Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Weng dela Peña– Special Coverage/DZBB


DELA PEÑA:   Ano ang inisyal na puwede ninyong maibahagi sa ating mga kababayan na magiging aura ng SONA ng Pangulo mamaya, Secretary?

SEC. ANDANAR:   Ang magiging aura nito, Weng, sa palagay ko ay, number one, isang SONA na bibigyan ng maliwanag na direksyon ang ating mga kababayan at ang ating bayan sapagkat ngayon po ay times of uncertainty, hindi po malinaw kung bukas ba ay may trabaho pa, may mapapasukan pang trabaho ang ating mga kababayan; ang ating mga OFWs makakabalik pa ba sila sa kanilang mga dating trabaho sa abroad; kung ang mga estudyante ba ay makakabalik pa doon sa dating face-to-face learning.

Full of uncertainties gaya nga nitong nangyayari sa atin dahil sa pandemya. At hindi lang naman ang Pilipinas kung hindi ang buong mundo is grappling with this pandemic called COVID-19. It brought everybody down to their knees including ang ating ekonomiya, ang ating mga industriya, ang ating mga paaralan, ang ating health sector, ang ating social sector. Lahat po ay naghihirap po sa panahon na ito.

So, ang hinihingi po natin ng ating taumbayan ay mga kasagutan sa mga uncertainties, sa mga katanungan kung ano ba ang mangyayari sa atin during this pandemic and after the pandemic.

Kaya asahan po natin, Weng, na mayroon din po tayong makikitang optimism at saka hope, pag-asa, at gaya po ng mga nakaraang SONA ay mayroon din pong—asahan natin ang mga achievements na nagawa po ng ating administrasyon lalo na sa gitna po ng pandemya.

Mayroon din pong… asahan po natin na pag-uusapan itong economic recovery. Siguro, pagbanggit din po sa ating mga frontliners; mayroon din pong puwedeng asahan natin na pagbanggit ng mga resolutions, mga Bills na pinush po ng ating administrasyon katulad ng mga Malasakit Center; mga nakinabang po sa Salary Standardization Law; ultimo mga nurse na nabigyan po ng increase sa sahod.

Nandiyan po iyong mga subsidy programs para sa ating frontline agencies; iyong enactment po ng Bayanihan Law at iba pang mga COVID response programs asahan din po natin na pag-usapan siguro, na babanggitin ni Presidente.

Ang fiscal and monetary management ng ating bansa para mapalakas ang ekonomiya; siguro kailangan din nating—asahan din po natin iyong mga concrete plans para po mapalakas pa ng gobyerno ang response natin sa hinaharap na pandemya; and of course, how to steer our country towards socio and economic recovery.

DELA PEÑA:   Opo. Secretary, iyong sa nabanggit ninyo kanina na direksyon, ito ba’y maglalaman ng ma iuutos niya siguro sa Ehekutibo na tutukan nang sa gayon ito pong mga pamilyang kumakalam ang sikmura ay after ng SONA ay makakaramdam ho ng kasiguraduhan na baka bukas o makalawa ay muling may ayudang darating ho sa kanila?

SEC. ANDANAR:   Well, hindi ko masasabi kung mayroong atas na mangyayari pero ang masasabi ko lang ay kahalagahan ng pag-deliver ng healthcare services sa ating vulnerable sectors sa ating bansa at asahan din po natin  na mas maliliwanagan po ang ating mga kababayan at mabibigyan po ng assurance na ang ating gobyerno ay nandiyan para sa kanila.

Hindi naman ito popularity contest, sinabi ko nga sa mga nakaraang interview na hindi naman mahalaga kung mataas iyong popularity rating, ang mahalaga ay maibibigay lang talaga sa mga kababayan natin iyong kanilang pangangailangan sa mga panahon na ito.

At ano ba iyong pangangailangan na iyon? Number one, kailangan eh malusog; number two, kailangan nakakakain tatlong beses sa isang araw. So, kailangan maibalanse nang maayos iyon, Iyong health need at iyong livelihood mabalanse nang husto iyon. So, iyan po ang importante sa panahong ito lalung-lalo na wala pang vaccine na nadi-discover.

So, while there’s no vaccine eh talagang new normal tayo. At nabanggit mo nga, ito na ang isa sa pinakamahalagang SONA sa mga nakaraang SONA siguro for the past fifty or sixty years ito na sapagkat grabe iyong probemang nito parang giyera din, parang World War 2 na lahat po dapa eh.

