Other Government Release

NoCot cacao and coffee planters receive drying facility, agri-inputs



The Lanao Kuran agrarian reform beneficiaries (ARB) Cooperative from Arakan town in North Cotabato received a climate-resilient drying facility, 100 sacks of organic fertilizers, and capability training from the Department of Agrarian Reform (DAR) to improve their agricultural products mostly cacao and coffee.

The all-weather dryer worth Php450,000.00 would enable the cooperative to dry their cacao and coffee products all year round to make them resilient and efficient in their business operations.

Lanao Kuran ARB Cooperative Chairman Brian Cabañas thanked the DAR for the all-weather dryer as this he said is an added blessing to their cooperative since their operation and production will no longer be hampered due to frequent rains.

“Aside from securing our products from stray animals, the drying facility will enhance the quality of our cacao and coffee beans. Again, we are very grateful to the DAR for their continued support,” Cabañas said.

The DAR had earlier provided the cooperative with processing equipment, a hauling truck, capability training, and other assistance to improve their processing center.

Evangeline Bueno, Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II, said the provision of support services is part of the department’s effort to increase the ARBs’ climate resiliency and improve their productivity and income.

“We provided the all-weather dryer because we understand the challenge of the changing weather conditions here in the upland area of Lanao Kuran,” Bueno said.

Emelita Mayol, OIC-PARPO I, urged the members of the cooperative to be mindful of the project and take good care of it.

“You are fortunate and blessed to be a recipient of this project under the DAR’s Climate Resilient Farm Productivity Support Project to help you mitigate the effects of climate change on your crops and ensure a sustainable source of income for yourselves and your families,” she said.

###

NoCot cacao at coffee planter tumanggap ng drying facility, agri-inputs

Ang Lanao Kuran agrarian reform beneficiaries (ARB) Cooperative mula sa bayan ng Arakan sa North Cotabato ay nakatanggap ng climate-resilient drying facility, 100 sako ng organic fertilizers, at capability training mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) upang mapagbuti ang ang mga produktong agrikultural na karamihan ay cacao at kape.

Ang all-weather dryer na nagkakahalaga ng Php450,000.00 ay magbibigay-daan sa kooperatiba na patuyuin ang kanilang mga produkto ng kakaw at kape sa buong taon upang gawin itong matatag at mahusay sa kanilang mga operasyon sa negosyo.

Nagpasalamat si Lanao Kuran ARB Cooperative Chairman Brian Cabañas sa DAR para sa all-weather dryer dahil ito aniya ay dagdag na biyaya sa kanilang kooperatiba dahil hindi na mahahadlangan ang kanilang operasyon at produksyon dahil sa madalas nap ag-ulan.

“Bukod sa pagsesegurong ligtas ito sa mga ligaw na hayop, ang pasilidad sa pagpapatuyo ay makapagpapabuti ng kalidad ng aming mga cacao at kape. Muli, maraming salamat sa DAR sa kanilang patuloy na suporta,” ani Cabañas.

Ang DAR nauna nang nagbigay sa kooperatiba ng processing equipment, hauling truck, capability training, at iba pang tulong upang mapabuti ang kanilang processing center.

Sinabi ni Evangeline Bueno, Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II, na ang pagkakaloob ng suportang serbisyo ay bahagi ng pagsisikap ng DAR na madagdagan ang climate resiliency ng mga ARB at mapabuti ang kanilang produktibo at kita.

“Nagkaloob kami ng all-weather dryer dahil naiintindihan natin ang hamon ng papalit-palit na kondisyon ng panahon sa mataas na lugar ng Lanao Kuran,” aniya.

Hinimok naman ni Emelita Mayol, OIC-PARPO I ang mga kasapi ng kooperatiba na ingatan at alagaan ang proyektong ibinigay sa kanila.

“Mapalad kayo dahil kayo ang napili na tumanggap ng suporta sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project ng DAR upang tulungan kayo na mabawasan ang epekto ng pabago-bagong klima sa inyong mga pananim at matiyak ang isang napapanatiling mapagkukunan ng kita para sa inyong sarili at sa inyong mga pamilya.

###