Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. in Camarines Sur

Event Media Interview
Location Iriga City, Camarines Sur

mediaQ: Hi sir. Good afternoon. Sir, kanina inilunsad po natin ‘yung Bagong Pilipinas. Ano po ‘yung significance nito at paano po ito makakatulong po sa ating mga kababayan, sir?

PRESIDENT MARCOS: Ang Bagong Pilipinas ay sinasabi natin, ‘yun na nga kagaya ng nabanggit ko sa aking salita ay sinabi ko — ay ang mundo nagbago na, kailangan natin magbago rin. Ngunit ang pagbabago na dala natin ay ‘yung nasa ugali ng Pilipino.

Ngayon, ang sinasabi natin ay sayang naman at napakagaling ng Pilipino. Kung minsan ay ‘yung sistema, ang mga sector, ‘yung mga sa trabaho, sa agrikultura, lahat ‘yan ay hindi talaga napapakinabangan ng mga husay at galing nila. Kaya’t ang Bagong Pilipinas, lahat po tayo magsama-sama. Lahat ng ating galing, lahat ng ating sipag para sa ikabubuti ng ating minamahal na Pilipinas. Iyan po ang kahulugan ng Bagong Pilipinas.

Q: Sir, on another topic sir, nabanggit niyo dati ‘yung fishing ban sir, kung sakaling ipatutupad po ito sa ilang lugar para labanan po ‘yung overfishing. Paano po masisiguro ng gobyerno na hindi maapektuhan ang small-scale fishing activities? Kagaya po dito sa Bicol Region na marami ang maliliit na mangingisda.

PRESIDENT MARCOS: Hindi maganda ang pagkapaliwanag ko. Hindi fishing ban ang pinag-usapan ko. Ang sinasabi ko, kung saan ‘yung breeding area ng isda, huwag tayong mangingisda doon para dumami ‘yung isda.

Pero walang fishing ban. Hindi naman — walang hanapbuhay ang tao. Padadamihin nga natin ‘yung isda dahil kausap ko kanina ‘yung mga mangingisda, sabi nila talagang nabawasan na ‘yung huli nila. Kaya talagang tingnan natin kung saan ‘yung mga breeding grounds ng mga isda. Alagaan natin nang mabuti. Huwag tayong papasok muna roon para makarami tayo ng huli ng ating mga mangingisda.

Q: Hello, Mr. President. Cris Novelo from GMA-7.

PRESIDENT MARCOS: Good afternoon.

Q: Sir, kumusta po ang implementation ng price ceiling sa bigas at bagong buying price sa palay? Mayroon po ba tayong ibang option na tinitingnan para mas mapababa pa ang presyo ng bigas na hindi naman naapektuhan ang iba pang sector?

PRESIDENT MARCOS: Imposibleng may galaw ang presyo ng kahit na ano na agrikultura na hindi maapektuhan ang ibang sector. Fundamental ‘yan. Pagka gumalaw ‘yung agriculture… Kaya ‘yan ang inuuna natin dahil hindi natin kayang gawin ‘yung gusto nating gawin kung hindi tayo mag-aayos ng ating agrikultura.

So, anyway, sa mga measures na sinimulan natin, halimbawa ‘yun na nga, ‘yung price cap, pati na ‘yung ayuda sa mga retailer, pagtaas ng bilihan ng palay ay sa palagay ko, pagpasok ng ani, dahil papasok na, nag-aani na tayo at pagpasok niyan, sa palagay ko makikita na natin na bababa ‘yung presyo.

Market forces. Baka kung ‘yung merkado mismo ang bumababa na ang presyo, puwede na nating bawasan ‘yung mga kontrol na nilagay natin.

Okay. Maraming salamat. Thank you.

 

— END —