DELA PEÑA:   Opo. Iyon na nga iyong gusto nating malaman kasi unlike doon sa mga nagdaang SONA, kadalasan ibinibida eh, ibinibida Secretary siyempre iyong mga nagawa, accomplishments, kasi parang accomplishment report na rin ho ito sa taumbayan para alam nila kung saan napunta ang perang ginastusan noong nakaraang taon. Pero ngayon, kakaiba dahil nakatutok ho tayo sa prayoridad, kalusugan muna. Pero ano ho ang magiging reaksiyon? Ito doon ho sa mga pumupuna naman, Secretary, na na-mention ninyo nga kalusugan ang prayoridad pero mukhang hindi yata raw tumugon talaga para ho sa ikalulusog ng taumbayan dahil patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19. Ano hong reaction ninyo doon ho sa mga pumupuna na kulang ang pagtugon sa problema ng pandemyang ito ng pamahalaan?

SEC. ANDANAR:   Libre namang mag-criticize, libre naman ang magsalita, maghayag ng opinyon pero sa katotohanan lang po tayo. Siguro, mahalagang balikan po natin, Weng, na tayo po ay 6.7 ang GDP growth rate bago po nangyari ang pandemya. As a matter of fact, 6.6% iyong gross domestic product natin na average from 2016 until nangyari po ang pandemya, mataas po iyon.

Tapos iyong ating debt to GDP ratio ay nasa 39% po iyon, ibig sabihin, nababayaran po ng Pilipinas ang kaniyang utang. Mas maliit po iyong utang kaysa gross domestic product, lamang po tayo. Hindi tulad noong mga mid-2000, nasa 71% ang debt to GDP, halos hindi po natin mabayaran iyong—halos kaunti na lang po ang natitira sa gross domestic product para panggastos ng gobyerno.

Kung titingnan din po natin, ang ating inflation rate ay nasa tres porsyento, iyan po ang average inflation rate natin mula 2016 hanggang 2019 at ito po ay nanganghulugan na tama po iyong pagpapatakbo ng ekonomiya ng pamahalaang Duterte. Ganoon din po sinabi ng Moody’s na BBB ang ating credit rating at sa Japan nga, ang Japanese credit rating agency ang nagbigay po ng BBB+. So, tama po talaga.

Now, kung maraming nagugutom ngayon kumpara sa mga nakaraang buwan bago po mangyari ang pandemya ay ito naman ay talagang inaasahan nating mangyayari dahil sa pagbagsak ng GDP from 6.7 to -0.2%. Eh, kung walang trabaho ang tao eh tiyak ho talagang mawawalan ng kakayanan na bumili ng mga pangunahing pangangailangan at ito naman ay dahil sa COVID-19, hindi naman ito dahil sa mali ang pagpapatakbo ng ating ekonomiya, ng ating gobyerno.

At kung bakit lamang tumataas ang bilang ng mga nagpositibo ay ito naman ay dahil sa increased number of testing na nangyayari. Basta tandaan po natin bago po ito lahat nangyari wala pa tayong… I think wala pang 1% ang nate-test. At ano ba ang target natin sa testing? More than 1%, I think 10% ang target na ma-test sa ating bansa, ng DOH.

So, ini-improve naman ng gobyerno ang testing capacity. Ngayon, ang average natin 18,141 as of July 5 at ang target natin ay more than that, 30,000. At dito naman papasok ngayon ang Bayanihan to Heal as One Act Part 2 para mapondohan pa rin po ang ating pamahalaan sa mga health requirements ng ating IATF at para din po mapondohan ang ating mga pribadong negosyante para masuportahan po at makapag-survive sila sa panahong ito.

At ganoon din po, para mapondohan ang ating DSWD para tuloy-tuloy iyong social safety net programs ng pamahalaan.

DELA PEÑA:   Okay. Secretary, nabanggit ninyo noong sa isang pahayag noong Biyernes, nag-ensayo na ang Pangulo para sa SONA mamayang hapon. May mga napansin na ba kayo? Siguro nasilip ninyo naman siguro ang laman para sa preparasyon na rin. Siyempre, may mga video presentation pa yata iyan. Mayroon bang ganoon ang laman ng (SONA) ng Pangulo? May mga litratong ipapaskil, ipapakita? May mga video ba ang takbo ng SONA ng Pangulo?

SEC. ANDANAR:   Iyan po ang plano ni Director Joyce Bernal na mayroon pong video na maipapalabas. Hindi po ako mismo saks sa rehearsal dahil limitado lang po iyong puwedeng manood ng rehearsal. Pero sa tantiya po ng inyong lingkod, base po sa mga reports sa akin ay kung masusunod po iyong speech na wala pong adlib, between one hour to one hour and twenty minutes po ang itatagal.

DELA PEÑA:   One hour hanggang twenty minutes? One hour and twenty?

SEC. ANDANAR:   Tama, one hour hanggang one hour twenty—

DELA PEÑA:   Kapag walang isisingit ang Pangulo. Alam ninyo naman ang Pangulo sumisingit-singit iyon eh, uma-adlib.

SEC. ANDANAR:   Yes po. Kung mayroon pong adlib tiyak po na mas mahaba.

DELA PEÑA:   Ano ho iyong napansin ninyo ho siguro doon ho sa—kasi may mga inalis ba kaya ang Pangulo? Ano ba ang nakuha ninyong report? May mga binago ba siya last minute hanggang siguro kagabi mayroon ba siyang binago?

SEC. ANDANAR:   Mayroon pong mga pinabago sa talumpati. Mayroon pong mga idinagdag, mayroon pong inalis. So, as of last night mayroon pa rin pero siguro ngayon tapos na, okay na.

DELA PEÑA:   Okay. Iyong mga pagbabago na iyan, ano iyan dahil sa tingin niya na magiging, parang puwedeng ihayag na lamang sa mga susunod na araw at talagang nakatutok lang ito sa COVID kaya – lahat?

SEC. ANDANAR:   Well, kasi nagkaroon na naman tayo ng pre-SONA, hindi ba, Weng?

DELA PEÑA:   Uhm, iyong mga accomplishments.

SEC. ANDANAR:   Tatlong linggo iyon, in SONA-type, accomplishments. Usually naman kapag may pinapaalis si Presidente sa kaniyang speech ay dahil mas gusto pang i-focus ni Presidente iyong atensiyon sa iba pang mga detalye within the speech. Kasi siyempre, isang oras lang iyon eh at ilan lang ang maisasama mo sa isang oras. Ang gustong marinig ng mga kababayan natin ay iyong pinakamahahalaga para sa ating Pangulo.

DELA PEÑA:   Opo.

SEC. ANDANAR:   Ito nga iyong lampara na ipapakita sa atin ng ating Pangulo mamaya at iyong lampara na iyon, kasama doon iyong mga polisiya niya sa ilalim ng lampara para mas maliwanag para sa ating lahat. Ngayon, kung sobrang dami naman noong nasa ilalim ng lampara eh siyempre hindi mo mapo-focus doon talaga sa gusto ni Presidente kaya kailangang bawasan.

DELA PEÑA:   Okay. Iyon pong lampara na iyan, iyan ba ay dapat hindi lang sundin ng mga nasa Ehekutibo kung hindi dapat sundin ng Kongreso ang mga hihingin niya, ipa-prioritize niya na mga bill, at saka mismo ng taumbayan? Dapat sundin talaga natin istrikto, Secretary?

SEC. ANDANAR:   Iyan po ay magiging panawagan na magkaisa po ang bansa natin, isantabi ang pulitika at unahin natin iyong economic and social recovery kasama na rin po ang health recovery ng ating bansa. Wala naman pamumulitika dito dahil si Presidente ay nasa latter part na ng kaniyang pamamahala.

In fact, this is his fifth State of the Nation Address, next year na po iyong huli kaya ang mahalaga po dito ay iyong lampara na iyon ay mailawan iyong mahahalagang bagay na sundin ng Kongreso, sundin ng Senado, sundin ng Ehekutibo, sundin din ang iba pang institusyon ng ating pamahalaan. At pinakamahalaga sa lahat, ang sundin at suportahan ng taumbayan dahil ito naman ay para sa ating lahat. Hindi naman ito para sa mangilan-ngilang tao lang, ito naman ay hindi pulitika, ito po ay para talaga sa bansang Pilipinas.

DELA PEÑA:   Opo. Hindi lang na-invite ho ang Pangalawang Pangulo, Secretary? May alam ho ba kayo kung bakit at virtual lamang in-invite ang Pangalawang Pangulo?

