Other Government Release

Siquijor farmers’ groups undergo livelihood training from DAR



Farmers’ groups in the province of Siquijor recently attended various livelihood training from the Department of Agrarian Reform (DAR) to boost their livelihood activities.

DAR Central Visayas Regional Director Leomides Villareal said the series of training, held in the respective localities of the farmers’ organization, aims to improve the knowledge of the farmers in agricultural enterprises.

The Taculing Multi Purpose Cooperative in Taculing, Larena, received training for Internal Control and Inventory System to help their organization learn the process of verification. It aims to teach the members to monitor if they still have sufficient resources to produce and sell goods to meet market demand, avoid maintaining excess products, and eliminate costs associated with purchasing, producing, and holding excess.

A Monitoring and Evaluation of agrarian reform beneficiaries’ organization (ARBO) Project training was also conducted for members of the Cangmangki RIC, in Cangmangki, Enrique Villanueva. The training aims to enhance their monitoring and evaluation skills for them to efficiently gather and identify data on their lending, drum rental and sales of their banana chips and come up with a financial statement.

Good Agricultural Practices training was provided to Triple M FA, in Lower Cabangcalan, Lazi, to teach them the correct guidelines on farming practices to reduce the risk of microbial contamination related to food borne illnesses on their farms. The guidelines are based on the Food and Drug Administration (FDA)’s “Guide to Minimizing Microbial Food Safety Hazards for Fresh Produce.”

“Arming them with necessary knowledge on farming business will have a positive impact on their livelihood activities, hence a generation of bigger incomes,” Villareal said.

Villareal added that these activities are in line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to DAR Secretary Conrado Estrella III, to roll out various support services to farmers in the countryside.

###

Samahan ng mga magsasaka sa Siquijor sumailalim sa pangkabuhayang pagsasanay mula sa DAR

Dumalo kamakailan ang mga grupo ng mga magsasaka sa lalawigan ng Siquijor sa iba’t ibang livelihood training mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) upang palakasin ang kanilang mga aktibidad sa pang-kabuhayan.

Sinabi ni DAR Central Visayas Regional Director Leomides Villareal na ang serye ng pagsasanay, na idinaos sa kani-kanilang lokalidad ng organisasyon ng mga magsasaka, ay naglalayong mapabuti ang kaalaman ng mga magsasaka sa mga negosyong pang-agrikultura.

Ang Taculing Multi-Purpose Cooperative sa Taculing, Larena, ay tumanggap ng pagsasanay para sa Internal Control and Inventory System upang matulungan ang kanilang organisasyon na matutunan ang proseso ng verification.Nilalayon nitong turuan ang mga miyembro na subaybayan kung may sapat pa silang mga resources upang makagawa at makapagbenta upang matugunan ang pangangailangan sa merkado, maiwasan din ang pagpapanatili ng sobrang produkto, at mabawasan ang gastos na may kinalaman sa pagbili, paggawa, at paghawak ng labis.

Isinagawa din ang Monitoring and Evaluation of agrarian reform beneficiaries’ organization (ARBO) Project training para sa Cangmangki RIC, sa Cangmangki, Enrique Villanueva. Ang pagsasanay ay naglalayon na mapahusay ang kanilang monitoring at evaluation skills upang maayos nilang makalap at malaman ang mga datos na may kinalaman sa kanilang lending, drum rental at benta ng banana chips at makagawa rin sila ng financial statement.

Sumailalim naman ang Triple M FA, sa Lower Cabangcalan, Lazi ng Good Agricultural Practices training, para malaman nila ang tamang alituntunin sa farming practices at mabawasan ang panganib ng microbial contamination na may kinalaman sa mga sakit na dala ng pagkain sa kanilang mga sakahan. Ang mga alituntunin ay naaayon sa Food and Drug Administration (FDA)’s “Guide to Minimizing Microbial Food Safety Hazards for Fresh Produce.”

Ayon kay DAR Central Visayas Regional Director Leomides Villareal layunin ng mga pagsasanay na madagdagan ang kaalaman ng mga magsasaka sa agricultural enterprises.

“Ang pagbibigay sa kanila ng sapat na kaalaman sa negosyo ng pagsasaka ay magbibigay ng positibong epekto sa kanlang mga aktibidad pang-kabuhayan, dahilan upang sila ay magkaroon ng mas malaking kikitain,” aniya.

Idinagdag pa ni Villareal na ang mga aktibidad ay naaayon sa direktiba ni Ferdinand Marcos Jr.kay DAR Secretary Conrado Estrella III, na magbigay ng iba’t ibang suportang serbisyo sa mga magsasaka sa kanayunan.

###