RIVERA: Spox Panelo, good morning. Ang question ko lang, sir, is ano pong basis or what was …kasi ako, I’m not really sure kung ano iyong basis ng statement mo na parang the agreement of President Duterte and President Xi Jinping, verbal agreement is legally binding? Ano po iyong statement mo dito, Secretary Panelo?
SEC. PANELO: Well, gaya ng pinaliwanag ng Presidente, nagkaroon sila ng kasunduan na pababayaang mangisda iyong mga kababayan natin sa Scarborough at hindi papakialaman. ‘Di ba last time, pinapakialaman nila iyong mga mangingisda natin sa Scarborough.
LOS BAÑOS: Secretary, may mga nagsasabi, of course, kung ganito raw katindi iyong usapan na ini-enforce na iyong pagsi-share ng EEZ, dapat daw po ay isinulat. What do you think about it, sir? Is it about time na isulat iyong agreement or manatiling verbal ang agreement na ito sa pagitan ni Pangulong Duterte and ni Pangulong Xi Jinping?
SEC. PANELO: Hindi na dahil… actually, hindi naman, in the sense nga na nag-usap sila sa isang bilateral meeting, eh recorded naman iyon eh.
FALCIS: Sino pong nag-record, sir; or paano na-record, sir?
SEC. PANELO: Siyempre, alam mo, kapag may bilateral meeting, talagang niri-record iyan kasi official iyang ano eh … nag-uusap dalawang heads of state, ‘di siyempre recorded iyon.
LOS BAÑOS: Isa pa ako, Secretary Panelo. I’m sure nakarating na po sa inyo ano. May ilan mga senators, like si Senator Gordon, ang sinasabi nila ay dapat daw ipaalam sa Congress iyong terms ng agreement na ito para hindi raw si Pangulong Duterte lang ang nakakaalam nung pagsi-share ng EEZ. What do you think about it, Sec?
SEC. PANELO: Mali iyon, sapagkat matagal nang sinasabi namin iyon eh. Noong dumating kami sa Beijing two years ago, mayroon ng mga pahayag si Secretary Foreign of Affairs. Ako, may pahayag na rin ako diyan. Hindi totoo iyon na itinago o hindi nalalaman nila.
FALCIS: Two years ago pa, sir?
SEC. PANELO: Talagang pinag-uusapan iyan eh. Hindi ba kaya nga nagkaroon ng hindi pakikialam iyong mga Coast Guard ng China sa Scarborough kasi nga iyon ang napag-usapan nila, papayagan na mangisda doon.
FALCIS: Sec. Panelo, natatandaan ko po sinabi ninyo two years ago parang may modus vivendi – iyon ang maganda ninyong word – na puwedeng mag-fish both Filipinos and Chinese fishermen sa Scarborough. Pero parang wala po akong natatandaan noon na iyong sharing ng parang pagpi-fish or iyong mutual respect extended or included Recto Bank. Parang ang dating lang two years ago, it was just about Scarborough.
SEC. PANELO: [DISTORTED LINE]
FALCIS: Medyo choppy ka sir.
LOS BAÑOS: So, Sec., ibig sabihin, all this time alam naman ho ng Senado at ng Kamara itong sinasabing agreement between President Duterte and Presidente Xi?
SEC. PANELO: Siguro kung hindi nila narinig iyong mga pahayag natin noon, hindi nga nila malalaman.
FALCIS: Opo. So ipapaalam na lang natin ulit siguro ngayon, sir.
LOS BAÑOS: Oo nga, sir. May ganoon ba, magkakaroon ba ng effort mula sa Palasyo na i-meet sila, at least the leadership, para ipaliwanag iyong terms nitong agreement na ito o wala po?
SEC. PANELO: Ano pa ba ang kailangang ipaliwanag, sinabi niya na nga iyong agreement eh. [DISTORTED LINE] … maliit lang iyong usapan nila. Kumbaga, parang sandaling-sandali lang iyong usapan nila eh. Kung ano iyong kinuwento ni Presidente, exactly iyon ang nangyari.
LOS BAÑOS: Okay, all right. Maraming salamat, Secretary Panelo.
SEC. PANELO: Thank you.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)