Other Government Release

President Marcos signs New Agrarian Emancipation Act (RA No. 11953)



President Ferdinand R. Marcos Jr. today signed into law RA No. 11953 or the New Agrarian Emancipation Act, a priority legislation he asked Congress to pass in his first State of the Nation Address (SONA) last July 25, 2022.

“Congress must pass a law that will emancipate the agrarian reform beneficiaries from the agrarian debt burden,” Marcos said in his first SONA.

Agrarian reform beneficiaries (ARBs) are farmers or farmworkers awarded lands under Presidential Decree No. 27, Republic Act No. 6657, as amended, and Republic Act No. 9700.

Existing agrarian reform laws require agrarian reform beneficiaries (ARBs) to pay for the land awarded to them in annual installments with 6% interest for a maximum period of thirty (30) years.

RA No.11953 condones all the unpaid amortizations of the principal debt, including interest and surcharges, if any, incurred by ARBs.

A total of P 57.56 Billion of unpaid principal debt will be condoned to benefit 610,054 ARBs tilling 1.173 million hectares of land.

The government will also assume the obligation of 10,201 ARBs tilling 11, 531.24 hectares of land to pay the remaining balance of the direct compensation due the concerned landowners under the Voluntary Land Transfer (VLT) or the Direct Payment Scheme (DPS) amounting to P 206,247,776.41 Million.

Condonation frees the awarded lands from all mortgage liens in favor of the national government. The law also exempts ARBs from the payment of estate tax. Moreover, ARBs who fully paid their agrarian debt will be given priority of access to credit facilities and support services.

ARBs shall also be automatically included in the Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) of the Department of Agriculture (DA), thereby entitling them to all support services given to farmers by the DA and by other government agencies.

Agrarian Secretary Conrado M. Estrella III thanked the President and lauded Congress for the passage of the law.

“By freeing farmers from the agrarian debt, and ensuring broader support services and credit facilities, the Marcos administration has given more resources to our farmers to increase the productivity of their farms and uplift the quality of their lives,” Estrella said.

###

Pangulong Marcos nilagdaan ang New Agrarian Emancipation Act (RA No. 11953)

Nilagdaan ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 11953 o ang New Agrarian Emancipation Act, isang prayoridad na batas na hiniling niya na ipasa ng Kongreso sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 25, 2022.

“Dapat magpasa ang Kongreso ng batas na magpapalaya sa mga agrarian reform beneficiaries mula sa pasanin sa utang sa agraryo,” ani Marcos sa kanyang unang SONA.

Ang agrarian reform beneficiaries (ARBs) ay mga magsasaka o manggagawang bukid na pinagkalooban ng mga lupain sa ilalim ng Presidential Decree o. 27, Republic Act No. 6657, na sinusugan at Republic Act No. 9700.

Batay sa umiiral na batas sa repormang agraryo, kailangang magbayad ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) para sa lupang ipinagkaloob sa kanila ng kada taong hulugan na may 6% na interes sa pinakamatagal na panahon na tatlumpung (30) taon.

Buburahin ng RA No. 11953 ang lahat ng hindi nabayarang amortisasyon ng prinsipal na utang, kabilang ang interes, at mga multa, kung mayroon man, na natamo ng mga ARB.

May kabuuang P57.56 Bilyon ng hindi pa nababayarang mga prinsipal na utang ang buburahin kung saan makikinabang ang 610,054 ARBs na nagtatanim sa 1.173 milyong ektarya ng lupa.

Aakuin din ng pamahalaan ang obligasyon ng 10,201 ARBs na nagbubungkal ng 11, 531.24 ektarya ng lupa sa pamamagitan ng pagbabayad ng natitirang balanse ng direktang kompensasyon na dapat bayaran para sa mga kinauukulang may-ari ng lupa sa ilalim ng Voluntary Land Transfer (VLT) o ang Direct Payment Scheme (DPS) na nagkakahalaga ng P 207,247, milyon.

Ang kondonasyon ay nagpapalaya sa mga iginawad na lupain mula sa lahat ng nakaprenda sa sanglaan na pabor sa pambansang pamahalaan. Sa ilalim ng batas, ang mga ARB ay hindi rin papatawan ng buwis sa ari-arian. Bukod dito, ang mga ARB na nakabayad na ng buo ng kanilang utang sa agraryo ay bibigyan ng prayoridad sa mga pasilidad ng pautang at mga suportang serbisyo.

Ang mga ARB ay awtomatiko ding isasama sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ng Department of Agriculture (DA), kung saan bibigyan sila ng karapatan sa lahat ng suportang serbisyo na ipagkakaloob sa mga magsasaka ng DA at ng iba pang ahensya ng pamahalaan.

Nagpasalamat si Agrarian Secretary Conrado M. Estrella III sa Pangulo at pinuri ang Kongreso sa pagpasa ng batas.

“Sa pamamagitan ng pagpapalaya sa mga magsasaka mula sa utang sa agraryo, at pagtiyak ng mas malawak na suportang serbisyo at mga pasilidad ng pautang, ang administrasyong Marcos ay nagbigay ng mas maraming oportunidad sa ating mga magsasaka upang mapataas ang produktibidad ng kanilang mga sakahan at maiangat ang kalidad ng kanilang buhay,” ani Estrella.

###