Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Marc Logan and Amy Perez (Sakto-DZMM)

LOGAN: At para po sa karagdagang detalye ng balitang iyan, nasa linya po si Secretary Harry Roque. Magandang umaga po, Secretary.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po sa inyo at sa inyong mga tagapakinig at tagapanood, magandang umaga po.

LOGAN: Iyon pong suspensyon, Secretary, malalim po ba ang ano… seryoso po ba ang dahilan kung bakit nagsuspinde po ang Malacañang ng klase?

SEC. ROQUE: Well, may mga pagbabanta pong ginagawa ng ilang mga makaliwang mga grupo na baka po maging dahilan para magkaroon ng problema ang ating mga estudyante, so minabuti na po ng Presidente na isuspinde na ang mga klase.

Ang maapektuhan lang naman po ay ang mga panghapon na klase, iyong mga nasa eskuwelahan na lalo na iyong mga nasa elementarya ay matatapos naman po ang klase nila ng alas diyes y media. So iyong mga panghapon, huwag na pong pumasok.

LOGAN: Okay. So, Secretary, may mga movements na po ba like similar to what happened yesterday, kung kaya’t nag-suspend po kayo ng klase?

SEC. ROQUE: Mayroon na po sigurong simulang mga pangyayari. At ang sa atin lang ay hindi po natin pababayaan na magkaroon ng aberya sa ating mga kabataan.

LOGAN: Secretary, linawin lang po natin iyong sakop po ng suspensyon, sir…

SEC. ROQUE: Ito po ay sa lahat po ng antas ng eskuwelahan dito po sa Metro Manila. At pinababayaan na po natin sa mga lokal na pamahalaan ang desisyon kung sila rin ay magsu-suspinde ng klase sa mga probinsiya.

LOGAN: Iyong private po, Secretary?

SEC. ROQUE: Lahat po ito ng antas, so kasama po diyan ang pribado dahil ang iniiwasan natin ay iyong aberya na pupuwedeng maging bunga nitong pahayag na magkakaroon na naman ng transport strike at iba pang mga pagkilos.

LOGAN: Mayroon po bang ayuda, naatasan na po ba ng Malacañang ang ayuda sa iba pong ahensiya para po kung sakaling may mga… kasi panghapon lang po ang masususpinde, baka po magkaroon ng mga ma-stranded po?

SEC. ROQUE: Well, nakasubaybay naman po ang gobyerno. Mayroon po tayong contingency plan at aalalay po tayo doon sa mga kinakailangan ng tulong.

LOGAN: Maraming salamat, Secretary.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource