MERCADO: Hi, Secretary Sal, good morning.
SEC. PANELO: Good morning, Sen. Orly.
MERCADO: Okay. Ano ba ang batas tungkol sa sino ang puwedeng i-appoint na adviser ng Pangulo, kasi merong isyu rito tungkol dito kay Michael Yang.
SEC. PANELO: Yes. Si Michael Yang isa siya sa kakontrata na magbigay ng payo kay Presidente sa economy, meron siya kasing special technical knowhow. Unang-una, alam mo iyang si Michael nag-umpisa iyan sa wala, naging multi-milyonaryo. Isa siyang Chinese, alam niya ang kultura at psychology ng Chinese, marami siyang koneksyon at ang kanyang kontrata iyong ordinaryong kontrata lang na consultant, hindi totoo iyong—kasi parang pinalalabas nila, Presidential Adviser on Economy, parang may ranggo ng Gabinete. Iyong kaniya one peso a year, tapos every six months ire-renew lang kung gusto. Iyon lang ang kanyang papel. At saka hindi totoo na siya ay involved sa drugs.
Alam mo nag-umpisa iyan kasi doon sa isang speech ni Presidente na mali ang intindi nung reporter diyan sa Rappler, akala niya eh nili-link ni Presidente si Michael Yang sa drugs. Ang pagkakasabi ni Presidente – kasi napakinggang ko iyong transcript, sinabi niya roon ay si Michael na iyan sa drugs, tapos sinabi niya si Chinese Ambassador. Anong drugs? Sabi niya eh natutulog pa nga si Ambassador Zhao doon sa kanyang bahay. So, ibig sabihin kung iyan ay involved sa drugs, hindi iyan makikipagkaibigan kay Chinese Ambassador at matutulog pa siya doon.
Kaya nga nung ni-report iyan nung Rappler, eh nakausap ko si Ambassador Zhao and he was so ano… he was so upset. Nung ipinaliwanag ko sa kaniya, hindi kako, mali ang dating doon sa Rappler. Ipinadala ko iyong transcript sa kaniya. Tapos sabi ko sa kaniya, kumuha ng isang translator para marinig mo o malaman mo kung ano talaga ang sinabi ni Presidente. Mali iyong sinasabi nung Rappler, diyan nag-umpisa iyan eh.
MERCADO: Natutukan ang sinasabi, okay, merong involvement sa drug, bakit iyan ay adviser ng Pangulo.
SEC. PANELO: That started it all. Ito kasing Rappler kung minsan eh, mali-mali rin ang sinasabi.
MERCADO: Pero can’t the President… is he prohibited from asking advice from, you know, from anyone for that matter?
SEC. PANELO: No, puwede iyon. Alam mo iyong… kahit foreigners puwede na maging consultant. Ang hinihingi lang ng regulasyon diyan, may technical knowhow (unclear) kahit sino na magbigay ng advice. Iyong kay Mike(unclear) Chinese nga, tapos naging bilyonaryo pa, alam ang Chinese culture (unclear). The President need that para ma-advice siya from time to time, kung kailangan lang.
MERCADO: Mapunta naman tayo doon sa ibang isyu tungkol sa mga appointment ng Pangulo. Merong mga nagsasabi naman dito, bakit sunod-sunod ang military naman ang itinatalaga ni Pangulong Duterte sa Gabinete o kaya sa mga importanteng mga posisyon. Ano ho ba ang reaksyon ho ninyo roon?
SEC. PANELO: Eh, ipinapaliwanag naman ni Presidente iyon na the reason why he is hiring former military men because of their discipline,. Mga military kasi, if you notice, kahit saan puwede mo silang hilahin. Sinasabi nga ni Presidente, iyan ang mga utility arm ng gobyerno eh. Unlike civilians pag Sabado, Linggo hindi mo na sila… hindi mo na sila mapatrabaho, eh bakasyon na eh. Pero ang mga sundalo, mga opisyal kapag tinawag mo iyan darating iyan. Saka iyong mga ina-appoint ni Presidente, he know them personally, kaya ang laki ng tiwala niya.
MERCADO: Sa isang banda kapag naisip natin, ang sundalo habang walang giyera walang ginawa iyan kung hindi mag-training eh at mag-exercise at kaya ano eh… iyang kate-train-kate-train, they have to be ready all the time. Kaya iyang kultura nila napakadaling—iyong makasingkaw na doon sa isang isyu, mabilis na nakakakilos and merong command culture, hindi ho ba?
