URI: Heto na! Nasa linya na natin si Secretary Harry Roque, ang tagapagsalita ng Pangulo at ang tagapagsalita rin ng Inter-Agency Task Force. Secretary, Henry Uri and Missy!
SEC. ROQUE: Hi, Henry, Missy! Magandang umaga [unclear] ng Malacañang Press Corps, si Henry Uri!
HISTA: Good morning!
URI: Yes, sir! Ganire ho… sapagkat marami pa ring mga kababayan natin ang wari ko ba ay hindi pa rin ho kumpleto ang pagkakasapa o pagkakanguya sa impormasyon ano ho, tungkol sa mga pinaiiral na patakaran ng IATF dito sa ating GCQ, doon sa ating Modified ECQ. May mga katanungan na kaming inihanda dini pero bago iyon, heto muna tayo sa napakainit na isyu, Secretary.
Itong kay General Debold Sinas ng NCRPO, unang tanong ko sa inyo: Nagalit ba ang Presidente dito sa pangyayaring ito?
SEC. ROQUE: Well, alam naman po niya na mali ang pangyayari, kaya nga po hinayaan naman niya na umusad ang proseso ng pananagutan. Ngayong araw po inaasahan natin na sasampahan ng kaso si General Sinas – criminal, sa piskalya at hindi lang po si General Sinas ang kasama diyan, mayroon pang forty-three na ibang mga kapulisan—
HISTA: —Attendees.
SEC. ROQUE: —na sasampahan ng kaso para doon sa violation ng ordinance/quarantine. At bukod po diyan ay hindi na nga hinintay ng Palasyo iyong paghingi ng clearance para masampahan ng administrative charges si General Sinas at iyong mga kasama niya at hiningi na nga ni Executive Secretary mismo iyong resulta ng fact finding o imbestigasyon ng IAS dahil kinakailangan talagang mag-go signal muna ang Malacañang para umusad ang pagsampa ng isang administrative case laban kay General Sinas. Iyong administrative case po ang magde-determine kung siya po ay matatanggal, masu-suspend o kung anumang parusa ang ipapataw sa kaniya.
URI: So, sinang-ayunan ng Pangulo at alam niya na sasampahan din siya ng administratibo?
SEC. ROQUE: Well, iyan po ay bibigyan po iyan ng go clearance ng Malacañang kung mayroon pong ebidensiya at Malacañang na nga po ang humingi ng resulta ng imbestigasyon at hindi na hinintay iyong pagkuha ng clearance.
URI: Pero sa inyong pagkakabatid, anong exact word kung mayroon man – napamura ba ang Pangulo, napasaltik ba siya sa ginawang ito ni General Sinas?
SEC. ROQUE: Hindi po namin napag-usapan iyan pero obviously itong bilis ng reaksiyon ng ating kapulisan eh mayroon pong pinag-ugatan iyan. So I supposed it is because iyong concern nga ni Pangulo na kapag hahayaan natin ito na walang parusa eh baka wala ng maniwala sa ating quarantine, wala ng sumunod, maging dahilan para maging lantad—lalong mas lantad ang pagkalat ng COVID.
URI: Okay. May mga narinig ako na baka daw aalisin sa NCRPO si General Sinas pero ililipat sa BUCOR. How true is that?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam dahil hindi pa nga po nabibigyan ng clearance para maghain ng administrative case, criminal case ang ihahain ngayong araw na ito.
URI: Alright. Missy, let’s proceed with the—
HISTA: Yes, masunod ko lang Ka Henry.
URI: Yes.
HISTA: Kasi Secretary, bukod doon kay General Sinas na post, mayroon din pong kumalat na Pangasinan Mayor naman po na nag-post and they even—parang mockery daw ng ating quarantine? Will they also suffer the same consequences?
SEC. ROQUE: Iyan naman po ay iniimbestigahan ng DILG dahil sila naman po ang mayroong superbisyon sa ating mga lokal na opisyales. So, ang mensahe po natin, kahit sino ka, mayaman, mahirap, influential, walang impluwensiya, itong quarantine po ay para sa karapatang mabuhay ng lahat at kapag lumalabag kayo ay kayo po ay papatawan ng parusa.
URI: Secretary, let’s proceed with the questions dito sa IATF at sa ECQ and GCQ. Sa Batangas, mayroong pagtaas na muli ng kaso – may pito sa Nasugbu, isa sa Lian, isa sa Tuy, sa Batangas City at saka sa Lipa, ano ho – at mukhang ang Camp Karingal sa nabasa ko kanina ay mayroong mga pulis na nag-positive. In other words, matapos ang deklarasyon come May 16 lilipat tayo, iyong mga nasa ECQ pupunta ng GCQ, nag-modified tayo, papaano ho ito tumataas ang kaso, hindi ba mare-reconsider iyong resolusyon ng IATF na ilagay na uli tayo sa ECQ lahat?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, mayroon pong proseso at mayroon tayong komite na binuo, iyong Validation and Appeals Committee para tanggapin lahat noong mga apela ng mga lokal na pamahalaan na gusto pang mapasailalim pa sa ECQ. So, lahat po ng mga nagsampa ng apela doon ay aaktuhan po iyon, may meeting po ang IATF mamayang hapon, so tingnan po natin kung matatapos nila iyan sa agenda.
Pero bukod pa po doon, ito naman pong pagbababa sa GCQ, lahat po iyan ay temporary at flexible. Ang tinitingnan po talaga natin is iyong doubling rate, iyong bilis ng pagkalat ng sakit; iyong critical care capacity ng isang lugar; at saka siyempre iyong ekonomiya. So, kapag nakita natin na talagang biglang dumami ang mga kaso at hindi na kakayanin magbigay ng critical care doon sa mga magkakasakit, ibabalik po iyan sa ECQ. In other words, ginagawa po natin ang lahat nang hinay-hinay, dahan-dahan at hindi po naman iyan permanente, depende rin po iyan sa pagkalat ng sakit.
URI: In other words, may posibilidad na iyong mga nasa GCQ ngayon, dahil sa tumaas ang kaso, dahil sa apela nila sa IATF, puwedeng ma-reconsider iyong naging desisyon para sa kanila?
SEC. ROQUE: Totoo po iyan. We will be flexible po at lahat po iyan ay temporary kumbaga, depende sa development dahil hanggang wala nga pong bakuna, habang wala pong gamot eh talagang we can only aim na pabagalin ang pagkalat ng sakit pero at the same time, sinusubukan po natin na magkaroon na ng hanapbuhay iyong ating mga kababayan.
URI: Missy, do you have questions there?
HISTA: Yes, may question po ako, Ka Henry. Secretary, alam ninyo—ano ito… kinalabit ako ng Nanay ko, sabi po ni Aling Vicky, allowed na ba ang mga senior inside the mall para bumili ng takeout?
SEC. ROQUE: Well, kinakailangan po bibili sila ng mga necessaries nila. Kung pupunta sila sa supermarkets, magbabangko, allowed po iyan pero hindi pa rin sila allowed mag-malling kasi sila po ay vulnerable population gaya ng ating mga kabataan.
Pero kung sila po ay nagtatrabaho rin sa mall siyempre pupuwede rin silang magtrabaho pero hanggang maaari dahil especially vulnerable, mahal natin ang ating mga lolo at lola, stay at home kahit no pong classification natin – ECQ, GCQ o maski wala ng Q eh wala naman hong ganoong lugar ngayon sa Pilipina eh kinakailangan pa ring mag-ingat po ang ating mga seniors. Nakita po natin sa Italya at sa Espanya halos naubos po ang mga seniors dahil sila talaga ang tinatamaan ng sakit na ito.
URI: Allowed na ba hong mag-walking inside the village ang mga senior?
SEC. ROQUE: Allowed naman po pero wala po dapat kumpol-kumpulan, kung pupuwede isa-isa lamang dahil iniiwasan po natin nga ang pagkalat ng sakit.
URI: Missy?
HISTA: How about po iyong mga construction kapag MECQ na po, Secretary? Iyong mga construction po sa mga bahay na natengga, puwede na po bang ituloy?
SEC. ROQUE: Hindi po.
URI: Oo, kasi ang dami daw hong mga bahay—
SEC. ROQUE: Sa mga bahay, hindi pa po. Pero iyong malawakang proyekto ng pribado at pang-pribado, lalung-lalo na iyong mga priority projects ng BBB, iyong mga climate change-related, mga flood control ay iyan po ay papayagan na pero mayroon po tayong mga guidelines. Kinakailangan magkaroon ng [unclear] para sa mga manggagawa, bigyan sila ng PPEs, at saka bigyan sila ng housing doon mismo sa job site o hindi naman kaya magkaroon ng shuttle service na maghahatid at magsusundo doon sa mga manggagawa.
URI: Naku! So, iyong—
SEC. ROQUE: Pero iyong maliliit pong mga proyekto sa bahay hindi pa po allowed iyan sa MECQ, ma-allow po iyan sa GCQ.
URI: Naku! Kagaya nito, paki-relate na rin itong tanong na ito. Iyon daw pagre-repair ng nasirang tubo, repairman naman ang magre-repair, ganoon din iyong mga sirang aircon sa bahay, puwede daw bang ipa-repair iyan?
HISTA: Kaya nga…
SEC. ROQUE: Puwede po iyan, puwede na po iyan. Puwede na po iyang mga household repair, siyempre po puwede po iyan – MECQ or GCQ allowed na po iyan.
URI: Iyong mga talyer na nagre-repair ng sasakyan, puwede na raw ba iyon?
SEC. ROQUE: Puwede na po ang mga talyer, bukas na po sila, puwede na po MECQ.
HISTA: Carwash?
SEC. ROQUE: Puwede na po ang carwash sa MECQ.
URI: Ayan, Missy. Puwede na bang magbukas ang trading or supply ng electric requirements ng building? Ayan, ang daming tanong.
HISTA: Ayan…
SEC. ROQUE: Oo, indispensable po iyan, allowed na po iyan. Pero iyon nga, kung pupuwedeng work at home, work at home; kung pupuwedeng delivery, delivery na lang po, online – iwasan po natin iyong work in situs.
URI: Secretary, tanong ng ating mga kasamahan sa MPC. Galing kay Pareng Reymund Tinaza ng Bombo Radyo: Hindi ba puwedeng payagang magbukas ang mga hotel at motel sa Metro Manila basta with minimum health protocols like limited for two guests per room at wala munang buffet or dine-in para makabawi naman sila sa pagkalugi.
SEC. ROQUE: Rey Tinaza, ikaw talaga motel ang interes mo huh! Walang social distancing na nangyayari sa motel kaya hindi ka pa rin pupuwede. Anyway, alam ko naman na magkasama kayo ni Pareng Henry sa mga ganiyang gawain—
URI: Nadamay tayo…
SEC. ROQUE: Pero hindi pa ho pupuwede ang mga hotels at motels, pupuwede lang po kapag ginagamit para gawing quarantine facility ng mga OFWs pero sa ngayon po, sarado pa po ang turismo.
URI: Ayan… Missy, may questions lang itong aming municipal mayor sa bayan ko sa San Antonio.
HISTA: Okay, sige po.
URI: Pa-clarify daw, Secretary, ang real status ng paggamit ng rapid testing kit ng LGU dahil dini-discourage daw ito ng DOH, tama ba? Sayang naman kasi daw ang pondo and too risky kung hindi man puwedeng maging basis kung negative or positive ang result?
SEC. ROQUE: Hindi po totoo iyan. Ang Presidente na po ang sumagot na siya ang mananagot. Mayroon kasing probisyon doon sa batas na aking isinulong na hindi lang pupuwedeng gamitin ang pampublikong pondo kapag walang go signal noong Health Technical Assessment Committee, pero ang sabi nga ng Presidente, ang hindi lang pupuwedeng gumastos para diyan ay Philhealth pero siya po, in-authorize niya ang paggamit ng public fund at ang mga lokal na pamahalaan pupuwede na po nilang gamitin ang pondo nila pero bilhin po nila iyong mga rapid testing kits na naa-approve na ng FDA at mayroon po talaga maski approve ng FDA ay palpak. Ang isa ko pong alam na palpak na talagang pinagsisihan ng Englatera iyong Wondfo na brand, huwag ninyo pong gagamitin iyan. Ang mga respetado pong mga brand ay iyong cellex, iyong [unclear] at saka iyong isa pa na galing sa Netherlands na hindi ko maalala.
URI: Ano ulit iyong hindi dapat gamitin, Secretary?
SEC. ROQUE: Wondfo.
URI: Wondfo!
SEC. ROQUE: Iyan po ang nagkamali ang UK na bumili ng sangkatutak, tapos palpak. So, kagaya rin po iyan ng mga PCR test kits. Mayroon ding mga palpak na PCR test kits, huwag kayong bibili noong nakakasuspetsa naman na napakamura. Tingnan ninyo po ang kanilang reputation.
Karamihan po kasi dito Made in China, pero tingnan naman natin kung sino ang may hawak ng patent. Kasi mayroon ding mga Amerikano, mayroon ding mga German, mayroon ding mga Dutch, iyon po iyong mga mapapagkatiwalaan at mayroon ding mga Korean brands na reliable naman. Pero iyong Wondfo po, iyan iyong talagang nagsisi ang Englatera na sangkatutak ang ginastos nila pero hindi po gumagana. So, iyan po ang isang brand na dapat iwasan pagdating sa rapid testing.
Pero wala talagang alternatibo gustuhin man natin na lahat PCR test eh kulang nga ang ating capacity. Sa ngayon po, nasa ten thousand a day lang tayo at a population of 110 million. Kaya po—
URI: So, LGU can proceed—
SEC. ROQUE: Kaya nga po iyong Project ARK ng pribadong sektor ay ini-encourage natin kasi ang kanilang layunin at ang kanilang goal ngayon ay makapasok ng 1.2 million rapid test kits para magamit sa kanilang mga empleyado nang sa ganoon makapagsimula na sila sa negosyo.
URI: Okay. So, LGU can proceed with their procurement dito sa kuwan na ito, sa rapid test?
SEC. ROQUE: Yes… yes… Sabi po ni Presidente, by virtue of he say so.
URI: Missy, question?
HISTA: Yes. May question lang po, Secretary Harry. Kasi po na-tengga po iyong construction ng aming nasunog na studio, puwede na po ba naming ituloy ang pagpapatyo?
URI: Hindi yata…
SEC. ROQUE: Hindi pa po. Kapag MECQ hindi pa po, iyong malakihang proyekto lang po.
HISTA: Hindi pa din?
URI: Hindi pa.
SEC. ROQUE: Hindi pa. Basta house construction, hindi pa po.
URI: Ayan. From Bella Cariaso of Bandera: Paki ask kung may decision na sa appeal ng Region III na ibalik sa MECQ?
SEC. ROQUE: Wala pa po dahil magpupulong po kami ngayong hapon sa IATF.
URI: From Wakefield, galing po ito ng Tribune: A certain announcer was quoted as saying na nakausap ninyo raw si PRRD at pinarerebyu niya raw saan pa makakakuha ng pera for second tranche of SAP sa mga nakatira sa GCQ areas. Pinayagan na raw niya ang pagbibigay ng financial assistance sa mga tao na nasa GCQ areas? May we get a statement from you, sir?
SEC. ROQUE: Yes, mag-iisyu po ako ng pormal na statement diyan. Totoo po nag-usap kami ni Presidente kaninang madaling araw at ang sabi niya inaatasan niya si DBM Secretary Wendel Avisado, “Tuliin” niya iyong mga budgetary allocations ng line agencies, tingnan kung magkano pupuwedeng mai-realign dahil nais niya sana kung pupuwede bigyan ang lahat na 23 million Filipinos na nabibigyan ng ayuda ng second tranche din.
Sa ngayon kasi ang lahat ng 23 million dahil nga ang binigay lang na pondo ng Kongreso ay para sa 18 million ay makakatanggap ng first tranche pero sa second tranche ang naaprubahan ng IATF ay iyong mga areas na nasa ECQ lamang.
So, ngayon ipinag-utos na ni Presidente na hanapan ng pondo at kung mayroon namang pondong makakalap, bakit hindi. Pero titingnan po natin iyan kung talagang kakayanin. So, ang panawagan ni Presidente, “Tuliin” ni Sec. Wendel at ang panawagan niya sa Kongreso, tulungan ninyo ako na maghanap ng pondo para mabigyan ang lahat ng 23 million ng second tranche nang ayuda.
URI: Ayan. From Vanz Fernandez of Police Files: Paano iyong mga barangay tanod at kagawad, we consider them as frontliners too, will they receive hazard pay or SAP, nasa ilalim sila ng MECQ in Manila?
SEC. ROQUE: Alam ko po, iyong sa MECQ ay pag-uusapan pa po iyan kung ano iyong ayuda na makukuha kasi ang pinag-uusapan pa lang iyong second tranche. Kumbaga, third tranche na itong MECQ pero sa tingin ko, mas kakaunti na talaga kung mayroon mang mabibigyan sa third tranche dahil halos 60% naman ng mga industriya ay bukas na.
URI: Ayan. Another from Vanz: What is the Palace’s position on the matter of the embassy granting visas to nurses, which could lead to nurses wanting to work abroad rather than the Philippines?
SEC. ROQUE: Well, malinaw po ang direktiba ng POEA: Iyong mga naayos na iyong mga dokumento papayagan silang umalis, pero iyong mga bago po na naaprubahan lamang at kukuha ng clearance sa POEA, hindi na po sila papayagang umalis dahil ito naman po ay para sa kapakanan din ng ating mga kababayan na pupunta sila doon sa pinakadelikadong lugar para sa COVID-19.
URI: All right. Missy from Pia—
HISTA: Isa lang, Ka Henry.
URI: Go ahead.
HISTA: Sundot lang ako, Ka Henry. Secretary, mayroon na ba tayong domestic flight – Commercial domestic flight?
SEC. ROQUE: Well, hanggang 15 po wala pang commercial flight pero inaasahan po natin na since allowed na ang inter-island travel sa GCQ at GCQ, baka mapayagan na rin ang mga flights pero ayan po ay nasa kamay po ng CAAP. So, hintayin po natin ang desisyon ng CAAP para doon sa GCQ to GCQ flights pero wala na pong kumbaga dahilan para hindi matuloy.
URI: Secretary, itong mga interest rate daw ba ng mga bangko hindi daw ba puwedeng ma-suspend muna, maisama doon sa moratorium noong iba pang mga bayarin?
SEC. ROQUE: Well, ang interest rate po napakababa kasi pinababa po ng Central Bank talaga ang mga interest rate, so hind po problema ang interest rate natin, hindi po tumataas iyan. Ang problema lang siguro dahil sa lockdown hindi masyadong nakakautang iyong ating mga kababayan bagamat ang Pagibig, GSIS, SSS eh nagtatanggap po sila ng online loan application at ngayon po binuksan na rin natin iyong mga quasi-banks kasama po iyong mga microfinance diyan, para makautang na rin iyong ating mga kababayan para sa kanilang maliit na mga hanapbuhay.
URI: Ayan. Did I..?
HISTA: May question ako, Ka Henry, sorry.
URI: Yeah, go ahead.
HISTA: Secretary, puwede na ba akong maglipat-bahay?
URI: Lipat-bahay?
SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan. Parang hindi pa po, hindi naman po indispensable iyan.
URI: Did I hear it right sabi ng isang listener natin na bawal talaga ang senior inside the mall?
SEC. ROQUE: Lilinawin ko po, kung bumibili kayo ng pagkain, nagbabangko kayo, hindi po pagbabawalan iyan kasi indispensable at kung kayo ay naghahanapbuhay sa mall, hindi rin po pagbabawalan. Pero para lang mag-malling, hindi po talaga pupuwede at ganoon din naman po sa mga kabataan.
URI: Paano iyong pamasahe sa public transport? Sigurado magtataas – magkano ang itataas ng pamasahe para hindi magkagulatan ang mga commuter at driver?
SEC. ROQUE: Sa ngayon, wala pa pong authority na ibinibigay ang LTFRB na magtaas ang mga pamasahe sa mga lugar na under GCQ bagamat 50% capacity lang po ang mga public transportation.
URI: In the MECQ, can a person travel from city to city inside the NCR for example, without any need for any pass – James dela Vega. Si Atty. James ba ito? Alright.
SEC. ROQUE: Bawal pa rin po ang non-essential travel pero kung kayo naman po ay magtatrabaho, dalhin ninyo lang po iyong inyong employment ID at saka ID kung saan kayo nakatira.
URI: From halimbawa, GCQ to GCQ, lilipat lang ng bahay o lilipat ng opisina bawal iyon?
SEC. ROQUE: Hindi, kung GCQ po to GCQ ay pupuwede na po siguro iyan. Ang bawal po is diyan sa Modified ECQ. Tanong kanina po lipat-bahay yata sa Modified ECQ kaya sabi ko hindi pa pupuwede.
URI: Pero kung GCQ papunta ka ng GCQ pero dadaan ka ng MECQ sa NCR, papaano daw po kaya iyon? Iyan ang tanong.
HISTA: Oo nga, madadaanan nga, passing through.
SEC. ROQUE: Talagang komplikado iyan. Ang problema diyan eh anong patunay mo na pupunta ka sa GCQ na area. Humanap ka na lang ng ruta na hindi dadaan sa Metro Manila, iyan ang pinakamadali.
HISTA: Oo nga. May question ako, Ka Henry, kay Secretary.
URI: Yes, go ahead. Go ahead.
SEC. ROQUE: Mag-eastern corridor ka na lang.
URI: Eastern corridor, oo.
HISTA: Sulitin na namin iyong presensiya mo, Secretary, pasensya na pero ito, kasi mandatory po ba for returning employees to undergo testing? Kasi po sa DOLE-DTI interim guidelines, kasama siya sa provision pero in another statement naman po ng DOH, as much as possible lang. So, ano po ba, is it encouraged, is it mandatory to test the returning employees?
SEC. ROQUE: Definitely, encouraged. Alam ninyo, bago pa mag-issue ng guidelines, ang private sector on their own mayroon silang Project ARK. Sila nga po iyong nagnanais na magkaroon ng 1.2 million na rapid testing units para ma-test iyong kanilang mga manggagawa.
Now, linawin ko po, required iyan sa construction industries, required po iyan sa POGOs -iyong mandatory testing, pero sa lahat naman po encouraged.
URI: All right. From Pia Rañada of Rappler: A salesman in Butuan City was arrested for calling the President crazy and G-A-G-O. Does the government now consider cursing government official as illegal? Why isn’t President Duterte held accountable for cursing other government officials?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano iyang nangyari diyan. Titingnan po natin dahil hindi ko naman po alam ang facts. So siguro as we get more facts I can comment pero right now, hindi ko po alam kung ano iyong insidenteng iyan.
URI: All right. Secretary, last question from my end. Itong bagyo, Ano ang direktiba ng Pangulo? Ano ang report sa inyo diyan sa Malacañang? Kumusta ang mga hinagupit ni Ambo?
SEC. ROQUE: Well, mayroon naman po tayong Operation Ligtas na ipinatutupad na natin. Naka-preposition na po ang ating mga relief goods, naka-preposition na po ang ating mga relief workers at mayroon na tayong three identified na evacuation centers. Ipatutupad pa rin po natin ang social distancing on per family basis at bagamat ito po ay isang sakuna na naman, kahit papaano hind gaya ng COVID, sanay naman tayo pagdating sa mga bagyo at alam na natin ang gagawin natin.
Mas mahirap nga lang po ngayon kasi nasa evacuation centers, kinakailangang magkaroon pa rin ng social distancing. Pero handa naman po tayo diyan at nakatutok po ang Presidente natin sa report gn NDRRMC kung ano po ang mga pangyayari lalung-lalo na sa lugar kung saan nag-landfall itong bagyong Ambo.
URI: Okay. May isa pang pahabol. Iyong lockdown lifted na daw sa London, umuwi ng Pinas si OFW from London, ni-rapid test sa NAIA – negative, tama po ba na puwede na siyang umuwi sa kaniyang bahay or need pa rin ng fourteen days quarantine?
SEC. ROQUE: Hindi po, kinakailangan PCR-test kapag ikaw ay OFW na uuwi. PCR test pero ang quarantine mo po, hindi fourteen days – hanggang lumabas lang ang resulta.
URI: Ayun. Missy, do you have question pa?
HISTA: Yes po. Secretary, sundutin ko lang ulit kasi sabi ninyo encouraged po ang COVID testing sa mga private employees. Will this be subsidized by the government kasi hindi naman po lahat ng companies afford ang testing?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po, lahat ng COVID testing sagot ng Philhealth kaya nga po hindi ko maintindihan bakit hindi pa i-require dahil reimbursable naman po iyan sa Philhealth. Ako po ang nagsulong ng Universal Healthcare at isinama po natin sa Philhealth coverage ang diagnostic.
HISTA: All right.
URI: All right. Sec., maybe do you have a message sa ating mga kababayan. I understand marami pa kayong appointment ngayon.
SEC. ROQUE: Opo. Well, alam ninyo po tayo po ay unti-unti, dahan-dahan, hinay-hinay na nagbubukas ng ating ekonomiya pero kahit ano pong klasipikasyon natin eh nasa community quarantine pa rin po tayo; habang wala pong gamot, habang walang bakuna, nandiyan pa rin po ang banta.
Hangga’t maaari stay at home. Become a homeliner at hayaan naman natin na umusad kahit papaano ang ating ekonomiya without sacrificing po iyong ating kalusugan. Ingat po tayo, mga kababayan.
URI: Teka pala! May nag-ano lang, iyon daw hong pari sa Obando nagpapatanong. Puwede bang iikot ang patron sa Linggo? Piyesta doon para walang nakabuntot na—wala raw nakabuntot, sasakyan lang iyon, iikot lang iyong patron
HISTA: Iikot lang.
SEC. ROQUE: Well, nakita ko po sa ilang lugar na nasa GCQ na umiikot pero dapat wala pong tao. So, iyong mga tao nanonood lang sa mga kalye. Well, nakita ko po iyan sa ilang lugar pero hanggat—kung hindi po magagarantiya na hindi magtitipon ang tao, huwag na po.
URI: Ayun… basta wala namang nakabuntot puwede naman.
SEC. ROQUE: Uhm. Uhm…Opo.
URI: All right. Secretary, salamat ng marami sa inyo. Thanks for joining us this morning.
SEC. ROQUE: Magandang umaga po. Mabuhay po ang Pilipinas!
HISTA: Thank you po.
URI: All right. Tagapagsalita ng Pangulo, Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque at spokesperson ng IATF.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)