Other Government Release

Sultan Kudarat farmers receive farm machinery from DAR



Sultan Kudarat agrarian reform beneficiaries (ARBs) recently received over P500,000 worth of farm machineries from the Department of Agrarian Reform (DAR) to improve their agricultural productivity.

The ARBs who would benefit from farm machinery, which include hand tractors with trailers, floating tillers, and power tillers, are members of two (2) ARB organizations (ARBOs) in the area.

The recipient ARBOs include the San Roque ARB Association from Palimbang, and the Silang ARB Association from Bagumbayan, who were also provided with training and farm inputs to further support their farming activities.

Alvaro M. Casuga, President of San Roque ARBA, expressed his utmost gratitude to the DAR for its continued support of the organization.

“These farm machinery would be a great help to increase our income and improve our livelihood. Rest assured that we will do our best to maintain these machinery,” he said.

The farm equipment was provided under the DAR’s Climate Resilient Farm Productivity Support Project, which aims to help ARBs mitigate the effects of climate change on their crops and ensure a sustainable source of income for themselves and their families.

Abdullah Balindong, Provincial Agrarian Reform Program Officer, commended the ARBOs for providing assurance to preserve and enhance the usability of the farm machineries they received.

“The continued functionality of the machinery is for your own advantage and for the benefit of your organizations. The DAR, on our part, will remain committed to providing different support services to enhance the well-being of our ARBOs,” he said.

###

Mga magsasaka sa Sultan Kudarat tumanggap ng makinarya mula sa DAR

Ang mga agrarian reform beneficiary (ARB) mula sa  Sultan Kudarat ay nakatanggap kamakailan ng mahigit sa P500,000 halaga ng makinarya mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) upang mapagbuti ang kanilang produktibidad sa agrikultura.

Ang mga ARB na makikinabang sa mga makinaryang pangsaka, na kinabibilangan ng hand tractors na trailers, floating tillers, at power tillers, ay kasapi sa dalawang (2) ARB organization (ARBOs) sa lugar.

Kabilang sa mga tumanggap na ARBO ay ang San Roque ARB Association mula sa Palimbang, at Silang ARB Association mula sa Bagumbayan, na pinagkalooban din ng pagsasanay at mga farm input para mas masuportahan ang kanilang aktibidad sa pagsasaka.

Nagpasalamat si Alvaro M. Casuga, Presidente ng San Roque ARBA, sa DAR sa patuloy na suporta nito sa organisasyon.

“Malaki ang tulong ng mga makinarya sa pagpapataas ng aming kita at pagpapaunlad sa aming mga pangkabuhayan. Asahan ninyo na gagawin namin ang lahat upang mapanatili ang mga makinarya,” aniya.

Ang mga kagamitang pangsaka ay ipinagkaloob sa ilalim ng  Climate Resilient Farm Productivity Support Project ng DAR na naglalayong tulungan ang mga ARB na mabawasan ang epekto ng pagbabago ng klima sa kanilang mga pananim at tiyakin ang isang napapanatiling mapagkukunan ng kanilang kita para sa kani-kanilang pamilya.

Pinuri naman ni Abdullah Balindong, Provincial Agrarian Reform Program Officer, ang mga ARBO sa kanilang pagbibigay ng kasiguruhan upang mapangalagaan at mapahusay ang paggamit sa mga makinaryang pangsaka na kanilang tinanggap.

“Ang patuloy na maayos na takbo ng mga makinraya ay para sa inyong sariling kapakinabangan at sa buong organisasyon. Sa parte  naman ng DAR, siniseguro naming patuloy ang suportang ibibigay namin para sa pagpapabuti sa aming mga ARBO,” aniya.

###