandiyan din iyong mga non-government organization, nandiyan iyong simbahan. So mas mabilis mahikayat iyong ating mga kapatid na mga rebelde, iyong mga komunista na bumaba na lamang dahil ‘bakit pa ako magkokomunista, bakit pa ako mamumundok eh binibigay naman lahat sa akin eh.’

Iyong mga kalye, pati kalye ay nakakarating doon sa baryo ko eh… simulan doon na hindi nakakarating ang national government.

GONZALO: Sec. Martin, huli na lang. Hindi ba kasama sa pag-iikot ninyo iyong survey ninyo na kung sino ang gusto ng tao na papalit kay Pangulong Duterte next time?

SEC. ANDANAR: Ah hindi, hindi. Hindi ito ano… ito makakaasa po ang mga kababayan natin na hindi po ito pamumulitika. (SIGNAL CUT)

GONZALO: Hello, Sec?

SEC. ANDANAR: Kailangan talaga ay ma-inspire ang bawat Pilipino na magtrabaho pa tayo. Let us not rest on our laurels, let us work harder kasi malayo pa ang ating destinasyon, ika nga. ‘Di ba gusto nating matulad sa Singapore, tulad ng Thailand ‘di ba? Eh malayo pa iyon. Pero sa tiyaga ay mararating natin iyan.

GONZALO: Sec., ang sistema ngayong umaga, Sec. Martin, itong mga Cabinet secretaries ay magri-report, bawat isa?

SEC. ANDANAR: Opo, opo. Alas nuebe y media ng umaga, ito po ay naka-live sa inyong state television, sa PTV at sa Radyo Pilipinas, at sa lahat po ng social media pages ng ating Presidential Communications Operations Office. At magri-report nga—tama po kayo – magri-report ang ating mga kalihim ng kanilang mga accomplishments at kung saan nila dadalhin ang kanilang mga departamento for the next three… well, less than three years na lang. So exciting ito. Talagang exciting ito. Ito’y bagong kabanata ng administrasyon ni Presidente Duterte. At timing na timing dahil Duterte Vision 2020 at alam naman natin na ang 2020 is talagang clear eyesight, clear vision. So klarong klaro na kung saan tayo dadalhin ng gobyerno ito.

GONZALO: All right. Thank you, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Salamat, Lakay.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource