Interview

Radio Briefing by Secretary Martin Andanar – Presidential Communications Operations Office (Kaagapay ng Bayan with Ms. Marie Peña-Ruiz and Mr. Leo Palo)

Ms. Ruiz: Good morning, Secretary. 

Mr. Palo: Good morning, Sec. 

SEC. ANDANAR: Hello, good morning, Marie. Good morning, Leo. Good morning sa lahat ng nakikinig ng inyong programa dito sa Radyo Pilipinas Uno. 

Ms. Ruiz: Okay. Sir, meron ba kayong opening statement po? 

SEC. ANDANAR: Ang opening statement ko lang ay sana maayos ‘yung paggising natin lahat.

After a very successful ASEAN Summit, alam natin na pinagpaguran

natin ito lahat, hindi lang ng mga nasa likod ng National Organizing Committee, pati na ng sambayanang Pilipino sapagkat ipinakita talaga natin na tayo ay isang disciplined and we are willing to sacrifice so much.

Maraming hindi pumasok sa eskwela, maraming hindi pumasok sa trabaho at marami ring hindi bumyahe, especially in Metro Manila, para lang masiguro natin ang free flow of traffic, at sa mga bisita natin, of course ‘yung security din ng buong sambayanan at ng mga delegado. Good morning po.

Ms. Ruiz: Pati nga po ‘yung [inaudible] operation ng publiko ay naging matagumpay din itong ASEAN Summit. 

SEC. ANDANAR: Opo. Talagang publiko ‘yung numero uno diyan eh kasi pag ‘yung buong publiko ay mag cooperate, lahat ay sunod-sunod na ‘yun eh.

Hindi mo pahihirapan ‘yung kapulisan, ‘yung barangay, ‘yung mga magbabantay. So mas madaling i-manage para sa National Organizing Committee.

So talagang kudos sa buong publiko sa partisipasyon, kooperasyon and of course, for watching also the closing, the opening, the closing, nakatutok sila sa Presidential Communications, sa ASEAN 2017 Facebook pati sa PTV. 

Mr. Palo: Well, sa closing pa lang eh sabi ko, “world class.” Parang nag-concert, parang may isang concert. 

SEC. ANDANAR: Oo, talagang meron po talagang taste ang Pilipino pagdating sa musika, kantahan, sayawan, pagdating sa arts and culture. Sabi ko nga kay Director Demic Pabalan ng RTVM, ”’Yung Director mo pala pwede na mag-director ng ASAP.” Musical show kasi ‘yung mga nandun mga taga-RTVM ‘yun eh. 

Mr. Palo: Ah ganun ba? 

SEC. ANDANAR: Oo may nag direct doon sa opening, closing. ‘Yung mga napanuod natin sa Presidential Communications, ‘di ba merong RTVM na watermark. Ayun. 

Mr. Palo: Ang galing ha. Anyways Secretary, congratulations po sa inyo. Dahil kung hindi lang sa information dissemination on this matter— 

Ms. Ruiz: ‘Yung massive information campaign — 

Mr. Palo: — aba eh baka nagkawindang-windang na — 

Ms. Ruiz: Pati sa private stations, naririnig ‘yun, ‘yung ASEAN. 

SEC. ANDANAR: Hello? 

Ms. Ruiz: Yes, yes. Sir? 

SEC. ANDANAR: Oo, medyo napuputol. We would like to congratulate the President kasi siya talaga ‘yung nagbigay sa atin ng opportunity sa ASEAN to foresee, para imanage ‘yun ng husto. Hello? 

Ms. Ruiz: Yes sir, go ahead po. Sir? 

[phone line cut] 

SEC. ANDANAR: Hello? 

Mr. Palo: Ayan, sige sir. 

Ms. Ruiz: Sir? 

Mr. Palo: Go ahead sir, go ahead. 

SEC. ANDANAR: Mahina kasi ‘yung signal dito. 

Mr. Palo: Ah kaya pala. Ayan sige sir. 

SEC. ANDANAR: Ito, ito. Okay na. 

Mr. Palo: Akala ko kakanta ka eh. 

SEC. ANDANAR: Hindi. Sabi ko ano, magagaling talaga ‘yung Filipino artists. We have to of course, thank the President, congratulate him, siya po talaga ang nagbigay ng orders, authority sa NOC para ma-manage ito ng husto and congratulate also Executive Secretary Bingbong Medialdea dahil siya naman ‘yung chairman namin sa NOC at lahat ng kasamahan namin sa organizing committee, Ambassador Paynor, Usec. Noel Puyat, who’s the co-chairman of communications. 

Mr. Palo: Alright, Sec. Siguro.. naku baka ma-lowbat ‘to. Mahirap na. Anyways, ito. Ipapatanong ko na lang din — pinapatanong pala ni John Bencito ito. Patanong po sana. Sabi niyang ganun. Can we seek for your comment on why did the Philippines opposed the UN draft text which sa calls for full and unhindered humanitarian aid access and for Myanmar to grant full citizenship rights to Rohingya Muslims based on Thursday’s votation diyan po sa UNGA. 

SEC. ANDANAR: Actually, hindi ako privy sa nangyayaring ‘yan pero ipaubaya na lang natin sa Department of Foreign Affairs, sila na lang ‘yung sumagot sa tanong ni John Paolo.

Mr. Palo: Mahirap na, baka mawala ‘yung baterya. Ito pa. Mainit na mainit. Para sa fair questions na rin. Si Asec. Mocha, Secretary Harry Roque and the rest of the gang, mukhang nabanggit po ni Speaker Alvarez na tatakbo para sa pagka-Senador sa susunod na election. Ano po ang say niyo dito? Hindi ba kasama kayo dito? Sec? Parang namatay. 

Ms. Ruiz: Sir? 

[phone line cut] 

SEC. ANDANAR: Ano ‘yun, sorry? 

Ms. Ruiz: Sir, gusto ni Leo Palo na makasama ka din sana sa Leo’s — sa slate ng PDP-Laban. 

SEC. ANDANAR: Ay salamat Leo sa tiwala. Pero alam mo, sinabi na ng ating mahal na Pangulo nung last year pa na mga Cabinet officials ay hindi niya papatakbuhin sa Senado at ayaw niyang ginagamit ‘yung departamento namin o ‘yung kanya-kanyang departamento as a jumping board to enter politics.

So ako naman ay nakatutok sa trabaho. Marami tayong mga repormang dapat gawin. Kasama nga ‘yung sa inyo diyan sa Radyo Pilipinas. Hindi pa tapos ‘yung trabaho. Marami tayong mga magaganda na mga proyekto na gagawin pa for the coming years — 2018 will be very exciting for the Presidential Communications Operations Office at ng buong bansa.

Mr. Palo: Sir, so kung — hiwalay naman ang PCOO sa Spokesman’s Office ano and Asec. Mocha is under you. Eh mukhang napasama doon sa Senatorial slate. 

SEC. ANDANAR: Ako eh natutuwa naman kay Assistant Secretary Mocha Uson at binanggit ang kanyang pangalan ni Speaker Alvarez.

Isang karangalan sa isang tao na mapasama sa isang listahan o ma-consider lalong lalo na ng Speaker of the House.

Hindi naman basta-bastang tao ang Speaker of the House, kita mo naman ang kanyang organisasyon, ‘yung kanyang impluwensiya at ‘yung bigat ng kanyang credentials, ‘yung credibility ng Speaker plus the fact that binanggit po ang pangalan ni Asec. Mocha ni Speaker na considered as one of the Senatorial bets of the PDP-Laban.

I congratulate Mocha for — 

Mr. Palo: Pero sir, naka-depende pa rin ba kay Pangulo? 

SEC. ANDANAR: ‘Yun ang sinabi ni Mocha sa kanyang statement that — I think ang makakapagpatakbo lang kay Mocha ay si Pangulong Duterte.

Alam mo, si Mocha is a very popular person, part of being an Assistant Secretary ay marami siyang followers. Siguro hindi na naman ‘yan lingid sa kaalaman ng mga kababayan natin na talagang napakadami niyang followers sa social media at alam natin na 90 percent ng mga nasa World Wide Web, or sa social media o ‘yung mga may smart phones ay nasa Facebook ‘no. So you are talking about 40 million Filipinos on Facebook. 

Mr. Palo: Yes, kalahating ano ‘yun, kalahati doon sa 40 million, ‘yan ang supporters ni Mocha. 

SEC. ANDANAR: Oo ‘yung… syempre ‘yung kanyang followers lang sa Facebook na nasa 5,200,000 or 300,000, oo, malaki. Malaki ang followers niya eh so siguro sabihin mo na lang, ‘yung 5 million na lang eh boboto at may mga kamag-anak naman ‘yan diba so malaki ‘yung chance.

Kung winability lan ang pag-usapan or ‘yung the possibility of winning ay talagang no brainer na si Mocha, she can really draw the crowd in a Senate campaign, in a… ‘yung mga ano, miting de avance, ‘yung mga ganun ba ‘no. She can really draw a crowd. 

Mr. Palo: Crowd drawer ‘yan eh. 

SEC. ANDANAR: Importante ‘yun, importante ‘yun sa isang kampanya. 

Mr. Palo: Secretary, how about Harry Roque? Kasi parang sabi nung iba, parang naging Spokesman eh baka magamit daw ang Spokesman’s Office for that purpose? 

SEC. ANDANAR: Well, iba naman ‘yung kay Secretary Roque. Sapagkat pagpasok po ni Secretary Roque ay that is after the fact na sinabi ni Presidente na hindi niya papayagan ‘yung Cabinet officials and I know for a fact that isa ‘yan sa mga napag-usapan ng ating mahal na Pangulo at ni Secretary Roque.

As a matter of fact, nung pinakilala po si Secretary Roque, I think it was in Bacolod or in Iloilo na sinabi ni Presidente na kasama siya sa Senatorial slate niya. So Secretary Roque is an exception to the rule. 

Mr. Palo: Kasi parang ang sabi, baka magamit lang din daw ‘yung ano… kasi syempre, laging nakaharap sa press corps. 

SEC. ANDANAR: Well, ‘yun nga. Just like what I said, nung unang sinabi ni Presidente ‘yung kanyang statement about his Cabinet members, ay that was last year.

‘Yung kay Secretary Roque ay maliwanag naman na sinabi ni Presidente na isa sa mga senatorial candidates niya doon sa kanyang byahe sa Bacolod or Iloilo, if I’m not mistaken.

And you know, it’s really the prerogative of the President ‘di ba. So kung gusto niyang isang member ng Cabinet niya like Secretary Roque to run, then it is really his choice. 

Ms. Ruiz: Okay sir, meron tayong tanong from Leila Salaverria of the Inquirer. 

SEC. ANDANAR: Opo, sige po. 

Ms. Ruiz: Good morning, Sec. Martin. Pwedeng patanong, what is your decision re Asec. Mocha Uson’s request to reclassify Rappler as social media? Kung wala pa daw po kayong decision, are you trying to consult Rappler or the MPC about the request? And how are you studying it daw po? Thank you. 

SEC. ANDANAR: Thank you for that question. Number one, to tell you frankly, hindi ko pa nabasa ‘yung letter ni Asec. Mocha sapagkat napakadami naming ginawa during ASEAN then after the ASEAN, nagkaroon pa kami ng analysis — post-event analysis, anong nangyari sa — ano ‘yung mga mali, mga tamang ginawa.

And of course, I had to also give my staff breathing time, space to breathe kasi sobrang busy po nila. 

Ms. Ruiz: Hectic na hectic ‘yun sir. 

SEC. ANDANAR: Oo, hectic na hectic. So in due time, I will answer that, I will look into the letter — I will read the letter, I will understand the letter and I will come up with a decision na hindi lang sa akin galing but will also involve the senior members of my Executive Committee sa PCOO. 

Mr. Palo: Kasi ‘yun ang masyadong naging issue tuloy diyan. 

Ms. Ruiz: Sir, meron — may pahayag si AFP Spokesman [Major] General Padilla na kailangan daw po palawigin pa ‘yung batas militar sa Mindanao dahil ngayon naman, they have to parang neutralize the BIFF at saka ‘yung Abu Sayyaf pa rin po. Ano po ang pananaw ninyo dito sir? Katig kayo — katig ba ang Malacañang? 

SEC. ANDANAR: Of course, we respect the wisdom of [Major] General Restituto Padilla and the Armed Forces of the Philippines.

Sila naman talaga ang may nakakaalam sa mga ganyang subject, pagdating sa pakay ng national security and they have all the reason to give their thoughts because ang pinakamahalaga talaga sa lahat eh ang seguridad ng bawat Pilipino.

And Mindanao, alam naman natin na marami pang problema. Matapos matalo ang mga Maute at ISIS sa Marawi, meron pang rehabilitation, meron pang clearing operation at meron pang mga ibang elements, the rogue elements of our society na kailangan talaga bantayan ng husto at kailangan maiwasan natin ang gulo ‘no, ‘yung kanilang mga — in fact, I remember ‘yung Abu Sayyaf na nahuli ng Philippine National Police kamakailan lang na may plano sanang maghasik ng lagim dito sa Metro Manila.

So the decision of the Armed Forces or the recommendation of the Armed Forces of the Philippines is actually accepted, well, but then again, it will be the President who will decide.

Mr. Palo: Well, relate ko lang din po kasi ‘yung traffic ay parang terorismo din eh. Pero diyan sa Senado ay itutuloy ‘yung debate daw sa pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Duterte para maresolba itong sobrang pagsisikip na ng trapiko sa Metro Manila.

SEC. ANDANAR: Hopefully nga maibigay ‘yung emergency powers. Isa naman ‘to sa mga hiningi talaga ng ating Pangulo at ng ating Kalihim ng Department of Transportation at lalong-lalo na ngayong mga na panahon na ito. Fourth week of Novermber.

Alam naman natin na Christmas is coming. May mga sale sa mall. Bawat Christmas season talaga lalo na ‘yung mga November, December, papasok na ‘yung Disyembre.

Tatanggap na ng mga 13th month pay, bonus. So, mag-sa-shopping na talaga ‘yan eh kasi ang Pilipino talagang isa sa mga pinakamalaking piyesta ng Pilipino ay Pasko.

Ms. Ruiz: Yes, tama.

Mr. Palo: Correct.

SEC. ANDANAR: So that is really expected already. So we also expect our men and women from the MMDA, from DOTr to also ensure that we have traffic enforcers all over the metropolis lalong-lalo na ‘yung mga dinadaanan ng mga mana — motorista, mananakay na papuntang mall.

In fact, kahapon galing ako ng Clark dahil tayo ay inimbita doon sa KBP Convention at pagbalik ko, makikita mo talagang magta-traffic sa Cloverleaf kasi may mall doon.

Tapos magta-traffic doon sa may SM City, Trinoma tapos dire-diretso nanaman tapos sobrang traffic na naman dito sa may Cubao. Sobrang traffic na naman sa Megamall. So, ‘yun ‘yung mga choke points eh.

Mr. Palo: Hindi gumagamit ng waze ‘yung driver mo siguro?

Ms. Ruiz: Hindi. EDSA naman talaga. Wala nang ibang dadaanan ‘yun kundi EDSA. [laughter] 

Mr. Palo: Sir, i-relay ko pa rin ‘to. Ang NBI magi-imbestiga na rin diyan sa posibleng pananabotahe naman sa MRT 3. O, ito naman anong masi-say mo diyan?

SEC. ANDANAR: Well —

Mr. Palo: Puro aberya kasi.

SEC. ANDANAR: Well talagang nakakabahala na wala ‘yung black box na sinasabi.

Mr. Palo: Oo.

SEC. ANDANAR: Kailangan talaga — The DOTr should really get to the bottom of the problem. At ang National Bureau of Investigation is a very capable department to investigate these matters.

And I can just say that I feel for Usec. Cesar Chavez ‘no kasi araw-araw siyang ano eh — siya ‘yung nagpapaliwanag sa publiko eh.

Mr. Palo: Sobra.

SEC. ANDANAR: Pero ‘wag po kayong mag-alala dahil kausap ko po si Secretary Art Tugade and mayroon siyang gagawin o pupuntahan sa susunod na linggo which will be good for the MRT.

Mr. Palo: Uy, magandang balita ‘yan.

SEC. ANDANAR: Pero hayaan ko na lang si Secretary Tugade ang mag-break ng news sa ating mamamayan.

Mr. Palo: Alright, sir. Transfer to November 23. Ito ‘yung pag-gunita ng Maguindanao massacre, kasama ng mga media diyan. Eh, ano ho ang mensahe niyo sa ating mga kasamahan?

SEC. ANDANAR: Kahapon po ay nilunsad namin ni Usec. Joel Egco, ang director po natin ng Presidential Task Force on Media Security, ang kanilang bagong tanggapan — bagong opisina after more than 14 months of waiting.

Eh mayroon na po talagang opisina ang Presidential Task Force on Media Security para maglingkod sa ating mga kabaro sa media hindi lang po sa Metro Manila kundi sa buong Pilipinas.

At ito po ay dinedicate (dedicate) ni Usec. Joel Egco sa mga kapatid natin na naging biktima ng Maguindanao Massacre. It’s been eight years already but wala pa ring solusyon.

Mr. Palo: Wala pa rin.

SEC. ANDANAR: But kasama naman natin doon sina DOJ at Asec. Yap at and also for Mindanao at siya’y nangako na talagang ido-double time sila pagdating dito sa kaso ng mga biktima ng Maguindanao massacre.

At alam naman natin na because of this incident which happened eight years ago ay ang ating bansa ay nandoon pa rin sa Top 5 na listahan na inilabas kamakailan na isa sa mga delikadong bansa para sa mga journalists.

Although nag-improve na po tayo ng one spot kasi for the last eight years ay nasa number four tayo eh. Eh ngayon ay nasa number five na lamang tayo dahil nga sa itinatag ni Pangulong Rodrigo Duterte na AO 1 or ‘yung Task Force on Media Security.

Mr. Palo: Sir, bilang one of the, tama ba ako? Isa sa chairman ng [inaudible] mayroon ka bang timeline para maresolba ‘yung kaso na ‘yan?

SEC. ANDANAR: Ay ito po ay pag-uusapan namin ni Secretary Vit Aguirre at ni Usec. Joel Egco.

We will do this within this month, pag-uusapan namin ‘yung — dapat kasi matapos na ito. At alam niyo naman siguro na kasama na rin natin si Secretary Harry Roque na siya naman din abogado ng mga biktima ng Maguindanao massacre.

So with Harry Roque, with Joel Egco, myself and Secretary Vit Aguirre ay mas mabibigyan po talaga ng pansin ang Maguindanao massacre, and of course the Task Force on Media Security. Ito po talaga ‘yung susi nito eh na para bumilis ‘yung takbo ng kaso.

Mr. Palo: Speaking of media benefits. Syempre eh napag-uusapan niyo na rin diyan sa Presidential Task Force. May nabanggit ka kahapon na…

Ms. Ruiz: Pabahay.

Mr. Palo: …pabahay. Napakasarap naman niyan. Sir, sama niyo ako doon ha. Pabahay tapos medical assistance. Paano ‘yan sir, kamusta yan?

SEC. ANDANAR: Actually, pinag-usapan kasi namin sa PIA na mayroon silang five hectares of property dito sa Bulacan and then kung ano ang gagawin sa five hectares na property na ‘yun kasi habang walang ginagawa sa five hectares na ‘yun, nababawasan nang nababawasan.

O tapos — actually dati, if I’m not mistaken more than, I think 50 hectares at ‘yan eh dati eh. So, nabawasan nang nabawasan. Of course na-donate et cetera through the years.

So sabi ko, gawin nating housing na lang ng PIA, PNA, PTV, Radyo Pilipinas, lahat ng mga media agencies.

Mr. Palo: Media village.

SEC. ANDANAR: ‘Yung agencies under PCOO. So sabi ko, since five hectares, malaki naman ‘yan, isama na natin ang ating mga kabaro sa

media kasi marami sa atin — well karamihan sa atin sa media ay nagreretiro ng walang bahay o ultimong pangpagamot eh sa mga sakit.

‘Diba si Mon Bacawi taga-Baguio. Isa ‘yan sa mga tinutulungan ko ngayon. Kaya nga nakausap din natin ‘yung mga pribadong sektor na tumulong para makagawa nitong Duterte Media Fund.

So, para at least mayroon tayong mga isang libong media men na pwedeng magpagamot ng libre every… Syempre hindi naman lahat nagkakasakit, ‘di ba?

So, at least mayroon tayong one thousand media men who can go to hospitals at libre magpagamot. So itong ay isang tulong natin, tulong ng PCOO, tulong ng ating Pangulo.

At ‘yung susunod na project diyan ay ito ngang pabahay para sa PCOO, mga sangay at media men.

Mr. Palo: [inaudible] Baka gustong-gusto ko rin ‘yan. Wala akong bahay. Kubo lang eh.

SEC. ANDANAR: Hindi, malapit na ito dahil nakausap ko na si — maganda ang kubo ‘pag nasa probinsya.

Ms. Ruiz: Oo nga. Made of narra ‘yung kubo niya, sir. [laughter] 

SEC. ANDANAR: ‘Yung kubo narra pero ‘yung bubong lang ‘yung nipa.

Ms. Ruiz: Oo.

Mr. Palo: Wala ngang bubong. Butas-butas. Anyway, sir.

SEC. ANDANAR: ‘Yung nipa hut niya, ‘yung ilalim yero. [laughter] 

Mr. Palo: Kidding aside, ‘yung medical assistance, sir.

Ms. Ruiz: Ay ‘yun, malaking tulong talaga ‘yan.

Mr. Palo: Sa Malacañang Press Corps kami noon sir. Mayroon kaming cooperation with Chinese Gen. Maganda ‘yun ah.

Ms. Ruiz: Panahon ni GMA ‘yan.

SEC. ANDANAR: Ay, actually kausap ko na si Doctor Dy.

Mr. Palo: Ay, ‘yun.

SEC. ANDANAR: Kausap ko na siya. Actually naibigay sa akin ni Isabel ng Manila Bulletin, nagtulungan kami. Ako, si Isabel, tapos si Rose Novenario. Tapos pumayag na si Doctor Dy na magpirmahan ang MPC pati ang Chinese Gen.

So I just facilitated it kaya nga ni-remind ko kahapon sa presidente ng MPC na puntahan si Doctor Dy dahil pirmahan na lang ang kailangan gawin tapos okay na maibabalika na uli —

Ms. Ruiz: Pero sir nung kausap niyo ba ‘yung presidente ng MPC eh gising siya? [laughter]

Mr. Palo: Yari ka, Raymond.

Ms. Ruiz: Tama, panahon nila Abel. Nung panahon ni GMA ‘yun eh.

Mr. Palo: That was President Ferdie Maglalang.

Ms. Ruiz: Ferdie ba ‘yun?

SEC. ANDANAR: Actually, dapat ang pirmahan dun during the re-launch of the Malacanan Press Briefing room. Eh kasi napaka-busy, ‘di ba? ‘Di ba dumating nga doon si Doctor Dy kaso napaka-busy ng lahat. So hindi nangyari.

So sabi ko kay Raymond na puntahan niyo na lang si Doctor Dy. Tawagan niyo na lang dahil nakahanda na ‘yung papel doon, pirmahan na lang ng MPC pati ‘yung Chinese General Hospital para mayroon kayong pampagamot.

At of course, para mabigyan din ng assistance ‘yung pinakamalapit na kamag-anak. Halimbawa na lamang ‘yung nanay ni Kris Jose na, of course, we send our condolences to Kris ‘no dahil pumanaw na ang kanyang ina, ay isa ‘yun sa mga examples ‘di ba na kailangan ng tulong sa… I think dialysis ang problema doon ‘no.

Mr. Palo: Yes.

SEC. ANDANAR: So, eh hindi naman ganoon kamura ang dialysis. Mahal ‘yun eh. So, at least kahit papaano, with the help of Chinese General Hospital ay mabawasan ang expenses. Kung hindi baka wala pang gastos ‘diba.

Mr. Palo: May kasalanan pala ako sa Malacañang  Press Corps baka magalit kayo sa akin. I respected Kris Jose’s request na hindi po sabihin sa inyo kaya hindi ko na po nabanggit.

Kay Sec ko lang binanggit at si Sec naman napakadaldal sinabi kay Raymond Tinaza na binanggit naman sa mga officers na nalaman tuloy ng Malacañang Press Corps.

Ms. Ruiz: Condolence, Kris.

Mr. Palo: Condolence Kris ha.

SEC. ANDANAR: Well, so ‘yun ang magiging maganda ‘pag mayroong tie-up sa mga hospitals.

Mr. Palo: Yes.

SEC. ANDANAR: May mga certain media hindi naman ganoon kalaki ang sweldo. Maliit lang ang sweldo.

Mr. Palo: Maliit lang.

SEC. ANDANAR: So kailangan talaga na we must protect one of the largest estates of the country — the fourth estate. Because it is the fourth estate that will disseminate the good news of our government, of our society. And also will check and balance ‘yung kung ano ang mga dapat makita na dapat ma-remind ang ating mga public officials.

As a matter of fact, ‘yun nga ‘di ba, sabi ni Presidente nagpapasalamant siya sa media nung sa ASEAN dahil ang media talaga ang tumulong para mabasa, mapanood, mapakinggan ng lahat ng Pilipino at ng mga dayuhan sa labas ng bansa kung ano ang nangyayari sa atin.

Kaya nga naging successful ang ASEAN dahil sa tulong ng media eh.

Mr. Palo: Sabi ni Leo Navarro Malicdem, “‘yan ang pinakamagandang istorya sa lahat ng istorya para sa media.” [laughter]

SEC. ANDANAR: Oo. Basta magdasal lang tayo. Let’s work together. MPC, National Press Club para at least ano, maganda ‘yung samahan ng mga media.

Hindi lang napoprotektahan ang seguridad. The physical aspect of each person. The Task Force of Media Security goes beyond really protecting one’s body from harm but also ‘yung kinabukasan ng tao, ‘di ba.

‘Yung well-being ng tao of course iba ‘pag andiyan ‘yung, bukod doon sa napoprotektahan mo ‘yung tao physically, eh napoprotekhan mo ‘yung hanapbuhay ng tao. But also you can also help with the well-being of the person by, for example, itong medical assistance or ito ring tinatawag natin na pabahay. ‘Di ba ‘yun ‘yung sa Maslow’s Heirarchy of Needs, ‘di ba?

Mr. Palo: Yes.

SEC. ANDANAR: Shelter, food, ‘di ba ‘yun ‘yun eh. ‘Yun ang nakakalungkot…

Mr. Palo: Basic.

SEC. ANDANAR: Basic na basic doon pa lang sa shelter eh wala na. Mayroon ka ng belongingness eh, mayroon ka ng food, ‘di ba? Mayroon ka ng — ngayon because of the Task Force on Media Security, mayroon ka ng security, ‘di ba? Eh wala kang shelter. Kailangang kumpletuhin natin ‘yun.

Mr. Palo: Sino bang nagsasabing galit si Presidente sa media? ‘Di naman eh o. Inuna nga eh.

SEC. ANDANAR: Hindi ho, hindi ho. Talagang kita niyo naman — I think alam naman ng media ‘to eh sa Task Force on Media Security.

Administrative Order No. 1 so meaning ito po ‘yung number one sa isipan ng Pangulo, ‘di ba? Sa lahat ng AO na pwedeng gawin, ‘di ba? Ito pa ‘yung number one.

Mr. Palo: Congratulations din kay Usec. Joel Egco dahil napakasipag ng mamang ‘yun. Kahit walang opisina noon…

Ms. Ruiz: Oo, siyempre kasi naging Presidente. Ang tagal niyang naging reporter plus naging Presidente ng National Press Club kaya alam niya talaga.

SEC. ANDANAR: Alam niyang kailangan, alam niya kung anong kailangan.

Ms. Ruiz: Nasa business beat siya, nasa political beat siya. Alam niya ‘yung mga ano puli — mga problema.

Mr. Palo: Problema ng media.

SEC. ANDANAR: Oo. Oo.

Mr. Palo: Ang kausap din natin. Alam na alam niya kung ano…

Ms. Ruiz: Oo. Kaya nga agad ‘yun ang inasikaso ni Sec.

SEC. ANDANAR: Opo.

Mr. Palo: All right, Sec. last na lang, pahabol ko lang ito ano, si Ate Marie, sa lahat ng mgs naka-bilateral meeting ng Pangulo, sino-sino doon ang mga nag-imbita sa kanya to visit, Sec?

SEC. ANDANAR: Hindi ko — kasi meron kasing mga times na nagbubulungan ang Pangulo at ang leaders, at ‘yung — ang focus ko naman dun sa bilateral ay, really, ‘yung substantials.

Pero if I may — if I may recall, ‘yung pinaka talagang nag-invite ng malakas ‘no, si Prime Minister Modi ng India.

Mr. Palo: Modi, India.

SEC. ANDANAR: Oo. Kasi meron silang celebration ngayong January 23 at in-invite nila lahat ng ASEAN leaders sa India. So ‘yun ang naalala ko na pinaka-vocal na nag-invite talaga.

Mr. Palo: Well, with that, sir, baka meron kang any parting words?

SEC. ANDANAR: Once again, salamat sa programang ito. Abangan niyo po ang programa natin every Saturday, 11 o’clock to 12 noon dito po sa Radyo Pilipinas.

And in the coming weeks, we will improve the program, kasama na diyan ang magiging teleradyo na rin siya, tapos… Basta marami kaming sorpresa para sa programang ito every Saturday at…

Mr. Palo: Kinabahan ako dun ah.

SEC. ANDANAR: Oo. Hindi pwedeng kabahan. At sana — sana ay makasama pa rin natin si Marie, kasi syempre iba kasi ‘pag naririnig ko ‘yung boses ni Marie.

Mr. Palo: Alam mo, sir, Secretary, natatakot ako.

Ms. Ruiz: Bakit?

Mr. Palo: Hindi kaya bumagsak ito? Kasi tatlong poste nito kanya. 

SEC. ANDANAR: Hindi, kaya nga eh. Hindi, kaya nga, kasi the plans for the show is really something that will excite Radyo Pilipinas at also our — our friends from the Malacañang Press Corps at sambayanang Pilipino, kasi talagang dadalhin natin ito sa ibang lebel, itong programa ninyo.

One-hour para mai-report ang mga nangyayari sa Malacañang, para maipaliwanag ‘yung mga hot issues of the week at para alam din natin kung ano ‘yung mga aabangan sa mga susunod na…

Halimbawa, sa Lunes o sa Martes, so it will really be a comprehensive radio program that is being produced here at Radyo Pilipinas, and the news coming straight from the Palace, and exclusive talaga ‘yung mga mangyayaring balita.

So maganda ito para sa mga kasamahan natin sa press, sapagkat makakaasa kayo na maraming bagong balita at marami kayong bagong maisusulat.

So ang — ang downside lang doon is that imbis na makapahinga kayo ng Sunday, marami kayong isusulat.

Ms. Ruiz: Oo. Pero gusto nila ‘yan, sir. Gusto nila ‘yan. ‘Yan ang hinahanap ng katawan nila.

SEC. ANDANAR: Oo. Oo nga eh, ‘yun ang gasolina nila eh, ‘yung istorya eh ‘di ba?

Mr. Palo: Sec, pasensya ka na ha, ihabol ko lang ito. Eh may itatanong dito eh, ano ba ‘yung mga bots, trolls at keyboard army mo daw, meron ba?

SEC. ANDANAR: Wala naman akong bots, walang akong trolls…

Ms. Ruiz: Dineny na ‘yan.

SEC. ANDANAR: Wala akong keyboard army, wala tayong pambayad diyan. At ako naman ay sumasama sa lahat ng biyahe ng Pangulo sa ibang bansa, at meron din akong mga biyahe na ako lang mag-isa.

At lahat ng Filipino community ay kinakausap ko at sila naman lahat ay may mga pangalan, may mukha at tao sila, hindi sila — hindi sila bots, hindi sila trolls.

So sa nagsulat nun, ‘yung — ano ‘yun, Freedom House ba ‘yun? Freedom House. Gusto kong malaman ‘yung pamamaraan ng pagkuha nila ng datos dun, data, kung paano — kung pwede nilang patunayan, ipakita nila ‘yung pruweba.

Kasi kung hindi nila magagawa ‘yun ay ibig sabihin, guni-guni na lang nila ‘yun.

Mr. Palo: Tindi nun ah. Guni-Guni.

Ms. Ruiz: Pero ‘yung Freedom House talagang ano ‘yun, sir, laging banat sa gobyerno.

Mr. Palo: Walang ginawa.

Ms. Ruiz: Oo.

SEC. ANDANAR: Oo. Ay, kung ‘yun ang kanilang ikasasaya sa buhay nila o ‘di gawin lang nila. Basta ‘di ba… wala, eh totoo naman eh.

Ms. Ruiz: Basta tayo laging masaya dapat. Positive. Masaya.

Mr. Palo: Oo.

SEC. ANDANAR: Oo. Eh sabi nga ni Senator Enrile, “Gusto ko happy ka.”

Mr. Palo: Talaga naman o. Naalala mo pa ‘yun ah. Anyways, Secretary, maraming-maraming salamat muli sa pagkakataong ito. Sa pagtugon mo sa aming tawag.

Ms. Ruiz: Maraming salamat for your time, Secretary.

SEC. ANDANAR: Mabuhay kayong dalawa. Thank you.

Mr. Palo: Mabuhay din po.

Ms. Ruiz: Happy weekend.

Mr. Palo: Happy weekend, sir.

SEC. ANDANAR: Happy weekend po. Thank you po.

—END—

source: PCOO-PND (Presidential News Desk)

Resource