SEC. ANDANAR:   Hindi po ako privy diyan. Ang alam ko lang po ay mangilan-ngilang Cabinet Officer lang din o Secretaries ang makakapunta. Marami po kami sa Cabinet Secretaries ang nasa Zoom tapos, ito nga ay dahil sa health protocols. Kailangan may physical distancing sa Kongreso.

DELA PEÑA:   Okay. Balikan ko lang iyong unang-unang nabanggit ninyo na mga maaari na mga subject matter na babanggitin. Puwede kong isa-isahin at sabihin ninyo lang siguro kung nandoon ho sa magiging talumpati ng Pangulo mamaya? Unahin lang natin, Secretary – Social Amelioration Program, nandoon kaya iyon? Kasi maraming naghihintay, ayuda-ayuda, kung ipagpatuloy ba iyan?

SEC. ANDANAR:   Hindi ko masasabi dahil ayaw ko namang i-preempt si Presidente—

DELA PEÑA:   Okay, okay…

SEC. ANDANAR:   Pero lahat po ng nabanggit ko kanina, Weng, lahat po iyon ay posible.

DELA PEÑA:   Posible pa lang. Okay…

SEC. ANDANAR:   Hindi ko sinasabi na lahat iyon nandoon. Posible po iyon, hindi natin alam kung mayroong mga last minute na changes sa talumpati, so mahirap po mag-preempt kaya abangan na lang po natin mamaya. Ito po ay appointment natin with destiny mamaya, so kung gusto po natin ay makita ang destino ng ating bansa ay napakahalaga po ng State of the Nation Address mamayang alas-kuwatro.

Isa na ho ito sa pinakamahalagang SONA sa mga nagdaang SONA, ito na ho siguro ang pinakamahalaga para sa mga Pilipino, para sa ating mga kababayan.

DELA PEÑA:   Iyong Philhealth, hindi rin kasama iyon?

SEC. ANDANAR:   Sa Philhealth—

DELA PEÑA:   Issue.

SEC. ANDANAR:   Again, I cannot pre-empt the President.

DELA PEÑA:   Okay… sige, sige… Baka lang may mga nag-aabang eh. Pero ito lang, may—ito, panghuli ko na lang. Kasi may suggestion eh, may suggestion si Senate President Pro Tempore Ralph Recto, sabi niya maglaan daw ho ng parang parte ng recovery plan, maglaan ng 30-day na plan para bago man lamang ho dumating ang tinawag niya hong Jose Mari Chan deadline, iyong tutugtog na ulit iyong mga awiting pamasko sa “ber” months, labas na tayo sa ICU. Mayroon bang ganoon na somehow na plano ang Pangulo na deadline within the next twenty days, thirty days ang Pilipinas ay off na from quarantine? Dapat ganito, hanggang thirty days lamang tayo, bababa na dapat at hindi na tayo aabot pa sa puntong nasa 130,000 ang magiging positibong kaso ng Pilipinas?

SEC. ANDANAR:   Wala po akong naririnig na nabanggit po si Presidente patungkol po sa deadline na ibinibigay niya sa kaniyang sarili o ibinibigay niya sa buong bayan.

DELA PEÑA: Wala muna, okay. Sige, abangan ho natin iyan. Secretary, kami ay nagpapasalamat at kumusta naman ho kayo pala diyan, eh 25 nagpositibo sa inyo sa PCOO?

SEC. ANDANAR:   Well, nasa 19 po iyong active cases at nalulungkot po iyong mga kasamahan ko at mayroon pong isang namayapa na, so that’s 20. Tapos, mayroon po tayong mga walo na nag-positive po sa mga line agencies; ang isa po ay namayapa na.

At tuloy-tuloy po iyong ating swabbing sa ating mga kasamahan sa PCOO at ito naman ay siguro dahil na rin sa isa ho ang PCOO na nasa frontlines eh at tuloy-tuloy po iyong ating Laging Handa, lumalabas naman diyan sa DZBB. Nagpapasalamat po ako sa GMA at ipinapalabas ninyo po ang Laging Handa.

Mula noong nagkaroon ng lockdown ay wala namang tigil iyan, umaga hanggang gabi may programa po tayo. So, ano po…

DELA PEÑA:  Okay. Sige, Secretary, kami ay nakikiramay sa pagpanaw ng isa ninyo hong staff diyan sa PCOO. Salamat ng marami at good luck sa inyong preparasyon mamaya para sa SONA ng Pangulo.

SEC. ANDANAR: Thank you, Weng, and salamat po sa DZBB.

 

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)