SEC. ROQUE: Magandang umaga, Ka Orly. Magandang umaga sa lahat ng nakikinig at nanunood po sa atin.
MERCADO: Hindi ka lang spokesman, ‘di ba legal counsel ka rin?
SEC. ROQUE: [Laughs] Well, puwede na rin po.
MERCADO: The workers are not jumping up and down as a consequence of the President’s signing of this Executive Order. Ano ba ang reaksiyon mo roon ?
SEC. ROQUE: Well, hindi naman po siguro lahat ng labor iyan ‘no. Siguro tingnan natin iyong mga ilang mga organized labor eh… are not jumping up and down gaya ng sinabi ninyo. Pero pansinin ninyo, Ka Orly, bago pa nila malaman kung ano ang nakasaad sa EO ay binabanatan na nila iyong EO. Ibig sabihin, kahit ano pa ang laman nito, babanatan at babanatan po nila; at kitang-kita naman po natin sa pangyayari iyan kahapon ‘no.
Kaya nga po ako ay aliw na aliw. So sabi ko, bukas kapag kinakailangan nang sumagot eh napakadali namang sumagot dahil kahit anong lamanin niyan, hindi katanggap-tanggap sa kanila ‘no. Pero ang katunayan po, balikan po natin ang mga pangako ni Presidente—hindi lang po si Presidente, kung hindi lahat po ng mga presidentiables na tumakbo, ang sabi po nilang lahat ay patitigil na ang ‘endo.’
Ano ba ho ang ‘endo?’ End of contract. Ito iyong tinatanggal ang isang empleyado bago… every six months, dahil kapag naging six months iyan ay magiging regular, kinakailangan na tanggalin. So iyan po ngayon ang nilabas ng EO ng Presidente, na pinagbabawal ang kontraktuwalisasyon na lumalabag sa tinatawag na karapatan ng security of tenure ng mga manggagawa. At kapag mayroong napatunayan na ganyan nga, na endo, ituturing ng batas at ng gobyerno iyong kaniyang employer na talagang employer for purposes of the (unclear).
So itong inisyu po, ito talaga iyong pangako ng Presidente. Now, hindi naman po pupuwedeng mangako ang Presidente na, unang-una, itigil lahat ng klase ng kontraktuwalisasyon – hindi po iyan ang pangako ng Presidente. Malinaw po iyan. Endo at 555 ang pangako ng Presidente.
Pangalawa, kung lahat po ng kontraktuwalisasyon ay ipagbabawal ay talagang kinakailangan po ng batas. Alam mo, Ka Orly, noong nasa Kongreso pa ako, isa ako doon sa primary authors ‘no. At ang ginaya kong depenisyon ay pinagbabawal iyong kontraktuwalisasyon na mayroong functional equivalent. Hindi po original ang ideya na iyan. Iyan po ay kinalap ko doon sa batas ng European Union.
So kung mapapakita na mayroong functional equivalent iyong trabaho ng isang kontraktwal, dapat tratuhing regular iyan. Pero para magkaroon ng ganiyang batas, kinakailangan talaga ng isang panukalang batas galing sa Kongreso, dahil ang kapangyarihan naman po ng Presidente ay tagapagpatupad ng batas, hindi po taga-gawa ng polisiya.
MERCADO: Pero mukhang mayroon ng version sa House, at sa Senate na lang. Kung hindi maglalayo ang kanilang version ay do you think with the President’s endorsement as, you know, para hindi na maghintay ng three days na ano, if he certifies it, do you think it will, you know, it’s easier to pass the stage?
SEC. ROQUE: Well, talaga naman pong mapapabilis. Ako po, kaya ako… bagama’t isang taon at apat na buwan lang ako sa Kongreso, and yet naka-apat akong batas ‘no kasi sinigurado ko iyong mga batas ko lahat pina-certify ko as urgent at dahil kapag urgent iyan, mas mabilis ‘no. Pero hindi naman po ibig sabihin na sunud-sunuran din ang Kongreso. Nasa sa kanila rin iyon kung gaano nila kabilis ipapasa iyong batas na iyan.
MERCADO: Kasi mayroong mga nagli-label nito. Siyempre there are some those who don’t agree, it’s pro-employer; sabi, it’s sufficient naman for the workers – Pro. Kasi ang role ng gobyerno, it’s a tripartite arrangement, talagang taga-balanse ng interes ng dalawa, hindi ba?
SEC. ROQUE: Opo, opo. Well, malinaw po ‘no. Ang problema po, uulitin ko po, itong mga tao naman pong ito ay binabanatan na ang EO na hindi nakikita iyong EO. So talagang kahit anong ilaman niyang EO na iyan, babanatan po nila iyan.
Pangalawa, malinaw po: Pinapatupad ng Pangulo ang batas laban sa endo. Iyan po ang pangako niya noong nakalipas na eleksyon – iyan pong nakasaad sa EO. So ito po ay isang pagtupad sa pangako at iyan na lang po talaga ang magagawa ng Ehekutibo hanggang hindi gumawa ng bagong batas ang Kongreso dahil mayroon naman talaga tayong kaniya-kaniyang katungkulan dito sa ating Saligang Batas.
MERCADO: Okay. Maraming salamat, Secretary Harry Roque, sa pagsagot mo sa aming tawag at pagpapaliwanag ng posisyon ng Pangulo na nauukol sa endo. Thank you.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Magandang umaga po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)