Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Henry Uri and Missy Hista – Coffee Break, DZRH


URI:  Si Atty. Harry Roque ay nasa linya natin, Presidential Spokesperson. Attorney, magandang umaga po sa inyo.

HISTA:  Good morning!

SEC. ROQUE:  Ang kilabot ng Malacañang Press Corps, Henry, magandang umaga at hindi ko po kilala kung sino kasama mo… Naku…

URI:  Si Missy, si Missy kasama natin.

SEC. ROQUE:  Missy! Mag-ingat ka diyan, matinik iyan si Henry.

URI:  I miss—

HISTA:  Alam mo, Secretary—

URI:  I miss you, Sec.! I hope to see you soon.

HISTA:  Naka-distansiya po kami.

SEC. ROQUE:  I miss you too. Missy, talagang mag-ingat ka diyan. Mag-ingat ka! Naku!

URI:  Sec.! Teka muna, mayroon pa bang—kasi nga nakikita natin complacent na ang mga tao, masyado nang maluwag, para bang wala ng kinakatakutan. Dati hindi ba kapag ikaw ay na-ospital dahil sa COVID mayroon pang pantulong sa iyong financial ang gobyerno. Mayroon pa ba tayong pinag-uusapang makukuhang tulong sa gobyerno sa panahong ito?

SEC. ROQUE:  Well, being author po ng Universal Healthcare sa Mababang Kapulungan ng 17th Congress at dahil ito po’y certified urgent ng ating Presidente, ina-assure ko po kayo na sa panahon ng pandemya hindi po papayag ang Presidente natin na maubos ang pondo ng PhilHealth para bigyan ng tulong po ang mga magkakasakit sa COVID-19.

Huwag po kayong mag-alala kung kulang po ang pondo ng PhilHealth, dadagdagan po natin iyan gaya po nang dinagdagan natin ang kulang na pondo ng OWWA. So, bagamat hirap po tayo ngayon dahil kaunti ang ating mga nakalap na pondo ng BIR at ng Customs dahil nga po sa COVID-19 eh, kung ano po iyong natitira sa kaban ng bayan ibubuhos po natin iyan para sa kalusugan at para doon sa kapakanan ng ating mga overseas workers.

URI:  Okay, sige. You were the author in Congress of—kayo ang author nitong Universal Healthcare Law na ito, partner pala baka nakakalimutan nga pala natin.

SEC. ROQUE:  Opo.

URI: Teka muna, ano bang status na nito? Ito ba ay napapakinabangan na ngayon? Ito ba ay—

HISTA:  Hinahanapan pa ng pondo…

URI:  Nakakatulong na sa ating mga kababayan? Anong estado na ng batas na ito?

SEC. ROQUE:  Mayroon po tayong full implementation. Ang hindi alam ng tao hindi lang naman iyong pagbayad ng actual gastos sa ospital ang ibig sabihin ng Universal Healthcare.

Unang-una, kapag tayo po ay nagpupunta sa mga testing centers para malaman kung may COVID-19 tayo, iyan po ay diagnostic na binabayaran rin po ng PhilHealth dahil alam natin na mas mura na mag-diagnostic kaysa ipagamot ang mga nagkasakit na. So, iyan po ay aspeto ng Universal Healthcare.

Iyong pagpupunta ng mga mild at asymptomatic na mayroong COVID-19 sa mga We Heal as One Centers, iyong mga isolation centers natin na iyan, iyan po ay kabahagi rin ng Universal Healthcare dahil nili-limit na po natin sa pinakamalalang kaso ng COVID-19 iyong mga pupunta sa ospital lalong-lalo na iyong mga pupunta sa ICUs. So, iyan po ay kabahagi rin ng Universal Healthcare.

At siyempre po, iyong mga paggagamot ng lahat at depende naman kung gaano katindi iyong kaso ng COVID-19 eh, ganoon din ang pondo na babayaran ng PhilHealth. Iyan po ay kabahagi rin ng Universal Healthcare.

So, iyong pagpondo po sa Universal Healthcare ngayon na sa pamamagitan hindi lamang ng premiums dahil alam natin na hindi sapat ang premium at ang pagkakaiba ng medical insurance at Universal Healthcare ay iyong pagtustos ng pangangailangan ng pondo, ginagamit ang kaban ng taongbayan, iyan po ay Universal Healthcare. Kaya nga po importante na kapag magkulang ang premium, gagamitin natin ang kaban ng bayan. Iyan po ang pangako ng ating Presidente.

URI:  Okay. Kaya lang baka iyong ating mga kababayan naman eh dahil dito sa binabanggit ninyo na may pondo naman tayo, may magagamit tayo na—may PhilHealth under the Universal Healthcare Law eh, hindi naman kaya ho sabihin ng iba eh kapag nagsakit naman pala ako hindi ako pababayaan nitong si Sec. Harry Roque’s authored the law na ito. Anong sagot ninyo roon, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, ang pangunahing taktika po natin para magtagumpay ang Universal Healthcare Law ay health promotion. Kinakailangan manatiling malusog at sa panahon ng COVID-19 importante po na hindi lang manatiling malusog kung hindi gumamit ng mask; gumamit ng disinfectant; mag-social distancing. Lahat po iyan ay kabahagi ng health promotion na kabahagi rin Universal Healthcare.

URI:  Iyon bang nangyari noong isang araw dito sa harap namin sa may CCP na ang tao ay parang nag-piyesta na parang wala ng kinakatakutan plus iyong iba pang mga events, ito ba ay isa sa pinagbasehan din kung bakit nananatiling GCQ pa tayo ngayon sa Metro Manila?

SEC. ROQUE:  Alam ninyo po, datos ang nagdikta kung ano ang magiging classification natin. Noong dalawang linggong nakalipas po pasang-awa tayo sa GCQ dahil 6.8 ang ating tinatawag na case doubling rate, iyong pagdami, pagdoble ng kaso. Ngayon po, nasa seven days tayo. Pero para tayo maging MGCQ, kinakailangan po maging sampu iyan, ten days pa ang case doubling rate.

So, iyong nangyari po sa CCP, iyan po ay sure formula para kumalat nang mas matindi pa ang COVID-19. Alam ninyo po, ang social distancing pupuwedeng ipababa by as much as 80% iyong probability na tayo ay magkakasakit at iyong pagsusuot po ng mask, puwedeng ipababa by as much as 85% ang probability.

So, nasa kamay po natin ang mangyayari sa Metro Manila, hinihimok po ang lahat na gamitin na itong mga sandata na ito para hindi naman po kumalat nang ganoong kabilis itong COVID-19 habang wala pa tayong bakuna, habang wala pa po tayong gamot dito.

URI:  Okay. Talking about data, ano itong kumakalat ngayon sa social media na kayo ay—nakakabasa ako ho ng mga negatibong komento laban sa inyo dahil ang dating eh kinakalaban daw ninyo ang UP. May mga binanggit daw kayong panalo tayo. Ano ba iyon at ano ang ibig sabihin ninyo roon, Secretary?

SEC. ROQUE:  Hindi lang nila na-gets. Kasi ang forecast ng UP, 40,000 tayo by June 30 pero hinimok ko iyong ating mga kababayan dahil mayroon naman tayong sandata na social distancing at pagsusuot ng mask at pananatili sa bahay, sabi k0 eh gawin natin ang lahat para hindi tayo umabot sa 40,000.

At mula ng mga panahon naman na iyon eh nagkatotoo naman iyong sinabi ko, hindi tayo umabot ng 40,000 bagamat 37,000, malapit na doon sa 40,000. So, iyon po ang aking ibig sabihin; hindi kalaban ang UP, ang kalaban iyong COVID. Iyong UP, para siyang commentator sa ringside pero ang giyerang ito ay sa panig ng mga Pilipino laban sa COVID-19.

Uulitin ko po iyon, dahil itong dararating na buwan ang sabi ang forecast ng UP, 60 to 70,000. So, uulitin ko po mga kababayan: huwag tayong pumayag na matalo ng COVID-19, gumawa tayo ng hakbang para mapababa po natin ang kaso ng COVID-19, huwag ho nating paabutin ng 60,000 pagdating po ng July 31.

URI:  Okay. Pero you are not questioning, you are not—iyon na nga, hindi ninyo kinakalaban iyong UP?

SEC. ROQUE:  Paano ko naman kakalabanin ang UP, high school pa lang UP na ako. High school, college, College of Law at fifteen years akong nagturo diyan, bakit ko kakalabanin ang UP? UP naming mahal iyan ano.

Pero ang sinasabi ko, gawin natin ang lahat ng hakbang para hindi magkatotoo iyong forecast na 60,000 to 70,000 by end of July. Kaya natin ito mga kapwa Pilipino.

URI:  Eh, kaya lang iyong hakbang na iyan, papaano po iyan may mga nagpa-party na? May mga tao na talagang na bigyan mo ng pagkakataong lumabas hindi naman tinitingnan iyong kanilang kaligtasan. Papaano ito, Secretary? Anong sabi ng Pangulo para—mayroon bang bilin ang Pangul0 sa PNP, sa DILG, sa inyo sa Cabinet na ito na, magkaroon kayo ng stricter measures?

SEC. ROQUE:  Well, ang sabi nga po ng Presidente lalung-lalo na doon sa kaniyang kapwa Cebuano, huwag masyadong matigas ang ulo po. Kinakailangan mag-social distancing, mag-wearing of mask. Wala po talaga tayong ibang armamento laban sa sakit na ito at hinihimok ko po talaga kapag tayo po ay nag-party, kapag tayo ay umulit sa CCP baka mamaya hindi lang magkatotoo ang UP forecast na 60 to 70,000, baka maging 80-90,000 pa iyan. So, nasa kamay po natin kung anong mangyayari sa COVID-19.

URI:  Yeah, Missy?

HISTA:  I have a question Ka Henry. Secretary, kasi po hindi ba nasa 30,000 tayo at the end of June while the forecast is 40,000. Updated po ba iyong datos na binibigay sa atin ng DOH?

SEC. ROQUE:  Updated naman po iyan at although mayroong black propaganda na 10,000 daw iyong ating backlog. Wala pong katotohanan iyan dahil ang backlog po natin ay 1,000 more or less lang at ito po ay ayon din kay Sec. Dizon.

So, we beat po the forecast, we beat COVID-19 in June and we can beat COVID-19 again in July.

URI: Okay—

SEC. ROQUE:  So, sana nga po samahan ako ng media dito dahil importante na huwag nating tanggapin ang forecast. Sabihin natin kaya nating labanan iyan at lalabanan ng lahat iyan.

URI:  Okay. With full cooperation of the people and of course, iyong pagmamando ng mga authority. Sec., kung sakali ba-ayaw ko naman-iyan-sa inyo na nanggaling na kapag hindi tayo nag-ingat baka umabot tayo ng 80,000 pa, eh kung magkakaganoon possible bang bumalik na naman tayo sa ECQ niyan kapag dumaming ganiyan para lang iyong ating mga kababayan ay magtanda. Kung dadami pa puwedeng bumalik pa tayo sa ECQ?

SEC. ROQUE:  Ang sinasabi ko nga po ang istorya ng Cebu ay istorya ng buong bayan. Kung ang Cebu po ay bumalik sa ECQ, kahit anong lugar po sa Pilipinas depende sa case doubling rate at critical care capacity eh pupuwede tayong bumalik muli sa ECQ.

Pero huwag nating payagan iyan, gamitin natin ang sandata. Kaya po natin iyan, we will heal as one.

URI:  All right. Sec., sa ibang usapin, iyong nangyari sa Sulu between some of the members of the PNP and AFP, may plano ba ang Presidente na kausapin ang pamunuan ng dalawang… ng dalawang—

SEC. ROQUE:  Hello?

URI:  Yes?

SEC. ROQUE:  Nakakatawa naman ito, nandito ako sa katabi ng istasyon ninyo nawawala kayo. Hello?

URI:  Nasaan kayo? Hali na kayo! Bakit hindi na lang pumasok dito?

SEC. ROQUE:  Well, anyway kailangang-kailangan ko na dahil mayroon akong pagpupulong ano, nagsisimula na.

URI:  Sige. Sec.—

SEC. ROQUE:  Pero last point lang, Ikinalungkot po iyan ng Presidente, ime-meet po ng Presidente lahat ng mga commanders on the ground ng PNP at saka ng Army sa Jolo, Mangyayari na po iyan sa mga susunod na araw pero hindi ko na muna sasabihin kung kailan at kung saan.

At nangangako po ang Presidente na gagawa siya ng hakbang na hindi na ito mauulit sa dalawang taon na natitira sa kaniyang termino.

URI:  So, kakausapin—

SEC. ROQUE:  Kahapon kasi, June 30 ay pang-apat na taong anibersaryo ni Presidente sa kaniyang opisina.

URI:  Oo nga pala. Kaka—

SEC. ROQUE:  Kakausapin po niya… kakausapin niya ang mga commanders at pati po iyong siyam na PNP kakausapin po niya sa mga darating na araw.

URI:  So he will talk to Gen. Gamboa and the AFP Chief?

SEC. ROQUE:  Wala na [unclear] at kailangan ko na ring magpaalam dahil simula na po ang aking pagpupulong.

URI:  Sige, salamat! Salamat, Secretary.

SEC. ROQUE:  Ayan, nawala ka na. Bye bye!

 

###

 Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)