Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Ted Failon (DZMM – Failon Ngayon)

 

TED: Good morning, Secretary.

SEC. ROQUE: Good morning Manong Ted at good morning po sa buong Pilipinas.

TED: Sec, iyon pong executive order tungkol po dito po sa Boracay Task Force na ito on closure, wala pa raw pong napipirmahan ang Pangulo?

SEC. ROQUE: Alam ko po nasa desk na po niya diyan po sa Davao. Nagkaroon lang ng po kaunting delay, kasi alam n’yo naman po ang proseso manggagaling po iyan sa NDRCC. At ang alam ko po ngayong umaga po ay napadala na po sa Davao.

TED: I see. So within the day po baka magkaroon ng development?

SEC. ROQUE: Within the day po iyan. In fact ang sabi ko nga, as soon as it’s signed, kunan lang ng picture nang umabot sa akin ng 11 o’clock press briefing.

TED: I see, opo, sige po. So kayo po ay ano—what time is the departure of the President going to Singapore?

SEC. ROQUE: Hapon po. Pero kanya-kanya po kaming alis. Meron pa po siyang speaking engagement sa mga Mason, pero mga hapon po rin ang alis niya.

TED: Sec, meron na ho bang reaksyon po ang Presidente dito po sa nangyari pong pagpapadeklarang persona non grata po sa ating embahador sa Kuwait?

SEC. ROQUE: Well, nag-isyu po ng statement si Secretary Cayetano. Eh nagulat po talaga ang lahat sa mga developments na ito, dahil mahusay po ang pag-uusap sa panig ng ating Presidente at ng Kuwaiti Ambassador; at sa panig po ng ating Secretary of Foreign Affairs at ng Kuwaiti Ambassador din kahapon ‘no.

So, nagulat po tayo at ngayon po ang pinag-aaralan kung ano ang mangyayari. Pero ang assurance lang po ng Presidente sa ating panglabas na relasyon, ang pangunahing concern po ng Presidente ay iyong kapakanan ng ating mga mamamayan, ng ating mga OFWs, dahil iyan naman po talaga ang ating misyon – na pagsilbihan ang ating 11 million na mga OFWs na nandiyan po sa buong mundo.

TED: Opo, ano po ang effect po nito dito po sa nakatakda pong pagpunta ng Presidente sa Kuwait, para nga pirmahan sana itong ating kasunduan sa kanila?

SEC. ROQUE: Well ang importante lang po – bago po ito nangyari – ay talaga namang all systems go tayo para doon sa ating memorandum of agreement at mukhang nagkasundo na nga doon sa minimum terms and conditions for employment – kasama iyong bakasyon, iyong pagkain at saka iyong passport para sa ating mga manggagawa diyan sa Kuwait. Pero sa tingin ko naman, hindi ito mababago. Matagal din tayong nagturo ng international law, iyong pagre-recall po ng ambassador, talagang iyan ay mensahe na sila po ay may ikinagagalit, pero sa tingin ko naman po huhupa iyan. Siguro po kinailangan lang na i-express nila iyong kanilang displeasure ng maging malinaw na hindi naging katanggap-tanggap para sa mga Kuwaiti iyong mga pangyayari.

Pero tayo naman po ay humingi na ng paumanhin ang ating Secretary of Foreign Affairs, kaya kinilala rin natin na talagang merong dahilan para humingi ng paumanhin.

TED: Opo, sige po. So, wala pa ho bang petsa iyon, iyong pagpunta ng ating Pangulo sa Kuwait para po saksihan itong pirmahan na ito?

SEC. ROQUE: Wala pa pong petsa. Pero ang alam ko po, eh kasi aabutan na tayo ng Ramadan. So, kung pupunta po roon at kung magkakapirmahan, iyan po ay pagkatapos na ng Ramadan.

TED: Oh, sige po. Sec. Harry, safe trip. You are now bound for Singapore?

SEC. ROQUE: Papunta pa po ako ng Malacañang, magpe-press briefing pa po ng 11 am, bago ako umalis mamayang hapon, Ted.

TED: I see, opo. Sige po. Good luck po and have a good day, sir, salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Manong Ted. Mabuhay po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource