Interview

Cabinet Report sa Teleradyo – COVID-19 Special hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar with Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez, Jr.

SEC. ANDANAR: Kahit gaano kaganda ang plano, kapag hindi na-operationalize, bale-wala sa laban ng bayan kontra COVID-19. Ang gumagawa ng policy ay ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o IATF-EID. Ang operations naman ay ang National Task Force COVID-19 at ang inatasang Chief Implementer nito, ang Ground Commander so to speak ng ating war on COVID-19 ay kasama natin ngayong gabi. Siya si Retired AFP Chief of Staff and concurrent Presidential Adviser on the Peace Process, Secretary Carlito Galvez, Jr.

Sec., you are a man of war and peace – from the battlefield to the peace process and now fighting the strangest of wars, one against unseen enemy and an enemy that is imbedded deeply among us.

Diretso na tayo, unang tanong po. Linawin po natin para sa taumbayan, ano po sa simpleng salita itong National Action Plan?

SEC. GALVEZ: Ito pong National Action Plan po natin, ito iyong strategy po natin kung paano natin mapuksa po iyong COVID at mapanalunan po natin ang ating laban sa pandemic crisis na hinaharap natin ngayon. So ito po iyong paraan kung paano po natin malulusutan itong crisis po na ito. So ito po iyong tinatawag nating ends, ways and means.

SEC. ANDANAR: Okay. At related to the National Action Plan, ano naman po ang trabaho ninyo bilang Chief Implementer nito and how does your work differ from the work of the IATF?

SEC. GALVEZ: Ito pong Chief Implementer, ito po iyong nagpapatupad nang lahat ng mga polisiya na ibinaba po ng IATF. At ako po ay binibigyan din po sometimes na diretso na kautusan galing po sa ating Presidente. So kung titingnan po natin ang organizational structure natin, ako po iyong pang-number 3. Si General Lorenzana po ang pinaka-Chair ng National Task Force COVID, ang ating Vice Chair ang ating SILG at siya po ang humahawak ng lahat ng mga puwersa ng PNP at saka ng LGUs. Ako po ang humahawak po ng tinatawag na ‘battle stop’, iyong tinatawag na national incident command post or iyong tinatawag nating—ako po ang nagmamando sa araw-araw na ginagawa po ng National Task Force COVID.

SEC. ANDANAR: Okay, that’s clearer now. At kaka-announce lang po na mayroon na ring COVID-19 Regional Task Group. Ano po ang specific mission order nila, sir?

SEC. GALVEZ: Ang ano po nito ay dapat ma-localize po natin ang fight, kasi dapat po ang national at saka iyong local governments, they are working hand-in-hand. At nakikita po natin kasi iyong affectation po sa iba, sa baba, iba-iba po. Nakita po natin sa NCR, sa regional, matindi po dito sa Manila ang affectation and then susunod po iyong Region III at saka iyong Region IV.

So iyong ginagawa po ng Regional Task Force, sila po ang nag-i-integrate at saka siya ang nagsi-synchronize nang lahat ng action ng mga probinsiya, ng munisipyo at saka po ng mga barangay. So ito po ang nagpapatupad sa localized natin na ECQ. Sila po ang talagang nagpapatupad nang lahat ng mga direktiba na ginagawa po namin dito sa National Task Force COVID.

Nagkaroon kami ng meeting ng MMDA, so ang MMDA po ngayon ay naggawa po siya ng inter-agency task force. Siya po ngayon ang magiging parang gabay na tutulong sa logistics at saka sa operational requirements po ng mga ating labingpitong siyudad dito po sa Metro Manila. so iyon po ang ginagawa niya, na siya po ang regional, siya po ang nagmamando at nag-o-orchestrate, nagsi-synchronize at nag-i-integrate at nagsu-support po doon sa mga provincial at mga munisipyo.

SEC. ANDANAR: One of the early statements made in relation to the National Task Force COVID-19 is that one of its focused areas will be logistics and resource management. Please explain this to us. Siguro magsimula tayo sa definition ng terms, your definition of logistics and resource management; then perhaps move to why logistics and resource management are key areas of focus ng National Task Force.

SEC. GALVEZ: Ang logistics, in terms of logistics, kung paano mo ima-manage iyong ating mga deployments, paano mo susuportahan ang mga pangangailangan ng ating mga units in terms of transportation, in terms of support na supply at saka tinatawag po natin, iyong mga resources, iyong funds na kailangan na ma-generate natin katulad ng amelioration program. At the same time iyong mga tinatawag natin, iyong food production, ensuring food security at saka iyong tinatawag nating essential utilities na kailangan po hindi po mapuputol iyon at iyon po ang magus-sustain sa ating operation.

So basically kung titingnan natin, in war, it is really a battle of logistics. Kung makikita natin sa World War I and World War II, may mga natalo na mga great powers because of they were not able to sustain their fight. They were not able to mobilize forces, they were not able to sustain the logistics.

So ganito rin po ang COVID, napaka-heavy po ang logistics kasi nakita natin ito, iyong tinatawag nating mga… ginagamit ng ating frontliners, iyong PPE, kailangan kabisado mo na lahat ng gagamitin nila araw-araw mayroon kang tinatawag na strategic stockpiling at saka iyong lahat ng mga pangangailangan ng mga units ay nakikita mo.

SEC. ANDANAR: Okay. Sa araw-araw na pakikipag-usap ko sa mga governors at mayor sa bansa, I can attest to the fact na ang ating pagiging isang archipelago has its pros and cons, being comprised of more than 7,100 islands make it a logistical challenge to deliver what many people, particularly ang mga kapwa Pilipino po nating lubos na nangangailangan – pera, pagkain, goods, medicines, healthcare, supplies and services. Ano po ang ginagawa natin to address these logistics challenge?

SEC. GALVEZ: Ang ginagawa po natin, nagkakaroon po tayo ng tinatawag na decentralization of operation. For example sa Mindanao, iyong bawat region, sila ang nagkakaroon ng parang awtonomiya na mag-produce ng kani-kanilang mga resources. Kung kulang sila ng mga resources at saka mayroon silang pangangailangan, nagdi-deploy po kami ng ating C-130 at saka mga aircraft and also mga sea craft para iyong mga logistics na kailangan nila ay napagkukunan.

So ang ginagawa po natin, nagkakaroon po tayo ng mga regular flights schedule, at the same time iyong ating tinatawag nating coordination with the degree commander, mas madali po. Talaga po kung tutuusin, iyong ating tinatawag na pagiging archipelagic is a geographic logistical challenge. Pero mayroon din po iyang advantage kasi mas madali po nating ma-contain ang virus kaya nga nakikita natin very ano po tayo, very thankful na because we are in a—we’re separated, puwede natin—madali nating ma-contain. Kasi kung land lock tayo katulad ng NCR, land lock, madali pong kumalat sa Region IV at saka po doon sa Region III. Pero iyong sa Mindanao at saka iyong ibang mga islands, nakikita natin sa kanila, wala pang contamination because they are already—iyong tinatawag nating geographical lockdown.

SEC. ANDANAR: Okay. So mayroong pros, mayroong cons, may advantages, may disadvantages at iyon na nga ang napag-usapan namin, nila ni Bulacan Governor Daniel Fernando, si Marinduque Governor Presbi Velasco at si Governor Ayec Pimentel. Iyong kanilang geographical location has probably helped them and helped their places na hanggang sa ngayon ay very minimal po, kung hindi zero iyong affected nitong COVID-19.

A few days ago, you cited Baguio City, Davao City, CARAGA Region as being role models. Halos lahat po ng mga LGUs na iyan ay nakausap na rin natin and I agree with you na role model sila. Papaano po sila naging role model para sa inyo, Secretary Galvez?

SEC. GALVEZ: One is leadership, nakita natin iyong LGU, mayroon siyang tinatawag na leadership at saka nag-standout siya talaga na pinamunuan niya ang kaniyang mga constituents. Second iyong creativity in order to solve the problem. Nakita natin si Gen. Magalong, nag-massive ano siya, tinatawag nating massive testing. Ang ginawa niya, hindi pa siya nakuntento sa PCR testing, gumamit pa siya ng rapid testing. Hindi pa rin siya nasiyahan, gumamit pa rin siya noong tinatawag nating ano, iyong CT scan.

So pagti-testing ng virus, tatlo ang kaniyang ginagamit at napakaganda ng ginagawa niya kasi ginagamit niya pa rin iyong artificial intelligence. Ginamit niya iyong kaniyang expertise sa CIDG para ma-investigate at magkaroon ng tinatawag na very aggressive tracing, contact tracing ng mga suspect natin na carriers.

Nakita naman din natin doon sa Davao, ang kagandahan sa Davao, nagkaroon ng collections decision ang buong region so iyong leadership ng mga governors at saka nila Mayor Sara, nakita natin nagkaroon sila ng tinatawag na unified collective actions against the intrusions of possible foreign o tinatawag na import carriers. So nakita natin na kahit na masira iyong ekonomiya, kahit na medyo mag-suffer ang ekonomiya ay binigyan nila ng pagkakataon na iyong human protection at saka iyong health at saka tinatawag na safety ay binigyan nila ng tinatawag na more decisive consideration rather than iyong tinatawag nating economic continuance ng mga ano natin po doon sa Davao.

And then ganoon din po iyong ano, iyong sa—sa Valenzuela, sa ating Mayor Gatchalian, very aggressive po ang kaniyang testing. Nakita natin, isa siya sa pinakaunang nagkaroon ng mass testing ng PUM. At kare-report niya nga lang po sa amin na iyong PUM na akala natin ay mga ano lang po, ngayon out of 60, lima po ang naging tested positive.

SEC. ANDANAR: Okay. Secretary Galvez, the same local government chief executives na nabanggit po ninyo, si Mayor Gatchalian, of course mayroon siyang sarili nilang testing centers at hindi rin natin maidi-deny na they also have the resources to that. Pero there are governors that have also spoken to, the same governors – sila Daniel Fernando, sila ni Gov. Velasco, Gov. Dale Corvera ng Agusan Del Norte… at ang sinasabi po nila ay they need more testing centers.

Now, will more testing centers and quarantine facilities across the country be made operational in the next few weeks, sir?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po, ang operational po natin na testing laboratories is 15. Naaprubahan na po iyong limang malalaking ospital, na civilian hospital dito po sa Manila at tinitingnan din po nila, ini-evaluate din po nila ang Zamboanga at saka iyong labinlima na nasa stage 5 na po. Ibig sabihin kapag stage 5, malapit na po silang maging fully accredited; kailangan na lang po iyong proficiency.

So sa ngayon nakita natin pati iyong Marikina naging issue ‘yan, pero ang nakita natin ngayon, ginagawa na po ng RITM ang kanilang magagawa para at least mapadali po ang tinatawag na accreditation ng mga tinatawag nating nag-apply ng testing laboratories. Nagkaroon ng pulong ang AITF at nandoon din po si Director Carlos. I would like to thank the RITM, alam natin na since day 1 napakahirap po ng ginagawa nila at exposed din po sila sa virus; at nakikita rin po natin na 24/7 nagtatrabaho po sila.

SEC. ANDANAR: Secretary Galvez, isa sa mga naunang balita ay tungkol dito sa carrier centric approach anchored on what you described as detect, isolate, treat operational methodology. Ano po ibig sabihin nito, sir?

SEC. GALVEZ: Ang ibig sabihin natin, iyong sinasabi nga ni Presidente na—si Mayor Duterte, ang sinasabi niya na “Our enemy is unseen enemy.” Ang pinaka-challenge natin doon ay i-reveal natin iyong unseen enemy na iyon. And normally iyong unseen enemy na iyon nandoon sa mga PUIs at saka mga PUMs, iyong mga nagkaroon ng contact with the COVID positive patients. So ang gagawin natin doon kung mati-test natin nang massively itong mga PUIs saka PUMs, ang mga enemy natin na unseen magiging seen na. Ibig sabihin, madi-detect na natin sila, maa-isolate and then mati-treat.

Sinabi po ng maraming doktor na kapag once na-detect mo nang maaga ang kanilang karamdaman ay madali rin po nating malulunasan. So meaning, kapag once na-detect mo silang positive, puwede na tayong magkaroon ng tinatawag na early intervention. At kapag nagkaroon po ng early intervention, hindi na po natin kailangan ng ventilators.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon Secretary Carlito Galvez, Jr. Mabuhay po kayo sir, nawa’y magtagumpay po tayo sa ating laban kontra COVID-19.

SEC. GALVEZ: Maraming salamat po at magpapasalamat po tayo sa ating Pangulong Rodrigo Duterte, at iyong lahat ng kailangan po ng National Task Force COVID ay binibigay niya po, pati po iyon mga additional na amelioration program para sa ating mga mahihirap at mga middle class.

SEC. ANDANAR: Sumainyo na naman po ang isang episode ng Cabinet Report sa Teleradyo, COVID-19 Special. Magkita-kita po tayong muli sa susunod na linggo para sa isa na namang makabuluhang talakayan para maiparating pa natin ang mga mahahalagang impormasyon sa taumbayan.

Ito po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar, nag-iiwan ng isang magandang gabi sa inyong lahat at basta’t laging handa, sama-sama, kaya natin ito.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)