GONZALO: …Secretary Martin Andanar. Sec. Martin, si Lakay… good morning.
SEC. ANDANAR: Lakay, good morning.
GONZALO: Good morning, kausap ko lang si Mocha eh…
SEC. ANDANAR: Ay… kakahiwalay lang namin kagabi [laughs]…
GONZALO: Ito kausap ko nga lang eh, katatapos lang eh. So Sec. Martin para doon sa mga nakikinig sa atin, ano ang ibig sabihin ng resignation ni Mocha para sa PCOO?
SEC. ANDANAR: Well alam mo, si Asec. Mocha ay napakasipag iyan, and as a matter of fact ay talaga namang kapag inuutusan mo ng isang bagay, halimbawa ay gumawa ng production para sa PCOO ay hindi niya pinapabayaan.
GONZALO: Sipag…
SEC. ANDANAR: At dahil nga sa dami ng kaniyang followers, ay siguradong nagba-viral o dumadami iyong viewers agad. So wala akong masasabi talaga kundi, of course nagpapasalamat kami kay Mocha sa kaniyang serbisyong binigay sa PCOO, sa gobyerno. At ako ho ay kahit papaano ay nagpaplano rin kung papaano kami mag cooperate ni Mocha sapagkat alam ko naman na hindi naman natitigil ang kaniyang pagiging diehard Duterte supporter. At bilang isang DDS din ay kami ay nagkakaisa.
GONZALO: Well Sec. Martin, iyong mga nakikinig sa atin sa Facebook live, naku… nagkakaisa ang sinasabi dito na tatakbo raw siya sa Senado ha. Kayo ba ay nagkausap na talagang… kung anong balak niya next year bago siya nag-resign sa Senado, Sec. Martin?
SEC. ANDANAR: Kung anuman ang plano ni Mocha, whether in her life as an artist, life as a political blogger or kung gusto niya maging politiko ay kami po ay susuporta. Ako personally, I will support her. Gaya noong sinabi ko noon, noong mga buwan na lumulutang ang kaniyang pangalan bilang isang posibleng kandidato pagka-senador, eh sabi ko naman ay malaki ang chance ni Mocha na manalo at susuportahan ko siya. Ako naman ay may isang salita, ay talagang susuportahan ko talaga siya.
GONZALO: Mayroong lang listener dito na nagtatanong, tinatambakan mo raw kasi ng trabaho sa table niya; totoo ba iyon Secretary Martin? [laughs] Baka masyadong maraming trabaho…
SEC. ANDANAR: [Laughs] Hindi naman, hindi naman, hindi naman. Talagang nagkasalubong lang talaga lahat noong mga issues. At alam naman natin na si Mocha din ay very sensitive; kagaya noong sinabi niya sa Senado, na siya na lamang ang magsasakripisyo para hindi maantala ang budget ng Kongreso. Kagaya noong sinabi ni Harry Roque, eh good luck doon sa mga naging kritiko ni Mocha, iyong mga mambabatas na talaga ay umuupak sa kaniya dahil ngayon ay private Mocha na siya, at kahit sino puwede na niyang upakan ngayon, walang kaba, wala mang warning na baka maapektuhan iyong budget noong isang ahensiya o hindi.
GONZALO: Eh speaking of your budget, kumusta Sec. Martin? Okay na, wala pa?
SEC. ANDANAR: Ah sa Kongreso okay na, sa Lower House ay ito po ay inaprubahan agad kahapon pagkatapos po noong aming Senate hearing at si Mocha ay nag-resign; kami po ay dumiretso sa Mababang Kapulungan at doon po sa Mababang Kapulungan ay in-approve po nila ang aming budget in two minutes.
GONZALO: Okay. Ano naman ang take mo Sec. Martin dito sa panukala ng ilan na buwagin ang PCOO, ibalik na muli iyong Office of the Press Secretary, tama ba iyon?
SEC. ANDANAR: Maganda iyan, magandang hakbang iyan sapagkat alam mo sa katotohanan lamang ay kami mismo—ako mismo noong 2016 pa, iyon po ang pinanukala ko sa ating Executive Secretary na ibalik sa Office of the Press Secretary. Kaso marami hong issue at natambakan na po ito ng iba pang mga polisiya ng gobyerno at mga isyung pangpolitika kaya hindi po nangyari. Kaya ako po ay bukas na bukas po doon, sa panukala ni Senator Sotto na ibalik po ito sa Office of the Press Secretary nang sa ganoon ho ay ma-consolidate iyong poder ng opisina; ito po ay magandang legacy para kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
GONZALO: Okay. Tinatanong: sino naman ang ipapalit mo Sec. Martin kay Asec. Mocha, wala pa?
SEC. ANDANAR: Alam ninyo po, eh hindi po kami nag-iisip kung sino ipapalit, kung papalitan po, mukhang mahirap palitan si Asec. Mocha in a sense that napakadami niya pang followers, napakadami pong naniniwala sa kaniya. In fact, she can sway an opinion; mahirap po iyong… masyadong malaki iyong sapatos ni Mocha para ito po ay mapalitan ng katulad niya.
GONZALO: May posibilidad ba na puwede pang mapigil si Mocha sa kaniyang desisyon?
SEC. ANDANAR: Ay mukhang tinanggap na ho ni Pangulong Duterte iyong kaniyang resignation.
GONZALO: Okay…
SEC. ANDANAR: At kung anuman ang plano ni Asec. Mocha, siguro alam din ni Presidente kung anong plano niya.
GONZALO: Okay. May mga lumulutang na mga pangalan sa Facebook nakikita ko eh. Si Drew, iyong kaniyang partner sa radio…
SEC. ANDANAR: [Laughs]…
GONZALO: Mayroon pang nag-post dito eh… baka puwede naman si Vice President Paul Gutierrez nandito [laughs]…
SEC. ANDANAR: Aba… si Paul Gutierrez… Puwede, puwede si Paul Gutierrez [laughs]
GONZALO: [Laughs] May mga nagpo-post dito eh, oo…
SEC. ANDANAR: Puwede rin si Rolly Gonzalo, kaso Presidente ka na eh…
GONZALO: [Laughs] Naku, marami pang trabaho [laughs]… Okay, at kailan ka babalik? Iyon nga pala, kailan ka papasyal sa press club uli ha, Sec. Martin?
SEC. ANDANAR: Ay… ngayong October alam ko mayroon tayong tatlong activity diyan sa National Press Club.
GONZALO: Oo. Eh anniversary na namin Secretary ha, huwag mo kalimutan.
SEC. ANDANAR: Ay sigurado po, nandiyan po ako, sigurado.
GONZALO: Okay. Sige thank you, thank you Sec. Martin. Salamat na muli ha…
SEC. ANDANAR: Maraming salamat. Maraming salamat Ka Rolly ‘Lakay’ Gonzalo at mabuhay po ang DWIZ, mabuhay po ang National Press Club.
GONZALO: Salamat. Thank you Sec.
SEC. ANDANAR: Thank you po.
GONZALO: Thank you. Secretary Martin Andanar ang inyo hong napakinggan.
###