SEC. PANELO: Hindi sila ano, they are not argumentative. Hindi sila pala—
MERCADO: They are trained to follow.
SEC. PANELO: Hindi sila pala-reklamo. Hindi kagaya ng civilian, reklamo muna bago sumunod, iyon ang—that’s the reason why.
MERCADO: Kasi ang isyu dito, sinasabi ng iba, eh militarization ng civilian government iyan eh, hindi ho ba?
SEC. PANELO: Unang-una, matagal na nating pinapaliwanag iyan. Civilian supremacy reigns over military, eh sino ba ang Boss, hindi ba iyong Presidente, the Head of State, the head of government at the same time the Commander-in-Chief. Eh sino ba ang nagmamando, eh di iyong civilian head pa rin. Saka unang-una, hindi nga active military men, tapos na nga sila eh, so civilian na sila.
MERCADO: Meron na kayong mga bagong mga appointments sa kasalukuyan. Si Nograles, I think.
SEC. PANELO: Yes, Cabinet Secretary si Karlo Nograles. Tapos meron na ring in-appoint sa Poverty Commission ba iyon.
MERCADO: Oo, Anti-Poverty Commission.
SEC. PANELO: Iyong iba, I think i-a-announce ni Presidente soon. Iyong mga kapalit nung mga tatakbo.
MERCADO: Kasi iyong mga naiwanang mga posisyon, nagbukas kasi merong mga tumatakbo.
SEC. PANELO: Siya nga pala, Sen. Orly, gusto ko lang linawin iyong kay Freddie Aguilar. Meron kasing lumabas sa diyaryo na parang nagkyambo daw ang Malacañang. Ang katotohanan niyan, nung in-endorse siya ni Presidente doon sa Pasay noong isang araw. Hanga talaga ang Presidente, in fact, kagabi sa Cabinet meeting, he spend a little time telling us how he knew Freddie Aguilar, noong Vice Mayor pa siya. At hanga talaga siya, dahil sabi niya brilliant itong taong ito eh, iyong kanyang lahat ng mga kanta, lahat may social content. Kaya kahanga-hanga ito.
Now, some are saying na sabi niya premature campaigning iyang ginawa niya. Initially ang sabi ko sa kanila… sabi ko, ‘bakit sinabi bang iboto.’ Sabi nung mga reporters, ‘oo.’ Di binasa nila iyong transcript, baka naman kako gusto niya ay iboto ninyo as an outstanding man si Freddie Aguilar; but I was only saying that in jest.
Ang katotohanan, Sen. Orly, there is no more concept of premature campaigning, there is the Supreme Court decision kay Pinera. Sa kaso ni Pinera, sinabi ng Korte Suprema na iyong violation sa Comelec rule eh will apply only during the campaign period. In other words, kapag wala pang campaign period, wala pang kandidato, even if that particular person na tatakbo ay gumawa ng supposedly hindi pupuwede, hindi siya mananagot, ganun din naman iyong… like iyong ikakampanya niya o i-endorse niya, wala ring violation. Talagang ine-endorse ni Presidente, in the appropriate time he will do that.
MERCADO: Eh nakikita ko naman, merong mga radio and TV announcement, hindi naman sinasabing iboto siya, pero in effect it’s already campaigning. Kaya nga wala na iyong isyu na premature campaigning.
SEC. PANELO: Wala na talagang premature campaigning.
MERCADO: Kinakailangan ayusin iyong batas, kung merong mga nagrereklamo, doon pumunta sa kanila.
SEC. PANELO: Ako sa totoo lang, ako kung ako ang tatanungin mo eh, wala nang kampanyahan. Kung hindi naman ang alternative doon, pareho sa ibang bansa, ang gumagastos sa kampanya ang gobyerno.
MERCADO: Yes. Eh wala naman tayong kakayahan noon, wala sa DNA natin eh, hindi pa natin nasusubukan iyong you raise money and then the government, the federal government will match it, wala eh, hindi pa natin naano. But it’s not a bad idea when you come to think of it.
SEC. PANELO: Iyan.
MERCADO: Okay. Maraming salamat Secretary Sal Panelo, thank you very much for answering our call.
SEC. PANELO: Salamat, Sen. Orly. Thank you.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)