Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Arnold Clavio, Ivan Mayrina and Mariz Umali — Unang Hirit/GMA-7


Event Media Interview

CLAVIO:  Secretary, good morning Igan, Ivan and Mariz.

MAYRINA:  Good morning, Sec.

UMALI:  Good morning.

SEC. ROQUE:  Hello, Igan, Ivan and Mariz. Magandang umaga po sa inyo. Magandang umaga, Pilipinas.

CLAVIO:  Kuwentuhan tayo.

MAYRINA:  Relax tayo, Sec.

CLAVIO:  Nasa linya si Joseph ha.

UMALI:  Nasa linya si Joseph.

CLAVIO:  Ikalimang araw, Secretary, ng MECQ at GCQ sa ibang lugar. Ano na ang assessment natin na … iyong tiyansa, iyong babala mo na “Ay naku, babalik tayo ng ECQ”?

SEC. ROQUE:  Well, tinitingnan ko po ang mga datos pero masyado pang maaga kasi alam naman natin na 14 days ang period na lumipas bago natin malaman kung marami pa ang magkakasakit dahil nga doon sa dagsaan ng tao sa malls.

Pero iyan po ang aking parating paalala ‘no: Binuksan po natin ang ekonomiya dahil kinakailangan tayong mabuhay, eh huwag naman sanang ikamatay natin ito. Kung hindi naman po kinakailangan, let’s stay home.

CLAVIO:  Ito, balikan po natin iyong sinabi ninyo noong isang araw na kaugnay ng mass testing at iniwan sa pribadong sector. Pero kahapon nilinaw na po ninyo iyan, parang iba na iyong termino, may mga prayoridad na. Expanded mass testing, tama po, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, una, hindi ko naman sinabi na wala tayong mass testing eh. Ang sinabi ko lang, wala tayong mass testing na ginagawa ng Wuhan na lahat ng 11 million nila ay tine-test nila. Ever since ang mayroon tayo ay iyong expanded nga na targeted kasi ang benchmark naman sa buong mundo, hindi naman dapat i-test lahat ng mamamayan at walang bansang gumagawa niyan.

CLAVIO:  Basta positive.

SEC. ROQUE:  Ang ginagawa nila dapat—para bang iyong ano, iyong paano nila pini-predict iyong mananalo sa election, kinakailangan mayroon tayong sample at iyong sample ang iti-test natin at ang benchmark na iyon ay 1 to 2% of the population. Kaya tayo, ang ating protocols, ang tine-testing lang natin ng PCR iyong talagang mga symptomatic. Kasi kapag symptomatic, talaga namang nadi-detect ng PCR test kung mayroon ng COVID-19 o wala—

CLAVIO: So hindi natin, Secretary, kayang lahat kaya ito na kailangan din ng tulong ng pribadong sektor, tama?

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po, ang konteksto nung sinabi ko ay dahil nga wala naman po sa guidelines ng DOH na kinakailangan mag-COVID test ng empleyado bago sila bumalik.

Ang sabi ko, nagkukusa naman iyong ibang empleyado sa pamamagitan ng Project ARK. Bakit naman natin sila pipigilan ‘no dahil siyempre kapag sila ay nag-testing ay pabor pa rin sa atin iyon dahil kahit na ang gobyerno o pribadong test, kapag nakakuha sila ng positive, kinakailangang isolate at pagalingin, i-cure. So, iyon po iyong konteksto ng sinabi ko, ever since po ang ninanais natin ay talagang ma-expand ang ating testing capacity.

Noong nagsimula naman tayo noong Pebrero, dadalawa lang ang laboratory natin; ngayon mayroon na tayong 32, at ninanais natin na umakyat pa iyan hanggang 90. At ang target nga ngayon ay by May 31 ay mayroon na tayong 30,000 a day. Ang aim natin ay parang maging South Korea na, more or less, ganun din ang kanilang tine-test on a daily basis.

MAYRINA:  Sec, gusto kong mag-focus do sa targeted. Sinu-sino ang mga prayoridad doon sa ilalim ng expanded targeted testing?

SEC. ROQUE:  Primarily po iyong mga symptomatic at saka ngayon po iyong mga OFWs natin na umuuwi, whether or not they are symptomatic or not, lahat po sila tine-test ngayon; at siyempre po iyong mga tao na nagkaroon din ng close contact sa mga tao na mayroong COVID-19.

UMALI:  Secretary, ano naman po ang magiging programa ng gobyerno kapag nagkabakuna na o gamot na, thinking ahead po tayo?

SEC. ROQUE:  Ay, mayroon na po talaga tayong in place na vaccination plan. Kasi alam mo sanay naman na tayo na magbigay ng bakuna sa ating mga kababayan. So, mayroon na po tayong nabuong plano kung paano talaga i-implement ang vaccination as soon as it is—

UMALI:  Pero magiging available po kaya ito para sa lahat? Kasi I’m sure everyone would want to have that vaccine.

SEC. ROQUE:  We are praying po na, unang-una, magkaroon na ng bakuna. Pangalawa, we are praying na mabibigay na po sa lahat. Pero you can imagine dahil ito ay kinakailangan ng buong daigdig, eh hindi naman pupuwede na biglaan na magkaroon tayo ng vaccine for all ‘no. So, kaya nga siyempre doon sa plano mayroong mga uunahin, siguro ang uunahin particularly vulnerable. Alam po natin kung sino iyong mga vulnerable, ang mga matatanda pati po iyong mayroong tinatawag na comorbidity.

UMALI:  Kung saka-sakali po, Secretary, sinabi na rin po ninyo na may programa na kayo for the vaccination, sasagutin din po ba ng gobyerno iyon o kailangan ikaw ang bibili for yourself ng vaccine na ito?

SEC. ROQUE:  Well, alam ninyo siguro ang mangyayari diyan, those who can afford ay babayad; those who cannot afford, gobyerno po ang magbabayad. Alam naman po ninyo, bilang author ng Universal Healthcare, ang nakasaad po talaga sa batas ay kapag mga bakuna, mga diagnostic, sagot din po iyan ng PhilHealth. So hindi naman po ibig sabihin na kung hindi manggagaling sa Department of Health ay babayaran ng taumbayan kasi pupuwedeng ma-cover naman iyan ng PhilHealth.

MAYRINA:  Sec, ang taas na, as it is, ng backlog natin sa testing sa ating repatriates tapos may mga patuloy pa ring dumadating, may mga nagpa-positive. Ano ho ang balak natin dito? Kasi as we speak may mga mag-iisang buwan na o higit pa sa mga quarantine facilities natin, ang tagal lumabas ng mga results.

SEC. ROQUE:  Well, kahapon po nakausap ko si Chief Implementer Galvez at saka si SND Lorenzana dahil nga doon sa aking press conference, nangako ako na bubulabugin na natin sila ‘no. Binigay na po sa akin iyong datos, napakadami na pong nakalabas din kasi iyong testing po mayroon na tayong 13,000 plus na natapos po ang testing na mayroon ng mga certificates. At iyong 13,000 po ay siyempre po ay makakauwi na ‘no. So, malaking numero po iyan dahil matagal po silang nag-antay.

Pero ang pangako ko po sa inyo ngayon ay patuloy ko pong bubulabugin ang lahat ng inter-agency, ang ating OWWA, para malaman po natin at masiguro na, unang-una, iyong mga resulta hindi na magtatagal kasi minsan napa-process ang result, hindi lang nari-relay ‘no. Dahil nga po kinakailangan din natin na magkaroon ng mas maraming espasyo dahil mas marami pa pong inaasahanan nating pauwing OFWs.

MAYRINA:  Oo, 400 a day po yata no iyong isinet natin na limit, Secretary?

SEC. ROQUE:  Hindi po. Inaasahan po nating tataas hanggang 80,000 kasi mayroon ding umuuwi na mga nasa barko lalung-lalo na iyong mga cruise ship, hinahatid iyong mga cruise ships diyan sa Manila Bay ‘no. So talagang importante po na mapabilis iyong resulta dahil limitado naman iyong ating mga hotel rooms na pag-i-stay-han ng mga OFWs habang nag-aantay po sila ng PCR results.

UMALI:  Secretary, sa usapin naman po ng SAP. Ayon po kasi kay Secretary Rolando Bautista ay hindi na po magbaba ng pondo sa LGU para sa second tranche at ang AFP at PNP na po ang mamahagi ng ayuda na ito. Kailan po ito magsisimula? At parang sinasabi nila parang gagawing electronic, so ATM type. Ang mangyayari po nito, lalabas po iyong mga tao instead na mag-i-stay at home. 

SEC. ROQUE:  Hindi naman po, kasi kapag in-ATM naman po iyan eh mapupunta rin sa kanila ‘no nang hindi na kinakailangang pumila. Mas maganda nga po iyong ATM dahil mas matindi iyong problema kapag sila ay nagkumpul-kumpulan para kunin lang iyong kanilang ayuda. So sa pamamagitan po ng electronic ay lalabas sila para mag-withdraw lang sa ATM pero hindi na po para pumila.

UMALI:  So, hindi talaga kakayanin na magbahay-bahay?

SEC. ROQUE:  Hindi po talaga kakayaning magbahay-bahay; pero iyong electronic po ili-limit po nila iyan sa mga siyudad kasi wala naman pong mga naging problema doon sa probinsiya ‘no. In fact, kahapon sa pagpupulong, mayroon mga nai specify na talagang mabibilis na mga lugar ‘no. Dalawa lang iyong naalala ko, pero apat na region iyong sinabi. Ang naalala ko Region I at saka CARAGA. Pero mayroon pang ibang mga region na nabanggit na napakabilis namang magbigay ng ayuda. So, ang problema talaga ay nakatutok po dito sa mga siyudad.

MAYRINA:  Sec, may mga nagsasauli ng pondo ha, iyong mga nakatanggap na sa SSS tapos sa SAP, sinauli niya. Ano po ang mangyayari sa pondo na iyon, Sec?

SEC. ROQUE:  Well, ibabalik po natin iyan para magamit doon sa second tranche para mas maraming mabigyan. Nagpapasalamat po kami sa mga indibidwal na ito, talaga pong nagpupugay po kami dahil napakalinis ng kanilang konsensiya, napakabuti ng kanilang karakter at nagpapasalamat po tayo.

CLAVIO:  Maraming salamat, Secretary.

SEC. ROQUE:  Salamat po, magandang umaga po.

##

 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)