Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo by Orly Mercado (DWFM – All Ready)


Event Radio Interview

MERCADO:  Secretary Sal, good morning.

SEC. PANELO:  Good morning, Sen. Orly.

MERCADO:  Okay, pag-usapan muna itong isyu na itong—ano ang view mo rito sa mandatory drug testing for candidates for next year?

SEC. PANELO:  Yes.

MERCADO:   Ano ang opinion po ninyo?

SEC. PANELO:  Well, iyong mandatory drug testing sa national candidates, hindi pupuwede kasi merong prohibition sa Saligang Batas at meron nang desisyon ang Korte Suprema doon. Kasi alam mo sa Saligang Batas kasi nandoon ang mga qualifications at hindi pupuwedeng isang batas ang mag-amyenda sa Saligang Batas. Parang pag naglagay kasi ng drug testing, you are adding qualifications. So sabi ng Korte Suprema, hindi puwede iyan.

Pero iyong local puwede kasi iyong Republic Act 9165 na-amyendahan iyong Local Government Code. Doon sa Local Government Code nakalagay na iyong mga qualifications, walang mandatory drug testing doon. Pero 9165, mandates na lahat ng mga kandidato, national at saka local puwede—pumasok sa mandatory drug testing. Pero sabi ng Korte Suprema hindi pupuwede sa national, local lang.

MERCADO:  Okay, so iyon ang maaring maging direksyon itong requirement na ito. But—

SEC. PANELO:  Alam mo, Sen Orly, kung ako naman ang kandidato boluntaryo akong magsa-subject sa drug testing, kasi iyong mga elektorado kung ayaw mo, ibig sabihin ay may tinatago ka, may problema ka.

MERCADO:  And this is a big issue, because the President has also made it very clear na there is also a danger na merong mga mananalong mga—kasi because of the money that is involved in the drug industry, the dangerous drugs. Ito iyong mga maaring makabili ng boto at saka merong economic power sila that they can use to win the votes, hindi po ba.

SEC. PANELO:  Definitely. May pera iyang mga iyan.

MERCADO:  Kaya to prevent that eh, kinakailangan eh we should have a campaign to really to make sure na iyong mga kumakandidato ay hindi mga puppets ng drug lords o kaya sila  mismo ay involved in drugs.

SEC. PANELO:  Tama ka diyan, Sen Orly.

MERCADO:  Maiba naman ako ng usapan. Maganda ang naging satisfaction rating ng mga Cabinet members, ano ba nag reaksyon ng Pangulo tungkol dito sa latest survey?

SEC. PANELO:  Natutuwa si Pangulo, natutuwa rin iyong mga Cabinet members, but it doesn’t mean na magiging complaisant sila. In fact, that should encourage them to work more para mapakita nila iyong kanilang katapatan sa serbisyo sa publiko.

MERCADO:  Does this mean na iyong isyu ng inflation na naging isang isyu na nakakabagabag sa most of Filipinos has been already… or has been managed already.

SEC. PANELO:  Natural lang talagang mag-react ang mga tao. But if you will notice, hindi ba ang presyo ng bilihin ngayon nag-uumpisa nang bumaba, kahit na langis natin, sa gasoline may rollback. So, hopefully magno-normalize na.

MERCADO:  Okay, so sa kasalukuyan, sa ating mga isyu eh merong mga iba’t-ibang mga bagay na gusto naming itanong din sa inyo na nauukol dito sa ano… Meron bang balita kung ano ang magiging desisyon o magkakaroon na ba ng desisyon doon sa ikatlong Telco dahil sa meron na ngang—you know the Senate is I think going to conduct another hearing and they want to find out what is the process and what are the possibilities of this happening before the end of the year?

SEC. PANELO:  Kasalukuyan pa ring pina-process iyan, pero ang sabi ni Presidente noon – if you remember, sabi niya during my tête-à-tête conversation with him di ba sabi niya – pag by November wala pang nangyayari diyan, I’ll take over.

MERCADO:  So, does it look like they are getting… they’re going to meet the deadline?

SEC. PANELO:  Hopefully, hopefully.

MERCADO:  Isa pang isyu. Iyong peace talks naman with the communist, what are the possibilities na ito ay ma-resume? It’s been going on for some time, pero nababalahaw pa rin.

SEC. PANELO:  Alam mo ang posisyon ni Presidente diyan mula’t sapul is for peace talks, he wants the struggle ay matapos na, 50 years na iyan, Ka Orly, masyado nang matagal iyan.

MERCADO:  Half a century, more than half a century.

SEC. PANELO:  It has resulted into Filipinos killing Filipinos.  It also resulted into bright young boys scholars snuffing their lives, masyadong maaga sila namamatay. Sa halip na magsilbi sila sa pamahalaan during peace time eh patay na sila. And then we have the continuing grief ng mga pamilya ng mga napatay na sundalo at mga estudyante na naging rebelde, eh talagang kailangang tapusin na natin ito. Alam mo kung talagang thousand ang mga komunista, eh katanggap-tanggap matagal na silang nanalo, pero hindi eh. Kaya nga binibigyan ni Presidente ng pagkakataon na magkasundo na tayo.

You must remember na sa umpisa pa lang ng kanyang Gabinete, binuksan niya sa kaliwa eh, pero they didn’t take advantage of that. Nag-uusap tayo sa lamesa, iyong mga leaders kausap natin, pero iyong mga tagasunod ay ina-ambush naman at pinapatay ng mga pulis ang mga sundalo natin, hindi naman pupuwede  iyon.

Kaya Sen. Orly, we are concentrating doon sa localized peace talks, kasi iyong mga nandoon sa baba ay gusto na rin sila siguro… pagod na rin sila ng kalalaban kaya maraming sumu-surrender sa kanila, tinatanggap iyong alok ni Presidente na merong nag-aantay sa inyong trabaho, magbagong buhay tayo; baka iba namang istilo eh makuha n’yo rin iyong gusto ninyo.

MERCADO:  So, how does that look in terms of the possibility that, you know, iyon na iyong magbunga ng mas malawakang peace agreements?

SEC. PANELO:  Eh sa ngayon—eh di ba iyong speech lang ni Presidente noong isang araw, sabi nga nila soft na naman siya. Kasi nga si Presidente, talagang gusto niyang matapos na iyan. At the end, we have to be sincere; iyong parties sa negotiating table, hindi pupuwedeng iyong may ginagawa iyong isang kamay niya, iyong kabilang kamay niya meron ding pailalim.

But definitely, nasasaktan ang national leadership ng Communist Party of the Philippines sa ginagawang localized negotiation. Kasi maraming sumu-surrender eh.

MERCADO:  May last point is ano ang reaksiyon ng Malacañang doon sa nangyari sa Negros na merong mga napatay at ang pinag-uugatan yata nito ay land dispute?

SEC. PANELO:  Oo, pero alam mo lumalabas sa imbestigasyon na ang nasa likod niyan eh CPP-NPA, kasi iyong mga surviving victims nakilala nila iyong mga sumalakay at pumatay. So, iyon ang lumalabas ngayon.

MERCADO:  So ito ay puspusan bang pina-iimbestiga pa sa kasalukuyan sa PNP?

SEC. PANELO:  Oo, pero iyon ang lumalabas na findings ngayon. If you noticed or if you learned about the ambush sa FDA General Director natin si Nela Charade Puno na lumalabas mga NPA din ang mga ano doon… nang-ambush, ilang police natin ang napatay doon, tatlo, nasugatan tatlo, baka namatay na nga siguro iyong ano… parang anim. Kaya iyan ang problema eh, iyong mga nasa taas, nakikipag-uusap ng kapayapaan, pero giyera naman ngayon sa baba.

MERCADO:  Thank you very much, Secretary Sal. Maraming salamat sa pagsagot sa aming tawag and explaining the views of Malacañang on these issues.

SEC. PANELO:  Salamat, Sen Orly, Thank you.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource