Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo by Orly Mercado (DWFM – All Ready)


Event Radio Interview

MERCADO: Secretary Sal, good morning.

SEC. PANELO: Good morning, Sen. Orly.

MERCADO: Okay. Ang pagkakaalala ko dito sa Bureau of Customs, panahon pa noong araw ni Presidente Marcos, naalala ko iyan iyong bang pinalitan lahat tapos iyong isang buong klase ng PMA ay nilagay doon sa … mag-man ng Bureau of Customs. There’s always been a problem of, you know, creeping or I don’t know how… the corruption could be creeping. But it’s systemic din eh. Ano ba ang pananaw ng Malacañang tungkol dito sa isyung ito, sa problema ng Bureau of Customs?

SEC. PANELO: Ang problema diyan, kaya nga ‘di ba sinabi ni Presidente, iyong mga nasa baba talaga na ano eh … mukhang marami sa kanila ang involved. Sabi ng—ang Customs malala ang corruption eh. Kahit na sino ang ilagay mo, mukhang nahihirapan silang maging matagumpay. Pinaglalaruan ka ng mga nasa baba mo eh, ganoon ang nangyari diyan.

Now, with respect to Commissioner Lapeña, alam mo matagal nang naka ano iyon… naka-ready i-transfer sa TESDA. Kaya lang nadali kasi—alam mo si Presidente, ano siya, he wants to spare him from intrigue dahil sinisiraan nang husto eh. Kaya nabigla iyong ano… nadali iyong announcement; nadali iyong promotion niya, Cabinet member na siya ngayon. Kasi ang BOC is just a bureau under Department of Finance eh. Dapat next week pa ang announcement—

MERCADO: Pero dito sa Bureau of Customs, with the new director, pagpasok ni …ang choice is now Commissioner Guerrero who comes from MARINA ‘di ba. Ano ba ang marching order ng Pangulo para dito sa Customs?

SEC. PANELO: Ganoon pa rin: Get rid of corruption there. Do something about it.

MERCADO: Will he change the whole … iyong mga staffing system? Sabi, naka-ugat na iyong mga problema natin diyan sa ano… nakakabit pa sa drugs. How do you change, reform the system? And how it will be undertaken?

SEC. PANELO: Naka’y bagong Commissioner Guerrero iyan. Ang suggestion noon ni Commissioner Lapeña, kailangan magkaroon ng mga pagbabago. Eh si Presidente ang unang pagbabagong ginawa niya ay change the entire commissioners—

MERCADO: Iyan, oo.

SEC. PANELO:—departments, lahat ng bureaus, iyan muna ang binanat niya eh. Siguro after that, iyong mga pumalit ay baka change ng mga personnel naman.

MERCADO: Oo. Tapos after a while, they get cozy with the, you know, with the system and naka-ugat nga. How do you root out that system and change it and ensure na hindi babalik iyong mga problema?

SEC. PANELO: Alam mo, ang problema kasi nasa tao eh.  Siguro we have to … siguro kailangan mag-spiritual ang mga taong iyan. Kasi kung aasahan mo lang iyong sistema hindi na magbabago. Sabi nga ng aking spirit guide, “You want to change society, change yourself.” Otherwise, walang mangyayari sa inyo, palagi kayong ganyan.

Palagay ko kailangan ng internal transformation ng bawat mamamayan sa ating bansa. Kasi kapag may internally transformed ka kasi, ang kalaban mo sarili mo eh. Mahihiya ka sa sarili mong gumawa ng masama kasi nagiging spiritualized ka na.

MERCADO: Iniisip ko, talaga naman I cannot disagree with you pero talagang napakahirap talagang, you know—sabi nga rin eh, ‘Kahoy mang basa, idarang mo sa apoy, maglalagablab din iyan after a while.’ You have to be able to … is it a matter of person or should it be system also na nag-provide sa checks and balances and maybe constant changing…

SEC. PANELO: Siguro both. Kapag nakita mo—kagaya niyan, may nakalusot dahil sa—dalawa eh. Sinasabi kaya nakalusot because iyong magnetic na pinaglagyan ng mga shabu, it was pala designed to conceal. Hindi to lift but to conceal kaya may mga lead around it, kaya hindi mo makikita ang laman.

Now, even assuming that to be true – and most likely true – ang problema, iyong nagbabantay ay puwedeng palusutin din, ‘di ba. Tao na naman eh.

MERCADO: Maiba naman ako ng usapan. Mayroon kayong mga bagong mga appointments, mga tinalaga – Secretary Jess Dureza, Mon Tulfo, and mayroon na yatang kapalit si SAP Bong Go. Sino po ba itong mga ito? Ano ba ang mga assignments?

SEC. PANELO: Ia-announce ni Presidente. Hindi ko pa alam kung ano ang exact na assignment. But their appointments will be released later on. Sabi ni Presidente, sabi niya next week ia-announce niya.

MERCADO: I see. Maraming nagtatanong kung ano, kasi ‘di ba kakandidato si Bong Go. He’s running for senator, mayroon nang kapalit siya.

SEC. PANELO: Definitely, he will run.

MERCADO: Okay. Maraming salamat, Sal. Thank you very much, Secretary Sal, sa inyong pagsagot sa aming tawag.

SEC. PANELO: Thank you. Salamat, Sen. Orly.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource