Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Naomi Tiburcio – PTV Balita Ngayon


Q: Para mabigyan pa tayo ng karagdagang impormasyon kaugnay ng pinalawig na state of calamity, makakausap natin si Presidential Spokesperson Harry Roque. Magandang umaga, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Magandang umaga Pilipinas. Tama po ang sinabi ninyo ‘no, kasi inaasahan natin at ngayon ay ating ianunsiyo, nalagdaan na po ni Presidente ang proklamasyon na nagpapahaba po nang state of calamity ng isang taon. Ito po ay epektibo September 13, 2020 hanggang September 12 of 2021. So [garbled] iyong original state of calamity na nadeklara ni Presidente. At inaasahan po natin na dahil tayo po ay nasa state of calamity, iyong mga lokal na pamahalaan ay puwede na po nilang magamit iyong kanilang mga calamity funds at siyempre po iyong mga probisyon ng Bayanihan I and II ay iiral na po dahil marami pong requirements doon sa Bayanihan II na nangangailangan ng state of calamity.

Q: Secretary, sapat po ba ang pondo ng pamahalaan na nakasaad sa Republic Act # 11494, itong Bayanihan to Recover as One Act para sa mga hakbang na gagawin para malabanan iyong pagkalat ng virus?

SEC. ROQUE: Ang Bayanihan II po, ito po ay pagmula na stimulus package. Ito po ay magbibigay ng 13 billion para po sa mga nawalan ng trabaho. At iyong balanse po ng 140 billion, karamihan po rito ay para po magbigay ng kapital doon sa mga nais magsimula ng negosyo. At ito po ay ipapatupad po ng mga ahensiya kagaya ng DOLE, ng Department of Agriculture at ng Department of Trade and Industry

Q: Sa ilalim po ng batas, kapag may deklarasyon ng state of calamity, kaakibat nito iyong pamimigay ng calamity fund, pagpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing pangangailangan at moratorium sa pagbabayad ng utang sa mga financial institutions. Tuluy-tuloy pa rin po ba iyong pagpapatupad ng mga probisyong ito na nakasaad sa RA 10121?

SEC. ROQUE: Tuluy-tuloy po iyan. Pero lilinawin ko po, doon sa Bayanihan II, binigyan po tayo 60 days na extension at ito naman po ay dapat bayaran din ‘no. So hindi po ibig sabihin na kakalimutan na po iyong mga pagkakautang, binigyan lang po tayo ng breathing space kumbaga. At pupuwedeng bayaran po iyan ng ‘gives’ na wala pong interes.

Q: Ano naman po iyong dapat asahan ng ating mga kababayan sa mga LGUs nila dahil may extension po ng state of calamity?

SEC. ROQUE: Kagaya ng aking sinabi po, pupuwede na nilang magamit ng calamity funds ng mga LGUs. At mas importante po nga po ay [garbled] probisyon po doon sa Bayanihan II na nangangailangan ng declaration ng state of calamity ay pupuwede na pong ipatupad.

Pero, Naomi, kaya po tayo humingi ng pagkakataon na magkaroon ng ganitong pag-aanunsiyo, matapos pong pag-aralan ni Presidente ang rekomendasyon ng parehong panig – iyong nagsasabi na dapat manatili na one meter ang social distancing sa pampublikong transportasyon at iyong mga nagsasabi na mga sektor din na nagsasabi na pupuwede naman itong pababain basta mayroong wearing of mask, face shield, walang salitaan, nang walang kain at paggamit ng sanitizing doon sa mga pampublikong transportasyon – nagdesisyon na po ang Presidente kahapon. Ang desisyon po ng Presidente, mananatili po ang one-meter social distancing sa pampublikong transportasyon.

Uulitin ko po, ang desisyon ng ating Presidente ay panatilihin po muna ang one-meter social distancing sa pampublikong transportasyon na sasamahan din ng pagsuot ng mask, ng face shield, bawal po ang salita at bawal po ang pagkain at pagsa-sanitize po ng mga pampublikong transportasyon.

Q: Okay. Maraming salamat, Presidential Spokesperson Harry Roque.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)