Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Erwin Tulfo Live)


Event Radio Interview

 

ERWIN:  Sec., good morning. Sir, si Erwin Tulfo po Sec…

SEC. ROQUE:  Oo Erwin, magandang umaga.

ERWIN:  Sir mayroon po akong listahan dito ng mga pangalan ng mga government officials na gusto ni Pangulong Duterte paimbestigahan sa PACC. I don’t know kung may idea na kayo, pero it only shows na seryoso talaga ang Pangulo dahil sa promise niya na anti-corruption – walang corruption habang siya nakaupo – ay may mga Cabinet secretary po dito eh, hanggang ngayon apat dito ay mga secretary at position sir, na ang mga kaso ranging from using their position for personal gains; iyong isa unexplained wealth; iyong isang secretary ay tungkol sa, wika nga unexplained expenses and too much consultant; iyong isang secretary naman ay may kaibigan daw na drug lord at gun-running syndicate doon sa kaniyang lugar – iyong mga ganoong example, Sec.

SEC. ROQUE:  Totoo po iyan, talagang seryoso si Presidente sa kaniyang kampanya laban sa katiwalian. Kaya nga noong minsan sinabi na niya na nalulungkot siya, na kung sino pa iyong mga malalapit sa kaniya, iyong mga nagbuyo na tumakbo para sa presidente, eh sila pa iyong nagtataksil sa tiwala na bigay ng taumbayan.

Ako mismo po ay wala akong listahan na iyan, pero—at sinabi ko na naman po kanina, ang narinig ko lang talaga na ang isusunod ni Presidente ay iyong Usec. ng Department of Labor na siyang nagre-resign na. Parang siniwalat ko na rin ang katotohanan, kasi nagkakaroon ng issue na kaya daw siya nag-resign dahil sa disagreement doon sa ‘endo’. Eh sinabi ko na po ang totoo na narinig ko sa sariling bibig ni Presidente na mukhang siya ang susunod na Undersecretary.

So lahat po sa taong naninilbihan sa gobyerno, naku po, seryoso po ang Presidente. Inuulit-ulit ko po: kung nais po nating magbiyahe; nais nating yumaman – sa pribadong sektor na po tayo, huwag po sa gobyerno.

ERWIN:  Tama, tama sir. Eh talagang dito sa listahan sir, may mga kaklase pa niya sir eh, dito sa isa sa mga Cabinet secretary. Pero ito sir may kumakalat na ugong-ugong, iyon daw si Secretary Vit Aguirre eh sisibakin na rin daw sana iyon sir, pero inunahan na lang at nag-resign. I don’t know how true is that; ganoon din po ba ang naririnig ninyo?

SEC. ROQUE:  Well tinanggap po ni Presidente ang kaniyang resignation, so hindi na kinakailangan mag-resign. Oo, ang paglilinaw ko lang naman po dito ay doon sa Usec. Pero kay Sec. Aguirre po ay talagang magre-resign na siya. Pero kung hindi po siya mag-resign, ay siguro po talaga ay tuluyan nang nasibak siya.

ERWIN:  Alright, panghuli na lamang sir. I know nagmamadali ho kayo. So ito po’y—hindi naman siguro nagkulang ang Pangulo sa paalala araw-araw, sa lahat ng mga nasa Gabinete pati mga nasa baba niya na ayusin, na huwag magnakaw. Tama sir?

SEC. ROQUE:  Tama po. Talagang ‘yan lang po ang hinihingi ng Presidente. Konti lang naman iyong kampanya niya: laban sa droga, laban sa korapsyon, mas komportableng buhay para sa lahat. Eh siguro naman lalong-lalo na iyong tumulong sa Presidente na maluklok sa kapangyarihan, sana po sila na iyong maging ehemplo dito sa kampanya ni Presidente; huwag lang sila ang maging problema ng Presidente.

ERWIN:  Maraming salamat po, Secretary Harry Roque. Good morning, sir.

SEC. ROQUE:  Okay. Good morning. Thank you.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource