Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Orly Mercado (DWFM – All Ready)


ORLY:  Hi, Secretary Harry. Good morning.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga at sa mga nakikinig ngayon, magandang umaga po.

ORLY:  Okay. Ano ba ang nangyari sa mga OFWs ng Pilipinas doon sa Kuwait? Was it changed, ano ba, lifted na ba iyan o ano bang ang kasalukuyang posisyon—ano ba ang ginawa ng Malacañang?

SEC. ROQUE:  Well, ang napakagandang balita po ngayon ay nagkaroon na po ng kasunduan sa parte ng Pilipinas at ng Kuwait, kung saan kinikilala na ngayon ng Kuwait ang kanyang obligasyon na bigyan ng proteksyon iyong mga mamamayan natin na nagtatrabaho doon bilang domestic helpers. At dahil dito po sa Memorandum of Agreement na ito ay ngayong araw  po ay inaasahan nating i-lift, lift na partially iyong ban sa deployment. Pupuwede na po muling magtrabaho iyong mga skilled at saka semi-skilled. At hindi na po magtatagal ay pupuwede na rin siguro magpadala ng mga domestic workers; pero meron po tayong mga repormang gagawin. Kinakailangan pong palakasin natin iyong ating training at palakasin natin iyong screening ng mga pupunta sa Kuwait ng sa ganoon mabawasan ang mga friction ‘no sa mga would be employer ng ating mga kababayan. Dahil alam mo talagang kinakailangan maiwasan muli iyong Jhoanna Demafelis na insidente at kaya nga po nagkaroon ng ganitong ban. Pero both countries with the signing of the MOA have agreed to move on. So mukhang patungo na po sa normal ang samahan ng Pilipinas at Kuwait.

ORLY:  Pero paano naman iyong—well, iyong mga hinihingi na iyong mga passport, na hindi naman dapat kumpiskahin ng employer at saka ability to communicate by means of their own cellphone?

SEC. ROQUE: Nakasaad na po ngayon diyan sa Memorandum of Agreement iyan at nagkaroon na rin ng undertaking po iyong Ministry of Interior na magkakaroon sila ng special police force na makikipag-ugnayan sa ating embahada para tulungan iyong mga distressed OFWs 24 hours a day.

ORLY:  So, ang problematic yata talaga eh itong sa…iyong mga nagtatrabaho sa…iyong mga domestic helpers natin. Pero iyong ibang skilled workers ay hindi naman problematic, ganoon ba iyon?

SEC. ROQUE:  Opo. At ang maganda po ay nagkaroon na rin ng malawakang reporma sa Kuwait. Dati-rati po kasi, hindi sakop ng labor doon ang ating mga domestic helpers dahil sila po ay sakop ng Ministry of Interior; pero ngayon po ay sa ilalim na rin sila ng Ministry of Labor at nagkakaroon na rin sila ng model contract na pipirmahan ng lahat ng employers, hindi lang po ng mga Pilipinang mga domestic workers, kung hindi lahat ng domestic workers sa Kuwait.

At ang mabuting balita po, mas maganda iyong terms and conditions of employment, kung ano iyong ibinibigay doon sa skilled and semi-skilled including iyong meron pong compensation package pag-end of contract na ano, eh maibibigay na po sa ating mga manggagawa.

Isa pang probisyon na mas maganda kaysa doon sa hinihingi ni Presidente Duterte ‘no, dati po hiniling lang ni Presidente pito o walong oras na tulog, pero doon po sa kontrata, dose oras na pahinga po ang ibibigay sa ating mga domestic helpers.

ORLY:  So masasabi na ba natin na normal na ang diplomatic relations ng Pilipinas at Kuwait?

SEC. ROQUE:  Tingin ko po, normal na talaga, dahil tahimik na po, wala na pong hidwaan, wala na pong hindi pagkakaintindihan and we are moving on with our bilateral relationship.

ORLY:  Itong template natin sa Kuwait, ay masasabi ba natin, magandang puwedeng gamitin sa iba pang mgalugar? I don’t know kung meron pang mga lugar sa Middle East na problematic pa, lalo sa mga domestic helpers.

SEC. ROQUE:  Opo. Alam n’yo po ang nadiskubreko naman ay hindi naman po totoo na ang mga Kuwaitis lahat ay mapang-api ‘no. Meron lang naman pong ilan iyan ‘no. At ang Kuwait po ay nalaman ko top 3 ang kanilang currency sa US dollars, napakaunlad, napakamoderno at in fact sa lipunan, hindi gaya sa ibang lugar na (unclear). Pero dito po ay modern na modern po sila‘no na nakakagulat. Ang description ko po ng Kuwait City ay isang bansa iyan (unclear). So hindi po iyon ang inaasahan ko at iyan naman ay isang pleasant surprise.

ORLY:  Maraming salamat, Secretary Harry Roque—by the way, Secretary Harry. Pupunta ang Presidente sa Philippine Rise?

SEC. ROQUE:  Opo. Kasama po kami doon at ngayon po ang anibersaryo kung saan tayo po ay na-awardan ng UN Commission on Extended Continental Shelf ng sovereign rights dito sa Philippine Rise. At ngayon din po iyong ika-unang taon kung kailan po pinalitan natin ang pangalan ng Benham Rise to Philippine Rise.

ORLY:  Ano ang main purpose—well, of course, obviously dapat ay maging aware tayo talagang alam natin ang mga nangyayari sa teritoryo natin at iyan ay isa sa pinakamalaking tungkulin, lalo na ng Armed Forces, ng Department of Defense.

SEC. ROQUE:  Well, ito po ay symbolic at the same time assertive. Symbolic, dahil—ang Philippine Rise naman po talaga ay iyong lupa at mga bato sa ilalim ng karagatan, hindi kami makakarating doon ‘no, doon lang kami sa karagatan sa ibabaw ng continental shelf ‘no. Pero ito ay nagpapakita na ang polisiya ng gobyerno ngayon ay talaga pong atin na hindi na muna natin ishe-share sa ibang dayuhan. At meron nga pong mga singkuwentang (50) scientist at lahat po taga-UP naise-send off natin, dahil sila po ay magsisimula ng kanilang mga scientific research doon sa Philippine Rise.

ORLY:  Iyan pong Philippine Rise ay nasa kabila, nasa eastern side ng ating teritoryo. Pero kumusta po ba, meron bang pagbabagong pinaplano nauukol naman sa ating masalimuot na kalagayan sa Spratly o sa Kalayaan Island Group?

SEC. ROQUE:  Well, wala naman pong movement sa Kalayaan Island ‘no, iyong mga napapabalita na mga improvement na nangyayari. Ang katotohanan po, lahat iyon eh mga artipisyal na isla na iyan dineklara naman iyan na nasa Exclusive Economic Zone ng ating bayan at ibig sabihin niyan, tayo lang ang may karapatan na gumawa sa mga isla na iyan. Pero alam natin ang katotohanan, dahil ginagamit na base military, hindi natin sapilitang puwedeng makuha ngayon sa Tsina. So ngayon po status quo tayo, nakikipagkaibigan tayo, umaasa tayo na walang dahilan para gamitin sa atin iyang mga sandata na nasa artificial na islands na iyan.

ORLY:  Maraming salamat, Secretary Harry Roque. Thank you, very much.

SEC. ROQUE:  Salamat po, magandang araw po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource