Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo by Connie Sison (GMA 7 – Unang Hirit)

Event Media Interview

SISON:  Spokesperson Panelo, magandang umaga po sa inyo.

SEC. PANELO:  Good morning, Connie.

SISON:  Sa kabila po ng pagkalas ng Pilipinas desidido na raw ang ICC na mag-imbestiga pa rin sa war on drugs, ano po ang tugon ng Palasyo rito?

SEC. PANELO:  Ibig sabihin nilalabag niya ang kanyang sariling Rome Statute. Sapagkat sa ilalim ng Rome Statute, assuming na tayo ay kumalas—sapagkat from the very start, ang aming posisyon diyan ay hindi tayo napasailalim ng ICC mula’t-sapul sapagkat iyong Rome Statute ay hindi naman naipatupad sa ating bansa sapagkat ito ay hindi nailathala sa isang pahayagang pambansa o sa Official Gazette. Ang ating Saligang Batas ay nire-require ang pagsasa-publiko ng isang batas bago ito maipatupad.

Pangalawa, assuming na tayo ay napasa-ilalim, assuming na nag-withdraw, sapagkat actually iyong ating ipinadala sa kanilang sulat hindi naman effectively withdrawal iyon. Ang ibig lang sabihin natin sa kanila noon, eh hindi kami nasa ilalim ng inyong jurisdiction mula’t-sapul. But assuming na tayo ay napasailalim, assuming na na-withdraw, hindi maaring ipagpatuloy iyang ginagawa nilang preliminary examinations. Sapagkat sa Rome Statute, ang nakalagay doon, kung naumpisahan ang preliminary investigation bago kumalas ang isang state party ay puwede nilang ipagpatuloy, eh ang problema ngayon eh wala namang preliminary investigation na naumpisahan, preliminary examination pa lamang.

So, kung ituloy nila ang ginagawa nila, ibig sabihin, nilalabag nila ang kanilang sariling batas, which will only validates, mapapatotohanan lamang iyong suspicion ng lahat ng mga  kumalas sa ICC at ayaw maging miyembro na itong mga sa ICC ay pinapatupad lang nila iyong kanilang political persecutions sa mga heads of states at nilalabag nila ang kasarinlan ng mga bansa.

SISON:  All right. Sir, sa gitna po ng isyu ng mga patayan, sinabi rin ho ng presidente ng Law Asia na may epekto daw sa kumpiyansa ng investors ang isyu ng rule of law, maging nitong extra judicial killing sa Pilipinas. Ano ho ang masasabi ho ng Palasyo sa mga investor naman?

SEC. PANELO:  Ay hindi po totoo iyon. Sapagkat sinasabi nga ni Secretary Lopez nung sila ay umatend ng mga forum where nandoon lahat ang mga kinatawan ng malalaking mga investors, ni minsan daw ay hindi lumabas iyang isyung iyan. Pangawala, sinasabi rin nila Secretary Sonny Dominguez at sila Secretary Ernie Pernia, iyon ngang investment ng foreign ay napakalakas ngayon at mataba, kaya’t we even surpassed the investments previously.  Ngayon nga ang pinakamaraming foreign investors sa ating bansa, hindi totoo iyang sinasabi ng mga naririyan sa Law Asia, kulang sila sa research.

SISON:  Sa iba pa pong isyu, particular na itong problema sa tubig ano. Kinukuwestyun po ni Vice President Leni Robredo kasi iyong pagpapatayo po sa Kaliwa Dam. Bakit daw kailangan pondohan pa ito ng utang mula po sa China. Ano ho ang reaskyon ninyo diyan?

SEC. PANELO:  Eh unang-una, hindi pa naman sigurado iyon, dahil iyong problema yata doon sa—teka muna medyo yata. Ano ang tinatanong mo iyong Chico Dam?

SISON:  Iyong sa Kaliwa Dam po ano. Di ba sa Quezon ho, ang sinasabi nga, may mga tumututol diyan mga environmentalist and of course itong sinabi rin ho ni Vice President Robredo, bakit hindi na lang gawin na private partnership na lamang para wala hong ilabas na pondo pa mula sa gobyerno?

SEC. PANELO:  Unang-una, hindi pa tayo nakakasiguro kung matutuloy iyan, sapagkat marami ngang kumokontra, pinag-aaralan pa iyan. Pangalawa, iyong problema natin sa water crisis eh makikita n’yo naman, di ba nagpalabas si Pangulo ng direktiba na gawan ninyo ng paraan iyan; tapos sinasabi nung MWSS administrator ay hindi raw doable and yet look at them, it’s now 90%. Ibig sabihin ay talagang walang crisis, nagkaroon lang ng mismanagement, that is why meron ngang executive order upang tugunan ang lahat ng mga issues na na-raise diyan at pina-finalize iyong executive order upang hindi na tayo magkaroon ng ganoong problema.

SISON:  All right. Thank you very much sir for your time.

SEC. PANELO: Salamat po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource