RIVERA: Good morning po, Atty. Sal.
SEC. PANELO: Good morning, Bruce.
RIVERA: Atty. Sal, siyempre you’ve been asked many times about this, but of course I’d just want to hear it from you: Ano po iyong comment ninyo, ano po iyong masasabi ninyo dahil the Philippines was again voted as part of the UN Human Rights Council; and what’s the implication of this accolade?
SEC. PANELO: Sa tingin ko dahil nakasama tayo doon ulit, kinikilala ng mga bumoto sa pagbigay sa atin ng another seat for another three years iyong ginagawa ni Presidente [na] war against drugs. Ibig sabihin, hindi totoo iyong mga sinasabi ng mga detractors. Kasi kung iyong karamihan sa mga miyembro diyan – 165 ang bumoto eh – ay hindi hanga o hindi tumutugma sa kanilang pananaw how to maintain the rule on protecting human rights, hindi tayo gagawing miyembro doon kung masama ang record natin, bakit binibigyan tayo ng another seat.
RIVERA: Of course, Atty. Sal, ang akin pong tanong is: Ito bang voting for the UNHCR, qualified majority ba ang kailangan, based on the Yalta formula na kailangan walang veto iyong limang members ng Security Council?
SEC. PANELO: I’m not sure about that. Pero ang alam ko parang mayroong minimum number of votes to give you a seat. Eh tayo, 165, more than.
RIVERA: Okay, okay. Ano ba iyong major functions ng UNHCR aside from, you know, parang policy determination on human rights situation? Aside from that, ano ba iyong—
SEC. PANELO: By the name itself, human rights council. Ibig sabihin, sila ang parang watch dog ng mga miyembro kung papaano nila papangalagaan ang karapatang pantao ng bawat bansa. And they will be, siyempre, condemning and doing something about those who violate the same. Iyon ang magiging function nila.
FALCIS: Good morning, Atty. Sal.
SEC. PANELO: Good morning, Atty. Jess.
FALCIS: Congratulations po sa inyong pagiging Presidential Spokesperson.
SEC. PANELO: Salamat.
FALCIS: Sir, sabi ninyo po kanina, validation iyong ating pagkaupo sa UN Human Rights Council siyempre na hindi totoo iyong parang mga EJK o iyong criticisms ng mga detractors dahil binoto tayo tapos nilagay tayo doon. Pero, sir, hindi ba conflict iyon doon sa parang pinaka-recent na periodic review ng UN Human Rights Council? Meaning, hindi naman it follows na porke’t binoto nila tayo sa Council ay dini-disregard na nila iyong luma na nilang reports, sir, na they are concerned about human rights situation here such as extrajudicial killings – by the Council itself, sir, ha 2017 periodic review.
SEC. PANELO: [Distorted signal] Iyon ang unang findings siguro nila. Baka subsequently ay nakita nila na hindi naman pala accurate iyon. Kasi kung accurate iyong findings nila noon at talagang sinasabi na-validate nila, hindi tayo ibuboto ng mga member states doon para magkaroon ng seat. That would have been a slap on our face. Pero hindi naman eh. Out of 190, 165 ang bumoto sa atin eh.
FALCIS: Oo nga, ang dami, sir. We have the approval.
RIVERA: Of course, ako mayroon akong question, sir. Hindi siya related sa United Nations but, of course, related siya sa inyong office na itatayo. Ano na ba ang situation ngayon doon sa Office of the Press Secretary?
SEC. PANELO: Wala pa. Wala pa, Atty. Bruce. An executive order will be issued by the President. Wala pa.
RIVERA: How about Bong Go, sir, ano na kay Bong Go? Tuloy na ba ang pagtakbo or may agam-agam pa? Kasi ang balita rito, parang mayroong doubt kung tatakbo siya o hindi?
SEC. PANELO: Tatakbo iyon.
RIVERA: Okay. Napaka-diretso ng sagot.
FALCIS: Baka sa Wednesday ang filing.
RIVERA: Oo. So aside from Bong Go, sir, sino pa ba ang ibang mga miyembro ng Gabinete natin na tatakbo?
SEC. PANELO: Marami eh. Si Secretary Francis Tolentino, Secretary Alan; si Secretary Titoy; si Secretary Mamondiong, Secretary Evasco; si Secretary Castriciones.
RIVERA: So si Secretary Tolentino kasama siya.
FALCIS: Ang daming kailangang palintan.
SEC. PANELO: Si Secretary Roque, alam ko tatakbo.
RIVERA: Tatakbo ba? Kasi ang balita parang hindi na rin daw. Ano kaya? Sir, of course, ang last question ko po, on my part: Kumusta na po ang Presidente, sir, ngayon? Ano na po ang kaniyang ano, kasi siyempre iyong ibang tao ay nagsasabi na may sakit daw or something? Ano na ngayon, kumusta na ngayon si Presidente at ano na ang kaniyang ginagawa?
SEC. PANELO: Palagay ko mas malusog sa inyong dalawa. Kasi tingnan mo ang kaniyang punishing schedule: Every day lumalabas siya. Hindi lang ordinaryong labas eh, lumilipad sa iba’t ibang lugar; bumibisita sa iba’t ibang lugar. Pumupunta pa sa ibang bansa, tapos may mga meetings pa sa Malacañang hanggang gabi. It’s such a punishing schedule. Hanga ako sa taong ito eh, how he can manage—
RIVERA: Totoo ba, sir, na alas singko ng umaga siya natutulog, o alas sais, kasi iyon ang narinig ko?
SEC. PANELO: Ang tulog niya talaga ay six or seven in the morning.
RIVERA: Ilang oras ang tulog niya, sir?
SEC. PANELO: Eh di ano pa rin, eight hours.
FALCIS: That is the best kind of sleep.
RIVERA: Thank you, sir. Salamat po sa inyong clarification. Mabuhay po kayo. And, of course, we will be looking forward to you ascending the Office of the Press Secretary. Okay po, salamat po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)