Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (Erwin Tulfo Live-Radyo Pilipinas)

 

ERWIN: Magandang umaga po, Secretary Roque, sir.

SEC. ROQUE: Yes magandang umaga po at sa mga nakikinig magandang umaga po.

ERWIN: Bago po sa lahat ay nais ko lamang bawiin iyong sinabi ko ho kanina, I thought ito ho ay batas na at pipirmahan na ni Pangulo. So ito pala ay Executive Order, iyong nasa la mesa ng Pangulo na naghihintay para dito po sa endo. Executive Order lang ho ito.

SEC. ROQUE: Opo at mukha nga pong hindi nagkasundo-sundo ang mga grupo kaya naunsiyame iyong signing ceremony na dapat sana ay Lunes naganap. At ang pinaka-latest po dito, dahil hindi po nagkaroon ng tripartite consensus, ay mukhang hahayaan na lang nila ang Kongreso ang bumuo ng batas laban dito sa endo.

Pero Erwin lilinawin ko lang, ang pangako ni Presidente eh itigil itong 555 or endo; hindi ang kontraktuwalisasyon ‘no. Dalawa po iyong kontraktuwalisasyon at saka iyong endo. Iyong endo po kasi iyon talaga ang sisesantehin ka matapos ang limang buwan o anim na buwan para hindi ka pa maging regular. Dapat anim na buwan ay regular ka na.

Pero iyong contractualizati0n pupuwede kang maging regular employee ng isang contractor na kumpanya na nakukuha mo lahat ng benepisyo na required sa ating batas.

ERWIN: So ano ho itong EO na ito? Which is which? Para saan po ito?

SEC. ROQUE: Well iyon nga po, kasi ang Executive Order naman ay isang pagpapatupad lang ng batas. Talaga naman pong pinagbabawal ng batas iyong tinatawag na endo lalong lalo na iyong labor only contracting na mayroon tayong mga tinatawag na ‘cabo’ ‘no. Iyong mga cabo eh iyan ho iyong mga walang capital, kaya talagang papel lang nila ay para maunsame iyong magkaroon ng employer-employee relati0nship sa mga kumpanya at kanilang manggagawa. Iyan po ay matagal ng pinagbabawal.

ERWIN: So hindi pa talaga ho ito iyong sinasabing hinihintay ng lahat na endo na pinag-uusapan at sinasabi p0 ng mga labor unions hindi ito, ito ho ay—iba ho itong Executive Order na pirma na lang ni Pangulo ang naghihintay?

SEC. ROQUE: Well eh sana po. Eh talaga namang matagal ng pinagbabawal po iyong endo ‘no. So ang lilinawin lang doon talaga ni Presidente sana sa Executive Order na iyong mga fly by night na cabo ay talagang pinagbabawal iyan.

Pero ang pinag-aawayan ay paano iyong mga contractual na nagtatrabaho sa mga kumpanya na nagiging regular employee sila ng mga service contractors na mayroon namang capital ‘no, na talagang binibigay kung ano ang nakasaad sa batas ‘no. Iyon iyong pinag-aawayan na hindi naman talaga ‘555’ na tinatawag o endo ‘no. Iyon iyong tinatawag talagang contractor ‘no, na talaga namang ilegal din ‘no. So doon sila hindi nagkasundo so parang ang nagiging desisyon ngayon ay hayaan na lang sa Kongreso dahil mayroon na namang naipasang panukalang batas ang Mababang Kapulungan noong ako ay Congressman pa, isa ako diyan sa co-sponsors na iyan ‘no at hinihintay na lang iyong bersyon ng Senado sa pamumuno po ng Committee on Labor sa ilalim ni Joel Villanueva, Senator Joel Villanueva.

ERWIN: Sir, kambyo ho tayo. Ano hong reaksiyon ninyo si Senator Ejercito ay nagpapatawag ng isang imbestigasyon hinggil po dito sa Yolanda housing na hanggang ngayon hindi pa rin matapos tapos, hindi—diyos ko po, ikumpara doon sa Marawi ni Pangulong Duterte halos matapos na. Itong sa Yolanda, diyos ko po, hindi pa halos naumpisahan, kung naumpisahan man ay panget pa rin iyong mga housing… permanent housing, Secretary?

SEC. ROQUE: Sang-ayon po tayo diyan talagang napakalaking eskandalo po ang nangyari diyan sa Yolanda resettlement na iyan. At siyempre po iyan iyong kumbaga eh proyektong ipinagmamalaki noong tumakbong presidente ang Mar Roxas. Pero ang dami nga pong natatanggap na reklamo at sa akin po ay napakahirap namang magsalita.

Pero nagkaroon ng sakuna na Marawi at kinakailangang ibangon muli ang Marawi. Gumawa tayo ng mga tahanan, ikumpara na lang natin ang tahanan ni Digong sa tahanan noong nakalipas na administrasyon. Kaya po welcome natin iyang imbestigasyon na iyan.

ERWIN: Secretary Harry Roque, maraming salamat po sir. Magandang umaga po sa inyo.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po. Salamat po.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource